Untold Story #5
Untold Story 5
Kyst's POV
Hawak-hawak na ni Hames ang kwelyo nito at handa pa sanang sumuntok pang muli subalit natatawang nagsalita si Zed.
"Nasaan ba kayo noong mga panahong iyak siya nang iyak habang kayo'y kumakain sa café kasama ang taong pakiramdam niya'y sumira ng buhay niya?" Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Hames sa kaniya.
"Nasaan kayo no'ng mga panahong basang-basa na siya ng ulan dahil pinaalis niyo?"
"Nasaan kayo noong mga panahong nanakawakan siya at muntikan nang hindi makauwi? 'Yong mga panahong takot na takot siyang umiiyak sa kalsada dahil hinabol ng ilang hindi kilalang lalaki? Ah! Oo nga pala! You're having a party in Milliana's house!" Humalakhak pa ito habang nakatingin sa amin. Pare-pareho kaming nahinto sa sinabi nito.
"What?" Napaawang ang labi ko roon habang si Hames ay natulala na lang din nang mabitawan niya ang kwelyo nito.
Tumawa pang muli si Zed habang nakatingin sa aming lahat.
"Of course hindi niyo alam kaya sino kayo ngayon para magalit nang ganiyan? I just give her a gift." Para pa itong nasisiraan ng bait.
Si Reed ang naunang nakabawi kaya siya ang una niyang nasuntok. Nahila na rin kami palabas ng bar ng ilang bouncer. Tanga rin. Kanina pa kami nandoon, saka lang naisipang paalisin.
"I won't even fucking going to say sorry if I'll take vengeance on that stupid cousin of yours, Reed," sambit ko kay Reed.
"Don't worry, naunahan na kita. I already told Tito about what he did. If they won't punish him, I will," seryoso niyang saad kaya napatango ako.
"Dapat lang," ani ko.
We are so fucking mad about what happened pero mas lalo lang talaga si Hames.
"Where's Hames?" tanong ko kay Reed na siyang nilingon din ang kinatatayuan ni Hames kanina.
"Convenience store I think," saad ko bago nagtungo sa convenience store na madalas naming puntahan ni Hames. Nahinto lang ako nang makita kong naroon si Milliana.
"I found him, Reed. Ready your condo unit," sambit ko kay Reed mula sa kabilang linya. Pareho naming alam na kailangan mag-inuman ngayong araw.
Naglakad na ako palapit kay Hames na siyang kausap si Milliana. Milliana was just smiling but in the verge of crying while Hames was looking blankly at her.
"I already clean your sister's name and your name. I already send money for your father's debt. Let's just distance ourselve to each other now," ani Hames kay Milliana na siyang malungkot lang na nakangiti.
"Are you ending things between the two of us when we didn't really started anything?" natatawang tanong ni Milliana subalit nangilid na rin ang luha mula sa mga mata.
"But still... I'm thankful that I met you... That I manage to be happy just by a short period of time... Thank you, Hames..." ani Milliana. Why does it sound like they are breaking up? As if they won't see each other after this.
"Sana... Sana hindi ka na lang dumating sa buhay namin," malamig na saad ni Hames bago tinalikuran ang napatulalang si Milliana.
Napaawang ang labi ko roon. It's not really Milliana's fault that things happened. But I feel like it was supposed to be her who should think that she shouldn't meet us. I know. I know na nagkakasakitan lang kaming lahat. Sonata is hurting but that doesn't mean that Milliana isn't. Hames looks like he doesn't care about Sonata but that doesn't mean that it was the real case. And even the asshole Gael probably have some burden he was carrying. Everyone has a story to be told.
If we just all meet in a nice way, maybe things will not be the same.
"I'll drive," sambit ko kay Hames na siyang napatango lang din. He knows he can't drive when all of the emotions are mixed up. Pareho lang kaming tahimik.
Tulala lang din naman kasi siya at ayaw magsalita. Kahit na pa ayaw nilang dalawa ni Sonata, they are just really the same. Magkapatid nga talaga sila.
Nang makarating kami sa condo ni Reed, agad niya rin kaming inanyayahan na pumasok. Handa na nga ang lahat. Kompleto na pati pulutan.
Nagtatanong si Reed gamit ang mata. Tangina rin talaga ng isang 'yan, eh. Pasimpleng chismoso lang. Kunwari'y wala lang pero nakikinig din talaga sa usap-usapan.
Nang magsimula ang inuman ay kaniya-kaniya na rinh labasan ng sama ng loob.
"As much as I fucking want to punch Zed's face, he's right. Damn it! I'm Sonata's brother but I didn't even know that she's already having a hard time. Tangina. Something happened to her while I'm fucking having fun. Putangina." Malutong ang mga mura ni Hames bago siya napahilamos na lang ng mukha.
"No need to hide your real emotion. It's okay to cry. Sino bang tangang nagsabing hindi pupuwedeng umiyak ang lalaki?" saad ko sa kaniya. I know that he's also suffering right now. Naluha na lang din ito subalit iniwas din ang tingin sa amin.
"I just want to protect the two of them... Bakit ang hirap gawin?" tanong niya pa. We were just listening while he was saying his real emotion.
"I don't want Sonata to hurt Milliana but fuck... I was already hurting my sister... Sa kagustuhan kong protektahan ang isa, nasasaktan ko na siya... How can I be this selfish? I was having fun while my sister is suffering..." sambit niya na napapikit pa. We are just listening to him.
"You ended your thing with Milliana?" tanong ko kaya napatingin din ang chismosong si Reed. Natawa lang nang walang kabuluhan si Hames. Unti-unti nga lang nawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Milliana is like a rule that I want to violate... Someone I wanted but can't have..." he said habang tulala lang na nakatingin sa kawalan.
"We didn't really start anything but why the fuck this shit hurt?" tanong niya na pinalis pa ang luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata. We didn't say anything at all. Tahimik lang kaming lahat habang tumutungga ng alak.
"I you are a woman, you are already pregnant now," sambit ko kaya napatingin sila sa akin habang kunot ang mga noo.
"Huh? Pinagsasabi mo riyan?" tanong nila na kunot ang noo sa akin.
"Lasing ka na, tanga," ani Hames sa akin.
"Because life fuck you so hard," sambit ko kaya binato lang ako ni Reed ng walang laman na can beer.
"Parang tanga ampota," anila sa akin subalit bandang huli'y natawa na lang din.
"What about you, Kyst? Won't you make a move to Nat now? Hihintayin mo na naman bang makahanap siya ng iba bago ka kumilos?" tanong sa akin ni Reed. Masamang tingin agad ang ibinigay sa akin ni Hames.
"Stop thinking about shits like that. My sister already got a lot of trauma with boys even with myself. Tama na muna. Pagpahingain niyo naman sa sakit ang kapatid ko," aniya kaya nangisi na lang ako bago napailing.
"I won't do that. Sonata is too precious to be mine. And I just genuinely want her to heal right now," seryoso kong sambit. I just really want to be a shoulder that she can cry on.
I thought I can do that pero bigla na lang 'tong nawala kinabukasan. Ayaw pang sabihin ni Tita kung nasaan ito. Pero sa huli'y sinabi rin ni Tita na nasa Pampanga ito at gusto munang manatili roon for a while. Even if I wanted to talk to her and comfort her, sinubukan ko na lang din munang bigyan siya ng oras oara makapag-isip-isip. It's sembreak kaya napagdiskitahan ko rin na hanapin ang mga lalaking tinutukoy ni Reed.
Medyo malayo sa kanto nina Milliana kung saan nakatira ang mga 'yon. Napanguso pa ako nang makita ang kotse ni Coco na siyang malayo-layo rin sa kanto nina Milliana, kumpara sa eskinita nina Milliana, medyo nakakatakot kung nasaan ang kotse ni Coco. May mga taong nagsusugal, umiinom at may ilan pang nagtatalo. Ilang parte rin ng kotse ni Coco ang wala.
So this is the reason why I don't see her using her car. Sa sobrang takot niya rin ata'y hindi na niya nabalikan pa. I just don't want to bring it up to Coco. Alam kong magkukwento rin 'yon kapag handa na siya.
Milliana transfer school habang si Coco'y madalas na iniiwasan lang kami. Until she just finally show her real emotion. Iyak lang sila nang iyak habang nasa bahay nina Coco. I was just watching them all. I'm glad that she finally said what she really want to say.
After what happened, she tried to change. If she really doesn't like something she'll say it nicely. Pwera lang sa akin. Ewan ko ba. Palibhasa'y alam niya rin kung paano ako kunin.
"Galit ka?" malambing na tanong niya.
"Hindi. Masaya ako. Tignan mo nga ang mukha ko, puwede nang pamalit sa rebulto sa sobrang lapad ng ngiti ko," ani ko kaya tumawa siya.
"Parang stupid naman kasi. Why did you give me the chicken skin? Mukha ba akong baboy na tiga-kain ng tira mo?" reklamo niya sa akin. Napangiwi na lang ako dahil nagtatalo na naman kami dalawa.
"That's a love language for the other people!" sambit ko.
"Saan mo na naman nakita 'yan? Sa tiktok? Tigil-tigilan mo kasi 'yang kakakaldag mo doon, tignan mo kung ano-ano nang nalalaman mo," aniya pa sa akin kaya inirapan ko siya. I didn't say anything anymore at sumimsim na lang sa inumin ko. Minsan na nga lang kami lumabas, ganito pa ang ganap.
"That's for other people kasi. You like chicken skin, I genuinely appreciate the thought and I know that's your way of telling me that you love me too but you know that I don't like it at all. I don't like chicken skin. You don't have to sacrifice that for me. And you already gave me your mashed potato. I'm already happy with that," she said na ngumiti pa sa akin. Napanguso ako roon. Right she doesn't really like toated things.
Pinitik ko rin ang noo niya.
"You can say it nicely naman pala pero hilig mo pang magsungit," ani ko na napailing pa.
"Of course! I want you to make lambing din! Nakakainis kaya na lagi mo lang akong binabara." Umirap pa siya kaya hinalikan ko lang siya sa noo.
"That's our love language though." Napatawa pa ako. Hahalikan ko pa sana ulit siya subalit malakas na busina ang nagpatigil sa akin. Kulang na lang ay banggain kami ni Hames na siyang lumabas sa kaniyang sasakyan.
Agad namang umirap si Coco nang makita ang kaniyang kapatid na may hawak na bulaklak, mukhang patungo sa bahay nina Milliana.
"Oh, hindi ka pa basted? Sayang," she said kaya inirapan lang siya ni Hames bago kami tinaboy.
Sonata is still a villain in Milliana's story but not really the ruthless one now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro