Chapter 3
Chapter 3
Sonata’s POV
“What do you think about this?” tanong ko kay Gael habang iniikot pa ang wedding gown na suot. Tita and Mama actually wants to let the designer design but I just really want to be hands on. I also want to use my own money for this gown kaya medyo rush na rin ang pagbili namin.
Ang ngiti mula sa aking mga labi’y pakiramdam ko’y aabot na sa langit. Unti-unti nga lang nawala ‘yon when I saw that he’s not giving me the same energy I’m giving. He’s just looking me with nothing but boredment. Ni hindi ko siya nakikitaan ng excitement sa mukha kaya hindi ko mapigilan ang mapanguso.
Ako lang ata ang excited sa magaganap na kasal naming dalawa. Just a weeks before at tuluyan na siyang matatali sa akin. I know na people will say that we’re too young but it doesn’t really matter, we’re the one who will decide that because at the end of the day we’re the one who will be together in one house.
“What do you think?” tanong ko ulit. Nawala na ang malapad na ngiti.
“It’s good.” Ngumiti pa siya ng tipid sa akin. Pakiramdam ko’y hindi ko naman nakuha ang gustong marinig mula rito. Mabuti na lang din ay napagaan ng mga kaibigan namin ang loob ko. Sumama pa ang mga ito rito dahil nagpapasukat din ng kani-kanilang susuotin. Syempre best man at bridesmaid ang mga ito. Mas excited pa sila sa amin.
Nang matapos sa pagsusukat. Pansin ko ang pagkawalang gana ni Gael. Deep down maybe I know… But… I’m scared that I’m right… I’m scared that he will really let me go.
“Hoy, natulala ka na riyan?” tanong sa akin ni Kyst nang lapitan ako. Napansin niya naman ang tingin ko kay Gael na siyang nakatalikod lang sa akin ngayon. He was talking with Hames. Well, si Hames naman kasi talaga ang bestfriend nito.
“Huwag mong alalahanin ‘yang si Gael. Bad mood lang ang isang ‘yan dahil lost streak na naman.”
“Wow. You’re worried ba?” Dinaan ko na lang sa tawa ang nararamdaman. Hindi ko gustong manatili ang pangamba sa akin gayong ilang linggo na lang ay ikakasal na kami. I don’t want anything bad to happen. Dapat ay masaya lang ako ngayon dahil ilang taon ang hinintay ko para sa kasal na ito.
“Asa. Pangit mo lang lalo kapag nakasimangot.” Pinitik niya pa ang noo ko kaya agad kong nahila ang damit niya para lang guluhin siya. Natatawa naman siyang napalayo sa akin kaya masamang tingin ang ibinigay ko.
“Pangit ka na nga, sama pa ng ugali mo. Ano na lang maganda sa ‘yo?” pang-aasar niya pa sa akin kaya hindi ko mapigilan ang habulin siya para lang gawing kwintas ang kamay ko sa kaniyang leeg. Natatawa siyang lumayo.
“Ito ba ang pakakasalan mo, Gael? Ang isip bata, oh!” panunumbong niya pa kaya parang gusto ko na lang gumastos sa pagpapalibing ng kaibigan. Humalakhak pa siya nang makita ang pagkapikon ko.
“Tara na nga!” Nakasimangot ko pang ikinawit ang kamay kay Gael kaya narinig ko ang maliliit na tawa niya. Napanguso ako dahil unti-unting nawala ang iritasiyon mula sa akin. Well, just his laugh can make me be calm.
“I’ll drop you off in Ken’s place. Aalis din agad ako. I still have some works to do.” Napatango naman ako dahil aware naman ako na busy talaga siya sa plates niya. Future Architect ang isang ‘yan. Super neat pa ng sulat. When I’m too lazy to write, sa kaniya ako nanghihiram ng notes noong highschool kami.
“Are you that busy? Huwag kang magpalipas ng gutom. Pahatiran kitang foods niyan.”
“No need.” Hindi naman ako nagsalita dahil gagawin ko pa rin naman ang sinasabi ko. Sinabi ko lang naman kasi para aware siya.
Nang makarating in Ken’s place, bineso ko na siya dahil ganoon naman ang nakasanayan. Kahit sa mga close friends ko’y ganoon din ako.
“Nat!” Isang malambing na tinig ni Kendra ang sumalubong sa akin. She’s also a vlogger at madalas na kacollab ko. She’s really nice kaya gustong-gusto ko rin siya. I enjoy doing vlogs and it’s not really that bad.
“So the news about you getting married is really true? Hindi mo ba sasama ang Piece diyan?” tanong niya sa akin.
“My fiance’s a private person and I just really respect what he wants. He wanted this to be private so we just invited our closest friends and some relatives lang,” ani ko. I invited Kendra and she’s really excited on my wedding. Well, that’s nothing on what I feel.
I was already buying things for our home. After our vlog. I attended my schedule in school. I was busy talking with some of our maid kung nahatiran ba si Gael dahil sobrang dami ko rin talagang inaasikaso.
“Oo, Sonata. Pero sabi ni Sir ang kulit mo raw talaga.” Napatawa naman ako dahil do’n.
“Thank you po, Ate! I hope you also enjoyed your meryenda!” Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi nang ibaba ang tawag.
I was already busy with my course. Well, I choose to take business management course. My family have a lot of businesses but their main focus is our airline. I want to build my own name in the business industry. I have the money so yeah, I want to try it.
“Sonata! G inom?” tanong sa akin ni Hereth nang makita ako.
“Pass. I want to be perfectly fit in our wedding.” Ang ngisi mula sa mga labi ko’y hindi na nawala kaya naman agad siyang napailing sa akin.
“Loyal mo, ah. Samantalang ang isang ‘yon ay nasa bar ngayon. Nayaya nina Hames,” anito kaya agad akong napatayo.
“What?” Agad nanlaki ang mga mata ko at hindi mapigilan ang mapasimangot.
“Hindi man lang tayo niyaya?” Kumunot pa ang noo ko kaya tumawa ito.
“It’s probably boy’s time again.”
“Hindi uso ‘yon.”
Sobrang modern kaya ng mga magulang namin na walang pakialam ang mga ito kung magkakatabi pa kaming matulog. Well, we doesn’t really care about it dahil sanay na sanay na rin talaga kami sa presensiya ng bawat isa. Magkakasabay na kaming lumaki kaya kilala na talaga namin ang bawat isa.
“Tara na. I’ll call Ciane,” ani ko kaya tumango siya. We just ate for a while after we got Ciane. Nagchikahan pa kami at syempre matagal na kumain bago napagpasiyahan nang magtungo kung nasaan ang mga kaibigan.
Nang naroon na’y agad na hinanap ng mga mata namin ang mga hinayupak na hindi man lang nagyaya. Agad naman namin silang nakitang pare-parehong tahimik at nakayuko na. Pare-parehong mga lasing na ang mga ito. Ganiyan ‘yang mga ‘yan. Tulala lang sa isang tabi kapag nalalasing.
“Hoy. Uminom kayo na hindi man lang nag-aya?” Masamang tingin ang ibinigay ko sa mga ito habang naniningkit ang mga mata.
Agad naman silang nagulat nang makita kaming mga nakahalukipkip. Ang tahimik na upuan ay napilitan na naman ng ingay. Mayamaya lang ay nagpa-party na ang mga ito.
We’re just randomly talking with each other nang makita ko si Gael na nakatingin sa isang babae sa hindi kalayuan. Napakunot ang noo ko habang nakatingin dito. Wait. I think I remember that face! That’s the girl na nakatapon ng drinks kay Gael noong isang araw. What is she doing here? Well, this is the same bar as before. Reed’s friend are the one who own this bar.
I asked about the girl and he said that she was just temporary that day. Tumulong lang sa kaniyang kapatid but now she’s here again and Gael’s eyes are staying at her ngunit mayamaya ay kita ko ang pag-iiwas ng tingin ni Gael. Ni hindi niya napapansin ang titig ko sa kaniya.
Sumimsim muli ako sa aking inumin. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Pinigilan ko lang ang kung anong nararamdaman.
“Nat. Can we talked?” tanong ni Gael sa akin nang lapitan ako. Gusto kong umiling. Gusto kong tumanggi sa kaniya but he’s eyes remain looking at me. Para bang may gusto itong ipahiwatig.
“I don’t want to,” ani ko. Matapang akong tao pero pakiramdam ko’y laging duwag na marinig ang bagay na hindi sang-ayon sa mga plano ko sa buhay.
“Let’s talk, Nat,” aniya pa kaya hindi ko mapigilan ang mapatango bago sumunod sa kaniya sa labas. We’re both silent when we go out. Binasag ko naman ‘yon para lang pagaanin ang atmospera sa aming dalawa.
“Masarap ba ang foods kanina?” Napatingin naman siya sa akin habang malapad ang ngiti ko sa kaniya. Nanatili naman ang mga mata niyang para bang kinaaawaan ako. I choose not to think about it.
“You should eat nang marami, sige ka, hindi na lalaki katawan mo niyan.” Malambing pa ang tinig ko nang sambitin ‘yon.
“Nat… Let’s cancel our wedding…” pabulong na saad niya sa akin. Nahinto naman ako dahil do’n. Matagal akong nakatitig sa kaniya bago napahalakhak.
“Joke ba ‘yan? Last mo na ‘yan, ah. Hindi bagay sa ‘yo ‘yang pagbibiro mo!” Tumawa pa ako ngunit nanatili lang seryoso ang kaniyang mukha.
“I’m serious, Nat. I don’t think we suit each other.”
“What? We do! Lahat ng tao sa paligid natin ay ‘yon ang sinasabi!” Gusto kong ipagsiksikan ang ideyang ‘yon sa utak niya but right… It’s Gael. When he said something, paninindigan niya.
“I’m starting to be interested with someone, Nat and I don’t want to hurt you. I want to stop this habang maaga pa.” Hindi ko na napigilan pa ang umiyak. I was always that spoiled brat who cries a lot even with the smallest things.
“But you’re hurting me now, Gael.” Hindi ko mapigilang sambitin bago pigilan ang gustong kumawalang hikbi sa akin.
“If we get marriage, I’ll just hurt you more, Nat… And I don’t want that to happen. We’re good as a friend.” And we never really have been a lover.
“I don’t deserve your love, Nat. You deserve someone else. I know… because you’re not that hard to love…” aniya na sinubukan pa akong ngitian.
“If I’m not that hard to love then why haven’t you love me?” Kailanman hindi ko naramdaman na higit pa ang trato niya sa akin. It was always been the same how he treat people around him. Para lang din akong kapatid sa kaniya. Anong gagawin ko sa pagmamahal niyang pangkapatid?
“If I’m not that hard to love then marry me, Gael… Baka… Baka matutunan mo rin akong mahalin…” ani ko. Pinalis ang luha mula sa mga mata habang nagmamakaawang nakatingin sa kaniya.
“I’m sorry, Nat…” Isang hingi pa ng tawad ang ginawa niya. Anong gagawin ko sa sorry niya? No. That won’t happen.
Pareho pa kaming nahinto sa pag-uusap nang makita ang babaeng tinititigan niya kanina. May hawak-hawak itong plastik ng basura at mukhang balak itapon sa kung saan. Nahinto rin siya nang mapatingin sa amin. Mukhang hindi niya alam ang gagawin at natataranta pa habang nakatingin sa amin. Napatingin pa siya sa akin bago napatalikod pero huminto rin bandang huli.
“Hoy, Kuya, grabe ka naman! Ang ganda na niyan nagagawa mo pang paiyakin! Mahiya ka naman!” sigaw niya kay Gael. Gael looks taken a back.
“Ate, know your worth. Huwag mo iyakan ‘yan,” aniya pa sa akin bago tumalikod. May binulong-bulong pa ito na narinig ko pa.
“Ang ganda na niyon tapos pinaiiyak lang? Paano pa kaya kaming mga mukhang patatas?”
Gael’s just looking at her hanggang sa mawala siya sa harapan namin. Inagaw ko naman ang atensiyon niya, wala na ang luha mula sa mga mata.
“Stop saying nonsense. I won’t cancel the wedding.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro