Chapter 1
Amara's POV
"Hoy, Amara! Sigurado ka bang sasama ka talaga kila Tito Joseph, ha?" Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit nang magtanong ang kaibigan kong si Chandria.
I didn't waste any more time looking back at her.
Sinagot ko ang tanong nito habang pinagpatuloy ang pagtutupi sa mga dadalhin kong mga damit na good for two days.
"Hindi pa ba obvious?" I said sarcastically. Mag-iimpake pa ba ako kung hindi ako sasama?
Inaya kasi ako nila Tito Joseph na mag-hiking sa Mount Puhon. Alam nilang hilig ko ang pag-akyat sa mga bundok kaya ako agad ang naisip nilang isama, alam nilang hindi ko sila tatanggihan. Kailan ba ako humindi kapag hiking na ang usapan?
Also, it's been a few months since namundok ako. I miss the peaceful view from the top of the mountain, especially the fresh breeze from the tall trees in the middle of the forest.
Sa kalagitnaan ng gubat ko nahahanap ang aking pahinga.
Weird.
Naramdaman kong gumalaw ang kama na inuupuan ko. Bumangon pala si Chandria mula sa pagkakahiga atsaka naupo rin sa tabi ko.
Inaasahan ko na kung ano ang sasabihin nito. Hihikayatin niya akong huwag na lamang sumama dahil wala siyang ka-chismisan ng dalawang araw.
"Do you know ba the rumor about Mount Puhon?" May halong pananakot ang kaniyang tono.
Napansin kong natigil sa pakikipag-usap sa harap ng laptop si Keith, ang isa ko pang kaibigan, nang marinig niya ang sinambit ni Chandria. Tatlo kaming nasa kwarto ngayon. He was probably startled by Chandria's threatening voice. I laughed because there is a trace of fear on his face. After a while, he got up from sitting and then came near to us. Nakipagsiksikan pa siya sa gitna namin ni Chandria. Umusog naman ako para kumasya siya. Hindi na ako nagreklamo dahil sanay na ako sa kaniya kapag ganito ang topic namin.
"Huy, anong balita?" usisa ni Keith.
"Ang sabi ng mga matatanda sa kabilang bayan, puno raw ng misteryo at kababalaghan ang Bundok ng Puhon!" Mas pinandiinan pa ni Chandria ang mapanakot nitong tono.
Naramdaman kong napahawak sa balikat ko si Keith. Akala mo ay isang bata na tinatakot.
Wala namang epekto sa akin ang pananakot ni Chandria. Inaayos ko pa rin ang mga dadalhin at babaunin kong mga gamit. Kailangan ko na itong ihanda dahil ang usapan namin nila Tito, madaling-araw kami aalis. My things must be ready before I go to bed.
"Lahat naman yata ng bundok na naakyat ko na ay ganiyan din ang sinabi," wika ko. Bakas sa akin na hindi ako naniniwala at pawang pananakot lamang ang mga sinasabi nila.
"It's true nga, Amara! They said that there are inexplicable creatures daw that are living on the top of the mountain. Sabi pa ng mga ibang nakaakyat na sa bundok, parang may nakamasid sa kanila sa buong paglalakbay nila at inaaral ang bawat kilos nila. Kung hindi ako nagkakamali, sa bundok din na iyon natagpuan iyong bangkay ng isang lalaki na tinapon at nakita na may kagat sa leeg! Hindi malaman kung anong klaseng ngipin ang kumagat sa lalaki, basta malalim at matulis daw ang ginamit na pangil ng kung ano mang klaseng hayop o nilalang iyon! Oh, another piece of news I've heard, if you haven't asked..."
"Hey, Chandria! Can you stop?" Keith immediately went to the middle of the bed and took the blanket, he covered it all over his body just to hide.
Hindi namin maiwasang matawa ni Chandria sa naging reaksiyon ng kaibigan namin. Halos baluktutin na nito ang sarili niya para lang kumasya sa kumot at walang parte sa kaniyang katawan ang nais niyang ilabas mula sa kumot. Maging ang hinliliit na daliri niya sa paa ay hindi namin makita.
Chandria immediately threw a pillow at him. "Ang oa, ah!. Ang laki ng katawan mo tapos ikaw pa itong natatakot. Baka nga mas matakot pa sa 'yo iyong mga kakaibang nilalang sa bundok kapag nakita kung gaano ka ka-macho."
"How dare you, Chandria! Tigilan mo ang kababanggit sa malaki kong katawan. Kapag nag-take na ako ng mga pills, I'm telling you, I will not let you see my deadly sexy body!" Inalis na ni Keith ang nakabalot na kumot sa kaniyang katawan.
Hindi maitatago ni Keith na sa kabila ng pagiging malambot niya, ang siya namang kinalaki ng katawan nito. His body is well shaped as a man. Kung tutuusin, may malaking posibilidad na makuha siya bilang male model dahil sa macho niyang katawan pero never niya iyon pinangarap dahil gusto niyang mag-take ng mga pills para mapabilis ang pagbabago ng katawan niya. Well, suportado naman kami sa nais niyang mangyari. Doon siya masaya, tanggap namin kung ano man siya.
Chandria just rolled her eyes to Keith.
"Okay, fine. Parang hindi na rin naman kita mapipigilan sa pag-akyat sa Mount Puhon. Magiging lonely girl na naman ako ng dalawang araw." Bumusangot ito pagkasaad niya.
Tumayo ako para itabi sa cabinet ang bag na pinaglagyan ng mga gamit ko. "Nandiyan naman si Keith, siya na muna ang kasama mong lumabas," suhestiyon ko.
Tuwing weekend ay inaaya ako ni Chandria na lumabas at mamasyal. Minsan naman ay nililibre pa ako nito sa tuwing nagsho-shopping siya. Nakakahiya man, hindi pa rin ako makatanggi. Mapilit kasi itong si Chandria at hindi papayag na tanggihan ko siya.
"Ayoko nga! Panay party lang naman ang ginagawa niyan. Baka mamaya, ibenta pa niya ako sa mga lalaki niya. No way!"
"Duh, hindi ka nila bet, girl! Huwag agad mag-assume."
Sa pangalawang pagkakataon, binato na naman ni Chandria ng unan si Keith.
"Bakit namemersonal?"
Ewan ko nga kung paano nakaabot ng tatlong taon ang pagkakaibigan namin kung puro naman bangayan at pang-aasar ang dalawang ito. Mabuti na lamang at laging nasa pagitan nila akong dalawa.
"Si Amara ang gusto kong ipakilala sa mga pogi kong friends. Para naman makalimutan na niya si Eryx at saka para tigilan na siya ng bruhang Sharmaine na iyon!" Keith paused for a moment bago magsalitang muli. "What do you think, Amara? Just tell me so, I can arrange the meet up."
"I have no time for that, Keith. Isa pa, iyong tungkol kay Sharmaine, kaya ko pa namang i-handle iyon. Wala akong dapat ikatakot dahil wala akong ginagawang masama."
I just have to wait for Sharmaine to get tired of being mean to me. Kahit anong pilit niya na paaminin ako tungkol sa amin ni Eryx, wala siyang mapapala dahil wala naman kaming relasyon ng boyfriend niya. Masiyado lang siyang nag-o-overthink at kung anu-ano na lang ang mga hinala niya.
Hindi ako ganoon ka-cheap para pumatol sa taong committed na sa iba.
Hindi rin ako ganoon katanga para habulin ang lalaking nanakit sa akin.
Kung tutuusin, gusto ko pa ngang magpasalamat sa kaniya dahil kinuha niya ang problema ko.
Matagal ko nang ipinaubaya sa kaniya si Eryx. Ano pa bang gusto niya?
"If ever na magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako, okay? I got you!" He winked.
Hinintay lang nila Keith at Chandria na matapos magluto si Lola upang dito na sila maghapunan bago sila umuwi. Tuwing Biyernes, pumupunta talaga ang dalawa kong kaibigan sa bahay para bisitahin si Lola na tinuring na rin nila bilang isang tunay na Lola. Kung tutuusin nga, parang sila pa ang favorite Apo ni Lola kaysa sa akin. Pero okay lang iyon, masaya naman ako dahil halos tunay na magkakapatid na ang turingan naming tatlo.
Bumalik na ako sa kusina pagkatapos kong ihatid sa gate sina Chandria. Nadatnan ko si Lola na abala sa pagliligpit ng mga plato.
"Hala 'La, ako na po ang bahalang maglipit nitong mga pinagkainan," boluntaryo ko.
Natigil si Lola sa paglalagay ng mga plato sa lababo. Seryoso itong tumingin sa akin. "Sigurado ka bang sasama ka bukas sa Mount Puhon, Apo?"
Katulad ni Chandria, kanina pa ako sinusubukan ni Lola na pigilan sa pagpunta sa Mount Puhon pero hindi pa rin nila ako nakukumbinse.
"Lola, dalawang araw lang naman ako roon. Uuwi rin ako sa Lunes kaya dalawang araw mo lang ako ma-mi-miss," pagbibiro ko.
"Sige, pinapayagan na kita. Alam ko namang hinding-hindi kita mapipigilan sa mga ganiyang bagay. Basta ipangako mo sa akin na huwag na huwag kang gagala sa mga kakahuyan na mag-isa lang. Huwag mong susubukan na humawak sa kahit anong puno na naroon. Huwag ka ring kakausap ng hindi mo kakilala at lalong huwag kang sasama sa kanila. Huwag kang lalayo sa tabi ni Tito Joseph mo. Kung may kakaiba kang nararamdaman sa lugar na iyon, tawagan mo ako at ipasusundo kita agad. Nagkakaintindihan ba tayo, Amara?" Bakas sa tono ni Lola ang pag-aalala.
Tumango naman ako at sinabing susundin ko ang mga binilin nila sa akin. Hindi ko mawari kung bakit tila hindi mapakali si Lola. Hindi naman siya ganito noon sa tuwing nagpapaalam ako na mag-hike sa iba't-ibang bundok, dito lang sa Mount Puhon siya sobra kung mag-alala.
Ano bang mayroon sa Mount Puhon?
I became more interested in what I could find out on that mountain.
Hindi na ako makapaghintay na makarating sa Mount Puhon. I feel a strange emotion as if I have a connection with that mountain.
Pagkatunog ng alarm clock ko ay agad na akong bumangon. Naligo na ako at nagbihis, saka ko pinuntahan ang bahay ni Tito Joseph. Nadatnan ko roon ang iba pa naming mga pinsan na sasama rin sa hiking. Na-excite ako lalo dahil halos kompleto kaming magpipinsan.
Ilang minuto lang ang binyahe namin bago kami makarating sa bungad ng bundok. Isa-isa kaming bumaba sa sasakyan at kinuha ang mga kaniya-kaniyang bag sa likod ng kotse.
"Nasaan si Amara?" Tanong ni Tito Joseph nang kasalukuyan kaming binibilinan ng mga tour guide sa Mount Puhon.
I raised my hand. "Tito!"
"Ibinilin ka ni Lola Lourdes sa akin. Huwag ka raw lalayo sa akin kaya halika rito, ayokong malagot sa Lola mo at baka mamaya hindi na niya ako ipagluto ng paborito kong chicken adobo," Tito Joseph uttered.
Natawa naman ako dahil naisingit pa nito ang paborito niyang luto ni Lola. Well, magaling talaga magluto si Lola kaya nga madalas silang makikain sa bahay.
"Hoy, Ryan! Dumistansiya ka nga kay Claire, alam naming girlfriend mo siya pero maawa ka naman sa amin. Seriously? Sa harap ko pa talaga? Lahat na lang ba is by partner?" pagrereklamo ni James, one of my cousins.
"Kung naiinggit ka, pumikit ka na muna. Ganoon lang kadali," pagsabat ni Ryan.
Nagtawanan kaming lahat.
Nagsimula na kaming umakyat sa bundok. Maganda ang klase ng lupa sa bundok, hindi ito madulas kaya safe ang mga hikers na katulad namin. Malinis na rin ang dinadaanan namin, naalis na ang mga nagtataasang mga damo sa daanan. Wala ka ring makikitang nakakakalat na plastics sa paligid na ikinamangha ko. This means that every hiker who comes here is disciplined. They don't let the mountain get dirty. We saw signages on our way, some are reminders not to throw garbage and others are directions on which way we should go. Masiyadong malawak ang bundok na ito kaya malaking tulong talaga ang mga nakalagay na direction. Kampante naman kami na hindi kami maliligaw dahil kasama namin ang isang tour guide ng Mount Puhon. Makakasama namin siya hanggang sa makarating sa tuktok at maging sa pag-uwi.
"Teka, anong klaseng ibon iyon?"
Tumigil kami sa paglalakad nang magsalita si James. Sabay-sabay kaming napatingala.
Isang malaking itim na ibon ang lumilipad sa ere.
Kinabahan ako nang magtama ang paningin namin ng ibon. Ako lang ba ang nakapansin na parang tinititigan niya ako? Nakakapagtaka rin na hindi pa siya lumalayo sa kinaroroonan niya. Lumilipad lamang ito palibot sa amin.
"Hindi ko rin mawari kung anong klaseng ibon iyan." Nagsalita ang matandang lalaking tour guide namin. "Sa tagal ko nang tour guide, ngayon ko lamang ito nakita."
I still can't take my eyes off the bird.
I feel strange about this bird. It's like it's not just an ordinary bird. Ang tingin na pinupukol niya sa amin ay nakakatakot. Ang kaniyang tingin at kilos ay tila nangungusap.
"Marahil ay galing iyan sa ibang bansa at naligaw rito. Ganoon naman ang madalas na nangyayari, marami na akong napanood na ganiyang cases."
Tama si Tito Joseph.
Kung hindi ito ibon ng Pilipinas, ibig sabihin ay galing ito sa kalapit na bansa. Naglakbay hanggang sa makarating dito. Ipinagsawalang-bahala na lamang namin ito. Marami pa kaming nakita na ibang wild animals, mayaman din ang bundok sa mga matatayog na puno. Ang presko ng hangin na ibinibigay ng mga puno na narito sa tuwing nagsasayawan ang mga ito.
Hindi kami nagtuloy-tuloy sa pag-akyat. Tumitigil kami ng ilang minuto para magpahinga. At sa tuwing nagpapahinga kami, nahahagip ng mga mata ko ang kulay itim na ibon na nakita namin kanina.
Kanina pa niya kami sinusundan.
Tanging ako lang ang nakakapansin. Hindi alintana ng iba kong mga pinsan ang kakaibang ibon na iyon. Para sa akin, hindi lamang iyon isang ordinaryong ibon lamang.
Ilang oras din ang ginugol namin sa paglalakad at sa wakas, nakarating na kami sa pinakatuktok. Naabutan na nga kami ng dilim bago makarating. Hindi naman iyon naging problema dahil may baon naman kaming rechargeable flashlight. Naging maliwanag pa rin ang paligid.
Sila Ryan ay abala sa paggawa ng bonfire. Sila Tito Joseph naman ang siyang nagtayo ng mga tent na pagtutulugan namin. Kami naman ng iba kong pinsan na mga babae ang naka-assign sa paghanda ng pagkain. Inilapag namin ang banig sa gitna ng mga tent na nakatayo at saka inisa-isang nilabas ang mga baon na pagkain.
Pinalibutan namin ang mga pagkain at saka nagsimulang maghapunan.
Habang nag-uusap ang mga pinsan ko at nagtatawanan, hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko kasi ay may nakamasid sa akin. Kanina pa ako palingon-lingon hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang puno. Nasa sanga ng puno na iyon ang kulay itim na ibon. Hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ito sa amin? Hindi na ito coincidence. Masama na ang nararamdaman ko sa ibon na iyon. Kanina pa ito nakamasid sa akin nang palihim.
"Teka, saan ka pupunta, Amara?"
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng mga pinsan ko ay tumayo ako.
"Maghahanap lang ako ng signal, Tito. Tatawagan ko lang si Lola para ipaalam na nandito na tayo sa tuktok ng bundok," pagdadahilan ko.
Tumango naman si Tito Joseph. "Sige, pero huwag magpapakalayo."
Naglakad na ako papunta sa puno kung saan ko nakita ang itim na ibon. Hindi ako takot sa mga ganitong bagay kaya malakas ang loob kong alamin kung ano ba talaga ang kakaibang ibon na iyon.
Marami na akong puno na nalagpasan. Napapaligiran ako ngayon ng mga naglalakihang mga puno. Madilim ang paligid at konti na lang ang liwanag na umaabot sa kinaroroonan ko. Nakalimutan kong dalhin ang sarili kong flashlight. Tanging ang flashlight lang sa cellphone ko ang gamit ko.
Nasa tapat na ako ng puno. Pinalibutan ko ang puno ngunit wala na ang itim na ibon doon. Nasaan na iyon?
Hindi pa rin ako umaalis sa tabi ng puno, pinakiramdaman ko ang paligid. Parang ang daming mga mata ang nakamasid sa akin ngayon na nagmumula sa mga kakahuyan. Pilit kong hinanap ang mga ito ngunit napakadilim ng buong paligid.
My feelings are not normal anymore. I guess Chandria was right, that there are many inexplicable things in this mountain.
Akmang babalik na ako sa kinaroroonan ng mga pinsan ko nang magulat ako dahil sa biglaang pagsulpot ng itim na ibon sa aking harapan. Dahil dito, hindi ko nabalanse ang tindig ko kaya naman napatid ako sa bato na nasa harap ng puno.
Naramdaman ko na lamang na bumagsak ang katawan ko sa lupa.
"Aray!"
My elbow aches because of the scratch and wound.
Masama man ang pagkakabagsak ko, pinilit ko pa ring bumangon. Kailangan ko nang bumalik sa mga pinsan ko at kung ano pang kababalaghan pa ang posible kong makuha rito.
Pinagpag ko muna ang maruming tuhod ko at inalis ang mga tuyong dahon na dumikit sa pants at shirt ko.
Bumuntong-hininga na muna ako bago ako tumayo nang diretso.
Akmang aalis na ako ngunit bago pa ako makahakbang, tila napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang buong paligid.
Hindi ko magalaw ang mga paa ko dahil sa naghalong kaba at takot.
Pilit kong inaalam kung totoo ba ang nakikita ko ngayon, kung totoo bang nangyayari ito sa akin?
Wala na ako sa kakahuyan.
Wala na ako sa bundok.
Wala na akong matanaw na mga pinsan ko.
Hindi pamilyar na lugar na ngayon ko lang nakita.
Tanging mga taong naglalakad sa daan na nakasuot ng plain black outfit ang nakikita ko ngayon. Hindi lang ang mga damit nila ang maangas, maging ang kanilang mga mukha at kilos, bakas na hindi sila ordinaryong mamamayan lamang. Kasali ba sila sa isang kinatatakutang grupo? Ano, mafia lang?
Gabi na at iilan lamang ang mga street lights na gumagana.
Ang dilim. Nakakatakot.
Naiiyak na ako dahil wala akong kaalam-alam kung saang lugar ito.
"N-Nasaan ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro