Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23

Sonata's POV

"Happy birthday, Ate Nat," ani Ciane bago ako hinalikan sa pisngi. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kaniya.

"Thank you, Ciane," ani ko nang iaabot niya ang kaniyang regalo sa akin.

"Nasa loob na sila, Ate?" tanong niya sa akin kaya tumango ako. Nandito kami sa isang resto ngayon. Hames and I celebrated our birthday in our house but he wanted to continue it here in the resto. Himala because he didn't really invite Milliana dahil na rin ayaw ko at dahil na rin alam niya na ang mangyayari kung sakali.

But of course, I invited Zed. Here and in the house. Alam kong ayaw ni Hames but why won't I stop? He knows that I don't like Milliana either.

Inaabangan ni Hames si Milliana rito sa labas kaya nandito rin ako ngayon nagsasayang ng oras para lang pakiranggan siya kung sakali mang dadating talaga.

"Hindi na darating 'yon," saad ko kay Hames. He was just looking at the entrance.

"Umaasa ka masiyado," I said kahit alam kong darating talaga si Milliana dahil sinabi na sa akin nina Gael. Well, I know I will ruin my day but it's also my brother's birthday kaya wala rin talaga akong choice but to let him.

I looked at my brother's face when I saw him brighten. I know Milly will greet him, I heard her say that she wanted to be the last person to greet him. But I was so different. I want to make that someone's birthday already special for the whole day. I want to greet them agad-agad. 

Napairap ako nang makita ko ang unti-unting pagkurba ng ngiti mula sa kaniyang mga labi.

"Tsk. Someone shows up as if it's her night, huh?" Hindi ko mapigilan ang paringgan si Milliana kaya siniko ako ni Hames.

"Sonata, stop it. Don't ruin the night," bulong sa akin ni Hames. Hindi naman pupuwedeng gabi ko lang ang masisira rito, Beh. Alam kong masisira ang gabi ko dahil sa pag-imbita ko sa kaniya but I also want to ruin her night. Pero mukhang hindi mangyayari 'yon dahil agad din siyang dinaluhan ng mga kaibigan ko at nina Gael din.

Napairap na lang ako bago dire-diretso nang nagtungo sa ilang friend of friend na nandito sa loob. Mga kaibigan noong highschool and those random friends in college.

Marami rin talagang tao ngayon. Maluwag naman ang venue kaya ang dami ring games at may mini bar din dito.

"The night is really getting wide," natatawang saad sa akin ni Zed. Tumango lang ako bago sumimsim sa aking inumin.

"Ate Milly!" Masayang lumapit si Ciane kay Milliana kaya hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko. She's really getting Ciane's attention for the past few days. Hindi ko nga maiwasan ang inis sa tuwing nakikita ko 'tong kasama si Ciane.

"Happy birthday, Ma'am Sonata," bati pa sa akin ni Milliana dahil dire-diretso na ako sa pagpasok kanina.

Nagdadalawang isip pa siya kung ibibigay ang regalo sa akin. Nang makita ko si Hames, para siyang tangang nakatitig lang sa isang anklet na colorful pa. As if susuotin niya naman 'yon.

Napaawang nga lang ang labi ko nang tagalang sinuot niya. Napangiwi na lang ako at napairap sa kaniya. Hindi niya naman pinansin 'yon. Sanay na sanay na sa laging pagmamaldita ko.

"Uh... I made you a anklet... Hindi ganoon kaganda at kamahal kaya... uhh..." Hindi niya alam kung ibibigay ba sa akin o hindi. Naiirita na ko na lang ding kinuha dahil hindi pa siya mapakali sa kinatatayuan.

"You can go. Please lang, huwag kang magpakita sa akin for the night. Kung puwede lang itago mo 'yang mukha mo, gawin mo. Don't ruin my day," I said kaya napayuko na lang siya. To the rescue naman ang kupal na si Gael at si Hames na siyang abalang-abala lang kanina sa anklet na ibinigay sa kaniya ni Milliana.

"Sonata." Pansin ang iritasiyon sa tinig ni Hames kaya inirapan ko lang silang lahat bago sumimsim sa aking inumin.

The night is getting wilder at nagagawa ko pang makipagsayaw kay Kendra sa dance floor. Hindi ko maiwasan ang matawa nang kumaway sa akin si Zed na siyang mukhang nalilibang din sa pakikipagkwentuhan sa ibang kaibigan na narito. Well, he's always in the bar kaya naman madalas niya ring kilala ang ilan.

Nahinto lang ako sa pagsayaw at unti-unting napawi ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko si Gael at Milliana na palabas habang hawak-hawak ni Gael ang palapulsuhan niya. Nakita ko si Hames na nakatingin lang sa kanilang dalawa at wala na namang ginagawa. I know he likes Milliana even if he didn't admit it. Hindi ko mapigilan ang iritasiyon na nadarama lalo na nang makita ang sakit mula sa kaniyang mga mata. Bakit ba ang tanga niya?

And who Milly think she are to ruin my brother's night? He was so happy that she's here pero mukhang hindi naman pala ang kapatid ko ang ipinunta niya rito.

"Wait lang, Kendra. I'll just do something," saad ko kay Kendra kaya napatingin siya sa akin.

"Huh?" Mukha siyang nagtataka subalit sa huli'y wala ring ginawa. Dire-diretso lang ako sa paglabas at sumunod kay Hames na mukhang balak lang magpahangin.

Binangga ko siya kaya agad niya akong pinagkunutan ng noo.

"What are you doing here?" tanong sa akin ni Hames habang kunot na kunot na naman ang noo sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tila alam niya naman na ang gagawin ko kaya agad niya akong hinawakan sa palapulsuhan. Inalis ko lang 'yon bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gawi kung nasaan sina Milliana at Gael. Gael was really serious until he hug Milliana. Agad ko nga lang silang pinaghiwalay.

Bukod sa nakaramdam ako ng iritasiyon, hindi ko maiwasan ang masaktan. Hindi ko alam kung para sa akin pa rin o para na sa kapatid ko.

"How dare you two do things here? You know that it's our fucking birthday! Wala man lang ba kayong hiya? The fuck with the two of you! Tangina niyo!" I don't even care if I shout loudly right now pero iritadong-iritado talaga ako ngayon sa kanilang dalawa.

"Sonata, let's just go. Stop acting like a child," ani Hames sa akin na hinawakan ang palapulsuhan ko and never really look back at them. Hindi ko mapigilan ang iritasiyon ko sa kaniya. Magkaibang-magkaiba talaga kami. Kung coping mechanism ko ay ang manakit din kapag nagsasaktan, ang kaniya'y sinasarili lang ang sakit. Kaya minsan ay nakakayamot na lang talaga.

"Uuwi na tayo! Hindi mo maikalma 'yang sarili mo!" inis niyang saad at ipinasakay ako sa kaniyang kotse. Masamang tingin pa ang ibinigay niya sa akin nang sa wakas ay maayos niya ang seatbelt ko. Ganoon din naman ang ibinigay ko sa kaniya.

"How dare them to do that when it's not even their day? Hindi pa ba sila nagsasawa sa kakalampungan araw-araw?" iritado kong saad.

"Just shut the fuck up, Sonata!" inis na sambit ni Hames nang huminto ang sasakyan sa hindi mataong lugar.

"Are you cursing me?" tanong ko na galit siyang tinignan.

"Pinagtatanggol mo na naman ba ang babaeng 'yon, Hames?!"

"She was ruining the both of you, bobo ka ba?!" malakas kong sigaw para lang matauhan siya.

"She was the one who made us likes this so how can you... How can you love her? You're so unfair!" malakas kong sigaw na hindi na pinigilan ang mainit na likidong gustong kumawala sa aking mga mata. No. I won't cry here. I won't cry while everyone's looking at me.

"Sonata! You're being too much! That's not nice to say," ani Hames sa akin.

"She's not so nice either! If she really likes one of you she already choose who is it! But she just fucking like attention! Kaya nga hindi makapili, 'di ba? Kaya nga nilalandi ka kahit na gustong-gusto rin siya ni Gael! What a fucking whore!" malakas kong sigaw sa kaniya. I know that Milliana already knows that Gael at Hames. Sa araw-araw ba namang pagpapahiwatig ng dalawa. Hindi ko alam kung magbubulag-bulagan lang ba o ano.

"What? You don't know her at all and you know what you're saying, right? Talaga bang ganiyan ka na mag-isip ngayon? You're disappointing me each and fucking day." Seryoso niya akong tinignan na tila ba disappointed na disappointed nga talaga sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi dahil sa paraan ng tingin nito.

"I hope you know that you're turning into monster, Sonata. Look at yourself at the mirror. Baka maski ikaw, hindi mo na rin makilala ang sarili mo," malamig niyang saad sa akin bago lumabas ng sasakyan.

I didn't run after him. Namalayan ko na lang ang sariling nakatingin sa salamin dito sa sasakyan. Unti-unting namuo ang luha mula sa mga mata ko dahil alam ko ring tama siya. I really turn into monster and each fucking day, I was the one who's hurting. Sa lahat ng masasakit na bagay na ginawa ko kay Milliana, doble ang kapalit sa akin tuwing mag-isa na lang ako. Tuwing napag-iisip-isip ko ang lahat.

Tama nga siguro talaga sila, I was turning into a monster and I don't have any single idea on how to turn back myself to that happy Sonata. The one who's not really insecure at all. To the person who doesn't compare herself to anyone.

Iyak lang ako nang iyak. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi.

Ni hindi ako nagpakita kay Mama dahil alam kong kukwestiyonin niya kung bakit namamaga ang mga mata ko. Maski ng patulog na'y hindi pa rin napapagod ang luha ko sa pag-iyak.

"Did you enjoy your night out, Nat?" tanong ni Mama nang pababa ako sa hagdan.

"Nakita mo po ba ang cellphone ko, Ma?" tanong ko kay Mama. Umiling naman siya kaya napanguso ako. I think I lost it last night. Sayang naman ang ilang vlog ko roon. The whole morning tuloy, imbes na alalahanin ko ang kagabi, I was just looking at my phone the whole time pero napakibit na lang din ako ng balikat kahit na medyo masama rin ang loob ko dahil sayang ang mga vlog namin ni Kendra kagabi.

Nilagpasan lang ako ni Hames na siyang bumaba na rin galing sa kaniyang kwarto. Inirapan ko lang din siya. Wow, he have the audacity to gave me a cold shoulder when in fact iniwan niya ako kagabi?

"Zed will get you? Dito mo na rin pakainin," ani Mama sa akin.

"No need na, Mama. We'll just eat outside. Isa pa, look at your son's face. Akala mo naman talaga—"

"Shut up and stop seeing that asshole. Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na hindi maganda ang image ng lalaking 'yon?" tanong niya. Aga-aga. Almusal ko na naman ay sama ng loob.

"Maganda rin ba ang image ni Milliana. Mang-aagaw nga ang tawag sa kaniya ng iba," ani ko kaya galit niya akong tinignan. Pabulong lang 'yon dahil hindi ko rin gustong malaman ni Mama. They will probably say things to Hames too.

"Stop saying things. Bumabalik lang sa 'yo." Binangga ko pa siya na nakita ni Mama kaya pinagalitan ako.

Panay lang ang irap ko hanggang sa lumabas.

"Agang badtrip, huh?" natatawang tanong sa akin ni Zed nang sunduin ako.

"So annoying lang talaga sa bahay," ani ko kaya ginulo niya ang buhok ko bago ako pinapasok sa loob ng kotse niya.

I was just ranting at him. Panay lang naman ang pagkampi niya sa akin. I was glad that I found an ally when everyone was turning their back on me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro