Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Sonata’s POV

“What?” Kunot noong tanong niya sa akin.

“Fire this girl.” Pinakita ko pa ang litrato ng babae na siyang nakuhanan kahapon. Pinaiimbistigahan na kasi agad ng pamilya ko. Well, if they won’t, I’ll do it on my own.

“Anong kaya mong gawin para sa akin?” tanong niya sa akin.

“What do you want me to do?” tanong ko.

“Have a date with me then tutal type naman kita.” Ngumisi pa siya sa akin.

“What?” Agad na kumunot ang noo ko roon.

“Don’t expect me to do something for free lalo na’t masipag na tao si Milliana,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya. So her name is Milliana, huh? Nice.

I want to scare her a bit but I’m not desperate pa naman. And I don’t really date boys. Isa lang ang gusto ko and that’s Gael. Stupid lang kasi talaga ‘yon.

“No thanks then.” Bigo man ako. Hindi ko pa rin pinahalata at kampante lang na sumakay sa aking kotse. I don’t stay at my room whenever I have a lot of things to think about. I usually go out and roadtrip. Nasanay nga lang dahil kay Gael. We both enjoy that and I also think that we actually clicked. Ewan ko ba sa isang ‘yon, nasa kaniya na ako, natakot pa na magpakasal.

Hindi agad ako umuwi at nagtungo pa sa batangas para sa dagat. I did my usual job, vlogging. Kapag malungkot ako, mas lalo akong ginaganahan mag-vlog dahil kahit paano’y natatago ko ‘yon sa mga ngiti.

“Solo lang tayo today. Self love muna.” Humalakhak pa ako bago ibinaba ang aking camera sa buhanginan at nagsimulang libangin ang sarili. After a while ay lumapit na rin ako sa aking camera bago nagpatuloy sa adventure ko rito sa batangas.

“I’ll probably go to La Union to surf siguro but for now, I’ll enjoy some of the beaches her in Batangas. Pero seryoso, must try talaga rito. Super sarap pa ng foods!” Ngumiti ulit ako bago pinakita ang ilang pagkain sa harapan ko.

Matapos ang vlog ko’y nagbyahe na rin ulit ako pauwi. I never really uploaded my vlog yesterday. That’s only for myself. May mga vlog din naman kasi talaga ako na para lang sa aking sarili.

Nang makarating sa bahay, nahinto ako nang makita ko si Gael na naroon habang nakayuko. I don’t know kung natauhan na siya at na-realize ngayon kung gaano ako kahalaga sa kaniya but I just ignore home.

“Nat…” tawag niya sa akin.

“I’m sorry for being an ass to you…” aniya na hinawakan ang palapulsuhan ko.

“Buti alam mo. Gago ka.” Masamang tingin pa ang ibinigay ko.

“I’m sorry. I thought I was doing the right thing but I wasn’t. I just realize when everything happens. I’m sorry for not thinking about what you’ll feel. I’m sorry, Nat…” aniya sa akin. Matagal ko lang siyang tinignan. I know how sincere he is. Hindi naman uso sa isang ‘yan ang sorry. Malamig pa sa malamig. Akala mo’y laging tama.

“Fine. Let’s just marry each other when we’re both ready.” Natigilan siya sandali sa akin bago siya napabuntonghininga.

“I’m serious when I did that, Nat. I don’t think we’re both for each other… I’m sorry to break my promise to you, Nat, but I don’t really think we suited each other. I’m sorry but I only see you as a friend… a younger sis—” Bago niya pa matapos ang sasabihin ay tumalsik na siya sa sahig.

“Fucking asshat!” Agad kong nakita ang galit na mukha ni Hames habang sinusuntok ito. Nakita ko rin si Reed at Kyst na siyang nakahalukipkip lang habang hinahayaan na basagin ni Hames ang mukha ni Gael.

“Stupid, Hames!” malakas kong sigaw habang hinihila siya palayo kay Gael na hindi naman nanlalaban. Tinatanggap lang bawat suntok ng kapatid ko. Ni hindi ko siya mahila, taekwondo player kaya ang isang ‘to.

“And you two! Tatayo lang ba talaga kayo riyan? Hindi niyo man lang ba ako tutulungan?” inis kong tanong kay Reed at Kyst ngunit nanatili lang nakatingin sa amin si Reed, nakitaan ko pa ng ngisi ang labi. Si Kyst naman ay umupo pa sa hood ng kotse ko habang nakikita ang amusement sa kaniyang mukha na para bang super satisfying ang nakikita.

“Ano ba, Hames?” malakas kong sigaw.

“Tama na!” Mabuti na lang ay naawat din ito ng guards.

Kita ko ang mukha ni Gael na siyang puro pasa na.

“Look what you’ve done, Hames!” malakas kong sigaw sa aking kapatid.

“Deserve!” Tumatawa pa si Kyst nang sabihin ‘yon bago siya bumaba sa pagkakaupo habang nakangising lumapit. Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kanilang lahat. Gago talaga.

Lalapitan ko na sana si Gael nang wala siyang sabi-sabing tumayo. Bumalik na naman ang pagiging walang emosiyon niya. Ni hindi man siya nagmukhang kaawa-awang tignan dahil angas pa rin.

“Halika, gagamutin ko ‘yang sugat mo,” ani ko na hinawakan ang palapulsuhan nito ngunit nilingon niya lang ako.

“Tigilan mo na rin ‘yang kabaliwan mo, Sonata.” Malamig ang tinig ni Hames nang sambitin ‘yon bago hinawakan ako at marahan na hinila papasok sa loob.

“Ano ba, Hames? Huwag mo akong diktahan dahil una akong pinanganak sa ‘yo!” Masamang tingin pa ang ibinigay ko sa kaniya.

“Tignan mo nga ang ginawa mo? Hindi ka man lang ba magkakaroon ng kakarampot na hiya?” galit ko pang tanong dahil ang daming pasa ng mukha ni Gael ngayon.

“I’ll get going. I’m genuinely sorry for the pain I’ve cause you, Sonata,” ani Gael na isang tipid na ngiti pa ang ibinigay bago nagsimulang maglakad patungo sa kaniyang kotse.

“Sorry sorry! Tanga, huwag ka nang babalik pa rito,” galit na sabi ni Hames na para bang walang magpapakalma sa kaniya kahit na pa bestfriend sila.

“Sorry pero sadya. Gago.” Pati si Kyst ay parang tangang nakikisulsol pa. Masamang tingin lang ang ibinibigay ko sa kanila roon.

“Gamutin muna natin ‘yang pasa mo, Gael, bago ka umuwi,” ani ko ngunit umiling siya.

“I’m fine, Nata. I’m sorry again.”

“Takot lang ‘yan na mabarda ni Mama at Lola. Baka masampal ulit,” ani Hames kaya agad akong napatingin sa kaniya.

“What?” Napatikom siya ng bibig doon.

Hanggang sa makaalis si Gael ay nakatingin lang ako sa kotse nito. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko. Hindi ko gusto kapag ako ang naiiwan, pakiramdam ko’y lumalayo na talaga siya sa akin.

“What did Mama and Lola do?” Hindi naman ako sinagot ni Hames at dire-diretsong pumasok sa loob. Inakbayan naman ako ni Kyst habang sinasabayan ni Reed.

“Saan ka galing, Coco?” tanong ni Kyst sa akin kaya malakas ko siyang siniko.

“Huwag kang umasta na parang wala kang ginawang kasalanan sa akin. Pinanood niyo lang na sinusuntok si Gael!” sigaw ko sa kanilang dalawa ni Reed. Hindi naman nagsalita si Reed habang diretso lang at hindi man lang kumikibot ang labi. Si Kyst naman ay hindi na naitago ang ngisi.

“Gago siya. Deserve niya ‘yon.” Humalakhak pa ito kaya isang siko ulit ang natanggap niya sa akin.

“Bestfriend niyo si Gael!” Akala ko nga’y siya ang inaalo nila ngayon.

“But that doesn’t mean that we’ll tolerate him. He’s wrong.” Naging seryoso ang mukha ni Kyst at Reed bago ako nilingon.

“By the way, saan ka galing? Bakit ‘di mo ako sinama? Nakakatampo ka naman!” aniya pa kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Iniiba ang usapan. Sinubukan ko pang magtanong sa kung anong nangyari kanina ngunit ang tanong nito’y kung anong mga ginawa ko ngayong araw.

“Kung hindi niyo sasabihin, magtatanong na lang ako,” inis kong sambit at mang-iistorbo pa sana ng ilang tao rito ngunit naiiling na lang din si Kyst nang magsalita.

“Fine. He was waiting for you and your fam to say sorry. He was sorry for what he have done. Lumuhod pa sa harapan ng lola’t mama mo pero ‘yon, nakatanggap ng malutong na sampal na para sa kaniya talagaa dahil tanga siya.” Hindi ko naman maiwasan ang mag-alala para kay Gael dahil do’n. Kinuha ko lang ang cellphone ko bago nagsimulang magtipa ng mensahe para sa kaniya.

“Pero mukhang mas tanga ka.” Sinamaan ko lang ng tingin si Reed na minsan lang magsalita pero tagos sa buto. Ngumiwi pa ako bago umirap at dinial ang numero ni Gael na hindi rin naman sumasagot.

“So annoying!” inis kong sambit bago ako nahiga sa sofa. I was supposed to be the one he’ll chase but here I am again. Ako na nga ang iniwan, ako pa ‘tong naghahabol ngayon. Nakakainis dahil kahit galit ako sa ginawa niya. Kahit na galit din ako sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-aalala.

“Saan ka galing?” tanong ni Hereth na narito pa rin pala sa bahay.

“Batangas.” Naupo naman siya sa tabi ko at nakinood sa television.

“Are you okay?” tanong niya na tinitigan pa ako. Hindi naman ako nagsalita roon.

“Bakit naman hindi? Kami pa rin naman bandang huli.” Ngumisi pa ako bago sumandal sa sofa ngunit napatingin sila sa akin.

“That’s not the case anymore, Sonata. Hindi ka niya iniwan sa altar dahil hindi pa siya handa but the case is he doesn’t like you.” Walang hinto-hinto ang dila nitong si Hames.

“He won’t. He can’t. Hindi pa ba malinaw sa ‘yo ang sinasabi niya?” galit pang tanong ni Hames sa akin. Nahinto lang ako roon. I know. Narinig ko naman ‘yon galing kay Gael but I choose to ignore it pero ito na naman si Hames na pinamumukha sa akin ang lahat.

“Hames, tama na. Hayaan mo naman ang kapatid mong makapag-isip-isip sa ngayon,” ani Hereth sa kaniya.

“No. I want her to wake up. Nasasaktan na rin naman siya, bakit hindi pa sagarin para minsanang sakit na lang?” tanong pa niya. Unti-unti akong napasimangot bago tumayo at tinulak siya.

“You’re so fucking stupid!” sigaw ko bago nanakbo patungo sa aking kwarto. Pinili kong mag-vlog para lang pigilan ang luha. Buong gabi na akong umiyak kagabi, hindi pupuwedeng maga na naman ang mata ko.

But after that para nga akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyang nagising. He don’t like me. Ramdam ko naman pero ni minsan hindi ako nagtanong. Ramdam ko naman pero pinipilit pa rin ang sarili sa ideyang gusto ako nito.

“Ma’am, baba na raw po kayo. Nandito po ang buong pamilya ng Cañete,” ani Chloe sa akin. Wala akong balak bumaba at balak ko lang sanang mag-video buong araw but because it’s my grandfather wants. Wala akong nagawa kung hindi ang magtungo roon.

Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko kay Gael nang magkasalubong kami. I love him but for days na panay lang ang video ko, I feel the pain now. Para bang unti-unti akong sinasampal ng katotohanan.

Matapos kong magmano kina Tita’y hindi na rin ako nakipagkwentuhan pa. Agad na rin akong dumeretso kina Mama. Nagkunwari lang akong abala sa pakikipag-usap sa mga ito para lang hindi ko madaanan ng tingin ang magkapatid na Cañete, si Ciane at Gael.

“So what’s this meet all about, Mama? Huwag na po nating patagalin pa’t marami pa po akong trabaho.” Nilingon naman ako ni Hames doon. Nanatili lang ang seryosong tingin niya.

“We want to officially cancel the engagement, Donya Patricia,” ani Lolo kaya agad akong napatingin sa kaniya. Bahagya akong nagulat doon subalit hindi ko rin pinahalata. Ni hindi man lang nila sinabi sa akin! Ni hindi man lang ako aware! I know Gael doesn’t want to marry me but still it’s unfair! I still want to be with him!

“Are fine with that Hija?” tanong nila habang nakatingin sa akin. I can see pity in their eyes. Palibhasa alam nilang lahat kung gaano ko kagusto si Gael.

“It’s fine with me.” I said as if it’s not that big deal pero ang totoo parang ilang punyal ang tumama sa dibdib just to say those four words.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro