Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue

Sonata's POV

"Nat, tapos na?" tanong ni Kendra na siyang kasama kong nakipag-collab sa isang vlogger. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Tapos na. Pupuwede na tayong gumala," nakangiti kong saad kaya napatango siya sa akin.

"Why are you doing this?" natatawa kong saad dahil nagawa niya pa akong pagbuksan ng sasakyan. Napanguso siya sa akin.

"Do you still feel guilty about telling me to lie low?" natatawa kong tanong. Hindi naman siya nagdalawang isip na tumango kaya napailing ako sa kaniya.

"I told you that you don't have too. Ang tagal na niyon. Isa pa talagang self-pity lang ako no'n kaya kung ano-ano nang nasa isip ko." Napahalakhak pa ako dahil mukha talaga siyang guilty'ng-guilty sa pangyayari noon. It's almost 1 year pero hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin siya kahit na hindi naman talaga kailangan dahil naiintindihan ko rin. She also have a career and manager to follow. At tama rin naman talagang kailangan ko ngang mag-lie low nang mga panahong 'yon.

"Remember Milly?" tanong sa akin ni Kendra habang kumakain kami. Nahinto ako roon.

"Of course you remember her," aniya pa na nailing.

"Bumalik na ata. Mag-aaral ata ulit."

"Do you have her contact number?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin.

"She's studying in your school again I think? Baka mapuntahan mo rin siya roon," aniya kaya napatango na lang ako.

After our sembreak, akala ko babalik na si Milliana sa pagpasok sa eskwela but we never see her again. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Basta bigla na lang siyang nawala. Ang sabi-sabi nila'y nagkaanak daw ito but that's not possible. I think there's a family problem that she needed to quit school.

Hindi ko magawang humingi sa kaniya ng tawad dahil maski isa sa mga kaibigan ko'y walang contact sa kaniya. Hindi na rin sila mahanap pa sa kanilang bahay. I just don't really know what happened.

Hanggang sa matapos tuloy kami sa pagkain ni Kendra ay iniisip lang ang tungkol doon.

"Thank you," nakangiti kong saad kay Kendra nang matapos kaming kumain.

"No problem! Sa susunod ulit!" Paniguradong 3 or higit pang buwan kaming magkikita ulit. Well, we're all busy and have our own life. Maski ako'y abalang-abala rin sa trabaho ko ngayon.

Sinundo na rin naman siya ng kaniyang driver kaya naiwan na rin ako sa aking sasakyan.

"Papunta na ako riyan," ani ko kay Kyst mula sa kabilang linya.

"I thought you'll rest after your talk with Kendra?" tanong niya naman. Mukhang panandalian lang na inihinto ang kaniyang trabaho dahil sa tawag ko.

"May chika ako," ani ko kaya narinig ko agad ang tanong niyang ano. Natawa na lang ako sa pangungulit nito hanggang sa makapunta ako sa opisina niya.

"Ano?" salubong niya agad nang makapasok ako sa loob.

"Stupid ka ba? You won't even ask how my day went first?" tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin bago ako komportableng nahiga sa sofa niya rito sa opisina.

"Of course I will ask for the chika first," aniya na humalakhak pa. Inirapan ko lang siya.

"Milliana is back," ani ko kaya napatango siya.

"Ay, alam ko na 'yan," aniya kaya nanlaki ang mga mata ko bago hinagis ang unan dito sa sofa niya.

"Alam mo pero hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko na hindi makapaniwalang tinignan siya.

"Why? Are you still mad at her? I thought you're guilty of everything that you have done to her?" tanong niya sa akin.

"Of course not! You know that I still want to say sorry to her," ani ko na hindi mapigilan ang mapasimangot.

"I know. That's why I got her number," aniya kaya agad na naningkit ang mga mata ko.

"Nagkita kayo?" Agad naman siyang umiling.

"Then kanino mo nakuha?" tanong ko na nakataas ang kilay. Parang ayaw niya pang sabihin kaya hindi ko mapigilan ang mapairap.

"To that asshole."

"Kay Gael?" tanong ko.

"Nadali mo." Hindi ko alam kung matatawa ako roon o ano. Hindi na kami gaanong nag-uusap ni Gael, ganoon din ang mga  kaibigan na sina Reed at Hereth. Hereth. Sometimes we are talking but I know it's really different now. I don't know if because we're busy or tuluyan lang talagang lumayo ang loob namin sa isa't isa dahil sa mga nangyari noong nakaraan.

Napangiti na lang ako nang mapait dahil I know na hindi na rin talaga namin maibabalik 'yong dati but I'm glad din that we're all happy with our life now. Both of us. I miss the old us, everything about us but I know... I know na siguro hanggang doon na na lang din talaga ang pagkakaibigan naming dalawa.

Pero minsan naisip ko na hindi rin pala talaga masusukat ng panahon ang pinagsamahan at kahit gaano pa katagal, kapag may lamat na, hindi na maibabalik sa dati. But every then and now, Hereth is still the best bestie I had.

"Are you thinking about your asshole ex fiance? I wonder kung bakit ganiyan ang taste mo sa mga lalaki, kung hindi tanga, manipulative naman," aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa. He's talking about Gael and Zed. After na mangyari ang ganap sa eskwela, napag-alaman ko na nagsara ang bar ni Zed at napalitan ang director ng school niya. I don't know what happened to him after that. I'm not really interested.

"Hindi ko nga nagustuhan 'yon," ani ko na napairap pa kay Kyst na nginiwian lang ako.

"Kaya pala halos ipagpalit mo na ako bilang best friend mo," saad niya kaya napatawa na lang ako bago sumang-ayon sa kaniya.

"You're right. I wonder kung bakit ganito ang taste ko? Kung hindi tanga, manhid naman?" natatawa kong tanong kaya agad siyang napatingin sa akin.

"May bago na naman? Ipakilala mo sa akin at sparring lang kami," aniya kaya nagawa ko siyang pitikin sa noo.

"Makikipagsuntukan ka sa sarili mo?" Napakunot siya ng noo dahil sa tanong ko.

"What?" tanong niya na hindi ako makapaniwalang tinignan.

"I said I like you. Manhid ka nga lang," ani ko na tumawa pa.

"What..." Para siyang tangang nakatingin lang sa akin.

"Are you joking? Hindi magandang biro 'yan! Aasa talaga ako!" reklamo niya sa akin na tila ba hindi mapaniwala sa sinabi ko.

"I'm not joking though. I'm really serious. I thought I was just confused about what I feel dahil ikaw 'yong palaging nandoon matapos ang kasal but I waited for a year while I'm enjoying the world and what I feel about you is still the same... I think I really do like you... But you don't have to answer or even give back what I feel about you. I just really want to say it. Huwag kang mag-aalala, I know to distant myself this time—" Bago ko pa matapos ang sasabihin, napansin kong tulala lang siya roon. Napanguso ako dahil mukhang masiyado ko siyang binigla.

"Should we distant ourselves for a while?" tanong ko sa kaniya subalit nahawakan niya na ako sa palapulsuhan bago ako mahigpit na niyakap.

"I love you since we were kids... Ikaw itong manhid sa ating dalawa," bulong niya sa akin. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso. Damn it. How  Wala pa siyang balak pakawalan ako kung wala lang kumatok mula sa pinto. Nang alisin niya ang pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya pa ako bago nagtanong.

"Are we together now?"

"Obviously?"

"Can I kiss you?" tanong niya pa kaya napatawa na lang ako bago tumango. Pinikit ko pa ang mata ko subalit naramdam ko ang halik niya sa aking noo.

"Damn. Do you really like me? Hindi ako nanaginip, 'di ba? Don't pinch me. If it's just a dream, I still want to stay longer," aniya na niyakap pa akong muli.

"What the fuck are you two doing?" Napatingin kami sa pinto nang makita si Hames na nakasimangot.

"Kanina pa kami kumakatok subalit hindi mo binubuksan, kinakalantaryo mo na pala ang kapatid ko," inis na saad niya na pinaghiwalay pa kami.

"Ano ba, Hames? Boyfriend ko na si Kyst!" ani ko na lumapit pa kay Kyst. Napaawang lang ang labi niya roon at nakita ko pa ang pagbabanta sa kaniyang mukha.

"Let's talk, Kyst," ani Hames sa kaniya. Lumabas pa sila. Parang mga tanga.

Hames was extra caring to me matapos kong sabihin ang tunay na nararamdaman but sometimes I'm really treating him rudely. Naiinis pa rin ako sa kaniya paminsan-minsan pero wala akong choice dahil kambal ko siya. But of course, naiintindihan ko na rin naman siya. He did that for me too. We both know how wrong I am for whatever I did.

"Milliana is back at our alma matter," saad ko nang nasa sasakyan na kami. Para siyang na-estatwa sa kaniyang kinauupuan. Napangisi na lang ako nang matauhan siya at parang wala lang ang ibinalita ko sa kaniya. I still know that he really genuinely likes Milliana. But I think he doesn't have any chance on her lalo na't si Gael ulit ang nakakaalam tungkol dito. Tanggap ko naman na talaga kung sila talaga ni Gael ang oara sa isa't isa. Matagal na akong nag-let go.

Hames isn't his usual self kahit nang makarating na kami sa bahay. Hindi ko na rin siya pinansin pa dahil naging abala ako sa pagtawag may Kyst na halos ayaw pang ibaba ang tawag sapagkat takot na baka biglang panaginip lang daw ang lahat. That's the reason why I decided to prank him tye next morning.

"I'm just joking. We're really together now," ani ko na natatawa pa. Agad na sumimangot ito mula sa kabilang linya.

"Parang tanga kasi," reklamo niya kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

"I'll go now. I'll call you later." Pikon talaga kahit kailan dahil kahit na naiinis sa akin nagawa pang magpakilig.

Malapad lang ang ngiti ko bago sumakay sa aking kotse at inabangan si Milliana. Marami pa namang nakakilala sa akin kaya nagawa kong makapagtanong.

Until I saw Milliana. Bahagya siyang nagulat nang makita ako but slowly smile at me too.

"Can we talk?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin doon.

"Sure, Ms. Sonata," aniya sa akin kaya nailing ako.

"You can call me Sonata... Uh... I'm here to say sorry for what I did to you year ago..." panimula ko kaya agad siyang umiling.

"Ang tagal na niyon. Ayos na ako..." natatawa niyang saad pero umiling lang ako.

"Still... I want to genuinely say that I'm sorry... For everything... I know how evil I am for doing things like that to you... I also want to say sorry for all the mean words I said to you... Alam kong mas matalim pa sa lahat ang mga salitang nasabi ko sa 'yo, Milliana and I'm genuinely sorry for that... I'm sorry for being insecure to you..." ani ko na napayuko pa. Mas lalo lang akong na-guilty nang ngumiti siya sa akin.

"Wala na sa akin 'yon, Ms. Sonata. Naiintindihan naman kita. Alam kong nasasaktan ka lang noong mga panahong 'yon. At insecure? Ikaw? I know that I shouldn't invalidate your feelings but I hope you could see those people who loves you genuinely when you can't love yourself."

"Naiisip ko noong mga panahong inis ka sa akin, na ang swerte mo dahil ang dami mong kaibigan na laging nag-aalala tungkol sa 'yo. You have those knight in shining uniform na handa kang ipagtanggol sa lahat. I don't know if you know about this but when you go to your vacation, all of your friends gathered an evidence for you not to get suspended. You are so lucky, Ms. Sonata. I hope you already realize that too. And what happened years ago, don't think about it. Don't burden youself for that. I also share some fault that time," aniya na ngumiti pa sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya.

"You are so annoying talaga, 'no? Why are you so nice?" tanong ko na napairap pa. No wonder all of them likes her. She's so mature and she's pretty din pala talaga. Kaya pala gustong-gusto nina Gael at Hames. Kahit ako magkakagusto rito if I didn't meet her in that way.

Napahalakhak naman siya dahil sa sinabi ko. Mas lalo lang akong napatitig sa kaniya.

"Thank you for the coffee, Ms. Sonata. I'll get going, may pasok pa po ako," sambit ko sa kaniya kaya napatango ako sa kaniya pero agad ding nagsalita.

"I genuinely hope for your happiness now, Milliana. You said years ago that I deserve better and that's what you deserve too. I hope you can find your peace. And for Gael, you can date him all you want. Na-realize ko na 'di naman pala siya ganoon kagwapo and I don't like him that much. Napapaisip na lang ako kung bakit ko pa kayo hinadlangan noon," ani ko kaya napatawa siya.

"He's not the person I like though," aniya na nilingon ako. Natigilan ako roon bago napakunog ang noo sa kaniya.

"I like your brother since your wedding day," sambit niya na kumindat pa sa akin. Iniwan akong tulala lang sa kinauupuan ko.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa biglaang pag-amin nito. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan habang naglalakad siya palayo sa gawi ko.

Damn.

Maybe I was really meant to be a villain...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro