Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

Sonata's POV

"What are you talking about, Kuya?" Nilingon siya ni Ciane na kanina'y mukhang good mood.

"So sumama ka lang ulit dito dahil diyan sa babae mo?" Hindi na maitago pa ni Ciane ang galit sa kaniyang tinig.

"We're going to church pero anong ginagawa mo ngayon? Nagsisimula ka na naman ng gulo. Hindi ka na nahiya."

Hinanap naman ng mga mata ko si Hames na mukhang hindi sasama ngayon. Is he the one who tell that to Gael? How did they know? Is it Zed? Wala pang isang araw ay ibinuko niya na agad ako?

"You did it, don't you?" tanong sa akin ni Gael na may ngisi sa mga labi.

"How sure are you?"

 "I heard the both of you. I heard it all, Sonata. So don't you dare deny it." So nanghuhuli na lang pala.

"You don't know how hard Milliana work hard to get there, Sonata. You don't know her." Umiling pa siya sa akin na para bang disappointed sa ginawa.

"Stop it, Gael, you're cornering her." Lumapit si Reed sa amin at mukhang handa ng kumampi sa akin but I choose to say something. Ramdam ko ang pamimigat ng dibdib. Mas lalo lang bibigat kung hindi ako magsasabi ng totoo.

"I did it... I was the reason why she doesn't have job now..." ani ko kaya nahinto sila bago napatingin sa akin.

"That's the reason why Zed said that you're dating him..." ani Reed na mukhang disappointed habang nakatingin sa akin.

"Ano?" Tinignan pa ako ni Hereth nang masama kaya napatikom lang ako ng bibig. Ganoon din si Kyst. Kahit na gaano ko pa ka-close ang dalawa. Hinding-hindi talaga ako hahayaan ng mga ito na gumawa nang masama.

"That's the exchange of making him fire Milliana?"

"Yes, In exchange of dating him." Mahina lang ang tinig ko nang sambitin 'yon.

Nakita ko ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin.

"You did what, Sonata?"

"You're doing this for that sake, Sonata?" Ang seryosong tinig Gael ang pumaibabaw sa lahat. He's also looking at me as if I'm unbelievable. Hindi naman ako nagsalita dahil ganoon din ang tingin ko sa sarili.

Disappointed din ang mga kaibigan habang pinagmamasdan nila ako. I can't bear to look at them looking at me like that. Duwag. That's me.

Unti-unti akong nag-isip ng palusot para lang hindi makasama sa kanila.

"Zed and I will have a date." Ni hindi ko na namalayan pa ang ibinulalas.

Hindi ko mapigilan ang pagbigat ng dibdib nang tumalikod ako sa kanila.

Akala ko tapos na but of course may Hames pa nga pala. He was judging me when I was about to enter my room. Nakalagpas na ako sa kaniya nang magsalita siya.

"You're doing this because you hate Milliana? You don't know her..." Hindi ko mapigilan ang mapangisi bago siya nilingon.

"You don't know her too. And you're doing this because of her too, right? She's the reason why I'm hurting right now! She's the reason why Gael is turning his back to everyone!" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng tinig. We're partners in crime but he's also slowly changing. Wala na siyang naisip kung hindi Milliana ngayon.

"No. You're the reason why you're hurting. There's nothing going on between the two of them. Gael just dislike you!" Nahinto ako roon. Tila nabigla naman siya sa kaniyang sinabi.

"So you know? You know that they're just dating for the sake of whatever? You knew?" tanong ko na hindi siya makapaniwalang tinignan.

"Alam mo? Alam mo pero nagbubulagbulagan ka pa rin? Alam mo pero nagpapakatanga ka pa rin kay Gael? Alam mo pero hinahayaan mo pa ring masaktan ka? Hindi pa ba sapat na alam mong ganoon niya kagustong takasan ang kasal niyo? You're at fault here, Sonata. Umpisa pa lang alam mo na kaya huwag mong ipasa ang kasalanang ikaw ang nagpalaki." Isang malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin bago ako tuluyang iniwan doon.

I know... I know but I still want to hold on... Kahit sa galit na lang... Kahit saan basta may mapanghawakan na lang...

I did go to church but elsewhere. Sa Cebu ako nagtungo para magsimba. I was just vlogging para lang mawala ang nasa isipan.

I thought everything will going back to normal the next morning but that's not the case. I know na hindi talaga natutuwa ang mga kaibigan sa ginawa.

"Hindi mo ata kasama ang mga kaibigan mo ngayon, Nat?" tanong ni Marianne nang makita akong naglalakad sa hallway na mag-isa lang. Buhat-buhat din ang ilang bitbit.

"Nakita ko sila sa cafeteria kanina." Tumango naman ako roon. They said in our gc that they're there. Alam ko naman. Hindi nga lang ako nagtungo. I just feel guilty about what I did, nahihiya rin ako dahil sa ginawa.

"You won't go there? Tara libre kita!" Ngumiti pa sa akin si Marianne kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Anong palagay mo sa akin? Walang pera?"

"That's not what I mean. You seem like you're at the edge of the cliff lang." Tumawa pa siya kaya napaismid lang ako. That's impossible. I never really show emotion even when I was at my lowest. Laging masaya or neutral lang.

"Fine. Treat mo, ah?" Marianne is nice sometimes but I always know what's inside those smiles. Laging may pinahihiwatig.

Nang makarating kami sa cafeteria, I was smiling at what Marianne is talking about but my grin slowly faded when I saw my group hanging out with Milliana. Hindi ko mapigilan ang kirot at inis habang nakatingin dito. I felt like she was slowly taking everything that was supposed to be mine.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad patungo sa counter. Nagkunwari lang na hindi nakita ang mga ito but Marianne already say it.

"Uy, sina Hereth narito. Hindi mo ba pupuntahan, Nat?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang naman ako at nagkibit ng balikat.

"Aalis din ako agad. Hindi na sila kailangan daanan pa." Dire-diretso na akong umalis matapos bilhin ang gusto. Hindi na sila nilingon pa but even when I was doing my vlogs. I just can't help but to think about it.

"Uy, ilang minuto lang ata ang makukuha natin dito sa vlog mo sa pagkakatulala mo, 'te," ani Kendra sa akin. Napabuntonghininga ako nang lumapit sa kaniya.

"Sorry, I was just preoccupied with a lot of things." I felt guilty looking at her.

"That's fine. Seems like you're thinking about a lot of things right now. Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman sinagot ang tanong nito. The truth is I'm not. It's just so draining. I feel so bad about a lot of things but I slowly feel that I don't regret it. Milliana... I'm starting to hate her for real...

When I was already in my room. I was dead tired. Parang pasan ko ang lahat sa sobrang bigat.

"Your friends are here now, Nat. Ikaw na naman ang hinihintay," ani Mama sa akin kinabukasan habang nag-aayos. Natigilan naman ako roon bago napatingin sa kaniya.

"Baba na po." Nilingon niya lang ako bago napailing na bumalik muli sa baba. Ang isang oras ko pa sanang pagbibihis ay naging ilang minuto na lang. Hindi ko sila nakasabay pumasok kahapon dahil nagpabebe pa ako. Nakaramdam lang talaga nang matinding hiya kahapon.

Nang makababa'y kaniya-kaniya naman na silang tayuan. Malamig na atmospera agad ang sumalubong sa akin. Si Hames na nasa tapat na ng pinto kasama si Hereth na siyang hindi talaga natuwa sa ginawa ko. Si Kyst na iniirap-irapan pa ako. He's like this when he's medyo mad. Reed is just looking at me with his sungit expression.

Si Ciane lang ang tipid na ngumiti sa akin ngunit hindi rin naman ako nilapitan. We both hate Milliana but she's just really the righteous one. She won't really do anything wrong kahit na gaano niya pa ka-ayaw ang isang tao. Susungit-sungit puwede pa but she's just so nice lang din talaga.

Sinundo pa rin naman nila ako ngunit hindi rin pinapansin.

"Have you eaten?" malamig na tanong sa akin ni Reed nang pasakay na ako sa sasakyan. Napanguso ako bago umiling sa kaniya.

Nakasimangot lang din akong inabutan ng pagkain ni Kyst bago ako tinabihan sa sasakyan.

"Galit ka rin ba sa akin?" tanong ko. Well, alam ko kung gaano kahirap makipag-ayos sa mga kaibigan kapag may nagawa kang masama lalong-lalo na when it comes to Kyst, siya ang pinakamahirap kausapin kapag may nagawa kang hindi maganda. But still, he's the bestfriend material na kahit na pa galit sa 'yo, he'll be by your side pa rin kaya medyo madaling suyuin.

Noong una'y wala talaga siyang balak pansinin ako. Ang mga mata niya'y nasa bintana lang ngunit nadaan ko ito sa pagsama sa kaniya sa vlog ko.

"Sinong hindi magagalit sa ginawa mo, Sonata?" Umirap pa ito kaya napanguso ako.

"What you did is wrong. Isang tao lang naman ang nawalan ng trabaho. Ano sa tingin mo magiging reaksiyon namin? Paano kung namatay siya sa gutom? Edi nagkaroon pa kami ng kaibigan na mamatay tao?"

"Sorry... I wasn't in the right mind when I did it..." mahina kong saad.

"You know that that's not an excuse, Sonata."

"At alam mo kung kanino ka dapat humihingi ng tawad, Nata." Hindi naman ako nagsalita roon. I know kung kanino but I don't want to do that. Kahit alam kong mali ako'y hindi ko pa rin mapigilan ang inis.

Napatingin pa ako sa mga kaibigan na narito ngayon. All of them are not talking to me because of that girl. Just because of her. No, Nat, they're not talking to you because what you did is wrong.

Pilit kong isinasawalang bahala ang nasa isipan.

I thought I can do it when I put my mind on doing it  but as soon as I saw my friends inviting Milliana to hang out with us just makes my blood boil. Hindi pa nakatulong ang hindi nila pagpansin sa aking lahat. Maliban lang kay Kyst na siyang paulit-ulit na pinapaalala na kailangan ko ring humingi ng tawad.

"Just eat with us, Milly. Ayos lang." Ngumiti si Hereth kay Milliana na siyang napatingin sa akin. It was as if she was asking if it's fine with me.

Kapag sinabi ko bang hindi, hindi ito sasabay sa amin? Hindi pa rin naman, 'di ba?

Ni hindi ko magawag umirap dahil nakatingin sa akin ang mga kaibigan. Halo-halong emosiyon ang makikita sa kanilang mga mata. Hindi ko mabasa.

I was with them but I felt like I was just invisible. Lalo na kay Hames at Gael. Para bang si Milliana lang ang nakikita ng mga ito.

Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Milliana. She seem fine to me. OA lang silang lahat. She's even smiling from ears to ears.

"Are you really the one who drew that? You're really good!" Ngumiti pa si Hereth kay Milliana. Milliana is an architect student, first-year college but just 2 years younger than us. When I asked my sources they said that she stopped when her sister got pregnant and now she's continuing studying again.

"Thank you..." Ngumiti sa kaniya si Milliana.

"I heard what happened... Uhmm... About you being fired..." Kita ko pa ang pasimpleng tingin ni Hereth sa akin. Imbes na magsalita ay nagkunwari lang akong nasa iba ang atensiyon. I know why she's saying that. She wanted me to say my sorry to Milliana but that won't happen.

"Do you want to work in our coffee shop? I'll also buy some of your art." Nahinto naman ako roon at napalingon sa kanila.

I felt how my heart throb when I saw Hereth smiling at her from ear to ear. Not again...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro