Untold Story #4
Untold Story #4
Kyst's POV
"Baka kaya hindi ka kinakantahan ng Sun and Moon kasi mukha kang araw, Coco?" tanong ko kay Coco na siyang masama lang ang tingin sa gawi nina Milliana at Gael habang tinuturuan ni Gael si Milly na mag-gitara. I want to tease her dahil parang tangang iritado lang ang mukha. Laging pinagsasakluban ng langit at lupa ang isang 'yan.
"Mukha ka ngang bungang araw, sinabi ko ba?" tanong niya na masamang tingin ang ibinigay sa akin.
Badtrip na naman siyang tumayo. Lalapitan ko na sana siya subalit lumabas na rin at tinawagan na naman si Zed.
"Is Zed really your bestfriend?" tanong ko kay Reed na siyang nagyoyosi sa labas. Napatingin siya sa akin bago ako nginiwian.
"No. I keep on telling Hames that he should fucking take her sister away from that jerk." Parang may sama pa siya ng loob doon kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo.
"That asshole plays with people as if they are his toys. He's my cousin. A spoiled one." We really tried to get Coco away from that jerk pero dahil hobby ni Coco ang magtanim ng sama ng loob, talagang sa amin pa nagagalit.
"Why would I? Sinubukan ko rin naman kayong makipagkaibigan diyan sa babaeng 'yan, huh? But what have you done? Mabait sa akin si Zed. He treats me like I'm important not like all of you," she said na umirap pa. Nakasalubong ko pa ang mata niya roon, bahagya siyang na-guilty sa sinabi subalit hindi rin binawi ang mga salita.
Tinapik ni Reed ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang ngumisi pa sa akin. Gago talaga, parang tanga.
That's what happened. Napapadalas din ang pagbabanta ni Reed sa amin na ilayo si Zed kay Coco.
"What happened with that?" tanong ko nang makita ang pasa niya.
"That asshat cousin of mine is just really dangerous. He even fucking hack my computer to fucking say to everyone that he's handsome?" aniya kaya natawa ako. Nakita ko nga ang post nito mula sa facebook account ni Reed, akala ko'y nabawasan na ang sama mg loob niya sa pinsan.
Napailing na lang din ako roon. Panay rin ang pangungulit ko kay Hames na palayuin si Coco kay Zed. Panay naman kasi ang banta ni Reed. Dapat ko na rin sigurong bawas-bawasan ang pagkakape ko.
"You can go if uhh... you're free," ani Milliana kay Hames nang magtanong ito tungkol sa birthday ng kapatid niya.
"Of course I am free," anito na hindi pa maiwasan ang mataranta. Napangiwi na lang ako roon.
"Am I invited too?" tanong ko na nagtaas ng kilay. I just ask but I'll never go. Para lang makabili ng regalo. Paniguradong galit na naman si Coco kung sakali niyan.
And just like what I expected, galit nga talaga ito nang mapag-alaman na pupunta ang ilang kaibigan namin. Kami lang tatlo nina Reed at Ciane ang walang balak pumunta kaya bibili na lang ng regalo. Para kahit doon man lang ay bawi na.
"She's really disappointed that she's not invited... Do you think it's really nice idea to go there?" nag-aalinlangan na tanong ni Hereth sa akin.
"Sa akin ka pa talaga nagtanong? Alam mo na agad ang sagot ko lalo na kung tungkol kay Coco," ani ko kaya napailing na lang siya.
"But if you really want to go, it's fine. Milliana will probably wait for you too," sambit ko na lang. Alam ko na madalas din silang nakakapag-usap ni Milliana ngayon dahil na rin sa coffee shop niya ito nagtatrabaho. And Hereth is really nice with people around her too. I think she likes Milliana now din talaga.
That's what happened, tatlo sila nina Hames at Gael na nagtungo roon habang kami nina Ciane ay hindi nagpunta.
I was planning to hang out on Coco's house at nagluto na rin talaga muna ako bago nagtungo roon kaya lang ay wala siya.
"Do you know where's Coco po?" tanong ko kay Manang.
"Ah, kanina pa umalis, may dala-dalang regalo," aniya kaya napakunot ang noo ko. Nagpunta ba siya sa birthday?
Tinawagan ko si Hames para magtungo roon kung sakaling nagawi nga siya.
"Wala siya rito. Wala siya sa bahay? I think she called me earlier." Nataranta si Hames kaya hindi ko maiwasan ang kabang nararamdaman ko.
Mayamaya lang ay nandito na ito.
"Did you find her?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako roon habang tinatawagan ang mga kilala kung nasa kanila ba si Sonata.
"Kendra said that she's not there. I'll call my asshole cousin," ani Reed. Unti-unti naman kaming nakahinga nang maluwag nang sabihin nitong kasama niya si Coco. Napapikit na lang ako at tila nabunutan ng tinik sa dibdib nang sambitin nila 'yon.
Nang dumating nga lang siya'y masama na agad ang mood. Napakunot nga lang ang noo ko nang makita ko ang paa nito.
"You called earlier?" tanong ni Hames sa kaniya.
"Why would I even call you? Bakit ko naman i-istorbohin ang kasiyahan niyo?" She's being sarcastic but why does she sound like she's on the verge of crying.
"Why are you being a bitch again, Sonata?" Hindi nagustuhan ni Hames ang tunog nito.
"Wow," she said kaya mas lalo ko lang siyang tinitigan. She really had a bad day. I know that for sure. And she's hurting right now. When she said that word, alam ko na agad.
Magsasalita pa sana si Hames subalit nahinto na rin siya kalaunan nang dire-diretso lang sa pagpasok sa loob si Sonata. Ayos na ayos ang postura habang naglalakad. That's it. She really have something she's holding on. Pakiramdam ko'y may nangyaring kung ano lalo na nang makita ko ang sugat mula sa kaniyang mga paa.
Napahilamos na lang sa mukha si Hames dahil bigla ring na-guilty dahil kay Coco.
Imbes na manatiling sa mga kaibigan, agad na rin akong dumeretso sa taas. Nanahimik na rin naman kasi sila pagkarating ni Coco. Agad kong narinig ang hikbi niya. Nakasarado abg pinto at mukhang wala siyang balak papasukin ang kahit na sino. Napasandal lang ako sa pinto habang pinakikinggan ang masakit na paghikbi nito.
"Damn it..." mahinang bulong ko sa sarili dahil gusto ko siyang yakapin nang mahigpit but I feel like she's really slowly closing her door.
Dalawang katok ang ginawa ko. She already know that it's me. My way of telling her that I'm here. Mas lalo lang lumakas ang iyak niya. Ilang oras pa bago huminto ang paghikbi nito. She's probably sleeping now.
Nang bumaba ako'y nakaabang na silang lahat, also worried about her.
"How is she?" tanong ni Hereth. Makikitaan din ng guiltiness ang mukha ngayon. Nangilid na lang din ang luha niya. Pareho rin talaga sila ni Coco na matigas lang sa harap pero iyakin din talaga.
"Damn it. I feel guilty everytime I see her face. When I'm having fun with Milliana I can't help but to remember all the things we do. We're partners in crime... paano kami humantong sa ganito?" tanong ni Hereth na hindi na rin napigilan pa ang mapahagulgol. Hindi rin alam kung dahil ba sa alak.
"I miss Sonata so much. I miss all of us." Humagulgol pa siya lalo. Kahit si Hames na siyang tulala lang kanina'y nangilid na rin ang luha ngayon.
"I wish I was just evil... Gustong-gusto kong kampihan si Nata sa lahat ng laban niya... I just want to be with her side every single time..." Panay lang ang iyak niya kaya mas lalo lang kaming natahimik. Lalo na si Gael na puno't dulo ng lahat ng 'to. Hindi ko talaga tatantanan ng sama ng tingin ang isang 'to.
Matapos nga lang ang araw na 'yon, mas lalo lang lumala ang madalas na pinaggagawa ni Coco kay Milliana. Milliana never really fight with her kaya si Hames lagi ang nakukunsumi rito.
Matapos ang birthday nila, hindi ko alam kung nasaan na silang dalawa kung hindi lang tumawag si Hames.
"Pahatid si Sonata, Kyst," ani Hames sa akin.
"Bakit? Nagtalo na naman kayo?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita roon kaya nagtungo ako sa lugar na sinasabi niya. He was just sitting while hiding from the car. Hindi ko maiwasan ang mapailing habang nakatingin dito. He probably doesn't want to say any hurtful words again kaya ako na ang pinapasabay niya rito.
"How about you? Wala ka nang masasaktan papunta rito. Malayo-layo pa ang sakayan," ani ko. I didn't use my car. Nag-commute lang ako patungo rito.
"Lalakarin ko na," aniya kaya nailing na lang ako. Pareho rin talagang mataas ang pride nilang dalawa ni Coco.
Wala rin naman akong nagawa kung hindi ang hayaan na lang ito. Umiiyak na rin si Coco habang nasa sasakyan. Halos wala nang pakialam sa paligid nang makitang ako na ang nagmaneho.
And then everything happened that really wreck her again.
"What the fuck are you talking about?" tanong ko kay Gael na gago nang makarating sa café, nagkakagulo na silang lahat. Ilang suntok na rin ang natanggap ni Gael kay Hames na galit na galit.
"This fucking idiot just keeps on telling Sonata that she was the one who spread Milliana's sister's video," malakas na sigaw ni Hames.
"Then see it for your own fucking eyes!" malakas na sigaw din ni Gael at halos ihagis pa sa mukha ni Hames ang kaniyang phone. Pinakita niya ang tweet ni Sonata tungkol sa video ng Ate ni Milliana.
"Do you really think that Nata will do that? Tanga ka ba? Sonata will never do such thing." Hindi ko na rin mapigilan ang makisabat dahil kung makapagsalita'y akala mo naman talaga'y kayang gawin ni Sonata ang bagay na 'yon.
"She's not someone who will do things like that so better to just fucking shut up your fucking mouth," seryoso kong sambit. I can't believe they meet Sonata here just to say things like that.
"Sabagay paano mo nga pala makikilala si Sonata kung kailanman ay hindi mo sinubukan. Tanga ka ngang talaga." Isang suntok pa ang pinakawalan ni Hames bago binangga ang braso nito.
"I think I know who did it," ani Reed na kararating lang din tulad ko. Hinihingal pa siya nang ibigay ang isang footage ng cctv. It's his cousin. Ilang mura na agad ang pinakawalan ni Hames.
We get busy for how days investigating about that shit. Mayaman at kilalang tao rin ang pamilya ni Reed kaya hindi basta-bastang magagalaw ang pinsan niya but we really did everything to get the information we all want.
"Are you sure that you won't go to Milliana this time?" tanong ko kay Hames habang sakay ko siya sa kotse ko. Kokomprontahin na si Zed.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na gusto ni Hames si Milliana. Madalas din talaga silang magkasama nitong mga nakaraang buwan. I know that he's really thinking hard right now. Sobrang clouded din ng utak nito. Milliana needed someone too. She also have family problem right now ang sabi ni Hereth. Hindi lang ang sa school ang pinaproblema niya ngayon but we all know that Sonata needed us right now too. And Hames wanted to protect her sister the most.
Hindi nagsalita si Hames at dire-diretso lang na naglakad patungo sa bar ni Zed. Napaawang anv labi namin nang makitang nagkakagulo na rin pala talaga roon dahil nakasuntok na si Reed at Gael sa kaniya. Ilang bouncer ang umaawat nang ilang sapak pa ang natanggap niya sa akin. Ang gago, sarkastiko pang tumawa habang nang-iinsultong nakatingin sa aming lahat.
"Wow! You're acting as if you all care about Sonata now when in fact, no one was really there when she needed someone the most!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro