Chapter 8
Chapter 8
Sonata’s POV
“I’m going to bring my girlfriend here, Mama.” Agad naman kaming napatingin sa kaniya. Mayamaya lang ay nasa akin na ang mga mata nila. Natahimik lang ako habang nakatingin sa kawalan. We all know that this will happen. Ilang linggo na rin naman niyang binabalandra ang mukha ng babae sa harap namin. Actually no. They always have their own worlds. Lagi nga siyang wala at kasama si Milliana.
Hindi ko rin alam kung bakit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung anong mayroon siya na wala ako? Oo, maganda siya pero maganda rin naman ako. Mabait siya. Medyo mabait ako. She was sexy. I also have the body that everyone keeps on dreaming to have. Lahat nang mayroon siya, mayroon din ako. Lamang lang ng kaunti. Wait. No. Wala akong Gael but she have him.
“What are you talking about, Gael? Hindi ka man lang ba talaga nahihiya kay Sonata? Ilang buwan pa lang nang tapusin niyo ang engagement mo.” Kita ko ang galit mula sa mga mata ni Tita habang nakatingin sa anak na mukhang panandaliang natigilan. Ni hindi niya ako tinignan. Alam kong madalas talaga ang pagtatalo nila ng kaniyang ina nitong mga nakaraang araw kaya hindi na ako nagtala nang mayroon na naman siyang panibagong nasabi.
“Iyan ang mahirap sa inyo ni Lola, Mama. Ulit-ulit na lang. Hindi ba kayo nagsasawa kapipilit? Nakamove-on na kami ni Sonata. Kayo na lang po ang hindi. We both decided to just be a friends. Sana naman respetuhin niyo rin po ‘yon.” Madalang lang magsalita si Gael kaya ngayong sumasagot ito sa harap ng ina, hindi siya makapaniwala sa inaasta ni Gael. Maski ako’y ganoon din.
He said that we both move on but no. I just act that everything’s not affecting me but the truth is it hurt when I see them both together. Ang tagal naming nagsama pero kailanman ay hindi niya ako tinignan na para bang anytime ay maglalaho ako sa harapan niya.
“What did you just say, Gael? Ganiyan na ba talaga ang naidudulot sa ‘yo ng babaeng ‘yan? Wala ka nang respeto sa ina mo, huh?” galit na tanong ni Tita kay Gael na nanatili lang ang malamig na tingin.
“You really think so, Mama? No. This is just the first time that I want someone and you can’t even respect that.”
“You know what, Kuya? Dalhin mo kung dadalhin mo but don’t expect us to treat her nicely. Once she step in this house, asahan mong para na rin siyang tumapak sa impyerno.” Malamig lang na tinignan ni Ciane ang kaniyang kapatid bago siya padabog na umalis sa harapan namin. Nakaramdam ako nang kakarampot na awa para kay Gael. Bumibigat din ang aking dibdib sa ideyang natutuwa ako na ako lang ang gusto ng pamilya niya para sa kaniya. Nakakaguilty pa lang maging masaya.
Napasubunot na lang si Gael sa frustration na nadarama. Umalis siya sa harapan namin na wala ni isang binalingan ng tingin. It was his birthday. His wish is to bring his girlfriend here. I know how much he wanted the approval of his parents. Kahit naman sinusuway niya ang mga ito ngayon, he was always the respectful and the ideal child.
Natahimik na kaming dalawa ni Hereth na siyang kasama ko ngayon dito. Hinawakan lang ako ni Hereth sa kamay bago ‘yon pinisil. Nilingon ko naman siya bago ngumiti nang tipid.
“I’m sorry about Gael, Hija,” ani Tita kaya napailing lang ako.
“Ayos lang po, Tita. What he said is true we’re just friends now.” Sinungaling ka talaga, Sonata.
Nang sumapit ang birthday ni Gael, he was the only one who’s not here.
“Where’s Gael?” tanong ni Hames na nakataas ang kilay bago umupo sa tabi ko.
“Saan pa nga ba? Of course with that girl, Kuya.” Umirap pa si Ciane na tinutukoy si Milliana. Ipinakita niya pa ang litratong kuha ng Kuya niya mula sa story nito sa ig. Hindi ko naman mapigilan ang pagbigat ng dibdib. Sa tagal ng panahon, he never did that for me. I was always been the one who’s posting him in social media.
“So he ditch his party for that girl, huh?” Napangisi pa ako roon. Hindi ko naman mapigilan ang mainis nang maisip ang ilang unnecessary thoughts like if I was the one he’s dating, I’ll make sure that he won’t need to ditch his party with friends and family just to be with me.
“That Milliana should push him to attend his party.” Hindi ko na rin namamalayan ang sariling ibinabahagi ang opinyon.
“Does she know though? And why is it her fault? Gael have his own mind.” Napatingin ako kay Kyst nang magsalita siya. Yes, Kyst always been the annoying one but he’s always rational when it comes to his thought. Laging may side comment din na kahit paano’y may point din naman.
“I was just saying that she can also make him go, ang siste pa’y mukha pang masaya.” Umirap pa ako at ayaw ring magpatalo.
“May point ka, pointless nga lang.” Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.
“Ano mang anggulo tignan it’s Gael’s fault. He didn’t inform us that he won’t attend here. Or is it even his fault that he wanted to have fun? And if I was him, I’ll also ditch several parties to be with the person I like,” ani Kyst kaya agad siyang kinutusan ni Hereth bago ako nilingon. Natahimik naman ako roon. I would do that to for Gael, kahit ilang collab pa ang ma-miss ko para lang makasama ito’y gagawin ko. But still I refuse to be wrong.
“But that still wrong. Mama did everything just to gave him a celebration like this. Ni hindi niya man lang naalala si Mama.” Umirap naman si Ciane na nakikinig lang kanina.
“This party supposed to be happy but look at us now. We are even fighting with each other dahil lang kay Kuya.” Ni hindi na napigilan pa ni Ciane ang iritasiyon niya sa kapatid.
The night that was suppose to be happy turn to gloomy night. And that’s because of her. I know Gael also shared a mistake there but he’s not usually like this. He’s slowly changing because of that girl and I can’t really believe it.
“Have you really move on?” Nambibiglang tanong ni Hames habang nasa dining kami. Natapos na ang usapan namin at sinusubukan nang pagaanin ang atmospera.
Matagal akong napatingin kay Kuya at hindi rin siguro sa kung anong sasabihin. I know he knows that I’m still not over Gael but I still want them to be okay kaya sa tuwing nagtatanong ito’y lagi ko lang sinasagot na ayos lang ako.
“Yes. Me and Gael decided to be friends. Tanggap ko na ‘yon.” Liar.
Nanatili lang ang tingin niya. As usual, hindi na naman ako nilulubuyan ng kaniyang mga mata.
After that night, I always try to distance my self to Gael and his girl. Kahit naman paano’y may respeto ako sa kanila. Madalas nga lang ay may mga side comments patungkol sa mga ito. I thought that will always be the case not until…
“Ni hindi ka na halos umuuwi rito sa bahay. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha niyang sinasabi mong nobya mo? Ni hindi mo maharap ang Tita mo at sina Senyora.” Tukoy ni Tita kina Mama at Lola. Nababanggit sa akin ni Ciane na madalas ang panenermom ni Tita kay Gael starting when he ditched the wedding and of course when he ditched his birthday celebration.
“You won’t go in my birthday?” tanong ni Tita na ngayon ay may mahinahon at nakakaawa ng tinig.
“Invite that girl.” Nahinto naman ako at napatingin sa kaniya.
“No. I won’t I already know what you’ll do, Mama.” Kahit na may nakatakas na iritasiyon kay Gael, pinili niyang maging mahinahon.
“Why? Don’t tell me she’s scared now? Ang kapal kapal ng mukha niyang magtungo sa kasal at piliing sirain ang nasimulan niyo ni Sonata.”
“Mama.”
I don’t know how it happened but the girl is now here. Wearing an elegant clothes. Halatang hindi rin sanay sa heels na kaniyang suot. Gael was holding her hands while smiling at her. Kapansin-pansin ang pamamawis nito kahit na malamig ang paligid. Hindi ko alam kung kinakabahan ba o ano. She look so awkward while Gael’s trying to introduce her to some of our friends na sinalubong siya.
“Sonata.” Kyst was already beside me. Napansin nito ang mahigpit na paghawak ko sa aking bag.
“What?” tanong ko na nakakunot ang noo.
“You’re still inlove with him.” Hindi ‘yon tanong. Alam na rin naman niya ang sagot.
“Humihinga ka man lang ba?” tanong niya pa sa akin bago natawa. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot sa kaniya.
“Huwag ka ngang epal.” Isang irap pa ang ibinigay ko bago ako siya sinamaan ng tingin. Natatawa naman itong umakbay pa sa akin at mas lalo lang na nang-asar.
Saka ko lang napansin ang mga matang nakatingin sa akin. Mukhang pinag-aaralan din ang ekspresiyon ng mukha ko katulad ng pagmememorya ko kay Milliana.
“Grabe, ang bilis naman makamove-on niyang ex fiance mo, Sonata. Ayos ka lang ba? Patay na patay ka pa man din sa kaniya noon pa man, ‘di ba?” tanong sa akin ni Marianne na siyang nadaan sa table namin. She was smiling at me but I know that tone. I use to make that when I was mocking someone.
“Yup. And yup. But I respect what they have now. Atleast kahit paano’y naging kami, ‘di ba?” Ngumisi pa ako rito bago siya nilingon. I know that she also have a little crush with him that’s why she’s been lowkey trying to annoy me or maybe we all know that something deeper’s already happening with the both of them.
Mayamaya lang ay tinawag na ako ni Tita para ipakilala sa amiga niya. Part of me feel guilty that I was being introduce while his girlfriend is here. I know that Tita is wrong with this one. If I were her, I’ll feel that I was being disrespect right now but I’m still worst because tried to be silent right in this moment. Nang lumapit tuloy ang mga ito’y ni hindi ako makatingin kay Milliana sapagkat naninikip ang dibdib ko dahil sa konsensiyang nadarama.
“Have you eaten?” tanong ko kay Gael.
“Not yet, we’ll eat later.” Pinakita niya pa si Milliana na siyang nakatingin din sa akin ngayon. I act like I wasn’t affected with their presence.
“Oh. You’re here pala. Hindi kita napansin.” You’re really the worst, Sonata. Napayuko na lang si Milliana. Hindi ko na rin namamalayan ang aking tinig. I think I sound so bitter right now.
“Is that one of your playmates again, Anak?” Tita asked na nakangisi pa. Kung ako si Milliana, baka umiyak na ako. Tita sound so rude. And never naman lumandi si Gael sa kahit na kanino. Ngayon lang talaga.
“Mama.”
“I’m just kidding.” Humalakhak pa si Tita.
“Happy birthday po, Tita…” Mahinhin ang tinig nito nang batiin si Tita.
“Madame. Call me that.” Bahagya naman akong nagulat doon ngunit sinubukan kong panatilihin ang aking ekspresiyon.
“Ma.” Gael sounded like he really want to stop Tita in talking nonsense.
“What?”
“Can you excuse us, Hija? Narito kasi ang mga Tita ni Gael na hindi niya nakausap noong birthday niya dahil lumabas kayong dalawa.” Ngumisi pa si Tita habang nakatingin kay Milliana na bahagyang nagulat at napatingin pa kay Gael.
“Ma, I don’t want to ruin this birthday for you. Please, stop.” Seryoso ang mukha ni Gael habang nakatingin sa ina. May binulong naman si Milliana kay Gael bago niya ito tinulak nang mahina.
“Go on. I’ll just eat for a while.” Ngumiti pa ito kay Gael. Tahimik naman na napatango si Gael matapos nang matagal na bulungan nila.
“Ikaw rin, Nat. Let’s go. Miss ka na rin ng mga Tita ni Gael.” Ikinawit pa ni Tita ang kamay sa aming dalawa ni Gael bago hinila palayo roon.
I feel bad. I feel bad for being happy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro