Chapter 2
Amara's POV
"Saang lugar ito?"
Wala akong kaalam-alam kung nasaan ba ako. Humakbang na lamang ako at pinagmamasdan ang paligid. Nagbabakasaling sa pag-oobserba ko, malaman ko ang sagot.
"Pero imposible, eh! Nasa bundok ng Puhon lanfg ako kanina at kasama ko ang mga pinsan ko kaya paanong nangyaring nasa ibang lugar na ako ngayon? Nadapa lang ako tapos teka, nag-teleport ako?" Hindi ko alintana kung magmukha man akong baliw dahil kinakausap ko ang aking sarili. Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin kung paano ako makakauwi sa amin.
Ilang minuto na akong palakd-lakad pero ni isang signage ay wala akong makita. Wala man lang street na nakalagay. Wala nga ring street lights sa mga kalsada, eh. Wala ring pedestrian lane. Ang mga kotseng dumaraan ay tila nakikipagkarera dahil sa sobrang bilis nilang magpatakbo. Akala mo naman nasa car race sila!
Ano bang klaseng lugar ito? Kapag ito nakarating sa nakakataas, lagot talaga ang mga officials na namamahala rito. Bakit ganito sila kaluwag sa mga tao?
Nang makaramdam na ako ng pagod, nagdesisyon akong maupo na muna sa isang bench.
Tumingala ako sa kalangitan at pinikit ang aking dalawang mga mata.
Is it just a dream?
I'm confused.
Paano ako nakarating sa lugar na ito?
Nasaan na ang mga pinsan ko?
Napanghihinaan na ako ng loob.
Kinakabahan man ngunit mas pinairal ko ang tapang na alamin kung nasaan ako ngayon. Walang mangyayari kung iiyak lamang ako sa gilid at walang gagawin para makabalik sa Mount Puhon.
Naglakad muli ako sa mahabang hallway. Nakakasalubong ko ang isang grupo ng kababaihan. Kinabahan ako dahil sa lakas ng presensya nila. Saglit silang tumigil para pagmasdan ako.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa matatalim nilang mga tingin. Gaya ng all black outfit nila, ganoon din kaitim ang mga mata nila. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa contact lens at eyeliner na nilagay nila sa kanila mga mata. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanila kaya itinuon ko na lamang ang paningin ko sa sementadong daan. Hindi rin naman nagtagal ang pagtitig nila sa akin. Nagpatuloy na sila sa paglalakad at nilagpasan na ako nang tuluyan.
Grabe! Halos nakamamatay ang mga titig nila! Lahat sila ay pare-pareho ng mga mata, lahat ay matatalim. Ang seryoso pa ng mga mukha, tila hindi mo mabibiro ang mga iyon at lalong hindi ko pwedeng pagtanungan ng direksyon.
Kaparehas ng mga nauna kong nakasalubong sa daan, ang iba rin ay napapahinto para pagmasdan ako at tingnan ako mula ulo hanggang paa. Gamit ang mga tingin nila, it feels like they're judging me.
Ganito ba ang mga tao rito?
Is it just because I'm not wearing all plain black outfit? Ang babaw naman!
Nakasuot lang naman ako ng black leggings at army green oversize shirt. Ito pa rin ang suot ko kanina sa hiking kaya nakakapagtaka na pareho pa rin ang suot ko ngunit nasa ibang lugar na ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Marami pa akong nakasalubong at pareho rin ang kanilang ginagawa, pinagmamasdan pa rin nila ako na parang bagong salta sa kanilang lugar. Well, totoo naman. Hindi nila ako makikilala dahil ngayon lang naman ako nakarating dito. Hindi ko nga alam kung saang lugar ito!
Huminto na muna ako sa paglalakad dahil nangangalay na ang mga paa ko. Sumasakit rin ang mga sugat ko sa binti at siko. Magpapahinga na muna ako saglit at saka magpatuloy sa paghahanap ng kasagutan kung nasaan ako at kung paano ako nakarating dito.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.
Bakas sa lugar na ito ang karangyaan. Maraming matatayog na building, nagkalat din sa daan ang mga mamahaling sasakyan, halos lahat ng makikita kong mga tao ay galing sa mayayamang pamilya.
Pero may isa akong napansin. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Ala-una na ng madaling araw.
Bakit ang dami pa ring tao sa labas ng ganitong oras?
Hindi ba dapat ay mahimbing na silang natutulog ngayon? Huwag nilang sabihin na night shift silang lahat? Kung nagtratrabaho man sila ng night shift, hindi naman siguro ganito kadami ang empleyado.
Kung titingnan, normal lang sa kanila na pagala-gala sa ganitong oras.
I'm also curious about the type of clothing they are wearing. Everyone I see is wearing plain black outfits; black pants and a black t-shirt, there are also denim jackets but the color is still black. Even the establishments are painted black. Is there a policy in this place that they can only use black? Weird, ha!.
Matapos kong makapagpahinga, nagpatuloy na ako ulit sa paglalakad para hanapin kung saan ang bus stop para makauwi na sa bahay. Kahit sa bahay na ako dumiretso, magpapaliwanag na lang ako kay Tito Joseph pagkabalik nila galing sa Mount Puhon.
Hindi ko na pinansin pa ang mga nakakasalubong ko sa daan.
Titingnan lang naman nila ako saglit tsaka sila magpapatuloy ulit sa paglalakad. Iniisip ko na lang na normal na lang sa kanila 'yon lalo pa't hindi naman talaga ako taga-rito.
Dinededma ko na lamang sila.
Napahinto ako nang makitang nasa tapat ako ng isang University.
"Dark Phoenix Campus?" Binasa ko ang nakalagay sa arko ng malaking gate.
Nagtaka ako dahil maraming estudiyante ang pumapasok sa loob. Nakasuot sila ng red and black uniform. In fairness, maganda ang uniform nila at amoy expensive. Red and black checkered ang skirt ng babae at pinarehan ng black longsleeve na may parang necktie with logo ng University. Bumagay rin ang high sock sa suot nilang uniform. Samantalang sa mga lalaki naman ay may pagka-maroon na suit na tinernohan ng black shirt panloob at black slacks.
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng University, sure ako na magaganda ang mga building na nasa loob. Bakas naman sa gate nito na isa itong private school. Hindi basta-basta makakapasok ang sino man. Ilang guard din ang nakabantay rito.
Mas maganda pa ito kaysa sa eskwelahang pinapasukan ko.
Paano kung mag-transfer na lang ako sa University na ito? Para mapalayo na rin ako sa bruhang si Sharmaine.
Pero hindi ko yata kakayanin ang schedule rito. Sobrang dami ba ng students nila kaya pati ala-una ng madaling araw ay may pasok?
Hindi na muna ako umalis sa tapat ng eskwelahan. Naghintay ako ng isang estudyante para mapagtanungan. Nang makitang may paparating na babae, dali-dali kong hinarang ito sa daan.
"Hello? Itatanong ko lang sana kung anong course ang schedule sa umaga?"
Hindi naman siguro masamang mag-inquire? Matagal ko nang balak na lumipat ng University. Kung saan pwede akong mag-aral nang payapa.
Sana naman ay pang-umaga ang Engineering course para makalipat na ako. Buo na talaga ang desisyon ko na mag-transfer na dahil ayoko nang makita ang pagmumukha nila Sharmaine at Eryx.
"Are you serious?" She raised her right eyebrow at me. "There's no class in the morning. Lahat ng course ay pang-gabi," dagdag nito.
Ano?
Totoo ba?
Iniwan ako nitong hindi makapaniwala sa sinambit niya. Bago niya ako iwan, kumunot ang kaniyang noo at animo'y na-we-weirdo-han sa akin dahil tila wala akong kaalam-alam.
Wow! Kakaiba ang policy ng University na ito. Walang pasok sa umaga pero may pasok sa gabi hanggang madaling-araw?
Kung gayon, ayoko na lang mag-transfer. Hindi ko kayang mulat ang mga mata buong madamag. Titiisin ko na lang ang pagmumukha ni Sharmaine kaysa magmukha akong zombie sa eskwelahan na ito.
Nilagpasan ko na ang University na iyon.
Sayang, ang ganda pa naman sana mag-transfer pero ang weird ng policies nila.
Hindi ko alam kung saan ako patungo. Sinundan ko na lamang ang grupo ng mga kalalakihan na nasa aking harap. Halos lahat naman ng kasabayan ko sa daan ay sa iisang direksyon lang patungo. May gathering or party yata silang pupuntahan? Nakasuot sila ng party dresses and suit pero all black pa rin. May kaniya-kaniya silang mundo, nagtatawanan at hindi alintana kung may makabanggaan man sila sa daan.
Huminto ang grupo ng lalaki na sinusundan ko sa isang gate ng malaking bahay.
Tama nga ako. There is a party being held at this house.
May nag-udyok sa akin na pumasok din sa bahay kahit pa wala akong ideya kung kaninong party ang nasa loob.
Sinilip ko muna kung sino ang bantay sa gate. May isang security guard doon pero wala naman siyang kinukuha o tinitingnan na invitation card. He let everyone in. Lumakas tuloy ang loob kong pumila na rin para makapasok.
Nang nasa tapat na ako ng guard, hinarang nito ang stick niya sa harap ko.
"Teka, sino ka? Hindi ka pamilyar," he uttured.
Napalunok ako.
Hindi niya talaga ako kilala dahil ngayon lang naman ako nakarating sa lugar na ito.
Paano ko tatakasan ang tanong niya?
"Hey, guard! Can you just let her in? Ang dami pa namin ditong nakapila, magsisimula na ang party sa loob! Hindi ko hahayaan na hindi ko makita ang grand entrance ni Draven!" A woman behind me shouted.
Nakahinga ako nang maluwag nang alisin ng security guard ang kaniyang stick. Malaya na niya akong pinapasok sa loob bago pa magreklamo ulit ang mga nakasunod sa akin sa pila.
Pumasok ako sa loob na mag-isa lang. Humiwalay ako sa maraming tao para makaiwas sa mapanuri nilang mga tingin. Tumingin ako sa paligid, puno ng makukulay na mga bulaklak ang paligid. May malaking gazebo sa gitna kung saan nakadugtong ang red carpet mula sa main door ng mansiyon.
Sobrang mayaman siguro ang may-ari ng bahay na ito. Malamang ay pinoproblema na lang nila sa buhay ay kung saan nila iwawaldas ang kanilang pera.
Sa garden ang venue ng party. I don't know what kind of party it was, but most of the guests were wearing expensive party dresses that are usually worn when someone has a birthday. Famous people must be here today. Maybe some artists will also attend? Hindi puwedeng hindi ako kukuha ng picture na kasama sila. Kinapa ko agad ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong jogging pants. Inilabas ko ito para ihanda kapag nagkataon na may dumaang artista sa harap ko.
Tinitigan ko lang saglit ang phone ko. Hindi ko rin naman ito magagamit para ma-contact sila Tito Joseph dahil wala ni isang signal bar. Anong klaseng lugar ba ito? Kahit signal ay wala. Binuksan ko ang Wi-Fi ngunit wala ring kahit isang Wi-Fi connection na makalap. Ang ganda ng mansyon pero walang internet connection?
Itinabi ko na lang ang phone ko.
Pumunta ako sa madilim na part ng garden. May isang bakanteng table akong nakita at doon ako naupo. Puno ng pagkain ang lamesa pero iyong red wine ang una kong napansin. Nakalagay ito sa isang malaking bottle. Red na red ang kulay nito. Kinuha ko ito upang tingnan kung anong brand ngunit walang nakalagay kahit logo man lang. It's just a plain bottle.
Ibinalik ko ang red wine nang magsimulang maghiyawan ang mga tao.
Pinahinaan na rin ang malakas na musika nang magsalita na ang emcee. "Handa na ba kayong makita ang ating birthday celebrant?" sigaw ng lalaking emcee.
Lalong lumakas ang hiyawan.
"Lara, dito na tayo. Ilang segundo na lang ay lalabas na si Draven. Hindi na natin maaabangan ang paglabas niya kapag sumingit pa tayo roon." Narinig ko ang usapan ng dalawang babae sa gilid ko.
Draven.
So, lalaki pala ang may birthday ngayon.
"Ladies and gentlemen, let us welcome with grand applause, the sole heir, Draven Cyrus Feiyre!"
Kasabay ng hiyawan at palakpakan, ang siya naman pagtunog ng malakas na trumpeta at drums. Napapamangha na lang ako sa marangyang birthday party na ito. Hindi na ako magtataka na tinawag ng emcee na tagapagmana ang birthday celebrant dahil bakas naman ang karangyaan na mayroon siya.
"Grabe! Sobrang gwapo niya!" May halong pagtili ang boses ng babae na nasa gilid ko.
Dahil na-curious ako sa mukha ng birthday celebrant, tumayo ako mula sa pagkakaupo para matanaw siya. Sakto lang ang tangkad ko para matanaw ito mula sa main door ng mansyon.
Nakita ko roon ang isang matangkad na lalaki, maputi, maganda ang pagkakahubog ng katawan. Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa matandang babae na nasa gilid niya kaya side view palang ang nakikita ko. At nu'ng dumiretso na ang kaniyang tingin sa aming audience, halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang buong mukha niya. Tama nga ang sinabi ng babae! Gwapo nga ang lalaking tinutukoy niya!
Bihira lang ako magwapuhan sa isang lalaki at itong isa lang na ito ako sobrang napamangha.
Is he a model or an actor? Pero walang ganito kagwapong artista sa bansa namin. Kung artista sa ibang bansa ay maniniwala pa ako. Pang-hollywood ang hitsura niya.
Nakasuot siya ng olive green with black color combination na formal suit at black slacks with black shoes. Bumagay sa kaniyang mukha ang brown wavy hair nito na hanggang balikat. Ang buhok niyang hanggang sa balikat nito ang mas lalong nagpa-attract sa kaniya.
I will admit it. Gwapo talaga siya.
Nagsimulang maglakad ang lalaki sa red carpet papunta sa gazebo. Nakapalibot doon ang mga bisita niya at isa-isa nilang binabati ang lalaki ngunit hindi niya man lang ito tapunan ng tingin at mas piniling maglakad na lang at lagpasan silang lahat. Hindi man lang siya nagpasalamat.
Ang seryoso ng mukha niya.
Sungit.
"Gagawa talaga ako ng paraan para mapansin ako ni Draven." Mahina ang boses ng dalawang babaeng nag-uusap sa gilid ko pero sapat lang upang marinig ko sila.
Umakto akong nakatuon ang atensiyon ko sa birthday celebrant, they didn't know I was simply listening to their conversation.
"Malabong mangyari iyan, Lara. Mailap si Draven na makisalamuha sa atin kaya paano ka niya mapapansin? Isa pa, kalat na ang balitang may gusto si Estelle kay Draven at hindi imposible na magustuhan din siya lalo pa't malapit sila sa isa't-isa."
"Manahimik ka, Leah! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Agad na nag-walkout ang babae, sinundan naman siya ng kaibigan niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako sa mga narinig. Hindi naman nakakagulat na maraming mga kababaihan ang nagkakagusto sa tinutukoy nilang Draven.
Maliban sa mayaman na ay gwapo pa. Bagsak nga lang siya sa part na ang sungit ng awra niya. Iyong tipong matatakot kang lapitan siya dahil alam mong hindi ka rin lang niya papansinin.
Nang makarating sa gazebo si Draven, napahinto at lumingon-lingon siya sa paligid. Tila may hinahanap siya sa gitna ng maraming bisita na narito. Hanggang sa dumako ang paningin niya sa direksyon ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang magtama ang mga mata namin. Ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang paningin sa akin kaya ako na ang umiwas. Naupo ako upang hindi na siya matitigan pa. Hinawakan ko ang dibdib ko, ramdam ko ang malakas na pintig nito.
Why is he staring at me like I'm the one he's looking for?
Nagtataka ba siya kung bakit narito ako sa birthday celebration niya samantalang hindi niya naman ako kilala?
The guests started having fun as the DJ played upbeat music. Namayani ng hiyawan ang buong dance floor. Halos marindi ang tainga ko sa lakas ng tugtog at sumakit pa ang mga mata ko dahil sa iba't-ibang kulay na umiikot sa venue.
Malaking kamalian ang naging desisyon ko. Hindi na dapat ako pumasok dito! Dapat ay hinanap ko na lang ang bus stop para makauwi na sa amin.
I stood up and was about to take a step when someone suddenly grabbed my arm.
I frowned as I turned to the person who didn't ask for permission to touch me.
Nanlaki ang dalawa kong mata nang makilala kung sino ang nakahawak sa braso ko ngayon.
Si Draven.
Nanlilisik ang mga mata niya na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung dulot ba ng lightnings iyong pamumula ng mata niya or natural color talaga iyon ng mga mata nito. Maging ang dalawang makapal na kilay nito ay nagsalubong ngayon.
Ngunit agad din nitong binawi ang nakamamatay niyang tingin nang labanan ko ang mga titig na iyon.
Ang kaninang kulay pula nitong mata ay naging itim. Siguro nga ay dala lang ng mga umiikot na ilaw iyon na tumatama sa aming mukha.
"You're not from here, aren't you? What is your name? Were you sent here to be a spy in our Kingdom?" sunod-sunod niyang tanong.
Mas lalong kumunot ang aking noo.
"Anong sinasabi mo? Anong Kingdom?"
Sabog ba siya? Nababaliw na ba siya?
Sinindak ako nito sa matalim nitong titig.
Kasabay nang paglapit niya ng kaniyang mukha sa akin ang siya ring paglakas pa ng kabog ng puso ko. Tinalo pa nito ang malakas na musika sa venue, tanging ang heartbeat ko na lang ang naririnig ko.
"Pinagloloko mo ba ako, babae?" Ang lalim ng boses niya.
Mas diniinan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Napadaing ako nang makaramdam ng sakit at paghapdi. Bumaon ang matulis niyang mga kuko sa sugat na inabot ko sa pagkakadapa kanina.
Naramdaman ko ang mainit na likido na lumabas mula sa sugat ko.
Nasaksihan ko kung paano nag-transform ang itim na mata ng lalaking kaharap ko, naging pula na ulit ito sa isang iglap. Hindi na iyon dala ng party lights. Talagang nag-red na lang ang mga mata nito. Sinabayan pa nito ang palabas ng dalawang matalim na ngipin niya na animo'y handa nang kumain.
Hindi ko na mapigilang matakot.
Napansin ko ring tumigil ang musika. Tumigil din ang mga bisita na kanina ay sumasayaw sa dance floor. Tumahimik ang buong paligid. Ang lahat ay biglang naging alerto, tila handa na silang makipaglaban. Nagsimula na rin akong makarinig ng mga kaluskos.
Sigaw ng isang lalaki ang umalingawngaw sa buong venue.
"Sariwang dugo ng tao!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro