Chapter 10
Chapter 10
Sonata's POV
I ended up ignoring Hames warning. Bandang huli tuloy ay iritado lang siyang umuwing mag-isa habang ako naman ay bumalik din sa mga kaibigan. They all look awkward. Pabulong lang na nag-uusap si Gael at Milliana while our friends are talking with each other nang hindi nililingon ang mga ito.
"Where's Hames?" tanong ni Hereth sa akin.
"Pinauwi ko na. 'Di na masaya." Tumawa pa ako para lang pagaanin ang atmospera subalit nanatili lang ang tingin nito sa akin habang nakataas ang kilay.
"But he really did go home." Ngumiti ako bago bumalik sa upuan. Hindi nila ako tinantanan sa tingin ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga 'yon.
"Are you enjoying the party, Milliana?" casual na tanong ko. I tried to look interested. Alam na alam ko kung paano gawin dahil sa industriyang kinabibilangan ko, sa mga taong nakakasama ko sa vlog, I always need to look as if everything fascinate me.
"It's fine." Sinubukan niya ring ngumiti sa akin kaya ngumiti ako pabalik.
"By the way, you and Gael seems like you really like each other so much. May I ask if where did you two meet?" tanong ko na hindi pa maiwasan ang pagtaas ng kilay. Nagkatinginan naman sila. Sinisiko na ako ni Kyst at Hereth na katabi ko. Pinagkunutan ko naman sila ng noo. What? I'm just asking a question!
"In the bar."
"Corridor." Pinagtaasan ni Milliana si Gael sa naging sagot niya. Corridor, huh? Pinaganda pa talaga.
Sabay nilang sinagot ang tanong ko subalit magkaiba naman.
"You can even remember where you meet. Ano na lang ang natatandaan niyo? Ang maiinit na gabi-" Naputol ang sarkastikong tinig ni Ciane nang banggitin ng Kuya niya ang pangalan niya.
"Saan mo natututunan 'yan?" Kunot na ang noo nito.
"What? You taught me how to be like this. The moment you became a rebel to Mom and Lola, I started to be this way. Kasalanan mo 'to, Kuya." Ni hindi na tinago pa ni Ciane ang pag-irap sa kapatid at kay Milliana na pabalik-balik lang sa amin ang mga mata.
Ni hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng kilay nang makita kong nakahawak si Gael sa kaniyang kamay.
"You two are fucking disgusting. Wala na ba talagang ikakapal ang mukha niyo?Talagang nagawa niyong bumisita rito. Nakakahiya kayo." Inis na tumayo si Ciane bago inirapan ang kapatid. Gael look furious too but he can't really fight his sister. Laging pinagsasabihan ito subalit sa huli'y hindi rin natitiis.
Humigpit ang hawak ni Milliana kay Gael nang susundan sana nito ang kapatid. We all know na masisira talaga ang party ni Tita kapag si Ciane na ang bumira. Eskandalosa pa naman din ang isang 'yon.
Nang sundan namin ng tingin si Ciane, dire-diretso na siya sa paglabas. Mas lalo lang maiinis ang isang 'yon kapag sinundan. Mas gusto laging mag-isa kapag galit.
Ni hindi rin nag-abala ang mga kaibigan namin to make the atmosphere lighter kaya ako na lang din ang gumawa.
"Your gown is so gorgeous. Where did you buy it?" tanong ko na ngumiti pa sa kaniya. I don't care where she bought it but I care about who bought it.
"Uh..." Kita ko ang pasimpleng tingin niya kay Gael na siyang nilingon ako. Tila nagtataka sa mga pinagtatanong ko. Ngumiti naman ako sa kaniya, nanlalambing.
"Hmm, It's Gael's gift for me, Ma'am..." Napataas ang kilay ko roon. I knew it. Just by seeing Gael's brandname alam ko na agad.
"Oh, nice... Gael really likes giving things, 'no? Remember when you bought me a different branded bag just because it was my birthday? You really know what I like talaga." Ngumisi pa ako. I won't stop. Hindi pupuwedeng ako lang ang ma-aannoy this night because of two of them. They remained unbothered ba naman when two-person already left the party because of them. That's your fault, Sonata.
Hindi ko naman maiwasan ang mairita sa isang bahagi ng utak ko.
"Sonata." Reed's serious face already flashes in front of me.
"What?" Pinagkunutan ko pa ito ng noo.
"Antok lang 'yan, Salad, itulog mo na lang 'yan." Sinamaan ko ng tingin si Kyst nang sambitin niya 'yon. Nagagawa pang mang-asar kahit nakikita na akong napipikon dito.
Umirap na lang ako roon. Nang igala ang mga mata, nakita ko ang ilang kamag-anak nina Gael na nakatingin sa amin. Tinatawag na rin kami ng mga ito.
"Gael, seems like your Tito's looking for the two of us," ani ko nang makitang ayaw nang bumitaw sa isa't isa ni Gael at Milliana. They aren't really together pero parang mga linta. Kainis.
"I'll stay here for a while, Nat." Nilingon ko siya dahil do'n.
Kita kong pinisil ni Milliana ang kamay ni Gael bago siya ngumiti rito.
"I'm fine here. You can go." Hindi ko na sila hinayaan pang magtagal na mag-usap at hinila na talaga si Gael patungo sa gawi ng mga Tito nito. Sinubukan ko pang humawak sa kaniya ngunit inaalis nang inaalis ang kamay ko. Kita kong unti-unti na siyang naiirita. Nakaramdam ako ng sakit at kakarampot na saya roon. I was happy na hindi lang ako ang na-aannoy ngayon. Hindi pupuwedeng ako lang ang uuwing masama ang loob ngayong araw but I was also sad that he's getting irritated just because I was holding him samantalang noon ay hindi naman siya ganito.
"Sonata and you look more good together than with your girlfriend, Gael. Hindi ko alam na hindi ka pala talaga marunong mamili, Hijo. Parehong-pareho kayo ng Mama mo." Tumawa pa ang Tito ni Gael doon. Iritadong tumayo si Gael, kahit anong pigil ko'y hindi siya nagpaawat. Dire-diretso na sa pag-alis. Hindi rin ata gustong masira ang party ng kaniyang ina. Kinuha niya muna si Milliana bago sila tuluyang umalis.
"Your son is becoming disrespectful. Manang-mana nga sa 'yo!" Kita ko ang galit mula sa mukha ng Tito ni Gael nang tuluyan na silang makaalis. Nakayuko lang naman si Tita at hinahayaan ang bawat salita na nanggagaling dito.
Hanggang sa matapos ang party'y mukhang hindi na rin talaga natuwa si Tita. Hindi ko naman maiwasan ang malungkot para rito. If I were her I probably through tantrums at paniguradong umiiyak na naman sa ngayon.
"I'm sorry that your birthday party got ruined, Tita..." ani ko nang lapitan siya. Hindi rin talaga makaalis dahil sa lungkot mula sa mga mata nito. Para ko na rin kaya talagang nanay si Tita. Mula pagkabata namin nina Gael ay anak-anakan na rin ang turing niya sa akin.
"Happy birthday, Tita. Huwag na po kayong malungkot," ani ko na unti-unting ipinakita sa kaniya ang isang album na ginawa ko. And of course I also gave her a limited edition bag. Hindi pupuwedeng mawala 'yon dahil pareho kaya kaming nalilibang sa bagay na 'yon.
Ang nakasimangot niyang mukha'y tila napalitan ng ngiti.
"Thank you, Hija..." Niyakap niya pa ako nang mahigpit kaya hindi ko rin maiwasan ang suklian 'yon.
"You're always welcome po, Tita. Let's go out po next time." Ngumiti pa ako sa kaniya kaya nginitian niya rin ako pabalik.
"Pasensiya ka na rin sa anak ko. Lumalaking rebelde." Umiling naman ako at ngumiti lang sa kaniya.
Nang makauwi sa bahay, I was death tired. Mama and Lola didn't attend the party so they were asking pa if what happened. Pare-pareho kasing nag-iinarte.
"Wala naman, Ma," ani ko kaya agad akong pinagtaasan ng kilay nito.
"You thinkI'll believe that? Nasabi ng mga amiga ko na dinala raw ni Gael ang kabit niya roon." Napailing na lang ako dahil kay Mama.
"I'll get going now, Ma. I'm too tired to even talk. Let's just talk tomorrow."
Nang sa wakas matapos na 'yon dire-diretso na ako sa kwarto. Naglinis lang ng katawa bago nahiga sa kama. Sinubukan kong pumikit at magsimulang matulog ngunit hindi ko magawa dahil sa dami ng iniisip.
Ulit-ulit lang na rumerehistro ang mukha ni Gael at Milliana sa akin. Ang mga sinasabi ng tao sa party.
They are all wrong. It doesn't really matter if we look good together because what matters the most is he shines when he was looking at her as if he was already looking at the whole universe in front of him.
I felt guilty. I was one of the reason why Tita's party almost got ruined. Si Ciane at Hames na tahimik lang na naroon ay nagawa ko ring iniisin dahil sa ginawa kong pagdadala kay Milliana at Gael sa table namin.
Paikot-ikot na ako sa kama subalit patuloy lang ang inis sa akin. Sa lahat. Lalong-lalo na sa sarili.
Mabuti nga'y nagawa ko ring makatulog. Tinakasan ko rin sina Mama kinaumagahan. Sinabing mayroon akong sched ng klase kahit na panggabi pa naman talaga 'yon.
"Good afternoon, Nat!" Binati ako ng ilang players na kasama ko rin lagi sa court kapag nagagawi ako rito sa covered court ng school.
"Hi." Walang kagana-gana ang bati ko habang nag-iinat-inat. I need exercise. Masiyadong puno ang utak ko. Atleast kahit na stress sa isip, healthy at fresh naman ang pangangatawan.
Player ako ng volleyball noon pa. It was really fun, super tamad ko rin kasing mag-gym kaya kahit dito na lang ay atleast nakakabawi na.
Nagsimula naman na kaming maglaro. Napangiwi na lang ako nang makita kong narito na rin sina Kyst at Reed na siyang parang tangang sumisigaw at sinusuportahan ako. Si Kyst lang pala dahil malabo 'yang si Reed.
Nang matapos ang laro'y nilapitan na nila ako.
"Coco!" Hindi ko maiwasan ang mapairap dahil naka-on na naman ang mapang-asar mode niya, akala mo'y hindi nagagalit sa pinaggagawa ko kagabi. Kainis.
"Tara na." Inakbayan niya pa ako na agad ko ring inalis dahil pawis na pawis pa samantalang pareho pa silang dalawa ni Reed na fresh.
Matapos kong mag-take ng bath, nilapitan ko na rin sila. Hereth and Ciane are already at home. Maaga ang klase ng mga 'yon kaya paniguradong bangag pa. Hames is still in school, 'yon ang update niya sa gc. Gael. I don't know with him. Hindi na 'yon nag-chachat or nag-siseen man lang sa gc namin.
Pare-parehong may klase pa kami ng gabi nitong mga kasama ko ngayon. Kumain lang kami sa resto malapit sa school bago bumalik muli rito.
"Si Hames ba 'yon?" tanong ni Kyst. Napatingin naman ako sa kambal ko.
"Hames!" Kakawayan ko na sana ito subalit agad na naputol ang ngiti mula sa mga labi ko nang makita kung sino ang kasama niya.
Siya ang unang naglalakad habang nakasimangot, ilang libro ang hawak nito. Ni hindi makikitaan ng tuwa sa mukha habang nasa gilid niya si Milliana na siyang hindi magkandaugaga sa kaniyang pwesto. Mukha siyang hindi mapakali habang nakasunod sa kapatid ko.
What's going on?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro