Chapter 1 [EDITED]
2 years ago..
"Chanyeol!! Jagiya!!" Ang mangiyak ngiyak kong sambit habang nakatingin sa boyfriend ko na Kasalukuyang nakaluhod sa harap ko.
May hawak na isang maliit na kahon ng singsing.
Kitang kita ko talaga na sincere sya.
Di maalis sa mukha ko ang ngiti. Mahal na mahal ko talaga sya. Di ko kayang mawala sya sakin.
"Baekhyun?" Ang sagot nya kaya nakaayos ako.
Si Chanyeol.
Ang boyfriend ko.
"Yes, jagi. Yes, I will marry you." Ngiti ko at biglang may sunod sunod na luha ang bumagsak mula sa aking mata. Hindi ko inaakala na mangyayari itong araw na to.
"Really?! OHMYGOD DID YOU HEAR THAT? BYUN BAEKHYUN SOON TO BE PARK BAEKHYUN JUST SAID YESS! THANK YOU, BAEK. I LOVE YOU SO MUCH." Napatalon pa si Chanyeol sa tuwa at nagsisisigaw kaya natawa ako. Ngunit bigla din syang kumalma at tinitigan ako.
Namula ako at umiwas ng tingin ng makitang papalapit ang mukha nya sakin at may binulong na, "you have no idea how much happy i am. I love you, baby." Aniya at hinalikan ako ng buong puso.
It's the best day of my life.
***
3 months has passed.
Naaalala ko pa nun na nagalit sakin si Chanyeol dahil kailangan kong pumunta ng Japan upang matulungan ang appa ko sa business namin. Nagkabati namin kaagad kami.
Sinabihan ko pa nga yung bestfriend ko na si Kyungsoo na sya muna ang magalaga kay Chanyeol dahil may tiwala ako sa kanya.
Isang buwan din ako nawala nun.
Simula pagbalik ko, nagiba ang pakikitungo sakin ng fiancé ko. At mas nakakapagtaka, parang may iba sa kanila ni kyungsoo. Tuwing nagsasabi si Kyungsoo na pupunta sya sa banyo, at sinusunod din si chanyeol. Tapos iba yung titigan nila sa isa't isa. Pagmagkasama nga kaming tatlo, feeling ko mas fiancé pa ni Chanyeol si Kyungsoo sakin. Si Kyungsoo lang ang lagi nyang tinatanong kung ok lang ba at kung gutom ba sya.
Kasalukuyan akong nasa jewelry shop ngayon. Anniversary kase namin ni Chanyeol. Bibilhan ko sya ng kwintas, yung bang may couple necklace kami. Tuwang tuwa akong umuwi sa bahay namin ni Chanyeol. Isang buwan na lang, ikakasal na kami ni chanyeol. NAEEXCITE na ako. Mahal na mahal ko talaga sya.
Nakapagtataka dahil pagdating ko sa bahay namin, sobrang tahimik. Walang ni isang amino ni Chanyeol na nagpakita pero hindi ko na lang binigyan pansin yun. Baka naghahanda lang sya para sa surprise nya sakin. Dumiretso ako sa kusina upang magluto. Lulutuin ko yung mga paboritong pagkain ni Chanyeol.
Nakalipas ang ilang minuto ay tapos ko nang lutuin ang kimchi spaghetti. Pero bigla akong Nakarinig ng pasigaw na ungol. At nanggagaling iyon sa kwarto namin ni chanyeol. Nagtaka naman ako kaya't umakyat ako at pumunta sa kwarto namin.
At nakita ko sila.
Sa kama.
Hubo't hubad.
Di ko inaasahan yun. Agad na nagsilabasan ang aking mga luha. Ang sakit sakit. Kulang ba ang pagmamahal na binigay ko kay Chanyeol?
"B-baekhyun, im sorry." Nakatungong sabi sakin ni chanyeol samantalang patuloy sa pagiyak si kyungsoo.
"Sorry. Sorry, Baekhyun. Ayoko--ayoko sanang gawin to sayo kaso mahal na mahal ko si chanyeol. Sorry." Dagdag ni kyungsoo.
Pero nakatigil at nakatitig lang ako sa kanila habang umiiyak. "Chanyeol, sabihin mo sakin na hindi totoo to. Bakit sa bestfriend ko pa?"
"Baekhyun, im sorry. Nagmamahalan na kami ni kyungsoo. Sorry kung di namin kayang sabihin sayo ng maaga."
At doon na nako na galit, "Ganun? Nawala lang ako, nagmamahalan na kayo? Bakit chanyeol?! Pano ka ba nilandi ni kyungsoo ha?!" Lumapit si ako papunta sa pwesto ni kyungsoo at sinampal ito. "At ikaw, bestfriend kita kyungsoo! Wala kang awa. Ang bababoy nyo. Ano bang ginawa ko sayo para gawin to? Sagad sagaran ang kalandian mo!"
"BAEKHYUN! ANONG GINAGAWA MO?!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si chanyeol at tinulak ako. "Ikaw, wala kang karapatan para saktan si kyungsoo! Nagsorry na kami. Di mo manlang ba naisip na nagmamahalan na kami?!"
Di ako makapaniwala sa narinig ko, "Chanyeol, hindi. H-hindi. Alam kong hindi totoo yan. M-mahal mo pa rin ako diba? Ikakasal pa tayo. Chanyeol!" .
Natawa si chanyeol, "Hindi pa rin ba halata sayo na hindi na kita mahal at walang kasal na magaganap. Sorry, baek.. Pero si kyungsoo na talaga ang mahal ko. And this," inalis ni chanyeol ang singsing sa kamay nya at kamay ko. "Wala nang saysay to!"
Hinagis ni chanyeol ang singsing sa labas, "Nang matauhan ka na wala na tayo."
Yun ang huling sinabi nya sakin bago dahan dahang umalis kasama ang umiiyak na si kyungsoo.
Naiwan si ako na nakaluhod at umiiyak, "C-chanyeol! Chanyeol! Chanyeol! P-please.. Mahal na mahal kita."
**
Gabi na yun at kahit umuulan ng malakas ay pinilit kong lumabas ng bahay para hanapin yung engagement ring.
Hindi. Hindi pwedeng mawala iyon.
Kanina pa ako naghahanap at malapit ng nawalan ng pagasa ng bigla akong nakakita ng isang kumikinang na bagay sa damuhan. Agad agad kong pinuntahan yun. At andun nga, ang singsing na MAGPAPATUNAY ng pagmamahalan namin.
Sobrang basang basa na ako at ang dumi dumi. Humiga na lamang ako sa damuhan at umiyak kasabay ang pagpatay ng malakas na ulan.
"Chanyeol..."
Present....
Agad akong nagising. Ayan na naman, napapanaginipan ko na naman ang nangyari samin ni Chanyeol 2 years ago. Pati ang ka abutan nila ng ex bestfriend ko na si kyungsoo.
Di ko alam na umiiyak na pala ako kaya agad kong itong pinunasan.
Hindi.
Hindi ko na sya iiyakan.
Mahal ko pa rin sya.
Mahal na mahal ko pa rin si chanyeol.
Pero di na ako ang Mahinang baekhyun.
This is the newer version of Byun Baekhyun.
Hinding hindi na ako Magpapatalo.
Hindi na ako ang Baekhyun na Niloko nila.
I am Byun Baekhyun and yes, i am proud to say that I'm a bitch.
Just so you wait Do Kyungsoo, magiging akin din si chanyeol.
Dahil mahal na mahal ko pa rin sya.
A/N: hi, babiesss! I'm back :> siguro wala nang nakakaalala sakin :< comment naman kayo oh. Hahahaha lemme see kung anong tingin nyo sa chapter 1. SARANGHAEEE.
1008 words.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro