Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

Sonata's POV

"Engagement party?" Napakunot ang noo ko kay Mama nang sabihin niya ang tungkol doon. Nakatingin lang sa aming dalawa si Tita Amery tila tinatantiya ang ekspresiyon ng mukha naming dalawa ni Gael.

"Sa akin wala namang kaso 'yon. I already know that I'll be marrying Gael no matter what happen." seryoso kong sambit.

"But the idea is not that bad," ani ko bago nilingon si Gael.

"What do you think?" tanong ko sa kaniya. Well, Lagi lang namang sang-ayon si Gael sa lahat dahil hindi niya matanggian ang mga suhestiyon ng Lola at Mama niya. While me, I'm always open with my opinion. Kapag nahihirapang tumanggi si Gael, ako na ang tumatanggi.

Nagkibit lang naman siya ng balikat kaya alam kong maski anong desisyon ay sasang-ayon siya. He'll say it to me naman kung hindi niya gusto. Wala rin naman kasi siyang interes sa mga bagay-bagay.

After our talk, lumabas na rin ako ng kusina at aakyat na sana ng kwarto nang makitang nandito na ang mga kaibigan namin ni Hames.

"Sana all galing Maldives! You didn't even invite me!" reklamo sa akin ni Kyst nang lapitan ako. He's my bestie next to Hereth since we were kids.

"Why would I? You're busy with your chix," ani ko na inirapan pa siya.

"Selos ka?" nakangisi niyang tanong bago ako inakbayan. Siniko ko naman siya roon.

"Kapal mo! Selos your face. Sino ka ba?" Umarte naman itong parang nasasaktan kaya hindi ko mapigilan ang mapailing.

"Ouch!" Humawak pa siya sa kaniyang puso na akala mo'y tinusok ko 'yon. Napairap na lang ako sa ka-

"Pasalubong?" Sinalubong ko ang malamig na mga mata ni Reed.

"Here!" Malapad akong ngumiti bago ibinigay ang pasalubong para sa kaniya.

"Hoy? Paano naman ako?" Kinanta pa 'yon ni Kyst kaya tinakpan ko lang ang tainga ko habang sinusundan niya ako.

"Tsk. Sino nga ba nanan ako para bilhan mo nang pasalubong?" Para pa siyang stupid na lumayo sa akin kaya hindi ko na napigilan pa ang halakhak ko bago siya iniwanan doon. Nagtungo ako sa kwarto para kuhanin ang pasalubong ko sa kaniya ngunit agad na nanliit ang mga mata nang nakasunod na ito sa akin at walang hiya pang nahiga sa kama ko.

"Daya mo!" Nagtipa pa siya sa kaniyang cellphone. Sigurado na agad akong magpaparinig ang kupal sa twitter.

"Daming arte. Here!" ani ko na kinuha lang sa mga pasalubong na pinamili ang binili kong  surfing board para sa kaniya. Hindi naman sila materialistic nina Kuya dahil kayang-kaya talaga nilang bilhin ang lahat pero nagtatampo kapag walang binili para sa kanila. Pare-parehong masakit sa ulo at mahihirap intindihin.

"So, what's the talk all about?" tanong ni Kyst habang inaayos ko ang phone dahil nangungulit na siyang maglaro kami. Nandito na rin sina Hereth at Reed. Sina Hames, paniguradong nasa court na naman 'yon dito sa bahay kasama si Gael at  Ciane. They just really enjoy playing. Tutungo ako roon mamaya, pagbigyan lang 'tong mga 'to.

"Hmm, just about the engagement party." Nang matapos kong ayusin ang phoone, nilingon ko silang tatlo dahil hindi sila nagsalita. Pare-pareho na palang abala sa kani-kanilang cellphone. Napanguso ako kaya sinilip ni Kyst ang mukha ko.

"Edi ayos, may lamunan na naman!" aniya na ngumisi pa sa akin. Isang irap lang naman ang ibinigay ko sa kaniya.

We just play for a while. Ang isang game na plano namin ay nahiritan nang nahiritan. Nang makalabas ay dumeretso agad ako kay Gael.

Bago pa ako makalapit ay ako na mismo ang tumapilok sa sarili para lang mapalapit kay Gael. Nahawakan niya naman ako ngunit agad ding binitawan.

"Kadiri mo, Nat! Kingina! 'Yong mata ko!" sigaw ni Hereth habang nakatingin sa akin. Natawa na lang din ako roon bago ngumisi.

"One point akin." Humalakhak pa ako kaya nginiwian lang ako nitong si Hereth at pinagbabato ng towel na hawak nila.

"Eww niyo! Panay pawis niyo na 'yan!" malakas kong sigaw kahit na malilinis naman 'yon.

"Wow, Ate. Pero kapag kay Kuya Gael halos singhutin mo pa amoy," pang-aasar ni Ciane.

"Of course." Nailing na lang mga ito.

"Landi!" Humalakhak pa si Hereth bago ako tinulak kay Gael. Inaamin ko naman na malandi ako pero syempre kay Gael lang.

Mayamaya lang ay nagsimula na kaming maglaro. Halos lahat naman sila'y sporty kaya keri lang.

Hindi ko maiwasan ang matawa nang ang tangang si Kyst ay nadapa pa habang tumatakbo para agawin ang bola.

"Stupid ampota." Humalakhak pa ako kaya agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi. Kita ko naman ang pagngisi ni Reed sa gilid ko.

"Tanga, 'no?" Naghanap pa talaga ng kakampi. Tumango naman si Reed kaya satisfied naman akong ngumisi.

Karma is really a bitch nga naman dahil nadapa rin ako. Hindi naman na mapakalma ni Kyst ang sarili habang tawang-tawang nakatingin sa akin. Maski tuloy ang mga kaibigan ay nahahawa rin sa tawa niya. Isa pa ang hinayupak kong kambal na hindi na rin makahinga kakatawa dahil narinig din ang pang-aasar ko kay Kyst kanina.

Nilapitan naman ako ni Gael bago ako inalalayang tumayo bago siya bumalik sa kaniyang pwesto. Well, he's always like that naman kasi kahit sa mga hindi niya kilala. He just seem so cold outside but deep down he genuinely care. He's nice with everyone but of course, I felt more special lang kahit lagi siyang hindi umiimik. Ako lang naman kasi madalas ang nakakausap niya that's why I always feel I'm different from other people when it comes to him.

"Your eyes always looks like it's sparkling when you're looking at Gael's face," ani Reed sa akin.

"Lagi naman akong kumikinang kahit hindi, ah?"

"Ano ka ginto?" Kinutusan ko na lang si Kyst na nakikisabat pa.

As usual, we just spend our time together until our engagement party happened. Super daming schoolmate ang nagtungo rito. Sanay na sanay naman akong makipagchikahan or makipagplastikan pa sa mga ito. Some just wanted to be friends with me because of my friends which is fine with me.

"Omg! Both of you are really lucky to be with each other! Congrats!" Some of my friends said, not the close one. I always have that friend-friend the one you just use to talk with but doesn't really trust one. Well, they're the one who made it possible not to trust them, eh.

Paalis na ako nang marinig ko ang usapan nila tungkol sa kung paano ko landiin si Gael. Super aware naman ako roon dahil inaamin ko naman talaga na nilalandi ko si Gael sa abot ng makakaya ko. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa sariling iniisip.

Maraming bumati sa aming dalawa but some are just labas lang talaga sa ilong kung bumati.

"Why?" tanong ni Gael nang mapansin ang pagsimangot ko. Pinahalata ko naman talaga sa kaniya dahil nagagawa ko pang ibagsak-bagsak ang ilang gamit ko.

"People is just so annoying!" ani ko kaya napatango siya roon.

"That's right but just understand them. Hindi rin naman magandang makigulo ka pa." Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagiging spoiled brat ko. Aware na aware ako pagdating doon but no matter how people spoil me. There will be always Gael na hindi ako hahayaang gumawa nang masama lalo na kung sa harap niya pa mismo.

"Those people are not worth your time." Napanguso na lang ako at napatango.

That was always the case. When I looked at Gael, I see where the road to my future is. Siguradong-sigurado na ako, alam kong siya na ang makakasama sa pagtanda. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa kaniya. It's our 18 birthday now. It's October 27. He's my escort. He's not really up to something like this but of course, pinilit naming lahat.

Hindi ko rin naman siya tinatanan nang subukan niyang tumanggi. Aba't pinangarap kong siya ang first dance at last dance ko, 'no. Kahit na kinukulit ako ni Hames na siya na lang ay pinagpilitan ko pa rin ang gusto.

"Thank you for fulfilling my request, Gael," ani ko.

"May choice ba ako?" Hindi ko naman mapigilan ang matawa bago umikot. Lagi lang din naman siyang sabay sa agos ng buhay at lagi lang pinagbibigyan kaming mga babae sa buhay niya.

I enjoy my birthday especially that I spend my time together with friends.

That was actually the highlight of my 18th years of existence. Always been spending my birthdays with Gael.

"20 ka na, baka pupuwede mo nang bawasan 'yang pagiging maldita mo," ani Hames nang batiin ako sa 20th birthday namin. Agad ko naman siyang inirapan.

"Anong maldita? You're just so kulit kaya ka napag-iinitan." Agad naman nila akong inasar kaya pikon ko silang tinignan. Sa huli'y tumawa lang ang mga ito. Hindi ko naman na sila pinansin pa at ibinigay na ang atensiyon kay Gael ngayon.

"Where's my gift?" Naglahad pa ako ng kamay kaya napangisi na lang siya.

"Happy birthday," bati ni Gael bago iniabot ang isang bag ng hermes. Hindi ko naman mapigilan ang paningkitan siya ng mga mata.

"How about a ring? Hindi mo pa rin ba ako bibigyan ngayon? Isang taon na lang. Ihanda-handa mo na ang sarili mo dahil matatali ka na sa akin," banta ko pa sa kaniya. He doesn't seem scared about that at nagkibit na lang ng balikat sa akin.

Sinamaan ko nang tingin si Hames nang kutusan niya ako. Mahina lang 'yon pero inis na inis ako dahil muntik nang magulo ang buhok ko.

"Ikaw pa ang humihiling, tigil-tigilan mo 'yan at magpasalamat ka na sa lang sa ibinigay sa 'yo," aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapanguso. 

"O mag-aaway pa 'yan! Tigilan niyo nga, birthday na birthday magbabardagulan na naman kayo," ani Hereth habang naiiling na nakatingin sa amin.

"Shot na," sambit ni Kyst na siyang nakahanda na ang baso sa kaniyang tapat. Inom na inom na naman ang kupal.

"Magmumukha ka ng alak, tanga ka," ani ko sa kaniya kaya umikot lang ang eyeballs nito.

"Dami pang sinasabi." Hindi rin nagtagal, kami naman ang nagtatalo.

I was pre-occupied talking with them when I realize that Gael and Reed are gone now. Hindi ko alam kung umuwi na ba ang mga 'yon o ano but I'm sure they will tell if they ever go home.  

Itatanong ko pa lang sana kay Ciane ngunit nakikipagchikahan ito kay Hereth.

Tumayo naman na ako para hanapin ito.

"There you ar—" Magsasalita pa lang sana ako nang makita ko siyang nakatayo sa isang tabi ngunit napansin ko ang iritasiyon mula sa mukha nito.

"Are you stupid?" Napakunot ang noo ko because he was never the hot-headed type. Pupunahin ko na sana siya at pagsasabihan but I saw how he look at her. Sobrang tagal niyon. I don't know if I'm just drunk or anything but I can always differentiate the way he look at people. And this? This is different...

"What's going on here?" Nakataas na agad ang kilay ko bago humalukipkip. Agad kong nakita ang isang babaeng nakayuko habang mukha pang natataranta.

"I'm sorry, Ma'am, hindi ko po sinasadya." Mukha pa siyang natataranta. Napabalik ulit ako ng tingin kay Gael. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin at nakasimangot pa ring nakatingin sa babae. I was suppose to help her but I ended up being speechless. Stupid, Sonata.

"Forget it. Tara na, Nat," ani Gael sa akin. Nilingon ko naman ang babaeng nakatingin sa amin pareho. I hate it. I hate how her eyes look like a puppy who's in the verge of crying and of course I hate this feeling. Napatingin pa akong muli kay Gael na balik na naman sa pagiging suplado ang mukha. Dahan-dahan kong kinawit ang kamay sa kaniyang braso kaya nilingon niya ako.

"Calm down. You don't have to be mad at the girl," ani ko na sinubukan pang ngumiti. Hindi alam kung kanino nga ba sinasabi 'yon.

I don't know. Maybe I was just scared because the way he look at me was always the same on how he looks at others... But this... I felt like a glimpse of his emotion are shown...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro