Chapter 18
Chapter 18
Sonata's POV
"What are you doing, Sonata?" tanong agad ng mga kaibigan nang makita nila akong kasama si Gael at Milliana. Milliana look down. Naiinis ako dahil natutuwa akong nakikita ang itsura niya ngayon. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o maguilty roon.
Inirapan ko sila bago naupo but my smile comeback din naman. Malapad ang ngiti ko nang hingin ang pagkain kay Milliana.
"Can I taste it?" tanong ko sa kaniya.
"Yes, sure..." aniya kaya malapad akong napangisi bago nagsimulang buksan ang lunchbox niya. Pinagbabawalan pa ako nina Hames kaya pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Why? Bawal bang tumikim?" tanong ko na pinagtaasan pa sila ng kilay.
"I'll treat her too," ani ko na nakangising tinignan ang tinolang naroon.
"I can share it with you din," sambit ko. They were just looking at me habang nanliliit ang mga mata tila ba hindi naniniwala sa ginagawa ko ngayon. Hindi ko maiwasan ang matawa sa paraan ng tingin nila.
"I told you, you can also taste it. I have already ordered some food. Don't worry," ani ko. Nagsimula naman na akong kumain. Tinikman ko lang ang tinola ni Milliana. It actually tastes so good but because I want to annoy both of them, I won't say it.
"Lasang tubig," ani ko na ibinaba ang kutsara nang sabihin 'yon.
"Sonata." Nagbabanta na agad ang tinig ni Hames doon. Humalakhak lang ako bago nilagyan ang pinggan niya.
"Taste it then. Kayo na ang humusga," ani ko. Lahat sila'y nilagyan ko pwera lang kay Gael na akala mo'y asong ulol na gusto ring mabigyan. Manigas siya. Kainin niya ang luto ko. Hindi ako nagpakapagod para lang isnabin niya 'yan. Napangisi na lang ako dahil I know that he's always looking forward to lunch especially kung nagluto si Milliana.
"What do you think?" tanong ko na nagtaas pa ng kilay sa kanila. Alam ko na agad na masarap ang sasabihin ni Hames at hindi naman ako sasagutin nina Hereth at Reed.
Napangisi ako nang lumingon kay Cianne.
"It doesn't taste anything nga, Ate. Parang may kulang. It even look so plain din," ani Cianne kaya palihim akong napangisi. Pinagtaasan ko ng kilay si Kyst at binantaan na siya gamit ang mata ko. Inosente niya naman akong nilingon.
"Masarap naman, ah? Mas lasa pa ngang mineral water ang sinigang mo. Partida may sinigang mix pa 'yon," pang-aalaska niya sa akin kaya halos kaltukan ko siya. Bad trip. Bakit ba ako biniyayaan ng kaibigang tulad niya? Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin pa ang ngisi sa kaniyang mga labi. Bagkus ay hinarap ko lang si Gael na mukhang masama ang loob. Syempre ako naman 'tong si natutuwang nakikitang masama ang loob sa nila.
"You should start eating na rin. Alam ko namang miss mo na ang luto ko." I cringed even to myself when I tried to use my small voice while talking to Gael. Napatikhim naman ang mga kaibigan ko roon.
"Sonata. You know that we won't tolerate you for that. He already has a girlfriend. Stop pushing yourself to him," ani Reed sa akin.
"Hindi naman sila."
Nang lingunin ko sila, kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Milliana habang mukhang si Cianne lang ang hindi nakakaalam. Hindi ko maiwasan ang pagtaasan ng kilay ang mga kaibigan ko. So they knew? The heck with them? Kung hindi ko alam ang tungkol doon, wala talaga silang balak sabihin sa akin?
"What?" tanong ni Cianne. Napatikhim naman ako roon dahil sa tingin sa akin ni Gael.
"Oh, wala ba kayong balak sabihin ang tungkol diyan?" Humalakhak pa ako roon kaya halos patayin ako gamit ang mga mata ni Gael.
"I'm sorry for not telling you, Cianne... I was so torn between telling you and not. Your brother doesn't want your mom to engage him to someone else... Medyo naawa naman ako," ani ko kaya napaubo si Milliana habang napatingin naman sa akin si Gael. Bakas ang gulat sa kanilang mga mata.
"Oh, I already know about that at Tita's party. You have a deal with Milliana."
"Mahal mo ang pera, 'di ba, Milly? You said pa nga na win-win para sa inyong dalawa. Are you a gold-digger?" malambing kong tanong kaya agad akong pinagbawalan ng mga kaibigan ko. Agad din silang humingi ng tawad kay Milliana ngunit napataas lang ako ng kilay roon.
I can't help but smirk when she suddenly looks at me.
"What's wrong with you, Sonata?" tanong ni Gael na masamang tingin ang ibinigay sa akin. Kanina pa ito napipikon sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mangisi pa lalo roon.
"Not everyone have a privilige like you, Sonata. Hindi lahat katulad mong barya lang lahat ng kailangang bilhin. Some even need to sell their conscience to gain that money so don't say thing like that," ani Gael na mahinahon ang tinig habang sinasabi 'yon.
"So it's fine to stomp on someone's feet just to gain money?" tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya.
"No. That's not what I mean. What I mean to say is Milliana doesn't really want to do this but she just really needs money," aniya sa akin.
"So, okay nga lang if it's Milliana? That's what you wanted to say?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
"Sonata, stop it. That's not what he's saying. Watch your mouth. What you said is really offensive. You're wrong," ani Kyst sa akin kaya naman unti-unting nawala ang ngisi sa mga labi ko.
"Why? What? I'm just asking? Don't tell me what they are doing is right for you too?" tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya.
"No. They're completely wrong on what they are doing but the way you say it is really offensive too. You're insulting her with your words," ani Kyst sa akin na seryoso ang mga mata. Bumalik naman ang ngisi ko. Right. I was offensive but they are wrong.
"So they are wrong." Napangisi na lang din ako nang makuha ang gustong sagot. Kita ko ang tingin nila sa akin tila ba hindi natutuwa. Pagsasabihan pa sana ako subalit nagpatuloy ako sa pagkain tila ba walang pakialam sa sasabihin ng mga ito. Ramdam ko ang malamig na tingin ng mga ito.
"You all knew about this?" tanong ni Cianne na tila ba galit din ngayon.
"So you're just dating her for what sake, Kuya?" tanong niya. Kita ko ang matalim na mga mata ni Cianne doon. Natahimik si Gael dahil sa kaniyang kapatid. Napapikit na lang din siya at hindi rin alam kung anong isasagot dito.
"Don't tell, Mama, Cianne..." aniya sa kaniyang kapatid.
"Why? Are you scared that she'll know that she's right? Na gold-digger nga talaga 'yang nobyong pinagtatanggol mo sa lahat?" Kita ko ang ngisi sa mga labi ni Cianne. Agad siyang pinagsabihan ng mga kaibigan namin.
"Bakit ba todo tanggol kayo riyan? Eh, totoo naman talagang gold-digger 'yang kaibigan niyo?" natatawa kong tanong. Tila naiinis naman si Gael at Hames sa halakhak ko habang iba'y hindi na talaga natutuwa sa akin. Kailan ba natuwa ang mga ito sa akin?
"I'm sorry..." mahinang saad ni Milliana.
"It's not your fault, Milly..." mahinang saad ni Gael sa kaniya. Bahagya naman akong natawa roon.
"If it's not her fault, is it mine?" tanong ko na pinagtaasan sila ng kilay.
I was about to annoyed them pa kaya lang ay naka-receive na rin ako ng tawag mula kay Zed kaya naman napagpasiyahan ko na ring itigil na ang pang-aasar tutal ay nakarami naman na ako ng pang-iinis sa mga ito. Tumayo na ako dahil mukhang namumuro na. Baka mamaya'y biglang buminggo ang mga ito. Mahirap na.
Bukad naman ulit.
"Want to come with me, Cianne? Don't stress yourself over those people who are just thinking about themselves," saad ko kay Cianne.
"Are you talking about yourself?" tanong ni Hames. Napairap ako.
"No. I was talking about you. And don't talk to me. I don't think an opinion from someone who backstab his own sister," ani ko na isang irap pa muli ang ginawa sa kaniya.
Nilingon ko ulit si Cianne. Ngumiti ako sa kaniya. She slowly stand up bago sumunod sa akin. Walang sabi-sabi niyang binangga ang upuan ni Milliana kaya napangisi ako. Agad ko rin siyang pinagtanggol nang pagagalitan na sana ng kaniyang kapatid. And of course all of our friends.
Sinadya ko ring tabigin ang basong nasa tapat ng lamesa niya.
"Sonata!" malakas na sigaw ni Gael na makikitaan ng inis ngayon.
"Oh, I'm sorry, natabig lang." Malambing pa akong ngumiti kaya mas lalo lang naasar si Gael nang mapatingin sa akin.
We ended up vlogging ni Cianne habang nag-uusap. She's been thinking too much habang nasa shopping mall kami kasama si Zed. Well, para matapos na rin ang 10 dates na gusto ng isang 'yon.
"I really don't like her. And Kuya... They are fooling around. How can they?" Napakagat pa ng labi si Cianne tila pinipigilan ang inis.
"But... It's good, right, Ate? That her and Kuya didn't really cheat on you?" Cianne said while looking at me. Natahimik naman ako roon. I don't even know if we're really in a relationship, to begin with.
"I was guilty to even reto you to Kuya again, Ate, that's why I also stop on pushing Mama to help you with Kuya but now that I know about it, I want to help you get back to him. I'm serious when I said that I don't want anyone to be with him unless it's you. I really hate him for hurting you. Sobrang swerte niya na sa 'yo tapos nagawa niya pang maghanap ng iba? May ikakapal pa pala talaga siya," aniya sa akin kaya napangiti na lang ako bago ginulo ang kaniyang buhok. I'm glad that Cianne still like me but I know Gael wouldn't like Tita to know about anything. I know that he's really pushing things this way and if he really want it his way then fine.
"Don't tell anything to Tita, Cianne. Mag-aaway lang kayo ng Kuya mo and don't hate your brother too much, I'm at fault too. Maybe I'm really forcing him too much and I'm really guilty about it..." seryoso kong sambit kay Cianne. I just don't want her hating on her brother like what I'm doing. Alam na alam ko rin kung gaano kabigat sa pakiramdam 'yon. Kita ko ang tingin niya sa akin bago siya napabuntonghininga.
"Why do you two keeps on talking about Gael when you're suppose to enjoy the day? Tara na. I actually had a reservation in one of a spa here," Zed said na kararating lang. Inabutan niya ako ng inumin at pagkain, ibinigay niya lang din ang para kay Cianne.
Hindi rin maitatanggi that we actually enjoy the day. And we ended up going to the Zed's bar. Hindi ko nga lang mapigilan ang pagkunot ng noo ko nang talagang nagawa pang dalhin nina Gael si Milliana roon.
"Are we really going to stay in their table, Ate?" tanong sa akin ni Cianne kaya nilingon ko siya bago ako ngumisi.
"Bakit hindi, Cianne? Hindi tayo ang mag-aadjust," ani ko na naglakad patungo sa gawi ng mga kaibigan namin.
"Did you already order?" tanong ko nang umupo. Kita ko ang tingin nila sa akin tila ba nanantiya kaya pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Why don't you go, Milliana? Sanay ka naman dito." Malapad ang ngisi ko kay Milliana nang sambitin 'yon.
"Sonata!" Halos ipagsigawan nila ang pangalan ko roon kaya napahalakhak ako.
"Why? Is that hard to do? You can't even do that when Gael is paying you?" Walang kangisi-ngisi kong tanong kay Milliana nang harapin siya. Napatango naman siya roon bago ngumiti sa akin ng tipid. I can't help but to raise my eyebrow when my friends look at me as if I'm some villian who deserve to be hated.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro