Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

Sonata's POV

"Do you think they will like this clothes, Mama?" nakangiti kong tanong habang nakatingin sa ilang damit na aking binili para sa mga bata mula sa ampunan malapit kina Milliana.

"They will. Ang gaganda kaya ng pinili mo," nakangiting saad ni Mama kaya hindi ko rin maiwasan ang mangiti roon.

Mabuti nga ay sa group chat namin nila naisipang magyaya for volunteering to give some goods for the kids.

Lumabas na ako kalaunan kaya naman napatingin sa akin si Hames. Well, all of our friends of course.

"Ano na naman?" tanong ko kay Hames na siyang nakasermon na naman. Hindi na rin kasi talaga niya ako naabutan matapos kong utos-utusan si Milliana kagabi. Hindi ko alam kung kanino niya na naman nalaman. Kung kay Milliana ba o kay Kyst na chismoso.

"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" tanong ni Mama nang makita niya kaming nagtatalo. Hindi naman ako nagsalita at inirapan na lang si Hames na siyang hindi na ata napapagod sa pakikipag-away sa akin.

"She did something terrible again to someone, Mom," ani Hames kaya ang ending nasermonan din ako ni Mama.

"Don't wait for me to tell her that it's Milly," malamig kong saad bago ako sumakay sa kaniyang kotse. Narito na ang ilang kaibigan. Agad na ngumiti sa akin si Ciane nang makita ako. Magkatabi kami habang nasa sasakyan.

"Where are we going?" tanong ko na nakataas ang kilay nang mapansing hindi pa ata kami didiretso sa school.

"We'll drop by in Milly's house. Marami siyang bitbit ngayon," ani Hames kaya hindi ko mapigilan ang bumusangot.

"Why? Can't she commute? VIP naman pala masiyado." Ako lang ang tumawa roon. I rolled my eyes when they are about to say things again.

"Stop. Not interested to hear things from you again," ani ko at sinubukan na lang makipagkwentuhan kay Ciane na agad din naman akong kinausap. Pareho kaming dalawang nagrereklamo na susunduin pa si Milly. Panay lang ang rant at parinig namin sa mga ito. Simula talaga ng dumating si Milly sa buhay naming lahat, hindi na naging maganda pa ang atmospera ng paligid.

Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa tapat ng eskinita nina Milly. Ang dami nga nitong bitbit. Hindi ko alam kung buong bahay ba nila ang gusto niyang dalhin o ano. Napairap na lang ako nang makitang bumaba si Hames at Gael para lang salubungin ito. Kinuha pa nila ang bitbit nito sa magkabilang kamay. Ngiting-ngiting pa ang mga tanga. Tuwang-tuwa na inaalipin. Mukhang may sinabi rin si Milly para patawanin ang mga ito. I never really saw Hames being happy like that and of course Gael. Ni 'di man ako mangitian ng kupal na 'yan.

Pare-pareho ko silang inirapan matapos pumasok sa loob ng sasakyan. Kita kong napawi ang ngiti ni Milliana at napayuko na lang din.

"Wow, prinsesang-prinsesa ang dating, huh?" tanong mo nang makapasok ito sa loob.

"I'm sorry, naabala ko pa kayo," mahinang saad niya.

"Buti alam mo." Ni hindi ko 'yon binulong o ano kaya naman kita ko ang masasamang tingin sa akin ng mga tao sa loob.

"Pasensiya na, Ma'am Sonata..." ani Milliana kaya mas lalo lang akong napairap. That's right. She should know how to properly call me.

"Drop the Ma'am, Milly. You can loosen up. I'm really sorry about my sister," Hames said.

"Who are you to say sorry for me? Do I feel sorry for her? No," ani ko.

"Coco, you're being harsh again," ani Kyst sa akin na pinitik ang noo ko. Inirapan ko rin siya. Maski sina Reed at Hereth na nagbabanta gamit ang mata.

"Ate, Lolo's actually inviting you to our trip. Want to come with us?" tanong ni Ciane na iniiba na ang usapan nang umandar ulit ang sinasakyan namin. Hindi ko alam kung bakit nakitaan ko ito ng ngisi sa mga labi nang mapatingin kay Gael na siyang agad na napakunot ang noo.

"She won't come. It's your family trip, right?" tanong ni Hames na umeepal na naman. Hindi ko maiwasan ang mapairap sa kaniya.

"Ate Nata is part of our family. Kulang na lang naman talaga ang kasal nila ni Kuya just to make it official. Hindi rin naman sila ni Milly so it's completely fine," ani Ciane kaya agad siyang nilingon ni Gael.

"I told you that I like Milly, Ciane," mahinahong saad ni Gael. We all know about that. Napangisi na lang ako nang mapait doon.

"Huh? Beh, joke time ba tayo rito?" tanong ni Milly na natawa paa.

"Do you like Kuya, Milly?" tanong ni Cianne na nakataas pa ang kilay kay Milly na dahan-dahan ding nailing. Mukha pang nag-aalinlangan. Pansin ko na parehong nakatingin sa kaniya si Gael at Hames. Mukhang parehong kuryoso sa sagot nito.

"So? She doesn't like you. You're even free to pursue her even if she doesn't have interest with you but when it comes to Ate Nata, hindi puwede?" tanong niya na nagtaas pa ng kilay kaya naman napatikhim ang mga ito. Mas lalo naman akong nangisi roon.

"Right. Why nga ba? Takot ka bang mahulog sa akin? Pinipigilan mo ba, Milly?" tanong ko pa kay Milly na pinagtaasan siya ng kilay. Mabilis namang umiling si Milly dahil sa tanong ko.

"Why are you even doing this, Sonata?" Galit ang tinig ni Gael. I was hurting but it's fine. Ayos na basta may maramdaman sila sa akin, kahit inis o galit pa 'yan.

"It's completely fine, Gael. Tutal ang usapan lang naman talaga natin ay ang pag-arte sa harap ng pamilya mo. I think I'm not really breaching the contract, right? Baka tama si Ma'am Sonata, takot ka lang na mahulog sa kaniya. And you liking me is impossible, masiyado ka lang sigurong pagod," natatawang saad ni Milly na mukhang sinusubukang pagaanin ang atmospera. Nanatili lang ang malamig na tingin ko rito bago umirap. Kita ko ang pagtiim ng bagang ni Gael dahil sa sinabi ni Milly.

"You'll come with us in our family trip then," aniya na tila pinal na 'yon. Pinanood ko kung paanong manlaki ang mga mata ni Milly but just a second later, unti-unti na lang din siyang napatango kay Gael tila ba may napagtanto.

"What are you talking about, Kuya?! It's a family trip!" malakas na sigaw ni Cianne kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay. Naiiling na lang din ang mga kaibigan namin tila masiyado nang nasasanay sa madalas na pagtatalo rito sa sasakyan.

"That's right. It's a family trip and she's my girlfriend in the eyes of our family. She's part of our family," malamig na saad ni Gael tila ayaw nang makipagtalo.

Humalakhak na lang ako roon kaya kita ko ang tingin nila sa akin.

"Let them be, Ciane," ani ko na mas lalo lang ngumisi.

"I don't like that smile on your face, Sonata," ani Hereth sa akin.

"What is it again? You only know how to talk to me when you feel like I'll do something." Inirapan ko pa siya. Kita ko ang malamig na tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko. Hindi na rin siya nagsalita pa.

Minsan ko silang nakikita ni Milly na magkasama kaya madalas ko silang irap-irapan. I won't even smile at them if that's what they think.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa orphanage. Excited naman si Milly because it seems like she likes kids. I don't want to stress myself today so I let her be. Madalas nga lang na paringgan ko ito.

"Huwag naman sanang ugaling kalye rito," ani ko. They keep on saying to her that she can act as herself kaya minsan ay lumalabas talaga ang pagiging makulit niya and I hate it. Well, buong pagkatao niya naman ay hindi ko rin gusto kaya it doesn't matter at all kahit na paano pa siya umarte.

Wala naman akong buhat-buhat habang patungo roon. Kinuha nila ang mga dala ko. Bakit ko pang ipipilit na buhatin kung sila na ang nag-insist, 'di ba?

May event pa rito sa orphanage kaya hindi rin namin agad nakausap ang mga bata. Binati kami ng ilang taga-pangalaga ng mga bata. Pangiti-ngiti lang ako habang bumabati rin pabalik sa mga ito.

Matapos ang event ay agad na ring lumapit sina Hames sa mga bata. Bitbit na nila ang mga laruang dala namin at isa-isang pinamigay ang mga 'yon.  I was just watching and actually having fun looking at them too.

Lalapitan ko na sana ang isa pang bata when some kids are running. Isang bata ang nakatapon sa akin ng hawak-hawak niyang chocolate na pinamimigay naman nina Kyst. Napatingin ako sa batang babae nang lingunin niya ako. I was about to say something when she suddenly cry dahil ata sa resting face ko.

"Hala. It's fine, Bebe. No worries." Bahagya pa akong nataranta. I'm not really good talking with kids kahit na gustong-gusto ko rin ang mga bata.  Sinubukan ko pang ngumiti rito.

Imbes na kumalma'y mas lalo lang siyang umiyak. Lumapit na rin si Milliana sa gawi namin. She seem to like kids kaya madali niya lang nakasundo ang bata. Naikalma niya rin 'yon.

"Hindi galit sa 'yo si Ate. Look she's even smiling at you," ani Milliana na nilingon pa ako. Awkward akong ngumiti sa bata. The reason why she cry even harder. Wala tuloy nagawa si Milliana kundi ang dalhin ito sa playground habang dala-dala niya ang ilang bitbit.

Napanguso ako. I was just nervous around them.

"Hala, nang-aaway ka pa ng bata, Coco," nakangising saad sa akin ni Kyst nang lapitan ako. Humalakhak pa siya sa akin kaya siniko ko siya bago inirapan.

"I haven't said anything but she already cried!" reklamo ko kaya mas lalo pang natawa si Kyst.

"Tignan mo naman kasi 'yang mukha. Ang suplada!" aniya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapairap.

"'Yang mukha mo nga mukhang pinaglihi ni Tita sa payaso, may narinig ka ba sa akin?" tanong ko. Mahinang tumawa si Reed na nasa tabi ko bago niya naiiling na binuhat ang ilang box.

"What?" Agad anong kinulong ni Kyst sa kaniyang mga braso kaya naman natatawa ko siyang siniko.

"Ang pangit mo na nga, ang funny pa ng face mo," ani ko.

"Oh, edi inamin mo rin? Ako na pala ang kasiyahan ng buhay mo?" Napangiwi na lang ako sa kakornihan niya.

"Ewan ko sa 'yo. Tigil-tigilan mo ako," ani ko subalit hindi rin maiwasan ang matawa.

"Stop fightig you two, help us here, Nat," ani Reed sa akin kaya tumango ako sa kaniya bago sumunod. Nakakawit naman ang kamay ni Kyst sa akin habang nakasunod. Nang-iinis na naman. Natatawa na lang din ako. Unti-unti nga lang napawi ang ngiti sa aking mga labi nang mapatingin sa gawi ni Milliana na siyang hawak-hawak si Gael na malapad din ang ngiti. He never really like kids but it seems like Milliana is really the reason why he's trying. 

Mukhang kilala rin talaga ni Milliana ang mga bata rito. Napataas na lang ako ng kilay nang makita kung paano ipakilala ni Milliana si Gael sa mga bata.

Napairap na lang ako at binitawan ang pagkakahawak kay Reed bago nagsimulang maglakad patungo roon. Bago ko nga lang magawa ay may nakahawak na sa kwelyo ng lolita dress na suot ko.

"Bawal magmaldita ngayon dito, Beh," natatawang saad ni Kyst na pinitik pa ang noo ko.

"Kyst is right. Don't ruin their time and yourself too, Nat," ani Reed.

Napanguso na lang ako at pareho silang inirapan. Fine. Pagbigyan sa ngayon. May susunod pang mga araw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro