Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Sonata's POV

Palinga-linga si Gael nang iwan namin si Milliana sa gawi nito. Ni hindi siya mapakali sa kaniyang kinatatayuan habang pabalik-balik ang tingin dito. He likes her this much, huh?

"Gael, your Tito's talking with you." Napatango naman si Gael doon bago binalingan ng tingin ang Tito niya.

"You're already lucky to be with Sonata, Hijo. Kung gusto nga lang niyan si Caliver ay siguradong kasal na sila ngayon. Sinasayang mo ang isang diyamante, Hijo," sambit pa nito sa kaniya. Awkward naman akong ngumiti.

"Hindi naman ho." Humalakhak na lang ako nang munti bago ngumiti ng tipid sa mga ito. Puring-puri pa rin ako pagdating sa pamilya ni Gael but I still ended up not feeling contented, pakiramdam ko'y wala naman lahat ng salitang 'yon lalo na't Gael's doesn't think that way about me. Pakiramdam ko'y wala ang bawat salita kung hindi manggagaling sa kaniya. All those praises, everything...

"Excuse me lang po," ani Gael na hindi na napigilan pa ni Tita dahil sa pangwalong beses nitong attempt na umalis. Hindi ko mapigilan ang mapabuntong-hininga habang pinagmamasdan siyang lumapit kay Milliana na siyang mukha namang hindi iniinda ang pagpunta sa akin ni Gael. It was as if everything is nothing to her. She was just enjoying her meal.

"Excuse me din po, Tita." Ngumiti ako kay Tita na siyang nag-aalala akong tinignan. Nagpatuloy na ako sa pagtungo sa rest room. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko sa sarili nang madaan sa salamin. I always feel confident about myself. I always thought  na pasok naman sa beauty standard ang sarili but not this time. I wanted to tan my skin na kasing kulay nang malinis na gatas, katulad ng kay Milliana. I wanted to make my cat eye to be round like her eyes na tila nawawala kapag siya'y ngumingiti. I wanted to have that curly hair instead of this sraight jet hair.  

"Hoy, kung tignan mo naman 'yang sarili mo parang galit na galit ka." Nahinto lang ako nang makita si Hereth na nakatayo rin pala sa salamin.

"Anong ginagawa mo riyan, Bhie?" Humalakhak pa ito kaya naman saka lang ako napaayos sa aking postura. Saka ko lang din nabalik ang sarili sa wisyo. No, I shouldn't think about it.

"Let's go eat. Tara na." Ngumiti pa sa akin si Hereth bago ako hinila palabas. Tumango naman ako roon.

"Mauna ka na. Sunod ako." Isang ngiti pa ang pinakawalan ko kaya isang matagal na tingin ang ibinigay niya bago siya sumang-ayon.

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako. Bago ako makabalik sa venue, nahinto ako nang makita ang pamilyar na bulto habang nasa dilim. They were looking at the sky.

"I'm sorry about my family." I heard Gael's voice.

"Bakit ka nag-sosorry? Kaya mo nga ako binayaran para rito, 'di ba? Walang madaling trabaho, Bhie. Solve solve naman sa sahod kapag katapos nito. Tiis tiis lang muna sa ngayon." Humalakhak pa si Milliana nang sambitin 'yon. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay.

"But still—"

"Okay lang. Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako nabalaan na gustong-gusto nga para sa 'yo si Ma'am Sonata."

"Pero grabe pagka-bet nila kay Ma'am Sonata, 'no?"

"Yup. Mama just keeps on pushing me to Nat. Her mind already fixes on marrying me off to Sonata."

"Hindi mo ba talaga bet si Ma'am Nat? Ang pretty niyon! Mukha pang matalino. Hindi ka na lugi. Wala ka pa namang gusto sa ngayon. Ano bang malay mo kung bukas mahal mo na rin pala?" Narinig ko pang tanong ni Milliana. Napakunot lang ako ng noo habang nakikinig sa mga ito.

"You don't understand. If I won't do this. They won't stop pairing me with someone I don't see my future with. And both of us are already winning with this deal."

"Sabagay, nakakapag-aral at may pera ako samantalang ikaw nakakapagliwaliw. Hindi na rin masama."

"Basta siguraduhin mo lang na huwag kang mahuhulog sa akin, huh?" mayabang pang tanong ni Milliana. Malayo sa mahinhin na babaeng kaharap namin kanina.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito kaya sinusubukan kong alamin until I realize what's happening. Are they having a deal? What deal? Are they—No, they won't.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib sa sakit at sa iritasiyon. I can't believe they're doing this. I know he doesn't really like me. But this much?

"Things he'll do just to get rid of me, huh? Fuck that friendship. I won't accept that now." If they fucking want to play with me then I will.

I go to our table habang tulala lang. Sobrang pangit ko ba na kailangan niya talagang mag-hire ng tao para lang hindi maikasal sa akin? Alam kong I share some of the mistakes here but fuck that all. He's at fault too. He can talk to me. Can he really do that, Sonata? You aren't even listening. How can he talk when all you think about is yourself in the first place.

I was fighting over my conscience and my own thoughts.

Napatingin ako nang makitang bumalik na sa party ang dalawa.

"Where are you going again, Sonata?" tanong sa akin ni Hames nang makita akong tumayo.

"Diyan lang, Hames." Nanatili ang pagkunot ng noo niya sa akin doon. 

Hindi ko na pinansin pa ang tanong ng mga kaibigan at dire-diretso na rin sa pagtungo kay Gael at Milliana.

"Hi." I tried to make my smile genuine nang malapitan ang mga ito.

"Our friends are already there. Tara sa table," ani ko na palihim pa ang pagngisi. Nanatili ang tingin ni Gael sa akin.

"What?" tanong ko sa kaniya.

"Our friends are dying to meet her. Ilang beses na silang nangungulit but you're always have so many excuses. Don't tell me you're shy about your girlfriend or—" Sinadya kong hindi tapusin ang sasabihin at nagbigay pa nang makahulugang tingin habang nakatingin sa mga ito. Ang ngisi pa sa aking mga labi'y hindi rin nawawala.

"Or are you scared to face our friends?" Hinarap ko si Milliana na siyang bahagya ring natigilan dahil sa mga pinagsasabi ko subalit nanatili lang ang ngisi mula sa mga labi ko.  "Girlfriend ka ni Gael, magkakaibigan na kami noon pa. You'll be part of the friendship too."

"Or am I making you uncomfortable? You don't like to meet our friends ba? Sayang naman..." Sa huling pagkakataon ay nagbigay pa ako nang makahulugang ngiti. Gael was just looking at Milliana. Hindi naman siya umaayaw sa pag-iimbita ko or maybe he was the one who's waiting for that invitation. Naririnig ko noon pa na kahit paano'y kinukunsidira niya pa ang nararamdaman namin but now that I know what's the real score between the two of them. Pakiramdam ko'y tinraydor na lang niya kami bigla.

Before we are fiancee and fiance, we are friends so how can he—Napapikit na lang ako dahil nilalamon na naman ako ng inis.

"Sure... Okay lang ba sa 'yo?" tanong ni Milliana sa akin. Marahan ang tinig, tila ba nanantiya pero ano nga bang alam ko? Paano kung umaarte lang ito? She was very different when I heard them talking. Very different with this compose Millianan in front of the huge crowd.

"Bakit naman hindi? Matagal ka na nga naming gustong makausap but Gael is just so bagal, very different when we're together. Kung saan-saan niya pa ako pinakikilala noon." I don't really know why I said that. Maybe I was trying to annoy her but I ended up getting no reaction so I get annoyed instead. Right. They're just acting.

Nilingon ko si Gael nang tignan niya ang reaksiyon ni Milliana. Napangisi ako. Well, Gael was the one who obviously like her so if I can't annoy her, I'll fucking play with Gael instead. Ipapamukha ko sa kaniya na wala siyang mapapala sa pagkagusto niya rito. Na kung ako na lang sana ang pinili niya'y edi sana wala na 'yang mukha niyang tila uhaw sa reaksiyon.

But when I saw Milliana gulping at ang mga daliri nito'y pinaglalaruan na niya'y mas lalo lang lumawak ang ngisi ko. I'll make sure they will be the one who'll quit the game they started. I won't let anyone be happy while I was being fuck up.

"Tara." Ngumiti pa ako at umarte na wala rin ang mga nasa isip. Siguro'y dapat ko na ring tanggapin ang pag-aartista. Hindi ko alam na bagay rin pala talaga ako roon.

Nang makarating kami sa table ay agad na napakunot ang noo sa akin ng mga kaibigan ko. Napatingin pa ang mga kaibigan kina Gael at Milliana na nakasunod sa akin.

Isang malamig na tingin ang ibinigay ng mga kaibigan ko sa dalawa. I felt guilty subalit nananaig lang ang galit sa akin.

"What are you doing, Sonata?" galit na pabulong na tanong ni Hames sa kaniya nang tumabi ako sa bakanteng upuan at pinatabi ko sina Milliana at Gael.

"What? This is Milliana. You all know her, the one in our suppose to be wedding—I mean Gael's girlfriend," ani ko nang makita ang pagkunot ng noo ni Gael.

"Ate." Ciane was already trying to say something but I smile at her.

"Gael, introduce your girl." I tried to smile genuine again. Sanay na sanay ako roon, sa araw-araw ko ba namang pakikipag-usap sa camera?

"Or should I introduce her instead?" Nagkunwari pa akong kuryoso lang talaga.

"This is Milly, my girlfriend." Padabog na tumayo si Hames doon. Alam kong inis na inis pa rin siya kay Gael hanggang ngayon. Alam ko dahil kahit na anong hingi ng tawad ni Gael, kahit na ilang taon silang magbestfriend, ako nang ako pa rin ang pinipili nito.

"Let's go." Malamig na tingin din ang ibinigay sa akin ni Reed.

"What is it? I'm going to talk with Milliana. Can't you welcome her? She's the only one here. Wala siyang kilala rito." I acted as if I care but the truth is medyo lang naman talaga. Medyo naawa ako na wala siyang kausap but the other part of me wishes she's not here.

"Stop it, Sonata. Tara na. Huwag mong hintaying mag-eskandalo pa ako rito." Hames look like he will do that anytime kaya inis ko siyang tinignan at napairap na lang nang sumunod sa kaniya.

"What is it, Hames? Ano na naman ba? Nakakauwi ka na? Umuwi ka na mag-isa mo." Inirapan ko pa siya kahit madilim sa parte kung saan kami nag-uusap.

"What are you doing, Sonata? Nagdadala ka lang talaga ng sakit sa puso, 'no? Why are you so stupid? Tanga ka na nga—" Nag-make face lang ako kahit hindi niya nakikita.

"Tanga ka rin naman pero sinabi ko ba?" Humalakhak pa ako kaya kahit hindi ko siya nakikita'y alam ko na kung gaano kasama ang tingin nito sa akin.

"I know you. You always do things on your way. Stop whatever you're planning." He knows me too well. He really know how I push things to my favor.

"What did I do again? I just invited them." Umirap pa ako.

"Stop it. Stop everything while it was still early. Stop hurting yourself."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro