Part 5: ATY
NAGSISISI tuloy si Regine kung bakit hindi siya sumama sa kabilang building. Ano ba kasi ang nangyari sa utak niya at nakalimutan niyang mga estudyante pala ang dapat maiwan sa booth kasi ang mga bata ang tatanungin ng mga judges. Naisahan na naman siya ni Ma’am Pamela. May lahing Rafamar din kasi ‘yon kaya pinipilit din siya na sagutin na ‘yong mokong nilang co-teacher. Pa’no ba naman kasi niya iyon sasagutin, kung hindi naman nanliligaw?
Bakit, Regine? Sasagutin mo ba si Sir Gray kung sakaling manligaw? Tanong ng kaliwang bahagi ng utak niya.
Pati yata utak niya ay kailangan na niyang ipatingin sa doctor. Mukhang malala yata ang tama niya ngayon.
Papunta siya ngayon sa kabilang side ng gym para tingnan ang booth ng ibang school. Ilalayo muna niya ang sarili kay Gray. Mas nadagdagan lang kasi ang iniisip niya kapag nasa tabi lang niya ang binata, parang ang hirap huminga, parang ang sikip-sikip ng dibdib niya.
Nahihiwagaan na siya sa sarili niya, hindi naman siya dating ganito. Kapag malapit kasi siya sa binata, nadadagdagan ang sakit niya, parang may kabayo na tumatakbo sa puso niya kapag katabi niya si Gray. Parang may nakadagan sa kaniyang dibdib kaya nahihirapan siyang huminga. Nababaliw na yata siya.
Pumasok siya sa booth na pang sixth entry, sobrang ganda ng design ng booth at kahit noong nakaupo lang siya sa booth nila ay agaw pansin ang booth na ‘to. Puro pagkain ang display sa booth. Paniguradong cookery ang binibida ng school na ‘to. May mga cupcakes pa na nakadisplay sa left side ng booth at sobrang nakakatakam iyon.
Sa right side naman ay puro juice ang nakadisplay na nakalagay sa mahabang tube. Kumikinang pa ang tube na parang high heel ni Cinderella. May sarili ding blender ang booth kung sakaling may gustong gumawa ng sariling juice. May mga estudyante rin na nag-a-assist doon na nakasuot ng pang-cookery thingy. Sa pinakacenter ng booth ay pang wedding ang theme. Mayroong mesa doon na may nakalagay na malaking wedding cake. Kulay pink ang icing on top.
Kung ganito lang siguro ang booth nila ay hindi siya magrereklamo na siya ang maiwan kahit pa siguro kasama niya si Gray. Kakain na lang siya at hindi papansinin ang binata.
“Good morning, Ma’am,” bati ng isang estudyante sa kaniya.
Ngumiti siya sa bata. Nag-sign ito sa kasama nitong nag-a-assist din na isara daw ang pinto ng booth, kaya agad siyang napalingon.
What the heck! Ano itong napasukan ko?
Palinga-linga siya at naghahanap ng puwede niyang labasan pero nang humakbang siya ay agad siyang hinawakan ng estudyante.
“I am Maricar, and this is Marifel, Ma’am. We will be your make-up artist for today. This way, Ma’am,” sabi ng estudyante at hinawakan nito ang kamay niya at pumasok sila ro'n sa may kuwarto.
Anong make up artist? Gusto ko lang namang mag-ikot eh, bulong niya sa utak pero nagpahila na lang siya sa estudyante. Mukhang may pasabog yata itong school na ‘to. Alam na kung sino ang mananalo sa booth contest.
Nakita niya ang isang white wedding gown nang mabuksan ang pinto ng kuwarto.
May hinala na siya sa mangyayari. Pinasuot ni Maricar sa kaniya ang gown. No’ng una ay umayaw siya pero pinilit siya ng bata kaya wala na siyang nagawa. Nilagyan din siya nito ng kunting make-up kaya mas nag-glow ang ganda niya. Hindi na lang siya nagreklamo para matapos na agad ito.
Inabot niya ang binigay ni Marifel na bouquet at wala sa sariling inamoy iyon. Mukhang tama ang hinala niya na kasal-kasalan yata itong napasukan niya. Gusto lang naman niyang kumain ng cupcake eh, bakit ikakasal na siya?
“Ang ganda niyo pala, Ma’am. 'Buti na lang ikaw ang unang pumasok.” Napahagikhik pa si Marifel habang inaayos ang pagkakatali ng buhok niya. “Skin care reveal naman diyan, Ma’am.”
Sobrang daldal pala ng batang ‘to, bulong niya at napangiti.
“Single ka pa po ba, Ma’am? Baka may magalit kapag ginawa natin ‘to ha?” dagdag pa ni Marifel.
“Don’t worry, I’m still single,” sagot niya kaya napangiti ito.
“Sana single ang maging partner mo po. Tara labas na po tayo, Ma’am.”
Sumunod siya nang lumabas ito sa kuwarto.
And there he is, ang partner niya. Nakaupo ito at naka-de-kuwatro. Nakatingin ito sa kaniyang mga mata. Kahit pa siguro nakapikit siya, sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay alam na niya kung sino ang may-ari ng mga matang iyon.
He’s so handsome! Bulong niya sa sarili. Nakadamit pangkasal din ito.
Tumayo ang kaniyang groom papalapit sa kaniya, habang may kumukuha ng pictures sa kanila. Bawat paglakad nito papalapit sa kaniya ay nagdulot ng kaba sa kaniyang dibdib.
Lumuhod ang groom niya at binanggit ang magical word na will you marry me?
Kumabog nang malakas ang tibok ng puso niya. Halos hindi na niya marinig ang tanong nito sa sobrang pagkabog ng kaniyang puso.
Dapat kasi lumayo ako sa lalaking ito.
“Oh my goodness, Sir Gray! Ang gwapo mo!” May biglang sumigaw sa labas ng booth. Nasa labas na ang mga estudyante niya!
“Girls quiet, baka hindi ako pakasalan ni Ma’am Regine niyo. Out muna kayo please. Time muna namin ngayon,” anito sabay tawa.
Ni-lock ng mga eatudyante ang booth para walang makapasok. Hindi niya alam kung advantage ba ‘yon o hindi.
Nagsimula ang ceremony, may estudyante na naka-assign as priest. Kaso nakaharap sila sa malaking cake. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti, ang cute naman ng kasalang ito.
After nang ceremony, nag-announce na ‘yong pari na halikan ang bride. Bigla tuloy siyang natigilan. Halik? Hahalikan siya ni Gray? Lumingon sa kaniya si Gray na may nakakalokong ngiti. Hinawakan siya nito sa pisngi at hinalikan sa ilong!
Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan si Gray. Naguguluhan tuloy siya kung dapat ba siyang magpasalamat dahil ang ilong niya ang hinalikan nito o maiinis siya. May kasal ba na hahalikan ng groom ang bride sa ilong? Hindi yata na-orient itong fake groom niya eh. Dapat dito ino-orient muna.
“Sa wakas asawa na kita. I love you so much Regine Tantoy-Umbaad” sabi nito at hinalikan siya sa labi.
Sabay click ng camera.
Oriented naman pala, bulong niya sa sarili pero agad din siyang napatii!
Hinalikan siya nito sa harap ng maraming tao!
*****
PARANG high school student na kinikilig na kinikiliti si Regine! Alam naman niyang hindi dapat siya kiligin pero hindi nakikisama ang isip at katawan niya. Hindi niya kasi maintindihan ang nararamdaman niya. Hindi na nga niya matandaan kung paano siya nakalabas doon sa booth na ‘yon.
Ang alam lang niya, para siyang nakalutang sa ulap. Para siyang kumain ng chocolate na Cloud9 at ginawa niya ‘yong sasakyan. Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman niya kung siya mismo ang tatanungin. At ayaw niya sa nararamdaman niyang ‘to, naaalala niya ang lalaking unang bumasag sa puso niya.
Natapos ang araw na iyon na hindi niya maintindihan ang ritmo ng puso niya. Lalakas ang tibok niyon kapag malapit si Gray sa kaniya. Kaya siya na mismo ang iiwas. Kailangan niyang umiwas. Kailangan niyang lumayo. Hindi na tama itong pagtibok ng puso, masamang senyales ito na kailangan niyang layuan. Minsan papasok siya sa booth ng school nila at doon magtatago. Walang kaalam-alam ang mga kasama niyang guro sa nangyayari sa kaniya.
Napagdesisyunan nilang dalawa ni Gray na itago ang nangyari doon sa booth at pati ang mga estudyante na nakasaksi sa kanilang kasal ay kanilang kinausap. Pakiramdam niya kasi big deal iyon na kailangan isekreto, ayaw niyang kumalat na naman iyon sa campus.
No’ng una, ayaw pumayag ni Gray sa plano niya, marami itong rason pero sa huli ay pumayag na lang ito. Hindi naman daw dapat siyang mabahala dahil hindi naman daw iyon totoo. Pero hindi naman ang kasal na ‘yon ang ipinagpuputok ng botse niya, kun’di ang halik na ibinigay ni Gray sa kaniya.
Kinabukasan, second day ng Senior High Festival. Double ang kaba na nararamdaman niya dahil judgment day ng kabaliwan niya. Ito na ang araw na isasalang na ang film na ginawa nila. Sana lang talaga makuha ang entry nila kahit third place lang.
Sa booth pa rin siya naghstay at kunwaring siya ang nagbabantay doon sa mga paintings at research paper doon sa area ng booth. Kapag may pumapasok doon at tumitingin ay siya ang nag-i-entertain. Career na ‘to, pasalamat ang mga estudyante niya kasi nag-e-ermitaño siya ngayon. Ito lang kasi ang nahanap niyang lugar para mapagtaguan si Gray.
“Wifey, galit ka pa rin ba sa’kin?”
Tinakasan yata siya ng mga guardian angel niya. Bakit nahanap siya ni Gray? Hindi naman ito dumadalaw sa booth nila mula kahapon eh! Hindi siya lumingon at nagkunwaring hindi niya ito narinig. Patuloy lang siya sa pag-arrange ng mga research paper.
“Regine,” pagtawag na naman ni Gray sa kaniya.
Muli na namang bumalik ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Bakit ba siya ganito? Bakit ba siya kinakabahan kapag nasa paligid lang si Gray? Bakit ba parang nahihirapan siyang huminga? Bakit ba nanginginig ang mga kamay niya?
“Galit ka ba?”
Galit ba siya? Hindi! Hindi siya galit. Wala siyang mahanap sa puso niya na galit siya sa binata. Hindi lang talaga niya maintindihan kung ano ang rason kung bakit siya nagkakaganito.
Binitawan niya ang mga research paper at ipinasok sa bulsa ang mga kamay niya para maitago ang panginginig niyon. Nilingon niya si Gray. Nakatitig ito sa kaniya at lungkot ang tangi niyang nabasa sa mga mata nito. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito.
“Bakit feeling ko pinagtataguan mo ako?” tanong ulit nito
“Hindi ka pa ba nasanay? Matagal ka ng feeling, Gray. Akala ko alam mo na ‘yon,” biro niya sabay tawa.
Sige, inday. Magkunwari kang hindi naiilang sa presensiya niya, bulong niya sa isip.
“Hindi ako feeling, guwapo lang,” sabi nito at tumabi ng upo sa kaniya.
At nagawa pa talaga nitong sumabay sa biro niya. Dapat hindi ‘yon biro eh, legit na legit ang pagiging feeling nito. Kahit pa siguro kung sino ang tanungin ay sasabihin talaga na sobrang feeling ng binata at guwapong-guwapo pa sa sarili.
“Ewan ko sayo! Bakit ba kasi dinadaan mo sa biro ang lahat?” tanong niya at napatitig sa binata.
Those sexy brown eyes of his were really a distraction to her. Matagal na siyang distracted kay Gray, magaling lang talaga siyang magtago. Kaya ang paraan niya para maitago iyon ay ang palagi niyang iniiwasan ang binata.
Ayaw lang naman niyang maniwala na totoo ang lahat ng pinapakita ng binata. Takot na siyang maniwala pa sa mga sinasabi ng mga lalaking hindi naman pala kayang panagutan ang lahat.
“Paano ba dapat magpapansin sa magandang binibini na tulad mo?” painosenting tanong ni Gray sa kaniya.
Beat.
Bigla-bigla ay mas bumilis ang tibok ng puso niya. Napabuntonghininga siya para ikalma ang sarili.
Magpapansin? Bakit naman ito magpapapansin sa kaniya? Hindi pa ba sapat ang ginagawa nitong pangbubuwesit sa araw niya?
“Bakit mo naman gustong mapansin kita? Sa mga panggugulo mo lang sa’kin araw-araw, sapat na ‘yon eh. Sobra na nga yata.”
Ramdam niyang nakatitig si Gray sa kaniya kaya mas bumilis pa ang tibok ng puso niya. Hindi na niya kayang pakalmahin ang puso niya. Mas pabilis nang pabilis ang pagpintig niyon.
Kapagkuwan ay tiningnan niya ang binata.
“Regine, hindi talaga ako magaling sa ganito pero gustong-gusto ko kapag napapansin mo ‘ko, kapag tinitingnan mo ‘ko kahit may kunot sa noo mo,” sabi nito at napatawa ng kunti. “Masaya ako kapag nakikita kitang masaya. There were a lot of times, Regine, I wanted to stay away from you, but damn! I just couldn’t.”
Muling nagtagpo ang dalawang kilay niya.
“Torpe ako minsan, but I love you, I always do. Iyon din ang dahilan kung bakit palagi kitang kinukulit.”
Torpe? Sa stage na ‘yan torpe pa siya? Hindi niya makapaniwalang tanong sa sarili.
“I’m sorry,” dagdag pa nito.
“Sorry? Bakit ka nag-so-sorry?”
“Kasi minahal kita.”
Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pati ang sarili niyang puso ay nag-iba na ang tibok niyon.
Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo at nawala ang ingay sa loob ng gym at tanging tibok ng puso at hininga niya lang ang naririnig niya. Hindi niya alam kung paano magre-react sa mga sinabi ni Gray sa kaniya.
Kinikilig siya na kinakabahan na parang hindi niya maintindihan.
Ang gulo! Sobrang gulo!
Niyakap siya ni Gray at agad pumasok sa ilong niya ang mabangong amoy ng binata na hindi masakit sa pang-amoy.
“Sorry, wifey. Nabigla yata kita. ‘Wag mo na lang isipin ang mga pinagsasabi ko kanina,” sabi nito at kapagkuwan ay hinalikan siya sa noo.
Ano yon? Halik-lola?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro