Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 7: ATY

MABILIS ang mga lakad ni Regine para makapunta agad sa classroom niya. Baka mahabol pa siya ni Rafamar at batuhin siya ng mga tanong na hindi niya alam kung anong isasagot niya. Hindi pa nga niya halos maintindihan ang nangyari sa pagitan nila ni Gray at hindi pa siya sigurado kung kaya na ba niyang magmahal ulit.

Hindi siya sigurado kung kaya na ba niyang buksan muli ang puso niya. Hindi siya sigurado kung kaya na ba niyang magmahal ulit. At mas lalong hindi siya sigurado kung hindi ba siya pinaglalaruan lang ni Gray at kapag sinagot na niya ay saka ito sisigaw ng it’s a prank.

Papasok na siya sa classroom niya nang biglang may humawak sa braso niya. Nakita niya ang bracelet na alam niyang si Rafamar lang ang may ganoong bracelet. Agad niya itong nilingon at nakita niya ang pagkakunot ng noo nito.

“Rafa—”

“Totoo ba?” tanong agad nito sa kaniya.

Alam na niya kung ano ang tinatanong nito. ‘Yong kasal-kasalan siguro ang tinatanong nito kung totoo.

Ngumiti siya at nagkibit-balikat. “Content lang ‘yon sa isang school. Ako ‘yong unang pumasok sa booth nila kaya ako ang nakuhang bride—”

“Totoo na bang nililigawan ka ni Gray?”

“Matagal na ‘kong nililigawan no’n, big deal na ba ‘yon?” Humalakhak siya para gawing magaan ang atmosphere nila.

“Alam nating pareho na hindi siya seryoso sa panliligaw sa’yo, diba?”

“Seryoso siya, ‘yon ang sabi niya,” aniya at pumasok na sa classroom pero nakasunod pa rin sa kaniya si Rafamar. “Bakit? May problema ba kung seryoso si Sir Gray o hindi?”

“Paano ako?”

Lumungkot ang mga mata ni Rafamar habang nakatitig sa kaniya.

“Anong paano ka?”

“Crush ko si Gray.” Tumalikod ito at lumabas sa classroom niya.

Naiwan siyang nakatulala. Crush nito si Gray?

“OMG! Is it real? Am I not imagining things, right?” boses iyon ng isa niyang estudyante kaya agad siyang napatingin sa kaniyang mga bata. “Crush ni Ma’am Rafamar si Sir Gray?”

Mabilis siyang lumingon sa mga bata at tinitigan nang masama ang estudyante na sumigaw. Hindi niya alam kung anong ire-react niya. Hindi naman sumagi sa isip niya ang posibilidad na crush ni Rafamar ang lalaking nanliligaw sa kaniya kunwari. Hindi talaga dumaan sa isip niya ‘yon, para kasing supportive pa nga ito noon na sagutin niya ang binata at ang ending naman pala ay may pagtingin ito.

Anong gagawin niya?

Huminga siya nang malalim bago hinarap si Rafamar. Nakatingin lang ito sa kaniya at wala siyang makitang emosiyon doon, blangko lang ang mukha nito habang ang mata ay nakatitig sa mga mata niya. Pero ang nagpakaba sa dibdib niya ay ang dahan-dahan na pagluwag ng pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Mabilis na bumaba ang kaniyang tingin sa kamay nito na nakahawak sa kamay niya at bumalik ang tingin niya agad sa mukha ni Rafamar.

Ramdam niyang hindi nagbibiro si Rafamar sa sinabi nito. Hindi niya alam kung hahawakan ba niya ang kamay ng kaibigan o iisipin muna kung anong dapat niyang gawin.

Pero bago pa siya makapagdesisyon ay binitawan na ng tuluyan ni Rafamar ang kamay niya at humakbang paatras mula sa kaniya. Hindi ito nagbitiw ng salita hanggang sa makalabas na ito sa classroom niya.

Totoo kaya?

TWO DAYS nang  hindi nakikita ni Regine si Gray sa kadahilanang nasa Cavite ito kasama ang mga contestants nila sa journalism. Kaya pala hindi siya nito nasundo noon dahil pagkatapos nitong makauwi galing sa contest ng Senior High Festival ay dumiretso ito sa flight nito papuntang Cavite kasama ang mga bata. Do’n lang niya naalala nang umalis din si Rafamar kinabukasan para sumunod kay Gray para tumulong sa pag-a-asist sa mga bata.

Kahapon palang umalis si Rafamar pero hindi na siya mapalagay. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin lalo na nang nalaman niyang may gusto pala si Rafamar kay Gray. Hindi na tuloy mapalagay ang kaluluwa niya. Parang gusto na rin niyang sumunod sa Cavite at si Rafamar na lang ang mag-stay sa university. Pero agad niyang binatukan ang sarili. Wala namang problema kung si Rafamar ang nandoon eh. Pakialam ba niya?

Pilit niyang pinakalma ang sarili at panay ang kaniyang pagbuntonghininga. Dapat hindi siya mabahala dahil hindi naman niya kaano-ano si Gray, wala silang relasiyon kaya dapat wala siyang pakialam kung magsama man si Rafamar at Gray. Humarap siya sa salamin at huminga siya nang malalim. Mali itong iniisip niya na para may karapatan siya.

“Kaibigan mo si Rafa, Regine. Kumalma ka!” aniya at binatukan na naman ang sarili. “At hindi mo boyfriend si Gray, assuming ka rin eh.

Pero sinong kakalma kapag nalamang crush ng kaibigan mo ang manliligaw mo? Hindi naman siguro mali ang mag-alala diba? Ano bang dapat niyang gawin?

Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan kung may text ba si Gray sa kaniya pero wala siyang natanggap kahit isa.

Dapat na ba siyang kabahan?

*****

MALALAKING hakbang ang ginawa ni Regine para makarating agad siya sa second floor. Agad niyang tinungo ang classroom niya at doon siya nagmukmok. Isang linggo na ang lumipas mula nang umalis si Rafamar at hanggang ngayon ay wala pa ring balita. Pero wala naman siyang ginawa para makaalam ng balita.

Hindi na nga siya tumatambay sa faculty room. Ayaw niyang makakalap ng mga maiitim na chismis. Wala rin naman siyang magagawang matino sa faculty room nila kaya palagi siyang nasa classroom niya. Mabuti pa rito dahil walang mga maiingay.

Pagkarating niya sa classroom, walang tao roon. Tiningnan niya ang wristwatch niya at napagtantong Friday pala kaya ang mga estudyante niya ay paniguradong nasa dance room ang mga iyon kasi P.E ang schedule ng mga estudyante niya. Tamang-tama, wala ni isang tao ang makaka-istorbo sa pagdadrama niya ngayon.

4 pm pa kaya may isang oras pa siyang free.

Time starts, now.

Kinuha niya ang phone sa bag at binuksan iyon. Makapag-fb muna.

“Sabi ko na nga bang dito lang kita makikita.”

Lumingon agad siya nang may magsalita sa bandang pintuan. At nakita niya ang lalaking laging laman ng utak niya — si Gray.

Nakapamulsa ito at suot pa ang t-shirt nito na may markang “Journalism”. Pinikit-pikit pa niya ang kaniyang mga magaganda at cute na mga mata para siguraduhing hindi lang siya namamalikmata.

Pero kahit anong gawin niya, nandoon pa rin ang lalaki at nakatingin ng diritso sa kaniya.

“May pasalubong pala ako sayo, Regine.” Banggit nito at lumapit sa kaniyang mesa. May kinuha ito sa bulsa nito at pinakita sa kaniya.

Necklace, necklace iyon na kulay gold. Heart shape ang pendant. Sa pendant ay naka-ukit ang first name niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso at parang nagbe-belly dance pa sa loob.

She sighed.

“Ayaw mo ba?” tanong nito na nakapagpa-alarma sa kaniya.

“Nako, hindi. Ang ganda nga eh. Sana hindi ka na lang nag-abala.”

Ngumiti lang si Gray. May gana pa talaga itong ngumiti kahit kinakabahan na siya. Ang sarap tuloy nitong kurutin.

“September 3 ngayon, sweetheart. That’s my birthday gift for you.”

Alam nito ang birthday niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Napatayo siya at sinugod ng yakap ang binata sabay bulong ng thank you.

Hindi masukat ang saya niya. Nakalimutan pa niyang birthday niya pala.

“Your welcome, I love you.”

“I love—” Hilaw siyang ngumiti. “I love my self.”

Inalis nito ang braso niya sa bewang nito.

Patay, nagalit ko yata, bulong niya sa sarili.

Subalit, ikinulong nito ang kaniyang mukha sa mga kamay nito.

“I love you, Regine, but let me court you first.”

“Okay—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil siniil na siya nito ng halik sa labi. Ramdam na ramdam niya sa halik nito kung gaano siya nito kamahal. She close her eyes and respond to his kisses. Gentle.

Pero akala ba niya ligaw muna? Bakit nanghahalik na itong lalaki na ‘to?

Mahal na yata niya si Gray. Hindi niya alam kung kailan nagsimula. Pero hindi naman siguro kailangan na dapat alam niya kung kailan nagsimula.

Naudlot ang matamis na halik na iyon dahil nakarinig sila ng ingay sa labas ng classroom. Para silang mga teenagers na nahuli ng parents na may ginawang kalokohan.

Agad siyang binitawan ni Gray kaya nagising siya sa kahibangan niya. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi nang ma-realize niya ang ginawa nila ni Gray. They kissed!

Hindi niya tuloy magawang tingnan ang binata. Ramdam niya hanggang sa kasulok-sulokan ng kaniyang kaluluwa ang hiya. Anong gagawin niya?

Nilapitan siya ni Gray at isinuot sa kaniya ang necklace. Perfect.

Wala na, nahulog na siya sa bitag ni Gray Umbaad…

PAPALAPIT at papalapit ang Christmas Party ng Center Thinker Academy. Dahil si Gray ang adviser ng Supreme Students Government kaya naging busy din ito sa mga left and right na meeting. Gagawin yata ng mga officers na bongga ang year end party. Ayan tuloy ang strawberry of the eye ni Regine, super busy.

Nong minsang dumaan siya sa classroom nito ay kasama ni Gray ang President down to treasurer na officers ng council at mukhang may seryosong pinag-uusapan kaya hindi na lang niya kinulit.

Hatid-sundo kasi siya ng lalaki kaya ang daig pa niya ang nanalo sa lotto. Simula no’ng nag-start ang December, madalang na lang siya kung ihatid ni Gray dahil late na ito kung umuwi minsan.

Regine, kalma. Busy lang siya, okay? At isa pa, hindi mo siya boyfriend kaya tigilan mo iyang kahibangan mo! Angal ng utak niya.

Pero nililigawan niya ‘ko, sigaw naman ng puso niya.

Nililigawan ka lang! Hindi ka niya girlfriend! Ang mabuti pa, pumunta kang canteen at kumain ng marami, sabi ng tiyan niya.

Baliw na yata siya.

“ISANG mongo roll at banana toffee cake at coke for me, Francine,” sabi ni Regine sa crew nang makarating siya sa canteen. Gutom na talaga ang mga boarders niya. Tumango naman ito kaya pumwesto na siya at hinintay ang order niya.

No’ng dumating ang order niya ay isinubo niya agad ang mongo roll. Hindi na siya nag-inarte pa dahil mas importante ang sigaw ng tiyan niya.

“Hey, wifey! Nandito ka lang pala. Sorry, may meeting pa kasi kami,” sabi ni Gray at tiningnan ang pagsubo niya. “Mukhang gutom na gutom ang baby ko ah.”

Muntik pa siyang mabulunan pagkarinig niya na tinawag siya nitong ‘baby’. Baliw talaga to si Gray kung ano-ano na lang ang tinatawag nito sa kaniya.

“Nagugutom ako kahihintay sa’yo.”

“Sorry na, baby, gumagawa na kasi kami ng program. Humihingi na si Ma’am eh.”

“Jowain mo ‘yang mga officer mo sa council,” sabi niya sabay subo ng monggo roll at cake. Pinagsabay na niya para maubos agad kaya tinawanan siya ni Gray.

Bakit ang hot nitong tumawa?

“Ang cute mo palang magselos.”

“Sinong nagsabing nagseselos ako?”

“Ewan ko, sino ba? Tapusin mo na ‘yan at uuwi na tayo.”

Tumayo na si Gray nang matapos siyang kumain ay hinalikan siya sa labi. Hinalikan siya nito sa harap ng mga crew sa canteen at sa harap ng iilang estudyante.

“ Wag magselos, baby, ikaw lang naman ang baby ko eh,” bulong nito sa tainga niya.

OMG!

Nakakarami na ‘tong lalaking ‘to ah. Suntukin na niya kaya sa bayag?

Pero paglingon niya ay nakita niya si Rafamar na nagpawala sa ngiti niya.

NASA BASKETBALL court ngayon si Regine at pinapanood ang laro ng team ni Gray. Kahapon pa kasi siya nito kinukulit na sumama sa kaniya sa Sunday. At dahil likas sa kaniya ang pagiging mabait, hindi ito nahirapan na pasamahin siya.

Aside sa pagiging mayabang nito magaling din pala itong maglaro ng basketball. Another points para mas ma-inlove siya. Wala sa sarili siyang napangiti sa pinagsasabi ng utak niya.

Talagang ipinagpaliban pa niya ang Korean movies na mahal na mahal niya para lang panoorin ang laro nito.  Naengkanto na talaga siya. Posible kaya?

Hindi magawang alisin ni Regine ang tingin kay Gray habang naglalaro ito. Talagang naengkanto na siya dahil nakatulala lamang ang kagandahan niya habang nakatitig dito. He is definitely a hunk.

Nangingintab sa pawis ang katawan nito. Basa sa pawis ang buhok nito na lalong nakadagdag sa malakas na appeal ng binata. OMG, bakit ang guwapo pa rin nitong tingnan?

“Akala ko hindi ka na darating.”

Nasapo ni Regine ang dibdib dahil sa gulat. Bakit ba para itong mushroom? Bigla-bigla na lang sumusulpot. Na-stress tuloy ang kagandahan niya.

“Sorry, baby, nagulat yata kita.” Ngiting-ngiting turan nito sa kaniya. Para namang hindi ito nagsisisi na ginulat siya nito.

Bakit parang ang bango-bango pa rin nito? Diba dapat amoy-pawis na ito?

Tinitigan pa niya ulit ang katawan ni Gray. Nakahubad-baro ito. Malapit kasi ito sa kaniya.

That’s one hell of a body!

Kinurot pa ni Regine ang pisngi niya upang magising siya sa kahibangan ngunit napangiwi siya dahil napadiin yata ang pagkakurot niya dahil masakit iyon.

Bumakas ang amusement sa mga mata ng binata nang makita ang ginawa niyang pagkurot sa sarili. Ngunit hindi na ito nagkumento.

My god! Nakita nito ang ginawa kong kagagahan!

“I hope, I passed,” sabi nito.

Namula ang mukha niya kaya umakto siyang susuntukin ito ngunit maagap nitong kinulong ang mga kamay niya at niyakap siya.

“Salamat, baby. I love you,” bulong nito at hinalik-halikan ang buhok niya.

Pinakaramdaman niya ang tibok ng puso niya na tila ibang ritmo na naman ang sinusunod niyon.

ILANG LINGGO ang matuling lumipas hanggang sa dumating ang araw ng year end party ng school nila. Sa gym ng school nila iyon ipinagdiriwang. Tila ginawa iyong palasyo at mascaraed ball ang theme ng party. Evening party iyon kaya black and gold ang suot ng karamihan.

Sa stage makikita si Sir David at Ma’am Melonie, nakasuot ng black suit si Sir David at gold minidress si Melonie. Ang dalawang teacher ang tatayong host sa party nila.

Bawat teachers at students na papasok sa hall ay dadaan sa mahabang red carpet bago makaupo sa gusto nilang pwesto at babanggitin pa ng mga host ang pangalan nila.

Bawat mesa ay may anim na upuan kaya three pairs ang maaaring umupo. Nagtataka tuloy siya kung year end party ba ito o Seniors Ball na.

Nakasuot siya ng simpleng gown na kulay black na gawa sa satin cloth. At isang gold na maskara. Nakasuot din siya ng gold stiletto na nakakaagaw pansin sa bawat titingin. Simple but sophisticated and elegant.

Dahan-dahan siyang naglakad sa red-carpet habang pumailanlang ang magandang tugtog. Hanggang sa may sumigaw sa labas ng…

“ITIGIL ANG KASAL!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro