Chapter 21
Chapter 21
Sonata's POV
"What? You are all invited and I'm not?" tanong ko na hindi mapigilan ang iritasiyon na nadarama.
"Why would she invite you, Sonata? You're not even close with each other," sambit ni Hames sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapasimangot doon bago siya inirapan.
Hindi ko mapigilan ang iritasiyon sa akin kaya naman nagawa ko pang samaan sila pareho ni Kyst na siyang nagagawa pang mang-inggit.
"You're going too?" Kumunot lang ang noo ko.
"Of course," ani Hames na hindi ako nililingon at kinuha na ang ilang laruan. Panay lang ang lagay nilang tatlo nina Gael at Kyst doon. Halos naka-dalawang pushing cart na si Kyst at nagawa pang ipatulak sa akin ang isa.
They are actually going to Milliana's niece's birthday party. Maliit lang daw na celebration now that her niece is turning 2.
"You're not really invited. You just invited yourself," anila kay Kyst na siyang umirap lang at napakibit ng balikat. Hereth just laugh at them while I was just looking. Hindi ko maiwasan ang mapasimangot doon. I feel out of place again.
Hindi ko maiwasan ang mapangiwi. After kong maging mabait sa kanilang dalawa, hindi niya ako iinvite?! I even let them together ni Gael when we are in the family outing although halos itago siya ni Gael at kulang na lang itakas doon. After kong magtiis silang panoorin ang pagbaba ng araw habang nasa dalampasigan? Aba! Utang na loob nilang hindi ko sila ginulo kahit napakadali lang gawin niyon!
Napairap na lang ako habang pinapanood ang mga kaibigan na abalang-abala sa pagbili ng mga ipang-reregalo nila.
And that birthday came. I said to myself that I'll never go to a party that I wasn't really invited but I can't help but feel annoyed when the evening came and they are not home yet. Hames is not in the house pa rin. Hindi ko maiwasan ang pag-irap when I saw Hames posting a pic with a little child. Medyo cute. Puwede na.
"I'll just go outside for a while, Mom," I said to Mama kaya naman nilingon niya ako.
"It's already late. Where are you going again?" tanong niya na nagtaas pa ng kilay sa akin.
"Diyan lang po, Ma," I said na tipid na ngumiti before going out.
I actually have a gift too. Kahit hindi ako invited ay balak kong idaan ang regalo. Bahala na. Sayang naman kung hindi ko maibibigay.
Napanguso nga lang ako nang nasa eskinita na nila Milliana or is this that street? Hindi ko alam kung bababa ba ako o hindi. Ang daming batang pakalat-kalat sa daan at marami ring nagsusugal sa paligid. May mga nag-iinuman din. I don't know where Milliana house is. Ni hindi ko nga alam kung tamang eskinita ba ang napasukan ko. Pababa pa lang ako when someone already look at me.
"Excuse me, Miss. Do you know where the Feliciano is?" tanong ko sa isang babaeng kumakamot pa sa kaniyang ulo habang mukhang natatalo pa sa kanilang sugal.
"Ah, Feliciano? Sa dulong bahay 'yon," anang mga ito kaya napatango ako. Hindi kakasya rito ang kotse ko kaya naman dire-diretso lang ako sa paglalakad.
"Witwiw." Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng tingin ng mga ito. Yes, there are a lot of assholes and maniacs I met in bars, school, and everywhere but this is different. The way they look at me feels like they will really do something.
Napaawang ang labi ko nang hilain ng isang lalaki ang bag na hawak ko maski ang box na 'yon. My mind when blank especially when people was just laughing na para bang normal na senaryo na ito sa kanila.
"Mukhang mayaman ka naman. Barya lang panigurado 'to sa 'yo," aniya sa akin na humalakhak pa. I didn't really get it back. Imbes na tumuloy pa'y nagsimula na akong maglakad na lang palabas but some guys are already following me. Mabilis na ang lakad ko patungo sa aking sasakyan. Halos mapaiyak ako sa takot nang mapagtanto na nasa bag ang susi ng sasakyan ko.
"Mukhang hindi ka naman nagmamadali, Miss. Painit muna tayo," natatawang saad ng isang lalaki susubukan pang lumapit sa akin. Napaawang ang labi ko roon bago takot na nanakbo. Naririnig ko pa ang tawanan nila nang halos magkanda tapilok ako sa heels na suot. I don't care at all kahit na nagkanda-sugat-sugat na ang paa ko. Kahit ata mapilay ako ngayon ay wala na akong pakialam, basta ang alam ko lang ay kailangan kong tumakbo nang tumakbo.
Hindi ako huminto kahit wala na ang halakhakan mula sa likod ko. Hindi ako huminto hanggang sa unti-unti nang naramdaman ang namamanhid kong paa. Hanggang sa unti-unti nang nararamdaman ang pangingilid ng luha mula sa aking mga mata.
I was just crying when I got into a sari-sari store. I immediately ask for a phone. Memoryado ko ang numero ni Hames kaya siya ang tinawagan ko.
"Hello?" Nahihimigan ko pa ng tuwa ang tinig niya. Naririnig ko rin ang tawanan mula sa background niya tila ba nagkakatuwaan silang lahat. Kinagat ko lang ang aking labi at pinigilan ang sariling maglikha ng tunog. Ramdam ko lang ang panibagong luhang namumuo mula sa aking mga mata.
"Hey, is this Nat? What is it again? You're going to pester me with your nonsense again?" tanong niya na may paglalaro pa sa tinig. I already called his number using a different sim just to annoy him but it's different now.
Mukha pa siyang tinatawag mula sa kabilang linya. Pakiramdam ko'y anytime ay mapapahikbi ako dahil lang sa tawanan na naririnig mula sa kabilang linya. Dahil sa takot na nadarama mula sa mga tawanan na mula sa mga lalaking nakasunod sa akin kanina.
I didn't say anything at all. Pinatay ko lang ang tawag at napaupo na lang sa tapat ng tindahan. Hindi na rin ako nag-abala pang tumawag sa ibang kaibigan dahil pakiramdam ko'y makakaabala lang lalo na't nagkakatuwaan ang mga ito. Baka lalo pa silang mainis sa pagiging makulit ko.
"Who will I call?" tanong ko sa sarili habang humihikbi. Sila lang ang mayroon ako pero ngayong wala silang panahon para sa akin, sino ang tatawagan ko ngayon? Nagdalawang isip pa ako kung tatawagan ang isang numero subalit bandang huli'y pinigilan na lang din ang sarili. Stop acting so pathetic, Sonata. You already know that they don't really want to hang out with you.
Mas lalo lang akong napahagulgol ng iyak at kinaaawaan na naman ang sarili. Self-pity na naman at overthink malala. Gusto kong saktan ang sarili dahil hindi na naman magawang pakalmahin.
"Ano, Miss? Wala ka talagang pambayad? Kanina ka umiiyak diyan," saad sa akin ng tindera mula sa loob ng kaniyang tindahan.
"Huwag mo nang bayaran. Mabuti pa't umuwi ka ka na muna. Ito ang pamasahe. Mukhang hindi naging maganda ang takbo ng araw mo," anang tindera sa akin. Imbes na ako ang magbigay ng pambayad dahil sa pagtawag na ginawa ko. Naawa na lang ito at binigyan ako ng bente pesos para mag-commute. I just said my thanks even though I don't even know if I can really use the twenty pesos to pay my fare.
I don't really commute that much but I know that I can't really use it in a cab.
I needed to do something for me to go home. Hindi ko rin gustong manatili sa malamig na kalsada ngayon habang patuloy ang pag-iyak. I heard some woman going to where to some bar, I think it's next to Zed's bar. That's why I ended up following them. I don't want them to feel unsafe so I really distance myself but still I really need to follow them for me to be able to go home. Tahimik lang ako habang nasa pila. Siksikan ang mga tao at halos hindi pa ako makagalaw nang mag-unahan sila sa pagpasok. Napapikit na lang ako dahil pagod na pagod na agad sa dami ng nangyari ngayong araw.
Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa bar. Ramdam ko ang hapdi ng paa ko bago naglakad patungo sa bar ni Zed.
"Is Zed there?" tanong ko sa isang bouncer dito sa bar.
"Opo, Ma'am. Tawagin ko na lang po," anito dahil kilala na rin ako.
"Thank you," ani ko na tipid na ngumiti.
Nakita ko si Zed na may kasamang dalawang babae. Ang tukmol ay nakaakbay pa sa dalawa kaya hindi ko maiwasan ang mapailing na lang. Napairap na lang ako nang senyasan niya akong lumapit.
"Hey, why are you here?" Nakangisi pa ito habang nakatingin sa akin subalit unti-unting napawi 'yon nang tuluyan niya na akong makita. I know. I'm really a mess right now but I really needed his help to go home. I don't really have any close friends that much.
"Go away," aniya kaya napaawang ang labi ko.
"I just need a little favor and I'll immediately go home," I said to him.
"Not you, Nata. You two should go. The play time is over," anito kaya walang sabi-sabi ring tumayo ang dalawang babae tila ba alam ang limitasiyon. Pareho pa akong inirapan. Inirapan ko rin sila. Duh! I didn't even do anything!
"What's happened?" tanong sa akin ni Zed.
"I need to go home. I want to go home..." I said. I was actually too tired right now.
"We'll go home," Zed said before looking at my feet.
"I'll bring you home but for now, let's go to the hospital," he said before carrying me. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kaniya. He just really reminds me of someone I wanted to call earlier. Damn. Why do I feel like I want to cry again?
And that's what happened. I ended up crying while we were in the hospital ni Zed. He was just so worried about me. He didn't really ask anything and I appreciate it so much. I also ended up telling him what happened.
"What?" He looked so mad.
"I just want to go home now. Ayos na ako..." mahinang saad ko kahit ang totoo'y hanggang ngayon nanginginig pa rin ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Kita kong malalim lang ang iniisip niya at pinaghalo-halong emosiyon ang makikita sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung masiyado ko lang binibigyan ng ibig sabihin o ano but he look so mad and at the same time worried.
"Thank you... I hope you won't tell anyone about this..." mahinang saad ko dahil ayaw kong malaman nila ang tungkol sa pagpunta ko sa birthday ng kapatid ni Milliana kahit na hindi naman talaga ako invited. Ayaw ko ring sabihin ang nangyari kanina dahil alam kong kasalanan ko. Hindi na sana ako nagpunta pa roon in the first place.
"No worries. Text me when you feel like you need someone to talk with..." aniya na nginitian pa ako. Tumango ako sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago nagpaalam.
Pagkapasok ko nga lang sa loob ng bahay, agad kong nakita sina Hames na nakatambay pa sa sala habang nag-iinuman. Kita ko ang tingin sa akin ni Hames.
"You called earlier?" tanong niya sa akin.
"Why would I even call you? Bakit ko naman i-istorbohin ang kasiyahan niyo?" ani ko na umirap pa. Sarkastiko pa ang tinig. Ang coping mechanism ko na ata talaga ay ang pagsusungit araw-araw.
"Why are you being a bitch again, Sonata?" Iritado si Hames habang nakatingin sa akin.
"Wow," mahina kong saad. I know I'm bitch and that was never an insult to me but maybe I was just really hurting right now.
"Hames." One of my friends calls his name just to preach to him but I had already walked away.
Pare-pareho lang naman silang lahat. I hate them all... And I hate myself more for crying my ass out again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro