Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Sonata's POV

"Nag-away kayo ng mga kaibigan mo, Hija?" tanong ni Manang Tindera sa akin. Mukhang nasaksihan pa ang pagpunta ko sa table ng mga kaibigan at dahil na rin sa pagtahikim ng mga estudyante.

Tipid lang akong ngumiti at nagkibit ng balikat. I don't really want to be rude to someone else.

"Have you eaten?" tanong ni Reed na nasa tabi ko na ngayon. I think he's buying some food ulit. Malamig ko lang siyang tinignan. If he'll just say things to me again. I'd rather not hear it. But I can't just really get mad at him lalo na't ang ayos ng pagkakatanong niya.

"I did." I tried to be casual as much as I want. I'm little bit annoyed with him too but not mad.

"Una na ako. May next class pa ako," ani ko na tumalikod na sa kaniya.

"Your next class is still in 3 in the afternoon," malamig niyang saad sa akin kaya nahinto ako.

"That's right. But do you expect me to hang out with you guys when you can't even talk to me? When you can't even look at me? Do you expect me to join you guys when you treat me like an air. Baka nga worst pa roon, eh," ani ko na umirap sa kaniya. I choose to walk away from him without hearing anything. I just hate it, okay? They also know how sensitive I am.

Bago pa ako umalis, nilingon ko sila at isa-isang inirapan. Si Milliana na nakatingin sa akin ay bigla na lang ding napayuko. Dapat lang, Beh. Huwag niyang i-expect na ako ang yuyuko sa kaniya.

Ganoon lang natapos ang araw ko. I didn't even join them in their after school bonding.

"Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" tanong ni Mama nang makauwi ako. Sa coffee shop sila ni Hereth ngayon. I'm sure Tita already told Mama now. Hindi ko naman mapigilan ang mapakibit ng balikat doon.

They probably don't want to hang out with someone who doesn't think about other people.

Buong gabi lang ata akong nagba-vlog para lang bawasan ang iritasiyon ko sa lahat.

I was just so annoyed when I saw Kyst tiktok videos with Gael. They are both dancing but Milliana suddenly walks by their side. They're in Hereth coffee shop.

Hinagis ko lang ang phone ko sa kama bago dumapa roon at nahiga. Nakatulala lang ako sa aming kisame. I feel so mad about myself too. Hindi lang sa kanila. Or, maybe do I really deserve to hate them? I don't know.

 
I feel so empty. Hindi ko na rin talaga alam.

Nakita ko pang may kumatok sa pinto but I know that it's Hames. Imbes na kausapin siya'y mas pinili ko na lang na magtulug-tulugan. If I rank who I hate the most right now, my brother will be the second one. I hate that he didn't think about me at all after knowing Milliana's side. Nakakasama ng loob. Parang hindi kapatid.

The person I hate the most right now is myself. Tama naman talaga sila. Mali naman talaga ang ginawa ko. But I can't admit it. I hate Milliana too. So much that she's taking them away from me. Or maybe you're the one who's walking away from them now, Sonata?

Nakatulugan ko na ata ang pag-iyak. Basta ang alam ko, nagising na lang ako na parang may kulang. Napangiti na lang ako nang mapait sa aking sarili bago nagsimulang mag-ayos. I'll just go to school again today earlier. Kung kinakailangang mamasyal muna ako'y gagawin ko. I just don't want to stay in our house for a while and wait for our friends to come with me.

"You're going to school now?" Agad akong napatalon sa gulat nang makita si Hames na nasa gilid ng kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas ko'y narito na ito. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya bago kumunot ang noo.

"Obviously?" tanong ko na inirapan pa siya. Dire-diretso na ako sa pagbaba ng hagdan ngunit sumunod pa rin siya.

"You won't even eat breakfast?" he asked.

"Don't you even act like you care about me, Hames? Alam ko kung bakit mo 'to ginagawa? Is it for Milliana na naman? I don't regret what I have done!" inis kong sambit sa kaniya. But the truth I regret it every night. I regret it and I feel so guilty doing it. I don't know. I'm guilty but sometimes I feel like she deserves it. Hating-hati na ako sa lahat ng iniisip. I just really hate her so much.

"You're unbelievable, Sonata. I know how spoiled brat you are but you're badly wrong this time. You can't even reflect on your own fault," mahinahon ang pagkakasabi ni Hames niyon subalit bakas ang inis mula sa kaniyang mukha. Inirapan ko lang siya.

Ayaw ko nang makipagtalo pa dahil alam ko rin naman na tama siya but why would I even admit that?

Dire-diretso na ako patungo sa akong sasakyan. Iritado rin ako kay Hames dahil sa mga pinagsasabi niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang may magsalita mula sa likod ko.

"Your schedule are still 10 am." Malamig na tinig ang narinig mula sa aking likod. Nang harapin ko 'yon, agad kong nakita si Reed na nakataas ang kilay sa akin ngayon. Bahagya akong kinabahan dahil sa malamig nitong mga mata. Sa aming lahat, si Hereth at Reed ang pinaka-nakakatakot magalit.

"Yup. But I still have a lot of things to do and I don't plan on hanging out with you anymore," ani ko kaya kita ko ang pagtaas niya ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko.

I didn't even go to school first. I just tried to go in some resto para lang magpalipas ng oras pero dahil ayaw ko ring nasasayang ang oras ko, I tried to draw some gown.

I was just annoyed when Kyst sended a picture to me. It was his selfie habang nasa likod niya ang mga mukhang pinagsakluban ng langit at lupa na kaibigan. Ang gagong 'to. Paniguradong wala siyang alam sa pinagsasabi ko sa kanila kahapon. Well, I know those guys too well. I'm sure they won't really tell them what happened. Kami lang naman talaga ang chismosa at chismoso sa mga kaibigan namin.

When we tried talking about random people nga, laging sinasabi ng mga ito na hayaan na lang namin dahil hindi naman namin buhay 'yon to begin with. Well, they're right about that.

Hindi ko pinansin ang chat ni Kyst kaya tuloy-tuloy 'to sa pag-like. Hindi ko maiwasan ang mapairap bago ni-like ang like niya.

Baka akala niya hindi siya kasama sa kinaiinisan ko. Aba, he even have tiktok vid with Milliana. Ang saya pa ng mukha! Edi magsama-sama sila! Hindi na ako magtataka kung isang araw hindi na ako ang bestie niyang maituturing.

Napairap na lang din ako sa sarili. I know I'm really starting to be childish this past few days. Nakakainis lang talaga. Or maybe I was really spoiled too much na kapag nagtatampo sa kanila, they'll easily spoil me at nanunuyo. But of course they won't right now. I also have fault. Still, bakit ba kasi kailangan nilang samahan nang samahan si Milliana when they can tell me that's it's my fault without hanging out with her?

Imbes na inisin ko lang nang inisin ang sarili, pumasok na rin ako sa school.

I was annoyed nang makasalubong ko si Milliana. She was joking around with some of her friends. Himala at hindi siya kasama ng mga kaibigan ko ngayon.

Nang mapansin niya ako, sinubukan niyang itaas ang kamay and it seems like she's going to greet me but I ignore her. Diretso ang tingin ko bago siya binangga sa braso but someone grab my arms. Agad kong nakita ang inis sa mukha ni Gael.

"What are you doing, Sonata?" iritado nitong tanong kaya pinagtaasan ko siya ng kilay bago ako ngumisi.

"What did I do wrong again?" bored kong tanong sa kaniya.

"Are you really asking that?" pabulong na saad niya sa akin. Tinignan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin. Nang makita niya ang paraan ng tingin ko, lumuwag ang pagkakahawak niya roon.

"I'm not in the mood to talk to you," ani ko na masamang tingin pa ang ibinigay sa kaniya. Mukhang ayaw niya rin naman akong ipahiya sa publiko but I know when we're in private. He'll kill me with a glare.

Nilingon ko pa si Milliana. She was just looking at me pero unti-unti ring napayuko dahil sa paraan ng tingin ko. Umirap na lang ako bago nagtuloy+l-tuloy sa paglalakad.

I know people will say na inaabuso ko ito but I don't care about it at all. The fuck with what do people think. I'm too busy with my own feelings and thoughts.

Naging abala ako sa schedule ko for the day, the reason why I was little bit feeling good. I saw some of their message in the group chat, mukhang abala rin sila buong araw but they'll hang out after class. Nagpapatulong din kasi si Kyst kay Reed sa isang subject niya.

"Life update, Guys, I recently saw Kendra. Watch niyo collab video namin both in our channel!" nakangiti kong saad sa aking camera habang papasok sa bahay. Unti-unti nga lang nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko sina Hereth na nasa bahay. Nakita ko ang mga mata nilang napatingin sa akin kaya nilingon ko sila. Ang ingay pa ni Kyst, paanong hindi sila mapapansin.

They were talking with each other at hindi na ako pinansin pa. But Ciane tried to wave her hands sa akin. Gael is not here, he's probably with Milliana again.

Nagtungo na rin ako sa kusina. Ayaw ko na rin namang makipagtalo pa sa kanila kahit iritado ako sa presensiya ng mga 'to.

I was just about to drink when Hereth come inside. She didn't talk to me at kumuha lang din ng inumin sa refrigetator. Pareho kaming natahimik na dalawa. Hindi ko maiwasan ang iritasiyon sa sarili at sa kaniya nang maalalang pinupunta niya si Milliana sa kaniyang coffee shop at talagang nagkatuwaan pa sila. Napaka-nice naman pala.

Ayaw ko na sana siyang kausapin at lalabas na sana ako ng kusina nang magsalita siya.

"Ganoon ba kahirap humingi ng tawad, Sonata?" tanong sa akin ni Hereth sa akin. Unti-unti akong napatingin sa kaniya dahil do'n. Hindi ko maiwasan ang ngisi sa aking mga labi ngayong napatingin na rito.

"Wow, ang nice naman. Bestie na ba talaga kayo at pinipilit mo akong mag-sorry sa kaniya ngayon?" Humalakhak pa ako kaya kita ko ang malamig na tingin niya sa akin.

"Just say you're sorry. You don't even know her. She work so hard for that job, Nata. She even tried her best to get there but look what you have done? Inalisan mo ng trabaho," she calmly said kahit baka na rin ang frustation sa kaniyang tinig. Napangisi ako roon.

"Binigyan mo rin naman? Ano pa bang pinuputok ng butsi niyo?" natatawa kong tanong.

"What the heck, Sonata? Can't you even show a little remorse from you?" galit niyang tanong sa akin.

"Bakit? Noong sinaktan ba nila ako, nakitaan ko ba sila niyang remorse na sinasabi mo? Stop asking me to say sorry when they can't even do the same!"

"Yes. I heard Gael saying sorry to you," malamig na saad ni Hereth. Sarkastiko akong natawa roon.

"Tanginang sorry 'yan, nakakasakit!"

"Why are you shouting, Sonata? We only want the best for you. We want you to learn for your own mistake," ani Hames na pumasok din sa kusina.

"Diyan kayo magaling! Sige, magkampihan kayo! Do that all you want but don't expect me to say sorry to Milliana! Nice, ah! Tuluyan na talagang nabibilog ng babaeng 'yon ang utak niyo!"

"Magsama-sama kayong lahat!" malakas kong sigaw bago padabog na umalis sa kusina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro