Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Sonata's POV

"Parang noong nakaraan lang ay galit na galit ka kay Milliana at Gael, ah?" tanong ko kay Hames bago humalukipkip. Hindi ko rin mapigilan ang dumapong iritasiyon sa akin ngayong kaharap ko na si Hames.

Nilingon niya naman ako at ibinaba ang ilang hawak na libro.

"What is it again, Sonata?" Ilang linggo ko na siyang pinariringgan sa pagiging dikit niya kay Milliana.

"I saw you again with Milliana earlier." Hindi ko na naitago paang iritasiyon mula sa akin.

"I told you that we are groupmates." Naiiling na lang siya sa akin dahil do'n.

"Really, huh? That's why I saw you smiling while looking at her? You're so annoying!" Hindi ko mapigilan ang sigawan siya kaya napalapit sa amin sina Mama.

"What's happening here? Bakit nagtatalo na naman ata kayong dalawa?"

"It's nothing, Ma," ani ko ngunit ang mga mata'y nanatili pa ring nakatingin kay Hames na siyang nangungunot na lang ang noo dahil sa pinuputok ng butsi ko.

"Tigilan niyo 'yan, huh? Baka mamaya'y marinig pa kayo ng Papa niyo." Tumango lang ako pero wala rin talagang balak tigilan si Hames because it looks like Milliana and him becoming closer for weeks now. I know na groupmates sila sa ganap ni Hames but I saw Hames smiling while being with her now. Ni hindi ko na nga rin ito naririnig na binabash si Gael na madalas niya namang gawin noon.

"I'll hate you for real if you catch a feeling for that girl." Isang malamig na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Nilingon niya rin ako dahil do'n. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"She was the reason why Gael stop seeing me. Talaga bang makikipagkaibigan ka sa kaniya?"

"No. That's Gael's fault, Sonata. From the start you knew pero tanga ka. Nagbulag-bulagan ka na naman." Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Hames was always my living reminder kung gaano nga ba ako katanga but I hate hearing it from him right now lalo na't lagi ko silang nakikita ni Milliana nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko tuloy ay kinakampihan niya ito ngayon kahit na normal na lang naman ang mga bagay na 'yon sa kaniya.

"Are you saying this because of Milliana kasi kung oo, hindi ko tatanggapin ang opinyon mo." Malamig ko pa siyang tinignan.

"Stop evolving everything to Milliana, Sonata."

"If you just knew—" Hininto niya ang kaniyang sasabihin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"If I just knew what?" Pinagkunutan ko pa siya ng noo.

"It's nothing. Stop being annoying. I still have a lot of things to do." Mahina niya pang tinulak ang noo ko kaya nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon.

"I can't believe you."

"You are slowly changing. Parehong-pareho kayo ni Gael na unti-unting nawawala dahil sa babaeng 'yon." I just can't help but to be mad dahil nagagawa niya pa akong itaboy ngayon.

Padabog akong nagtungo sa gym ng bahay at ang bola agad ang pinanggigilan. After that I tried to vlog.

Nang kumain kami'y nilagpasan ko lang si Hames na dapat katabi ko. Pinagmamasdan niya naman ako at naiiling na lang kapag napapatingin ako sa kaniya. Kita mo na? He's so annoying! Kahit alam na niyang pikon ka sa kaniya'y mas lalo ka lang aasarin.

I thought we will be fine by weeks but that's just what I thought lang.

"Bad mood ka na naman ata, Coco?" Umupo sa harapan ko si Kyst na sanay na sanay nang nakikita akong badtrip.

"What's wrong?" tanong niya na nagtataka pang nakatingin sa akin.

"Libre na lang kitang salad, Coco." Inirapan ko naman siya dahil nagagawa pang mang-asar.

"Wait, si Hames at Gael ba 'yon?" nagtataka niyang tanong na tinuro pa si Hames at Gael na nagkaayos na ngayon.

"You really can't read the room." Naiiling na lang si Reed kay Kyst na siyang nangunot ang noo.

"Bati na sila? Kita mo nga naman. Kung kailan hindi pinag-aayos saka naman nagka-ayos. Parehong pabebe." Tumawa pa si Kyst na hindi napapansin kung sino ang kasama ni Gael at Hames. Milliana was also sitting with them.

Bali-balita na siya ang dahilan kung bakit nagkaayos ang dalawa. 'Yon ang dahilan kung bakit ako inis na inis ngayon. It was just so annoying. Noong kami ang gumagawa nang paraan para magkaayos sila'y ni hindi nila binibigyan ng atensiyon ang isa't isa but now that Milliana ask them, nagawa nilang subukang mag-usap.

Hina ko naman pala sa kanila kung ganoon.

Natahimik din si Kyst nang mabasa ang sitwasiyon.

"Tara, Baguio?" Nakangiti nitong anyaya sa amin.

I wasn't in the mood to do so. Kahit sina Ciane ay tahimik sa tabi ko. Ganoon din si Hereth na palinga-linga rin sa gawi nina Hames.

Ni hindi ko iniwas ang tingin sa mga ito. Wala akong pakialam kung makita nila akong nakatingin sa kanila. Basta ang alam ko, galit ako.

Nakita ko ang inosenteng mata ni Milliana na napatingin sa gawi ko. Inirapan ko siya. Wala akong pakialam kung makita pa ni Hames at Gael 'yon. They're also looking at me. Padabog akong tumayo at umalis doon.

But I just can't believe Hames. Nang makauwi ako sa bahay ay nakaabang ito.

"What's your problem again, Sonata?"

"Stop asking my problem when you can't even do anything about it!" Inis ko siyang tinignan.

"You're glaring at our way the whole time. You even look at Milliana like that." Mahinahon ang tinig nito ngunit kahit ano pang hinahon ng tinig niya'y wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay pinagtatanggol niya na naman si Milliana  ngayon.

"You're unbelievable you know..." Hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko rito.

"I'm your sister but you're choosing someone else over me." Dire-diretso na ako sa paglabas ng bahay. I felt like his mind is already being poisoned by that girl.

Nakita ko na lang ang sariling nagtungo sa bar ni Zed. And boom... Gael is also there kasama si Milliana. He was smiling from ears to ears while helping Milliana serving other tables.

Bago ko pa matungga ang baso ng alak na hawak ay may humila na sa palapulsuhan ko.

"Already think about my offer?" Kita ko ang ngisi mula sa mga labi ni Zed. Nahinto ako roon. I almost forget about it but now that he remind it maybe I should just take it. Hindi pupuwedeng ako lang ang naninikip ang dibdib tuwing gabi kakaisip ng itsura nilang tatlo.

"Sure. Let's do it." Kita ko naman ang unti-unting pagngisi niya dahil do'n.

"Nice choice."

"Just 10 dates." Tumango ako roon. I don't really care at all now. I just want to put my little revenge.

I thought I would be happy with it but it feels weird. I was just drinking while feeling guilty again about what I did.

I just got guiltier when I saw Milliana in front of the bar crying.

"Anong ginawa ko, Boss? Bakit ako nasisante?" sunod-sunod ang tanong ni Milliana sa manager niya. Tahimik naman akong nakatingin sa kanila. I just feel bad on what I did.

"Basta sumunod ka na lang, Milly."

"Paano akong susunod gayong hindi niyo pinaliliwanag kung ano ang nagawa kong mali, Boss? Hindi ko ho kayo maintindihan! Hindi ako aalia dito hangga't hindi niyo pinaliliwanag ang nagawa kong mali." Nagmamatigas pa si Milliana habang hawak-hawak ang kamay ng manager niya. Agad namang winasiwas ng Manager niya ang kaniyang kamay.

"Hindi ko rin alam, Milly! Ang Big Boss na ang nag-utos niyon. Baka may ginawa ka ring kabalbalan katulad ng Ate mo o baka mamaya'y nagpagalaw din sa mga kaibigan ni Boss Zed at sa huli'y kapag nabuntis susubukang manlinlang para lang makaahon sa hirap.Pareho pa naman kayong malandi ng Ate mo," malamig na saad ng manager. I was about to walk there because she's already saying too much. Foul na ang mga pinagsasabi nito.

Nahinto lang ako nang makita na naroon na si Gael habang hawak-hawak na sa palapulsuhan si Milliana.

"That's enough." Agad naman na natakot ang manager ni Milliana sa presensiya ni Gael.

"Huwag kang makialam dito, Eliott, this is my problem," ani Milliana sa kaniya. Napataas naman ako ng kilay roon.

"Huwag namang ganito, Boss. Paano ako? Kailangan na kailangan ko ng trabaho. Please po... Please... Kailangan ako ng mga kapatid ko..." Hindi na napigilan pa ni Milliana ang napaluhod.

"Hindi ko na problema 'yon, Milliana. Sinusunod ko lang ang utos ni Boss." Umirap pa ito bago dire-diretso nang pumasok. Iniwan si Milliana na siyang nanatili lang na nakaluhod. Ni hindi na nito napigilan ang nag-iinit na luha mula sa mga mata. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib lalo pa nang umupo pa sa tapat ni Milliana bago niya pinahid ang luha nito.

Unti-unti akong napatalikod doon. Bukod sa hindi ko gustong makita ang mga mata ni Gael habang nakatingin dito, ramdam na ramdam ko ang pagkakonsensiya sa ginawa.

Palapit na ako kay Zed at balak na sanang bawiin ang mga sinabi kanina nang makasalubong si Hames na mukhang nanonood din pala ngayon. Hindi ko alam kung sinundan din ako nito.

"Did you do that, Sonata?" Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Parang tumalon naman ang puso ko sa halo-halong emosiyon na nadarama. Lungkot, konsensiya at galit. Galit. I just can't believe he's looking at me like this. Para bang kasalanan ang buhay ko habang pinagmamasdan niya ako ngayon.

"Do what?" tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. I never really lie when it comes to him but he's making me lie right now. Tignan mo ang mga mata nitong tila ba hindi ako pinagkakatiwalaan. Ang mga mata nitong tila mas importante pa si Milliana kaysa sa akin. Hindi ko matanggap. Pakiramdam ko'y kinakain ako ng galit ngayon.

Isang malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin.

"You're slowly changing, Hames." Tinalikuran ko na siya dahil ramdam ko ang galit at inis sa akin. Sa lahat. Sa pinaggagawa ko, sa mga mata nito at kay Gael. Hindi ko alam. Pakiramdam ko'y unti-unting kinukuha ang mahahalagang tao sa akin.

Hindi na ayos kay Gael pa lang but now it's different. It's Hames. I just can't ignore the fact that he's already changing too. Katulad ni Gael... Hindi na ako magtataka kung isang araw tuluyan niya na kaming tinalikurang lahat. Hindi na ako magugulat kung isang araw mas pipiliin niya na si Milliana kaysa sa amin... kaysa sa akin.

"Hatid na kita, Girlfriend?" nakangising tanong sa akin ni Zed. I was supposed to cancel our deal but I don't want to do it now. Ramdam ko lang ang inis mula sa akin. Para saan pa ba? She already have her knight in shining armor.

Inihatid lang ako ni Zed sa bahay habang tahimik lang ako. He's not saying anything to kaya kahit paano'y maayos naman ang naging takbo ng byahe.

Nang nasa kama na ako matapos kong mag-linis ng katawan, tulala lang ako habang nakatingin sa kisame. I can't sleep. Ang bigat-bigat sa dibdib. Kinakain ako ng konsensiya sa mga nasabi kay Hames at sa ginawa kay Milliana.

This is what I hate kapag gabi na, kapag matutulog na. Para akong kinakain ng lungkot at makokonsensiya sa mga pinaggagawa ng buong araw. Can people sleep too when they did something mean to someone? Ni hindi ako nakatulog nang maayos at nagising na lang na tulala lang din. Paulit-ulit na nagrerewind ang itsura ni Milliana habang nakaluhod. Hindi ko magawang matuwa. Maling-mali ang ginawa.

Nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa baba. Right. It's Sunday.

Nilingon nila ako nang makitang hindi pa nakabihis.

"Aren't you going to change clothes? Kanina ka pa namin hinihintay, Nat," ani Hereth sa akin.

"I will." Ngumiti pa ako sa kanila bago nagtungo sa kwarto na para bang normal lang ang lahat.

Nang makababa'y nasa labas na rin ang mga ito. Nahinto lang ako nang makita si Gael na matalim ang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako nang matinding kaba habang nakatingin dito. He doesn't usually say something but you can see how mad he is just by looking at his eyes.

"Can we talk?" tanong niya kaya napatingin sa amin ang mga kaibigan na papasok na sana sa kani-kanilang kotse.

"Wala naman tayong dapat pag-uusapan?" I asked while smiling at him. Tinatago ang kabang nararamdaman.

"What did you do, Sonata?" Sinubukang maging mahinahon ni Gael ngunit hindi rin naman napigilan ang iritasiyon mula sa kaniyang tinig.

"You're the reason why Zed fired Milliana."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro