Untold Story #2
Untold Story 2
Kyst's POV
"Nakatulog na po siya, Tita?" tanong ko kay Tita na nakatingin lang sa pinto ng kwarto ni Coco. Tumango si Tita at malungkot na ngumiti. Iniabot ko lang kay Tita ang isang plastik ng pagkain na binili ko dahil masiyado rin silang napagod kanina.
"Can you check on her?" Tumango naman ako. Alam kong takot lang 'to na mapahagulgol sa harap ng anak.
Mahimbing na nga ang tulog ni Coco nang pumasok ako sa kwarto niya. Kita ko ang make up niyang kumalat na dahil na rin sa kaiiyak. Lumapit ako sa kaniya bago dahan-dahan binura ang make up nito.
Inalis ko lang din ang heels niyang hindi niya naalis. Namamaga na rin ang paa dahil sa matagal na pagkakatayo sa simbahan kanina. Nilagyan ko lang din ng band aid 'yon.
Patungo na ako malapit sa basurahan niya nang makita ko ang wedding invitation na nasa tabi ng camera niya. Hindi niya 'yon napatay kaya papatayin ko na sana kaya lang nakita ko ang vlog niya roon.
"Look who got rejected in the altar today?" Humalakhak pa ito habang nakatingin sa camera. I can't help but to feel numb because her eyes talks a lot. Parang ulit-ulit na nag-rereplay sa utak ko ang Sonata'ng nasa tapat ng simbahan kanina habang naghihintay na balikan siya.
"Biruin mo 'yon? Ang ganda ko ngayon tapos iniwan lang ako?" tanong niya pa na natatawa roon. Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko na tinitignan na si Coco na siyang mahimbing pa ring natutulog.
"Right. That asshole didn't even know your worth. You are so pretty in the aisle earlier, Coco..." mahinang bulong ko habang nakatingin lang sa kaniya.
"May mali ba sa akin? How can this happened? Hindi ba ako wife material? Bakit ang hirap-hirap para sa kaniya na gustuhin ako?" Narinig ko ang hagulgol mula sa camera. I just know that I'm hurting because of her voice too.
"There's nothing wrong with you, Sonata. That asshole was the wrong one here," mahinang bulong ko kay Coco. Matagal lang akong nakatitig sa kaniya hanggang sa tumayo na rin ako.
"She's sleeping na po, Tita," sambit ko kay Tita na halos mamaga na rin ang mata kaiiyak.
"Mauna na rin po ako," ani ko kaya tumango ito. I don't think I can sleep tonight knowing that I didn't land a single punch to that asshole's face.
"Where are you?" tanong ko kay Gael na sinagot ang tawag ko. Si tanga, sinabi naman kung nasaan siya.
Pagkakita ko pa lang dito'y isang suntok na ang pinakawalan ko. Hindi siya nanlaban o ano.
"You fucking asshole! You already have Sonata but what have you done? Gago ka ba?" tanong ko na masamang tingin ang ibinigay sa kaniya. Bugbog sarado na ito kaya dinagdagan ko pa. Sayang naman kung may space pa.
He look sorry pero ano nga bang magagawa niyon kung nasaktan niya na si Coco?
I thought I will be able to sleep dahil nakasuntok na ako subalit hindi ko rin nagawa dahil sa pag-aalala kay Coco. Lalo na nang hindi pa siya mahanap kinabukasan.
I know she's just vlogging again. Nililibang ang sarili. Kahit nang matapos masuntok na naman ang tangang si Gael, nagtungo lang siya sa kaniyang kwarto para mag-vlog.
"You're going to lock yourself here again?" tanong ko sa kaniya nang makita siyang nagsisimulang mag-vlog.
"Let's vlog together. Fav pa naman ako ng viewers mo," ani ko kaya inirapan niya ako subalit sa huli'y sinama niya rin ako sa kaniyang vlog. She choose to do a make up with me while we're answering some question that she gets from her viewers. She looks happy while she's answering those question but her eyes never really lies. Halos titigan ko lang siya kaya madalas niya akong sinisiko.
Nang matapos ang vlog, balik na naman siya sa dati.
"Call me if you ever needed someone to talk with," seryoso kong saad sa kaniya kaya napatango siya sa akin.
"I'm fine..."
"Lokohin mo na lelang mo, huwag lang ako. Alam kong hindi ka ayos kaya tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte mo," ani ko kaya naman natawa siya roon bago pinitik ang noo ko.
"Thank you but I just want to be alone for a moment," she said kaya hinayaan ko lang din siya. 'Yon nga lang, hindi talaga ako naniniwala na gusto niya lang mapag-isa. That girl always want people around her.
"Ano ba? I said that I need to be alone, 'di ba? Saan ang personal space ko riyan sa ginagawa mo?" reklamo niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago pinagsiksikan pa ang sarili sa kaniya. Dinadaan talaga lagi ang nararamdaman sa pagmamaldita. Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin habang mapang-asar na mukha lang ang ibinalik ko sa kaniya.
Ganoon madalas ang gawin namin. Hanging out together. She's always hyper around people pero sina Tita na rin ang nagsasabi na kapag gabi na'y talagang madalas ang pag-iyak nito. Bakit ba para pa rin siyang diwata kahit punong-puno na ng luha ang mukha.
"Ang pangit mo naman." Halos mapatalon siya sa gulat sa akin habang nakatayo ako sa tapat ng pintuan niya.
"Para kang stupid, kainis!" Tignan mo, parang cute na pusang galit. Mas lalong masarap inisin but still I hate seeing that cat crying.
"Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Tita. Tara na sa dine in," ani ko kaya napanguso siya. Alam ko ring hindi siya sasama sa akin papuntang dining kaya naman nilapag ko lang sa harapan niya ang pagkain na dala.
"Thank you." Nangingilid na naman ang luha mula sa mga mata nito kaya hindi ko maiwasan ang pitikin ang noo niya. She just pouted because of that.
We thought that she's really going to move on nang sabihin niyang ititigil na niya ang engagement nilang dalawa subalit si Sonata nga pala 'to. Lahat ng gusto niya'y napapasakamay niya, si Gael lang talaga ang hindi. Ewan ko ba roon, medyo tanga lang talaga.
"I was the one who force him to marry me kahit na mukhang hindi niya gusto... Kami... Kami nina Mama so don't be mad at him na... I don't want our friendship to be ruin like this," ani Coco kaya unti-unting napakunot ang mga noo namin sa kaniya. She didn't tell us about that.
"I'm sorry... I didn't tell you... I just don't want everything to end just like that..."
"I'll invite him tomorrow here. Talk to him. It's not his fault. Sinabi niya na sa akin no'ng nakaraan na gusto niyang ihinto ang kasal but because I already plan out everything, I don't want to stop it... Huwag na kayong magalit sa kaniya. Sa akin na lang kayo magalit..." Ilang irap pa ang natanggap niya mula sa amin lalong-lalo na kay Hames na ayaw na ayaw talagang nakikita itong umaaligid kay Gael na halos hindi rin nakikitaan ng interes kay Coco.
Our friends get mad at her of course, sino bang hindi? Sinasaktan niya lang masiyado ang sarili.
"You didn't tell us about this," seryoso kong sambit kaya napanguso siya sa akin.
"Of course, I won't. I know that all of you would just stop the wedding. Baka hindi lang isang tao ang magpahinto niyon kung sakali," reklamo niya. Alam naman pala pero nagawa pang ituloy.
"You're just going to hurt yourself," inis kong sambit sa kaniya.
"It's fine... Maybe the pain will be worth it... I just want to marry Gael and have a nice life..."
"You can have a nice life without marrying him," ani ko kaya napatikhim siya.
"Bakit ba nangingialam ka? Desisyon ka masiyado, huh?" Nagmamaldita pa talaga!
At tama nga talaga ang hinuha naman dahil talagang hanap lang nito'y sakit.
"Aba, gago ngang talaga." Hindi ko mapigilan ang iritasiyon na nadarama nang makita si Gael na siyang kasama ang babae niya. Hindi ko alam kung ginamit niya lang ba ito para itigil ang kasal but the way he looks at her, that's how I look at Coco. He really does like her I think.
"What are you doing? Are you not even ashame for being an ass? Nagawa mo pa talagang lumandi at dito pa talaga sa school. Hindi ba makapagpigil 'yang bayag mo? Coco is trying to heal herself but you... you fucking asshole are already doing shit," galit kong saad.
"So she can understand that I don't want the marriage. I'll just hurt her if it ever continues," aniya na napasabunot pa sa kaniyang buhok.
"Medyo bobo ka rin, 'no? She's already hurting, stupid," ani ko na binangga pa siya.
"And fucking stop putting a happy face. Babasagin ko 'yang mukha mo." As if I can do that, baka basagin din ni Coco ang mukha ko. Kahit mukhang tanga 'yang si Gael, gustong-gusto ni Coco ang mukha niya.
"Ikalma mo bayag mo," ani Reed sa akin nang dumeretso ako sa bahay nila. He was busy playing games while having a call with Kendra. Landi ampota.
"Yes, Baby, I'll do that..." aniya pa kaya napangiwi ako bago ko hinagis ang kung anong mahawakan. Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin.
"Kadugyutan ampota!" Padabog pa akong tumayo kaya bahagya siyang natawa.
"If Sonata is stupid, you're dumber. Tanga ampota," aniya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang ngiwian siya.
"Kendra said that look after Sonata, she's willing to do dumber things. I don't know why the two of you are airheaded. Both are martyr, may tangang habol nang habol, may bobong patagong tinatanggap ang sakit," aniya na nailing pa sa akin.
Wala rin akong naisagot dahil totoo rin naman talaga. What Reed said really happen. Talaga ngang gagawa ng katangahang nakakasakit din sa kaniya si Coco.
"Bakit naman hindi? Matagal ka na nga naming gustong makausap but Gael is just so bagal, very different when we're together. Kung saan-saan niya pa ako pinakikilala noon." I was just watching her facial expression, she looks annoy right now but deep down I know that she's hurting. I fucking want to punch Gael's face. Damn that idiot. Talagang nagagawang saktan ng paulit-ulit si Coco.
"What was that? You are never the type of person who will boost on things," ani ko nang sumakay siya sa kotse ko. Pauwi na kami. Natapos ang party na nag-walk out si tanga.
Napayuko lang siya roon at nangingilid na naman ang luha.
"Do I look pathetic?" tanong niya sa akin. Hindi ako nagsalita kaya alam niya na ang sagot.
"I know. I was too desperate to get his attention again," aniya na napapikit na lang. Pinagmasdan ko lang siya.
"You don't have to get his attention though. That idiot is the problem here and what you did earlier is just disrespectful to Milliana. You don't like people like that so I wonder why are you being like this now," seryoso kong sambit. Mariin niya lang na kinagat ang kaniyang labi bago masamang tingin ang ibinigay sa akin.
"Pinagtatanggol mo ba siya?" tanong niya pa kaya tinitigan ko siya.
"No. Hindi ko siya pinagtatanggol. I just want you to realize that you are wrong this time so you won't commit the same mistake again," ani ko.
She lie low after our talk but when we saw Hames and Milliana together, bumalik na naman siya sa dati.
"I don't understand why do you keep on hanging out with Milliana when you know that your sister hates her," seryoso kong sambit kay Hames nang magkainuman kami habang nasa isang convenience store malapit sa bar ni Zed.
"It's just for the project. I know that Nat hates her." Tumango pa siya at tumungga ng alak.
"Is it just really for the project?" tanong ko subalit napalunok na lang siya roon.
"I know... I don't understand myself too... I just don't know anymore..." mahinang bulong niya. I was about to open my mouth when both of us were stunned on our sit because of one person who was running.
Unti-unting napaawang ang labi namin nang makita kung sino 'yon. Napasunod kami ni Hames. Tumakbo ito sa isang eskinita habang hinahabol ng kung sino.
"Papa! Papa! Wala na po talaga akong pera!" malakas na tili nito. It's Milliana.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro