CHAPTER 2
Klien Vincent Dela Vega
Kinabahan akong tumingin sa labas ng kotse na sinasakyan ko, di ko alam kong baba ba ako o hindi nandito kasi kami sa tapat ng St. Micheal Academy at ngayon ang unang araw ng pasukan ko bilang first year Highschool sa bago kong school.
Pinalipat kasi ako nila daddy dahil binubully ako sa dati kong school at dito nalang ako pinag aral kasama sila kuya gabby at kuya Tyronne.
"Klien ano na? di ka parin ba baba?" tanong ni kuya tyronne.
"Eh kuya natatakot ako" sambit ko, natawa naman si kuya gabby ang panganay namin.
"Ano ka ba klien nandito naman kami kaya for sure di ka mabubully okay? tara na!" sabi niya at tuluyan nang bumaba nasa front seat kasi siya kasama ang driver at kami naman ni kuya tyronne ay nasa backseat.
"Oo nga sige na baba na! malalate ka pa sa klase mo eh" sabi naman ni kuya tyronne.
Fourth year highschool na si kuya gabby at si kuya tyronne naman ay 3rd year isang taon lang kasi ang agwat nila sa isa't-isa samantalang ako muntik na daw na hindi mabuhay dahil nga may edad na si mommy nung pinanganak ako.
"Oh dito ang room mo ha?" sabi ni kuya gabby ng habang nakatayo kami sa pinto ng room, napakapit naman ako sa pulo niya dahil natatakot ako.
"Klien ano ka ba? kaya mo na yan"
"Hey there Mr. Dela Vega siya na ba yong kapatid mo?" tanong ng babae na galing sa loob ng room kitang-kita ko ang mga magiging kaklase ko at nakaramdam kaagad ako ng hiya kaya't nagtago ako sa likuran ni kuya gabby.
"Yes maam hehehe pasensya na po ah medyo nahihiya sige na klien papasok na ako" hinila ako ni kuya at wala na akong magawa kong di sumunod.
"You will be okay Klien sige na" naka pout ako na lumapit sa harap ng magiging teacher ko.
umalis na si kuya gabby.
"Come here masaya dito, okay class MagKakaroon kayo ng bagong kaklase!" sigaw ng teacher ko tinignan ko isa-isa ang mga kaklase ko at dumapo ang tingin ko sa likuran kong saan may matabang lalaki na sinasakal yong katabi niya.
Nakakatakot siya dahil naalala ko sakanya yong nambully saakin sa dati kong school.
"Mr. Davis!" tumigil naman ito at umupo na pero mukhang galit parin dun sa kaklase niyang sinasakal.
"Okay come with me" sambit saakin ng teacher at pumunta kami sa harapan.
"Okay class magkakaroon kayo ng bagong kaklase." tumingin saakin yong teacher.
"Sige na magpakilala ka na" nakangiti niyang sambit kaya tumingin na ako sa mga kaklase ko.
"Hi im Klien Vincent Dela Vega" nahihiya kong pakilala at pagkatapos ay inutusan na akong umupo ng teacher kaya't humanap ako ng mauupuan sa bandang gitnang row katabi ang isang lalaking nakatitig saakin.
Medyo kinabahan ako dahil para siyang nakakatakot tumingin.
"Okay class magsimula na tayo."
"Klien ano naman ba ang nangyare sayo?" nabalik ako sa huwisyo ng magsalita na si kuya tyronne nandito ako sa office niya at for sure nakarating na sakanya ang nangyare sa conference room kanina.
Umupo ako sa Upuan sa harap ng table niya.
"Kuyaaaaaaa di ko na kayaaaaaa huhuhuhu" parang bata kong sambit habang naka-upo sa upuan.
natawa naman siya saakin.
"Hay naku! para kasing kanina mo lang nakasama si daddy para mag ganyan ka! tignan mo ako sanay na sa ugali nun" sabi niya.
umayos ako ng upo.
"Kasi naman eh! okay naman yong proposal ko! pero bakit di niya nagustuhan? like damn! pinagpuyatan ko yon tapos nag research pa ako tungkol dun pero wala parin!" reklamo ko, ganito talaga ako makipag usap sakanya dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko lagi.
Si kuya gabby kasi nasa new york dun siya naka base sa kompanya namin doon at kami ni kuya tyronne naman ang nandito.
"Hay naku sige na yong susunod mong gagawin pakita mo saakin para matulungan kita at tama nang kadramahan yan sige na" ngumisi naman ako at tumayo.
"Nice naman! salamat kuya muaah!" natatawa kong sambit napailing nalang siya at nag sign na lumayas na ako sa harapan niya.
Bumalik na ako sa loob ng office ko at umupo.
Ano pa bang magagawa ko? edi revise nanaman!
Umupo ako sa upuan ko at inalala ulit kong paano nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Benjo.
Mag isa lang akong nakaupo dito sa canteen dahil di ko mahagilap kong nasaan sila kuya ayaw ko sanang lumabas ng room kanina pero wala akong choice.
Binuksan ko ang baon kong binake ni mommy.
My favorite Muffins, nakaramdam kaagad ako ng gutom ng makita ko ito kaya kaagad akong kumain. nasa kalagitnaan ako ng pang ngunguya ng may humampas ng mesa ko.
Iniangat ko ang tingin ko at napaurong ako ng makita ko ang mukha ng mataba kong kaklase na masamang nakatingin saakin at may kasama pa siyang dalawang kaibigan sa likod.
"A-anong kailangan mo?" natatakot kong tanong sakanya.
"Ikaw yong bagong salta dito diba?" maangas niyang tanong saakin, napalunok naman ako. patay naman ako nito! nasaan ba sila kuya? natatakot ako!
"Ah eh a-ako nga bakit?" tanong ko, nakatingin na saamin yong nasa ibang table.
"Akin na yang pagkain mo ako ang boss dito-
*Boogsssh*
Biglang nagtawanan ang mga nasa paligid ng biglang tumumba yong matabang lalaki.
"Tabi!" napanga-nga naman ako dahil nasa harapan ko ngayon yong lalaking katabi ko kanina na masamang nakatingin saakin.
at siya ang tumulak sa matabang lalaking iyon.
"Aray" reklamo ng batang mataba at tinulungan naman siya ng dalawang kasama niyang tumayo.
"Hoy ikaw?! wag kang mangingialam dito ah! sino ka ba sa tingin mo ha?!" galit na sigaw ng matabang lalaki sakanya ngunit imbes na matakot au ngumisi lang siya.
"Pakialam mo?" lumapit siya sa harap ng matabang lalaki at nakipag sukatan ng tingin.
"Sino ako? eh ikaw sino ka ba? baboy! layas! ampangit mo!" nagtawanan naman yong mga studiyante sa paligid.
"Humanda ka saakin! di pa tayo tapos pakialamero!"
"Talaga ba? takot HAHAHAHAHAH baboy!" at sa sobrang kahihiyan ay umalis na yong batang mataba.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil dun, tumingin naman saakin yong lalaki at umupo sa tapat ko.
"Ikaw?" turo niya saakin.
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"Sino pa ba? may utang ka sakin" nakasimangot niyang sambit at inilabas ang baon niyang pagkain.
"Huh? ano?" tumingin siya saakin at sa pagkain ko. nagets ko naman siya.
"G-gusto mo ba?" tanong ko, ngumiti naman siya at tumango.
yon naman pala eh! binigay ko sakanya ang isang muffin.
"Ang sarap! sinong gumawa nito?" tanong niya at halos di na maintindihan ang sinasabe niya dahil puno ang bunga-nga niya.
"Si mommy binake niya yan" nakangiti kong sagot. tumango-tango naman siya.
"Ako nga pala si benjo" sabi niya sa gitna ng pagkain.
"Ako si Klien" sagot ko naman.
Simula ng araw na yon ay nag uusap na kami ni benjo at nalaman kong Benjamin Louis Buenavista ang pangalan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro