Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

Sonata's POV

"It's not okay with me," ani Tita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Same with me," sambit ni Ciane na nang lingunin ko'y nakatingin sa akin. She look sad while looking at me. Ilang emosiyon din ang mababasa mula sa mga mata nito.

"If it's not Ate Sonata, kahit tumanda na lang si Kuya mag-isa," ani Ciane kaya napahalakhak ang kupal na si Hames. Ni hindi niya pa inalintana ang mga mata ng mga matatandang nakatingin sa kaniya ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapasimangot dahil do'n.

"Mama, Ciane," ani Gael na para bang nagbabanta.

"What? Valid naman ang opinyon ko. I don't want anyone else if it isn't Ate Nat." Matigas na paninindigan ni Ciane. Napanguso naman ako at medyo na-guilty sa sarili dahil nagawa ko pa talagang hindi pansinin si Ciane when she's always been my number 1 supporter. Ako nga pala ang favourite ng isang 'yan.

"Right. Ganoon din ako. Kung hindi si Sonata ang magiging daughter-in-law ko, hindi ko tatanggapin ang kung sino. Lalo na kung first impression pa lang, pangit na," sabi pa ni Tita na may pinahihiwatig kay Gael.

I don't know what happened between those two. I know Gael won't cheat. He's a man of principle. Hindi niya gawaing gumawa ng bagay na masama so I don't know how everything happens. But who knows, right? Maybe he did, Sonata. Maybe you just keep on thinking that he's not capable to do so.

"This engagement should be off. Sasaktan lang niyan ang kapatid ko. He cheated, right?" nakangising saad ni Hames kay Gael na siyang kalmante pa ring nakaupo roon. Natahimik naman ang lahat at napatingin kay Gael ngayon. Mayamaya ay bumalik ang tingin nila sa akin. Nilingon ko naman si Hames doon. He knows. No. Everyone knows that we doesn't really have a relationship together if it weren't for our family. We know that he was just treating me as his younger sister pero ako 'tong si tanga na laging umaasang higit pa roon ang nararamdaman niya. That's the truth.

We didn't really promise anything to each other except the fact that we will marry in the future but that was years ago. Noong mga panahong wala pa halos kaming puwang sa mundo but still, fault niya pa rin. Sana nilinaw niya ang lahat. No, your fault too, Sonata. Everytime he'll tell you something about that goddamn wedding, you choose to ignore his words dahil akala mo'y panay biro lang.

"Maybe I did..." aniya kaya agad napatingin sa kaniya sina Tita.

"Really? With that girl? The girl in the church? Kung 'yon ang dadalhin mo sa bahay, mabuti pang itago mo na lang habambuhay dahil maski isang simpatya'y hindi mo ako makikitaan," ani Tita sa kaniya.

"Mama." Nagmatigas lang si Tita na wari'y seryoso rin siya sa kaniyang sinasabi.

"What? Huwag ka na ring umuwi kung ganoon nga." Magtatalo pa sana sila sa hapag nang magsalita ang Lola ni Gael.

"The only opinion that I'll take is your opinion, Hija. Ikaw ang lubusang nasaktan sa ginawa ng apo ko kaya gusto kong ikaw ang magdesisyon."

"Gusto ko bang ituloy o ihinto na lang?" tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Gael na siyang nakatingin din sa akin ngayon. Nangungusap ang mga mata nito. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Tila ba desididong-desidido sa gustong mangyari.

"I'll cancel the engagement po, Lola..." mahinang saad ko. One part of me decided about that. Naawa bigla kay Gael na siyang matatali sa taong hindi niya gusto at isang parte ng utak ay gustong tumutol. Gusto kong maging selfish pero ilang taon na nga palang ganoon lang ako lagi.

Nagdesisyon ako but I kept on thinking na baka higit pa sa pagkalaibigan ang nararamdaman nito. Baka... Baka sakaling mapagtanto niyang mahalaga pala ako kapag natapos na ang ugnayan naming dalawa. Baka mapagtanto niya pa na gusto niya rin ako kapag wala ng engagement na magaganap. Baka... Sana...

"Are you sure about that, Hija?" tanong nila sa akin. Tumango lang ako bago ibinaba ang kutsara at tinidor.

"I'll get going now, Ma. I still have shoot," ani ko. Napatingin sila sa aking lahat. Tila gustong sumunod sa akin ni Ciane ngunit sa huli'y hindi niya rin nagawa dahil dire-diretso na ako palabas.

"Sonata," tawag ni Gael sa akin nang palabas na ako.

"Ihahatid na kita."

"No thanks." Siguro kung hindi lang ako nag-iinarte ngayon, ako na mismo ang humila rito para lang ihatid ako.

"Thank you..." aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Did he really just said thank you? Thank you dahil makakaligtas ako sa isang tulad mo? Thank you dahil hindi ako matatali sa 'yo? Thank you dahil hindi kita gusto? Wow! The audacity!

Sa inis ko'y tinalikuran ko lang siya at malakas na pinagsarahan ng pinto. Kainis!

Hindi ko maiwasan ang mapasimangot habang nasa sasakyan ko. I can't help but to think about different things. Ganoon ba talaga siya kasaya na hindi maikakasal sa akin tipong laki ng pasasalamat niya? I never saw his eyes glitter like that, para bang tuwang-tuwa ito na wala na siyang iisipin pa na Sonata sa buhay niya.

The whole week ay lagi lang mainit ang ulo ko lalo na kapag nababanggit nila ang pangalan niya sa akin. Ni hindi ko nga nilalabas pati ang pamilya nito kapag nasa bahay sila dahil hanggang ngayon ay nagliligawan pa rin ang pamilya namin kahit na tapos na ang aming dalawa.

"Ate Sonata..." Napatingin ako kay Ciane nang tawagin niya ako. Mukhang nagkaroon na din ng lakas ng loob harapin ako.

"Are you mad at me?" I saw how her eyes look so hopeful that I'm not. Napanguso naman ako roon. I kinda feel bad ignoring her when she didn't do anything to me. How can I act like that when she's like a younger sister to me?

"I'm not... I'm sorry, Ciane..." ani ko kaya agad niya akong niyakap.

"No! I'm sorry for what Kuya have done to you, Ate. I love my Kuya so much but he's wrong this time and I only like you for my brother. Ikaw pa rin pinaka-the best!" aniya kaya tumawa lang ako bago ginulo ang buhok niya.

"I'm sorry for being a bitch," ani ko sa kaniya kaya ngumiti lang siya bago umiling.

"No, Ate. Not your fault po."

After that day, balik na ulit kami ni Ciane sa normal. We always hang out together dahil nga madalas na vlog lang naman ang inaatupag ko. Pero syempre nag-aaral pa rin..

"Taas ng pride ng Kuya mo. Kapal ng muks, hindi man lang ako tinatawagan," ani ko.

Kumalma na ako at tuluyan nang narehistro ang lahat nang nangyari noong mga nakaraang buwan. I know na kahit paano'y may kasalanan din talaga ako. Kami.

Baka pareho lang din kaming nagulat sa mga nangyari. Baka hindi pa talaga siya handa. Baka hindi pa ngayon.

"Ewan ko roon. Lagi ring abala sa school, Ate. Pabebe lang 'yon." Humalakhak pa si Ciane bago niya pinakita ang nails na natapos niya na.

"Pretty!" ani ko na ngumiti pa. Natapos naming magpasalon, namasyal na kami rito sa Amsterdam. We are just randomly talking habang nakatingin sa camera. Matapos kaming mamasyal sa Amsterdam, umuwi na rin naman kami sa pilipinas dahil may mga klase pa.

"Saan ka na naman pupunta niyan, Sonata?" tanong sa akin ni Hames sa akin. Nakikipaglaro na naman ito kina Reed at abala pa sa xbox niya.  

"Sa mga Cañete," ani ko kaya agad na sumimangot ang mukha nito. Lagi na lang talagang kinukwestiyon ang desisyon ko sa buhay. Para bang pinanganak lang talaga siya para mang-inis.

"Just talk to Gael, we all know na hindi naman talaga niya kasalanan ang lahat." Napatingin naman sa akin si Hereth, Reed at Kyst na kasama niya habang siya naman ay inis akong tinignan.

"Hanggang ngayon ba naman ay nagpapakamartyr ka pa rin sa kupal na 'yon? Manhid ka ba o sadyang tanga lang? Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ka nga gusto niyon."

"Stupid ka? Sige ipamukha mo pa! Oo na, tanga na kung tanga pero gusto ko 'yon, e! Anong magagawa ko?"

"And I realize that I have my shared fault too," ani ko.

"I was the one who force him to marry me kahit na mukhang hindi niya gusto... Kami... Kami nina Mama so don't be mad at him na... I don't want our friendship to be ruin like this," seryoso kong sambit sa kanilang lahat.

"What?" Kita ko ang pagkunot ng noo ni Hames. They don't know about it kaya naman todo kampi sila sa akin.

"I'm sorry... I didn't tell you... I just don't want everything to end just like that..."

"I'll invite him tomorrow here. Talk to him. It's not his fault. Sinabi niya na sa akin no'ng nakaraan na gusto niyang ihinto ang kasal but because I already plan out everything, I don't want to stop it... Huwag na kayong magalit sa kaniya. Sa akin na lang kayo magalit..." Umirap lang si Hames.

"It's not nice to force someone, Sonata. Kung hindi niya gusto sa 'yo then stop. Ikaw lang ang mahihirapan bandang huli." Seryoso na ang mukha ni Hames nang ibaba ang remote.

"Matalino ka naman pero..." Napairap na lang ako at napasimangot sa kaniya. Isang masamang tingin ang ibinigay niya iritadong umakyat patungo sa kwarto niya.

Napanguso naman ako nang mapatingin sa mga naiwan kong kaibigan. They were just looking at me as if I'm unbelievable.

"Sonata..." Banggit pa lang ni Reed sa pangalan ko'y alam ko nang masesermonan ako nito.

"I'm sorry..." Napanguso na lang din ako roon. Ilang sermon pa ang narinig sa mga ito kaya hindi ko na rin nagawa pangmakaalis agad..

"I'll invite him here tomorrow so be nice to him," seryoso kong sambit sa kanila.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili. Madalas kasi na nauuna ang galit at inis sa akin pero kapag patulog na ako'y saka ko lang napagtatanto ang mga ginagawa to the point na maski ako'y sumasama rin ang loob sa sarili.

Nang makarating sa bahay ng Cańete, binati lang ako nina Tita. Welcome na welcome pa rin talaga ako sa bahay nila kahit na hindi naman na kami engage ni Gael.

"Gael," tawag ko kay Gael nang maiwan ako sala habang hinihintay si Ciane na nag-aayos pa. Nadaan si Gael sa harapan ko, casual lang akong nagtanong sa kaniya at casual lang din niyang sinagot. When he said that he wanted to remain friends with me, he meant it.

"Do you want to go in our house tomorrow? Naroon ang mga kaibigan natin. They also want to hang out with you." Casual pa akong ngumiti sa kaniya. Nahinto siya dahil sa sinabi ko.

"Hmm? Is it fine with them?" Tumango ako kahit na hindi ko alam sa mga 'yon. They didn't say that it's fine but they also didn't say anything so bahala sila, ientertain nila ito bukas.

Dumating ang kinabukasan, just like what I said naroon nga ang mga kaibigan except sa ma-pride na si Hames. Hindi rin naman naging madali kay Gael dahil mukhang tanga rin nagpapanggap ang ilang kaibigan na nagtatampo rito but they still talk to him. Maski nga sa akin ay ganoon din ang trato nila. Hindi mo alam kung anong trip sa mga buhay. 

I thought everything was going back to normal but that's just what I thought...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro