Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 8: ATY

SABAY-SABAY na nagtinginan sa labas ang mga estudyante, teachers at ang mga guests nang umalingaw-ngaw ang isang tinig ng dalagitang babae. Nagtataka rin siyang lumingon.

Anong kasal ang sinasabi nito?

Nasa gitna pa rin siya at tinitigan ang babae na nakasuot ng white dress. Bakit ito nakasuot ng white dress sa isang evening party?

“Ahm – miss, nagkakamali ka ata ng pinasukan,” nahihiyang sabi ni Rafamar sa dalagita na tinawanan lang nito. Aba, baliw lang?

“Hindi ako nagkakamali, Ma’am. Gusto ko lang ng grand entrance. Bagong estudyante po pala ako rito.” Sabay tawa nito at dahan-dahang naglakad papasok.

Nawala tuloy sa kaniya ang atensiyon ng mga tao! Buwesit na bruhilda 'to. Nahihiya siyang naglakad papunta sa puwesto ni Gray.

“Hi guys, ako pala si Binibining Kyline, hinahanap ko ang SSG President niyo na si Marc. Nasaan siya?” dagdag pa nong dalagita. OMG! May saltik ba ‘to?

Nakarinig siya ng tuksuhan galing sa mga Grade 12. Tinutukso nila si Marc dahil sa sinabi no’ng dalagita. Nang makita nito si Marc ay agad nitong nilapitan at niyakap.

Kung landi lang pala ang pinunta niyan dito, puwede namang pumasok siya agad eh. Hindi ‘yong aagawin pa sa’kin ang spotlight.

Niyaya pa nitong mag picture ang SSG President. Bakit narito ang mukhang baliw na dalagita sa school nila? ‘Yan tuloy nadagdagan ang estudyante nilang dapat ipasok sa mental.

“Regine, maganda ang tugtog, you wanna dance?” tanong ni Gray sa kaniya saka nilahad ang kamay.

Lihim niyang kinurot ang sarili, nasaktan siya kaya imposibleng panaginip ‘to.

Tiningnan niya ang kausap, she could clearly see through his handsome face that he was serious na isayaw siya kaya wala sa loob na inabot niya ang kamay nito.

He smiled.

Hinapit siya nito at ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat nito. Her heart began beating so fast, nagpaparty na naman iyon at nagbe-belly dance.

Tiningala niya ang kasayaw. Titig na titig din ito sa kanya na para bang ang ganda-ganda niya. She met his penetrating gaze. Tumama sa kaniyang mukha ang mainit nitong hininga.

“You’re so beautiful,” bulong ni Gray sa kaniya. Hindi na siya sumagot at inihilig ang ulo sa balikat ng binata.

Mula sa kaniyang straight na buhok ay naging kulot iyon na nagpa-cute sa kaniya. Nagsuot din siya ng contact lens. Tama rin lang ang make up na inilagay sa kaniyang mukha upang magkaroon ng kulay ang kaniyang balat. And the black gown and gold mascara, perfect. Tinernohan din niya iyon ng gold stilettos na nagbigay sa kaniya ng karagdagang height.

Pinagmasdan niya ulit ang binata. Ubod pala ito ng gwapo at nababagay lang sa gandang taglay niya.

Makinis ang kutis nito na tipikal na kulay ng isang Pilipino — moreno. Makapal ang kilay nito na sobrang nakaka-attract sa tulad niyang binibini, natural na makapal. Matangos ang ilong ng binata na derecho ang bridge, isa ito sa nagpabihag sa marikit niyang puso.

Ewan ba niya, na-inlove yata siya sa ilong nito. Napansin niya rin ang kulay ng mga mata nito, maitim iyon at nakakaakit. Napatutok ang mata niya sa mga lips ni Gray. Mas makapal ang ibabang labi nito kaysa sa itaas at natural na mapula ang kulay.

Ngayon lang niya naisip na mukha pala siyang dyosa ng kagandahan na isinayaw ng kaniyang knight in shining armor.

“Nasaan ang camera?” napatigil silang dalawa nang sumigaw ulit ang dalagitang mukhang baliw kanina. Hinahanap nito ang camerang hawak nito kanina. At nang mahanap na nito iyon ay tumingin ito sa kanila at kinuhanan sila ng pictures ni Gray.

Nagtataka siyang tiningnan si Gray. Para kasing photographer ang dalagita na busy kaka-picture sa kanilang dalawa.

“Sayaw kayo ulit, Ma’am, Sir. Ipopost ko ito sa page. Sigurado akong magiging viral ito sa social media,” sabi pa ng dalagita.

Pero hindi nagtagal ay kinuha ito ni Marc — ang SSG President at binalik sa mesa.

Bakit ba kapag siya ang bida sa scene ay sumisingit ito at gagawa ng kabaliwan?

Kapag hindi siya makapagpigil ay siya na mismo ang gagawa ng paraan, maipasok lang ito sa rehabilitation center, in case. Para kasi itong user ng illegal drugs.

SABAY silang umuwi ni Gray at inihatid siya nito. Pagkarating nila sa bahay na inuupuhan niya, hinawakan ni Gray ang kaliwang kamay niya. Why? Ayaw kaya nitong palabasin siya sa kotse nito?

Nanatili siyang nakaupo at humarap sa binata. May dinukot ito sa bulsa ng slacks nito at inilagay sa palad niya.

Tiningnan ni Regine ang velvet box sa ibabaw ng palad niya. Umiling siyang tumingin sa binata.

“If this is what I think it is, sorry but I can’t accept this,” aniya.

“Why don’t you open it first, baby.”

Nanginginig siyang binuksan ang box at tulad ng iniisip niya kanina, alahas nga ang laman niyon. Isang heart shape necklace na may black diamond sa gitna na nakakabit sa makapal na gold chain.

“Pero okay na sa akin ‘yong kwentas na bigay mo dati, this is too much.”

“Why don’t you put it on?”

Umiling siya.

“I want you to have it baby, please.” Nakikiusap ang mga mata nito at sino ba naman siya para tanggihan ito? Masasaktan ito kung tatanggihan niya.

Inilagay niya ang velvet box sa mga palad ni Gray at tumalikod na siya sa binata.

“It’s your gift, ikaw na magsuot sa’kin.”

Narinig niya ang marahang pagtawa nito. Pagkuwa’y naramdaman niya ang pagdaiti ng malamig na pendant sa kanyang dibdib pagkatapos nitong tanggalin ang necklace na bigay nito sa kanya dati. Kinulong niya sa kanyang palad ang pendant at nakangiting hinarap ang binata.

“Ako na ang magtatago ng kwentas mo, nakaukit pa naman dito ang pangalan mo,” tukoy ni Gray sa kwentas na regalo nito sa kanya dati. Ngumiti siya at nagsabi ng thank you.

Bumaba ang mga labi ni Gray sa kaniyang mga labi at hinalikan siya. Hindi niya tuloy napigilan ang mapapikit at tugunin ang halik nito.

*****

"Darwin, ibigay ang mga uri ng tayutay," tanong niya sa kaniyang estudyante.

Tiningnan niya si Darwin habang hinintay niya ang sagot nito at iginagalaw-galaw pa niya ang hawak niyang ballpen. Napakamot sa ulo ang bata at nahihiyang tiningnan siya. Sa paraan palang ng pagkamot nito sa ulo ay mukhang alam na niya kung anong ibig sabihin no'n.

"Don't tell me, hindi mo alam?" gulat niyang tanong. Pinalaki pa niya ang mga mata para takutin ang bata.

"Eh, Ma'am Regine, kailan ba natin iyan pinag-aralan?" tanong ng isa pa niyang estudyante na si Kyline — ang estudyanteng balak niyang ipasok sa mental. Ang estudyante na ninakaw ang spotlight niya no'ng may event sila sa school. Hindi niya talaga maiwasang uminit ang ulo niya kapag naalala niya ang eksenang 'yon.

"Hindi natin lesson 'yan, but guys isa' yan sa basic! My God! Junior high lesson niyo 'yan. Sa tingin ko nga lesson' yan ng Grade 10 eh. Grade 12 pa kayo kaya 'wag niyo sabihin sa'king nakalimutan niyo' yan."

"My God ka rin, Ma'am! Lesson nga natin no'ng last sem nakalimutan na namin eh, lesson pa kaya no'ng Grade 10?" sagot ni Kyline.

Napa-face palm na lang siya. Ngayon pinagsisihan na niya talaga kung bakit nag teacher siya.

Matuling lumipas ang Christmas at New Year vacation. Bitin nga siya eh, parang one week lang. Parang natulog lang siya ng isang araw at kinabukasan ay may pasok na. Natanong nga niya sa sarili, 'yon na ba talaga' yon? Sure na ba talagang walang extend?

Sino ba naman kasing hindi mabibitin? Sa loob ng ilang weeks na 'yon ay kasama niya si Gray. Hindi kasi lingid dito na wala siyang mga magulang at sa isang orphanage siya lumaki.

Totally orphan.

Kaya sa bahay nila Gray siya nag-celebrate ng Christmas at New Year. And those holidays ang pinaka-special para sa kaniya.

Ang sjwerte niya talaga kay Gray. Wala na yata siyang hihilingin pa kung si Gray ang magiging boyfriend niya. Sweet, guwapo, matcho, may masasabi sa buhay, at may trabaho na. Ano pa bang hahanapin niya?

"Wala na ba talaga akong makukuha na matinong sagot sa iyo Kyline? Teacher mo 'ko kaya kaunting respeto naman. Kung ganiyan mo sagutin ang ibang teachers dito, please ibahin mo ako," seryosong sambit niya.

"Kasi naman, Ma'am, napaka-obvious na talaga no'ng scenario eh. Pinamumukha mo kasi sa amin na bobo ka," sagot din nito at pati pag-ikot nito sa mga mata ay hindi napalampas sa kaniyang paningin. Agad siyang napatayo at tinitigan ang dalagita.

Bagong lipat pa nga lang pero ibang klase na kung sumagot.

"Ganiyan ka na ba talaga ka-walang respeto? Hindi ba pumasok sa utak mo na —"

"Sorry po, Ma'am, ako na po ang humihingi ng sorry kay Kyline."

Naputol ang sentence niya dahil biglang sumingit si Marc - ang SSG President. Hinawakan nito si Kyline at pinaupo.

"Ayusin mo 'yang ugali ni Kyline, Marc. Dahil kung hindi, sisiguraduhin ko na hindi niya matatanggap ang diploma niya ngayong graduation ng batch niyo," sabi niya at nagligpit na ng gamit.

" At ikaw naman Kyline, ayusin mo iyang ugali mo. Dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi ka maka-graduate. Mabait akong teacher. Pero nakadepende iyon sa estudyante na kaharap ko. Last warning ka na, and after this kapag hindi ka pa nagtino, sa guidance office na tayo mag-uusap. Baka nakakalimutan mo na ako ang guidance counselor dito," aniya at lumabas na ng classroom

Mabait naman talaga ang mga teachers. Minsan lang talaga sumusobra na ang mga bata. Wala na ngang respeto eh.

Katulad sa kaniya, mabait siya at hindi iyon lingid sa mga estudyante niya. Mabait siya sa mabait at ahas siya sa ahas. At sa mga asal tigre, sa card na lang sila mag-usap.

Simple lang naman eh, kung ano ang ipinakita nila, 'yon din ang ibabalik niya. Tapos may maririnig pa siya na may favoritism daw. The hell! Siya tuloy ang may mali.

*****

BITBIT ang mga gamit ay tinahak ni Regine ang daan papuntang faculty room. Tapos na ang klase niya sa araw na iyon. Hanggang 2 pm lang siya at free time niya until 4 pm pero may meeting pa ang mga teachers sa Senior High together with the faculty and staffs.

Pag-uusapan na daw nila ang upcoming month of February at ang mga events na magaganap sa month na iyon. 3rd week na kasi sa January ngayon kaya atat na atat na ang school head nila. Excited ata sa Senior's Ball.

Okay, pati rin naman siya pero hindi niya lang pinapahalata.

Tudo tanong na nga ang mga Grade 11 students sa kaniya tungkol sa ball, lalo na iyong mga babae. Halatang excited din. First time kasi nila.  Ang sarap nilang biruin at sabihing pinagbabawal ng school head nila ang Senior's Ball pero hindi din naman maniniwala ang mga ito kasi pati school head nila Senior's Ball din ang lumalabas sa bibig.

'Yong ibang students nga niya pinag-uusapan na ang magiging venue at theme ng ball.

Nang marating niya ang faculty room ay agad siyang pumunta sa mesa niya at inilagay sa shelves ang mga libro na ginamit niya kanina sa klase, kadalasan ay mga teacher’s guide, international books at manga books.

"Regine,kung gawin kaya ulit nating mascaraed ang theme, what do you think?" tanong ni Rafamar habang nakatingin sa laptop nito.

Napalingon naman siya rito habang hawak ang isang international book na ilalagay niya sa sarili niyang maliit na book shelves.

Umiling siya bilang tugon.

Hindi niya alam kung paano bumalik sa dati ang turingan nila ni Rafamar. Bigla na lang kasi siya nitong kinausap no'ng nakaraan na para bang walang nangyari. Nahihiya naman siyang magtanong kaya nanatili na lang siyang tahimik at nagpasiyang ibaon na lang sa limot ang lahat.

" So anong maganda?" tanong na naman nito.

Kunwari siyang nag-isip.

Pinagpatuloy niya ang paglalagay ng books sa shelves nang magsalita ulit ito.

"About sa dress, cocktail? Sunday dress? Bohemian—"

"Ball 'yon, kaya dapat gown." pagputol niya sa sasabihin pa nito.

"How about the venue?"

"May meeting mamaya diba? Magtanong tayo sa iba," aniya at nagkunwaring tulog sa ibabaw ng mesa.

*****

6:30 pm natapos ang meeting nila. Settle na ang venue, dress code, foods, programme and everything. Pero ni-isa wala siyang matandaan.

Hinaharot kasi siya ni Gray. Minsan hinahawakan nito ang kamay niya at paglalaruan. Minsan inaamoy ang buhok niya tapos hahalikan. Pati batok niya, hindi pinatawad. Kaya ang ending? Wala siyang na-suggest sa meeting. Wala siyang naiambag.

Ang hirap pala mag-focus kapag may katabi kang katulad ni Gray. Pati ganda at utak mo, tinatangay ng hangin

Nagpaalam na si Gray, pagkatapos siyang ihatid nito. Lutang pa rin siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Ang natatandaan lang niya ay 'yong date ng Senior's Ball, February 14, 23 days from now.

Okay? Saan siya maghahanap ng gown?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro