Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

Sonata's POV

"Is that possible? Nakakahiya namang tanggapin, Beh." Bahagyang nabigla si Milliana. Hindi ko alam kung sa paraan ba ng pagkakasabi niya o ano.

"Joke lang po, Ms. Hereth. Nadala lang po ng emosiyon." Tumawa naman si Hereth doon. My friends look amuse why looking at her.

Wala namang pinagbago ang ekspresiyon ng mukha ko. Pinaglalaruan ko lang din ang basong hawak habang nakatingin sa kanila. Nakamasid lang dahil wala namang kumakausap sa akin maliban kay Kyst.

"It's fine. You can talk comfotable with us. And think about my offer. I'll make sure to give you a slot." Ngumiti lang si Hereth sa kaniya bago nito hinarap na ang pagkain. Balik na rin sa dating emosiyon. She look at me too. Pinagtaasan pa ako ng kilay. I know what she's trying to say but I won't say sorry or admit my fault. Umirap lang ako at binigay na ang buong atensiyon sa aking pagkain.

"Uh... I was a fan of your dance cover. Nakikita kita sa tiktok, Beh. Tapos may mga pakaldag-kaldag ka pa," ani Milliana na nilingon si Kyst na siyang katabi ko.

"Hoy, gagi!" Napaubo pa si Kyst doon. Nagtawanan ang nga kaibigan ko dahil sa nahihiyang si Kyst habang ako naman ay hindi magawang matawa.

Kung ibang tao ang nang-aasar dito'y paniguradong isa ako sa malakas mang-asar but now that someone I dislike is the one who said that. I hate it.

"Sampol nga kung magaling talaga!" pang-aasar pa ni Hames na bumabalik na sa pagiging makulit. Nagtatawanan lang ang mga ito. Pinagmamasdan ko sila, para lang silang nagbalik sa dati. 'Yong mga panahong masaya at maingay pa kami. Mga panahong we don't really care about are surroundings. But it's different now, they are laughing with someone else but not with me.

I was with my circle but I felt like I don't really belong here.

"I wonder if they hate me now?" pabulong na tanong ko habang nakatingin sa aking camera. I was doing random vlog nang makauwi. Tila may nakabara pa rin sa aking dibdib. Mabigat pa rin ang nararamdaman.

I'm not use being hated by someone. I always seem to be someone who doesn't care about her surroundings but I was always been the crowd pleaser. I was always sucking for validations and can't really take serious criticism. Napasubsob lang ako sa aking mga binti at hindi matapos-tapos ang vlog na ginagawa.

Kasabay ko pa rin ang mga ito nang pumasok ako kinabuksan. No one's talking to me nang nasa sasakyan. Even Kyst who decided to talk with me yesterday is not talking to me right now too.

"Saan tayo kakain?" tanong nila. I want to eat some potato smash but because I feel like my opinion won't be valid, I just remained silent. Tahimik kong pinanood ang kalsada sa labas.

Napanguso nga lang ako nang makareceive ng mensahe sa aking phone.

Kyst:

What do you want to eat??

Nang lingunin ko siya'y pasimple niya lang akong kinindatan bago nakipag-usap kunwari sa mga kaibigan namin. Bahagya akong napangiti roon. Kyst will always be the best! I love Kyst talaga.

Ako:

Potato mash and fries! And sundae too ehheherh

"I suggest na mag-fastfood na lang tayo. Nakakakain akong Jollibee," ani Kyst na malapad pa ang naging ngiti bago palihim na nag-thumbs up sa akin. Pinigilan ko naman ang mangiti roon. He's always like that. Kahit sino sa aming mga babae'y iniispoil talaga niya.

"Kaya pala araw-araw bida-bida ka. Alagaang Jollibee pala," ani Hames sa kaniya. Nakikisulsol naman sina Hereth but I use to not say anything. Kung normal na araw ito, baka isa rin ako sa malakas mang-asar pagdating kay Kyst but because it's not. I remained quiet.

Nahinto lang ako nang maski si Milliana'y sinundo rin nila. Kita ko pa ang tingin sa akin ni Hereth at Reed. Hindi ko alam kung hinihintay ba nilang humingi ako ng tawad but I don't think they can hear something from me. I don't want even want to talk to her.

Simple akong nginitian ni Milliana nang makita. Tila nagdadalawang isip kung sasakya. Inirapan ko siya.

"Sonata, I saw what you did there? Can't you even feel guilt about what you did?" tanong sa akin ni Hereth nang makarating kami sa school after niyon.

"Why? Does she feel guilty too for slowly taking everything away from me! Isa ka rin! Nabibilog na niyan ang utak mo!" inis kong saad sa kaniya.

"What? Anong palagay mo sa akin, Sonata? Bobo ba ako riyan sa mga mata mo na sa palagay mo'y madaling mauto?" galit din niyang sambit sa akin.

"Duh! May sinabi ba ako? You're the one who was getting bitten by that snake!"

"Watch your mouth, Sonata," aniya na seryosong tingin ang ibinigay sa akin.

"I'm just saying the truth! And of course, why would you even side with me when in fact you're starting to befriend her?! Talagang kinuha mo pa sa coffee shop mo! Para ano? Huh! I can't believe I have a friend like you! I told you that I hate her!" inis kong saad. Iritado ko pang binangga ang kaniyang braso bago nagmartsa paalis. I know she'll say something but my mind was too clouded right now. Alam kong hindi rin talaga ako makikinig.

Nang makarating sa room, iritado lang din ako buong araw. I even saw them talking where to hang out in our gc. Kulang na lang ay i-add nila si Milliana at yayain sa lahat ng gala na mayroon sila.

I was about to go out when I saw Kyst na nadaan sa room.

"Pst. Tara na." Malapad ang ngiti niya nang tawagin ako. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Kanina lang, hindi mo ako kinakausap."

I don't really know what's the reason why but I feel like si Hames ang dahilan nito. Kapag may ginawa akong hindi maganda at madalas na si Kyst lang ang kumakausap. Lahat sila'y pinagsasabihan si Kyst na huwag akong iniispoil dahil hindi ako natututo. I feel like that's what they are doing again right now pero nahahati na naman ako sa ideyang si Milliana ang dahilan. Na  kinakampihan lang talaga nila ito. But deep down I know that that was my fault to begin with.

Nang makarating kami sa mga kaibigan, ni hindi nila ako binati. Parang si Kyst lang ang nakita ng mga ito. Malamig akong tinignan ni Hereth na siyang nakatalo ko kanina. Si Gael na hindi nag-abalang tignan ako. Si Hames na masamang tingin ang ibinigay sa akin. Ciane and Reed are not here today dahil may klase pa.

Pakiramdam ko'y wala lang ako rito dahil all of them are ignoring me. Maski nang maupo ako'y wala man lang tanong about sa ganap ko ngayong araw.

All of us our busy with our own projects and things but of course all of us still have time to meet with each other. Halos pare-pareho rin kami ng schedules which is really good with me. Kaya nga halos kabisado rin namin ang schedule ng isa't isa.

"Have you all eaten? Do you want me to buy you foods?" tanong ko sa kanila but no one really answer me. Napatingin tuloy sa akin si Milliana at nilingon din ang mga kaibigan ko. Bumalik ang tingin niya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. I don't know if I saw pity on her eyes but she just slowly averted her gaze away from me. Dapat lang.

Napakagat na lang ako sa aking labi roon.

"Ako gusto ko, Coco!" Malapad na ngumiti si Kyst sa akin kaya napanguso ako. Life saver talaga si kups kahit na sobrang epal niya.

"Kayo po? May gusto kayo? Samahan ko na po si Ma'am Sonata," ani Milliana na bahagya ring napatayo.

I'd rather be alone. Gusto ko sanang singhalan siya subalit agad na sumang-ayon ang mga kaibigan ko at sinabi ang gusto nila kay Milliana.

"Ay, nawalan na ako ng gana. Ikaw na, Beh. Kaya mo na 'yan," sarkastiko kong saad at bumalik sa pagkakaupo. Kita ko ang pagtingin sa akin ng mga kaibigan ko dahil do'n.

"Sonata!" inis na sambit sa akin ni Hames. Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.

"What? Sa nawalan ako ng gana, anong gagawin ko? Kaya na niya 'yan tutal galing-galingan naman siya," ani ko na umirap pa.

"What did you just say, Sonata?" Galit din akong tinignan ni Gael dahil do'n. Umirap lang ako dahil lahat sila, galit na namang tinignan ako. Parang kasalanan kong mainis. Although, medyo kasalanan ko nga pero bakit ko naman aaminin?


Imbes na pansinin pa sila'y nagpatuloy na lang ako sa ginawa. Sinusubukang pakalmahin ang sarili. Bumalik din naman sila sa kani-kanilang pag-uusap. Napairap na lang ako roon.

Napatayo na lang din ako nang magsimula silang magkwentuhang tungkol sa kung ano-anong tungkol kay Milliana.  Unti-unting naglakad palayo sa gawi ng mga ito nang hindi man lang nila napapansin.

Of course... Why would they? Magsama-sama silang lahat. Paki ko sa kanila?


Ni hindi na ako bumalik pa sa sobrang iritasiyon ko sa mga ito. Hindi agad ako umuwi. I actually tried to go in Pampanga to clear my mind for a while. Inis na inis ako sa lahat. And of course to myself too. Tahimik lang ako habang nakatingin sa dilim. Sometimes the sky is really pretty when it's dark. Well, the sky is always pretty naman talaga. Kahit minsan puti lang. Kahit minsan madilim. Kahit minsan maraming pinaghalo-halong kulay. Asul, kahel, rosas, lila at iba pa. Iba-ibang kulay pero laging maganda.

Napangiti na lang ako bago ko in-end ang vlog ko. Umuwi ako na pinagalitan din ako ni Hames sa pagiging rude ko but I was mad at him too. Kung malalaman lang 'to ni Mama, paniguradong siya ang mali. Ako ang laging tama pagdating kay Mama.

But when I was about to sleep, I realize how wrong I am again. I shouldn't said that. Lahat ng sinabi ko kay Milliana at kay Hereth. Maybe I should really try practicing to say sorry now... Napapikit na lang ako roon.

I'll say sorry tomorrow to Hereth. I'll try to visit her in her coffee shop and to Milliana... I'll also try to do so... I know how wrong I am but sometimes it's just really hard to say sorry especially when you hate the person. Parang hindi niya deserve.

Napasabunot na lang ako sa sarili dahil sa inis ko. I don't want to be this rude. This is not right but I just really feel annoyed with her. Parang lahat na lang gusto sa kaniya.

Nakatulugan ko na lang din ang pag-iisip. I even memorize my line when I say sorry to all of them pero lahat ng 'yon ay naglaho nang magtungo ako sa coffee shop nina Hereth at nakita ko kung paano sila magtawanan ni Milliana.

Humigpit lang ang pagkakahawak ko sa aking dala-dalang basket na punong-puno ng painting materials. Hereth also enjoy it and now she have someone to laugh with. Kita ko kung paano silang mag-enjoy ni Milliana habang nagpipinta.

Unti-unti akong tumalikod doon. That's it. Why would I even feel guilty when she's the one who started this all? When she's the one who enjoys taking everything away from me? When she's the reason I'm unhappy right now?

If I'm not happy, who said I'll let her be?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro