Chapter 4
Chapter 4
Sonata’s POV
“Mommy, check if Gael’s already outside,” pangungulit ko kay Mommy habang inaayusan ako sa loob. Imbes na masaya ako sa magaganap na kasal, balisa lang ako habang inaayusan dahil pakiramdam ko’y anytime ay hindi sisipot si Gael.
“Naroon na. Huwag kang mag-aalala.” Kahit anong sabi nito’y hindi ako nakinig. After our talk, alam kong kinausap niya si Tita at ang Lola niya but no one let him do whatever he wants.
“Sisipot ‘yon, Ate. Kung hindi ikaw ang pakakasalan niya, huwag na lang,” ani Ciane sa akin habang pinagmamasdan ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kaniya. I’m glad that I have Ciane on my side.
“Your hands are so cold, Ate!” natatawang saad ni Ciane nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko naman magawang matawa katulad niya dahil ramdam na ramdam ko na ang kaba sa akin. Parang sasabog ang puso sa halo-halong emosiyong nararamdaman.
Lumabas na rin si Ciane sa loob matapos akong tignan. Mayamaya lang ay pumasok na rin si Hames habang nakatingin sa akin.
“What?” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay dahil sa titig niya.
“Are you really sure that you wanted to get married at early age, Nat?” tanong niya sa akin kaya tumango ako at ngumiti sa kaniya. Napabuntonghininga naman siya habang nakatitig.
“I’m always here for you… You really grow up too well,” aniya na niyakap pa ako. Natatawa ko naman siyang tinulak nang magtagal ‘yon.
“Kadiri ka!” Agad naman niya akong inirapan dahil do’n.
“Ito naman, minsan na nga lang akong magdrama.” Humalakhak pa siya kaya hindi ko rin maiwasan ang matawa roon.
I’m glad that he didn’t know about what I and Gael talk about. Kung alam niya ‘yon, paniguradong tututulan niya agad ang kasal na magaganap.
Mayamaya lang ay kasama ko na sina Mama at Papa habang hinahatid nila ako sa altar. Agad ko rin namang nakita ang mga pamilyar na mukha habang naglalakad but my main focus now is already in front of me. Gael. He’s there. I’m glad that he didn’t go. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi habang ramdam na ramdam ang saya sa puso. Parang may party sa loob-loob ko.
I was just smiling habang papalapit ako sa kaniya while his face remain the same. Ni hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya.
“Take care of my daughter, Hijo,” nakangiting saad ni Mama. I know deep down she knows. Tita and her talked but we still pushed this wedding.
Ibinigay nila ang kamay ko kay Gael. Isang malamyos na ngiti pa muli ang pinakawalan ko bago siya hinawakan.
“I’m excited to fulfill all my dreams with you, Gael,” bulong ko sa kaniya ngunit nanatili lang malamig ang ekspresiyon ng mukha nito. Tahimik lang siya hanggang sa magsimula ang seremonya.
Nakangiti ang pinakikitang ekspresiyon subalit hindi ko magawang maging masaya. I was just nervous the whole time. It feels like I’m walking in a thin ice. Para bang kaunting galaw mo lang ay tuluyan ka nang maglalaho.
Hinarap kami ng pari bago nagtanong.
“Sonata Meredil Acedillo, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Garnet Eliott Cañete na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?”
“I do, Father,” ani ko habang nakangiting nakatingin kay Gael.
“Ganert Eliott Cañete, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Sonata Meredil Acedillo na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?” Isang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya ngunit nang ngitian niya ako’y nakikitaan ko nang lungkot iyon.
He can’t answer the question. I looked at him with a question in my eyes. I know… I just choose to be blind… I know… I know pero pinili ko pa rin ang ikaliligaya ko.
“I’m sorry, Nat,” bulong niya sa akin. Itatanong ko pa lang sana kung bakit kahit may hinuha na ako ngunit sigaw mula sa gitna ng aisle ang narinig.
“Itigil ang kasal!” malakas na sigaw ng babae. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Gael dahil do’n.
“I’m sorry, Nat.” I was so shocked to even say something. Pinanood ko lang siyang tuluyan akong lagpasan habang naglalakad patungo sa babae. Ang mga bisita naming dalawa’y napatayo na rin dahil sa gulat.
That girl… She’s familiar… The girl in the bar… What is she doing here? How can this happened?
I know that he doesn’t want to marry me but I just can’t believe this…
Tulala lang ako habang pinapanood siyang hinawakan ang babae at naglakad sila palayo sa amin.
“Gael!” Malalakas na sigawan na ang narinig mula sa mga tao sa loob but I was just looking at them can’t even utter a words. I don’t know how to even react. Nagkagulo na sa loob pero tulala pa rin ako. Ni hindi ko na alam ang mga nangyayari.
Namalayan ko na lang ang sariling nasa sasakyan na habang kinakausap nina Mama.
“I won’t go home,” ani ko nang tuluyang matauhan kaya agad na napatingin sa akin si Mama.
“Hindi ako uuwi hangga’t hindi ako naikakasal,” ani ko bago ako lumabas ng kotse. Dire-diretso pa ako sa simbahan. Maggagabi na nang napilit nila akong umuwi.
When I got home, imbes na umiyak ay kinuha ko lang ang camera ko.
“Look who got rejected in the altar today?” Humalakhak pa ako habang nakatingin sa itsura ko.
“Biruin mo ‘yon? Ang ganda ko ngayon tapos iniwan lang ako?” tanong ko pa sa camera habang nakangiti ngunit ang mga ngiti sa aking mga labi’y unti-unting napalitan ng lungkot. Matapos ang vlog ko na ikunukwento lang ang ganap buong araw, hindi ko na napigilan pa ang maiyak. My day supposed to be good but fuck the world. Buong gabi’y iyak lang nang iyak, nakatulugan na lang ang luha.
Kinabukasan, I tried to look at the mirror. Ibang-iba sa kalat-kalat na make up mula sa aking mukha kagabi subalit magang-maga pa rin ang mata. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi habang pinagmamasdan ang sarili.
“Kaya ka iniiwan,” mahinang bulalas ko bago nagtungo sa cr. Matagal lang akong nanatili sa cr. Halos hindi na nga ako lumabas doon bago ako lumabas ng kwarto dahil kanina pa katok nang katok ang ilang kasambahay na pinabababa ako.
Pakatok pa lang ulit sana si Chloe, isa sa mga kasambahay namin nang makita ako.
“Ma’am, kain na raw po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ng Lola niyo po.” Tumango naman ako bago nagtungo roon.
Napatingin sa akin sila Mama nang makitang ibang-iba ang itsura ko sa mukha ko kagabi. Mukha na ulit akong tao ngayon.
“What?” tanong ko nang mapansin ang titig nila sa akin.
They were extra caring to me. I wasn’t in the mood with anything.
“Manang, wala pong potato?” tanong ko kay Manang. Nagmamadali naman itong naglagay ng potatong potahe sa hapag.
“Where’s Hames?” tanong ko kay Mama na siyang pinagmamasdan lang ako tila ba tinatantiya.
“Wala pa. Hindi pa umuuwi mula kagabi.” Napakunot naman ang noo ko roon at napairap. Don’t tell me hindi na natiis na puntahan ang bestfriend niya?
Napangiwi naman ako nang maalala si Gael. I just keep on talking hanggang sa dumating si Hereth. Hindi siya nangamusta o ano. Nanatili lang nag-aalala ang tingin niya sa akin.
“Sayang. Ganda pa nga sana ng venue at lightning sa reception,” ani ko nang nasa sala na kami. Mukhang hindi niya alam kung anong sasabihin sa akin kaya pinagtaasan ko pa siya ng kilay. Hindi ko maiwasan ang matawa bago sumimsim sa aking inumin.
“Do I look pitiful to you?” nakangisi kong tanong.
“Medyo,” ani Hereth kaya sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak naman ito bago ako tinabihan.
“Ciane wants to go here kaya lang bukod sa nahihiya siya sa ‘yo, ban pala mga Cañete rito sa bahay niyo,” bulong sa akin ni Hereth kaya napatingin ako kina Mama na narito rin sa sala.
Seryoso lang talaga ang mga mukha habang nag-iisip-isip. Mayamaya lang ay nagtatalo na sila ni Lola.
“Anong kumalma? Stupida! Tignan mo nga itsura ng apo ko dahil sa mga taong ‘yon!” galit na galit na sigaw ni Lola. Pinapanood ko naman sila habang nagsisigawan dito sa loob. I wasn’t in the mood para makisali pa. And what’s with my look? I’m still pretty eventhough I’m sad.
“Nasa labas ang mga Cañete, Mama,” ani Mama kay Lola. Nilingon ko naman ang mga ito. Kami-kami lang ng mga kasambahay ang narito kasama si Lola, Papa, Hereth at Mama.
“How about Gael, Mama?” tanong ko na napaayos ng upo. Agad akong nilingon ni Lola at halos atakihin na sa puso sa galit na nadarama.
“May gana ka pa talagang itanong ang tungkol sa lalaking ‘yon? Aba naman, Sonata!” galit na galit si Lola sa akin at para bang handa pa akong saktan. Galit ako kay Gael pero hindi naman ibig sabihin na hindi ko na siya gusto.
“Paalisin niyo ang mga Cañeta o kahit na manigas sila riyan sa labas, hindi namin sila lalabasin,” ani Lola sa ilang gwardiya rito sa bahay. Hindi rin naman ako nakapagsalita. Ewan ko ba. Masama ang loob ko sa lahat. Bakit ba hindi man lang kasi nila pinigilan ang anak sa mga gustong gawin? Bakit ba wala ni isang itinuwid ang baluktot na kokote ni Gael? Really? You’re really asking that, Sonata? When in fact you didn’t do anything about it.
Habang nagagalit si Mama at Lola, mas lalo lang nadadagdagan ang inis na nararamdaman ko.
“At sino naman ang babaeng ‘yon? Kirida? Huh! Stupido! ‘Di hamak naman na mas maganda ang apo ko roon!” galit na galit na sigaw ni Lola.
Right… Ganda ko tapos iniwan lang ako sa altar? Unfair.
Kinuha ko ang hermes kong bag bago ako naglakad palabas ng bahay, wearing my elegant clothes.
“Where are you going, Sonata?” tanong ni Mama at Hereth nang makita akong palabas ng bahay.
“I’m going to have fresh air. Ingay niyo po. I can’t rest if you’re just going to shout with each other,” ani ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sumakay na ako sa kotse ko bago pinaandar. Nakita ko rin sa labas ng bahay sina Tita at ang Lola ni Gael. Pinapayungan ng ilang tauhan nila. Lalagpasan ko na sana but then masiyadong mainit dito sa labas para lang manatili sila riyan.
“Can you open the gate po, Manong? Pakialalayan na lang po sila Tita sa pagpasok,” bilin ko sa guard bago ko pinaharurot ang sasakyan.
“Hello,” bati ko kay Reed mula sa kabilang linya.
“Where are you?” tanong ko pa sa kaniya.
“Home.” Naririnig ko pa ang paos na tinig nito. Mukhang kagigising lang.
“Can I get your friend number?” tanong ko kay Reed. Matagal bago siya nagsalita.
“What? Who’s friend?”
“And where are you?” tanong niya pa muli.
“The one who owns the bar,” ani ko. Isang matinding katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.
“What for and where are you?” Hindi talaga matakasan ang isang ‘to.
“Basta. What’s you friend name?” tanong ko pa.
“I won’t tell unless you do,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang mangiwi. Bakit ba ang kulit ng isang ‘to?
“Bahala ka kung ganoon.” Pinatay ko na rin ang tawag bago ako nagtungo sa bar na madalas naming puntahan.
Jackpot.
May staff.
“May I ask if your owner’s here?” tanong ko sa lalaking mukhang nagmamanage ng bar kapag umaga.
“I’m the owner.” Nilingon ko naman siya roon.
“Oh, cool.”
“I’m one of Reed’s bestfriend.” Naglahad pa ako ng kamay.
“Ah, the girl with a pretty smile?” tanong niya bago tinanggap ang kamay ko.
“I’m Zed.” I’m not interested with his name but okay.
“Would you want to do me a favor?” tanong ko sa kaniya.
“Which is?”
“Fire a snake in your bar.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro