Part 4: ATY
Wala sa sariling naglalakad si Regine papunta sa principal office habang hawak ang flash drive na naglalaman ng film na ginawa nila. Nangingitim ang ilalim ng mata niya at tila dinuduyan siya sa bawat pagtapak niya sa lupa. Mabuti na lang talaga at may talent siya sa pag-make up, kahit papaano ay natabunan ang eye bags niyang saksi at tanging patunay na hindi siya nakatulog kagabi.
Kulang siya sa tulog at ang tanging gusto lang ng mga mata niya ay ang pumikit at magpahinga. Pero laking pasasalamat niya dahil natapos na ang ilang araw na kalbaryo niya. Inihanda na lang niya ang sarili sa mahabang speech ng school head nila tapos ang tanging pinu-point out lang ay hindi nito nagustuhan ang film na ginawa nila kaya gagawa na naman sila ng panibago.
Kung mangyari man talaga ‘yon, matutulog na lang siya at bahala na ang school na matalo. Ang importante lang naman sa kaniya ay ginawa niya ang best niya kahit pati pagtulog niya ay naabala pa.
Natigil siya sa pagmumuni-muni nang may biglang humawak sa balikat niya. Agad siyang napalingon at nakita niya ang mukha ni Gray. Muli na namang nagsalubong ang mga mata nila.
Heart, ayos ka lang?
Gusto niyang tanungin ang puso niya pero baka bigla iyong lumundag at magpakita kay Gray. Lihim siyang napailing. Mukhang pati utak niya, wala na sa matinong pag-iisip.
“Hey, Regine Dear, sa’n ka pupunta?” bulong ni Gray sa may bandang leeg niya. Tila may hatid iyon na kuryente sa kaibuturan niya at kinikiliti siya. Iba ang hatid ng mainit nitong hininga na dumampi sa kaniyang leeg, kaya hindi niya ito nagawang tingnan ulit.
“Sa office,” pabulong niyang sagot at lumayo sa binata. Pero salamat at hindi siya nautal.
Bakit naman siya mauutal diba? Wala naman siyang gusto sa lalaking ‘to eh. In fact, naiinis pa nga siya.
“Eh bakit ka ba naglalakad ng tulala? Ilang beses mo na bang ginawa ‘yan ha? Pasalamat ka tudo rescue ako eh. Hindi mo na naman yata namalayan na hindi ito ang daan papuntang office eh.” Nang marinig niya iyon, agad siyang napalingon kay Gray na nakakunot ang noo.
Agad niyang tiningnan ang paligid at napagtanto niyang papunta ito sa building ng Grade 11.
Ano bang nangyayari sa kaniya?
“Are you alright?” masuyong tanong nito na nagpagising sa diwa niya.
Bakit ba kapag nag-aalala ito sa kaniya ay kinikilig siya?
Natigilan siya sa sariling tanong. Anong kinikilig? Paano niya nasabi ang salitang iyon? Siya? Kinikilig? Ni kahit manood nga siya ng mga movies na romance ang genre ay nasusuka lang siya eh. Hinding-hindi siya kinikilig!
“Diba?” untag ni Gray sa kaniya. “Bakit ba palagi kang tulala? Alam ko namang guwapo ako pero ‘wag mo namang gawing rason ‘yon para palagi kang matulala.” Pinabaunan pa nito ng pagtawa.
Nilingon niya si Gray nang marinig niya ang sinabi nito. Guwapo? Sasabihin niyang guwapo ito kapag nalampasan na nito ang kaguwapohan ng artista na gustong-gusto niya. Pero nang makita niya ang ngiti ni Gray ay hindi niya nagawang barahin ito.
Wala akong pakialam kahit guwapo siya, bulong niya at napailing. Pero ayaw niyang ipakita rito na guwapo nga ito sa paningin niya.
Nakaramdam siya ng pagkailang dahil sa ginawa niyang pagtitig dito. Bakit sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib niya? What’s happening to her?
“Edi wow, feeling guwapo ka eh. Wala na ‘kong magagawa niyan. Sige, pupunta muna akong office, maiwan muna kita, sabi niya at mabilis na hakbang ang ginawa.
“Regine.”
Kapag talaga tinatawag siya nito sa pangalan niya na walang halong biro, bumibilis ang kabog ng dibdib niya. Pero bakit? Wala naman siyang nararamdaman para dito. Hindi niya ito gusto. Tanging inis lang ang nararamdaman niya para kay Gray. Inis na nabuo sa loob ng ilang linggo na palagi nitong pangungulit sa kaniya.
“Yes?”
“’Yong kilay mo, hindi pantay,” sabi nito sabay tawa nang malakas.
Buwesit ka talaga, Gray! Ang sarap mong saksakin, ten times!
Binigyan niya ito nang matalim na tingin kaya napatigil si Gray sa pagtawa at hinila siya palapit dito. Muli na namang nagparamdam ang kaba niya kaya tiningnan niya ang paligid kung may nagpagala-gala bang estudyante o kahit kasamahan man lang nilang guro.
Hindi niya alam kung bakit nagpasalamat siya dahil walang tao kahit isa. Baka gusto lang talaga niyang walang makakita sa nangyayari para maiwasan na rin nila ang chismis. Dahil sa totoo lang, pagod na siya. Pagod na siyang mag-explain sa side niya na wala silang relasiyon ng lalaking ‘to. Pero kahit tudo explain siya, gumagawa rin si Gray ng paraan para hindi siya paniwalaan ng mga tao.
“Gray!” pagtawag niya sa pangalan nito at hinila ang sarili para makawala sa binata pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang paghawak sa baywang niya. “Let me go!”
“Pakakawalan lang kita kapag pumayag kang magpakasal sa’kin.”
Hindi niya napigilan ang matawa sa sinabi nito kahit walang mababakas sa mukha ng binata na nagbibiro ito.
“Kasal?” tanong niya at muling napatawa. “Nagbibiro ka ba?”
Nanatili lang itong nakatingin sa kaniya kaya hilaw siyang nag-iwas ng tingin. Ano na naman bang pumasok sa utak ng lalaking ‘to at kasal ang lumalabas sa bibig?
“Sir, alam mo po—” Huminga siya nang malalim. “Hindi ko talaga alam kung bakit mo ginagawa sa’kin ‘to. I don’t have any idea kahit ilang beses ko pang tanungin ang sarili ko. Wala akong makitang rason kung bakit ako ang ginugulo mo.”
Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ni Gray sa kaniya.
“Wala akong alam tungkol sa status mo. Kung may girlfriend ka ba o wala. Pero sabi naman nila, hindi ka pa naman daw married. Pero please, ayoko ng gulo. Kung pinaglalaruan mo lang ako, kung hindi ka seryoso sa panliligaw mo kunwari. Kung naglalaro ka lang talaga, puwede bang iba na lang ang paglaruan mo? Hindi talaga ako sigurado kung seryoso ka eh. Mahirap na baka dumating ang panahon na ako ang magseryoso at malaman kong naglalaro ka lang—”
Muli siyang hinawakan ni Gray at inilapit sa katawan nito. Isinandig siya nito sa dingding ng classroom nito. Wala siyang mabasa sa mga mata nito pero titig na titig ito sa kaniya.
“Hinihintay kong magseryoso ka sa’kin, Regine. Pero sa tanong mo kung naglalaro lang ba ako, paano kung sabihin ko sa’yong seryoso ako? Anong gagawin mo?”
*****
DUMATING ang araw na pinakakaabangan ng lahat, lalo na si Regine — ang Senior High Festival. Kinakabahan siya at hindi mapakali, ito na ang event kung kailan isasalang na ang film na gawa ng section niya, ang film na pinagpuyatan niya ng sobra-sobra.
Sana manalo, mahina niyang bulong.
Para siyang may semplang sa utak na hindi mapakali sa inuupuan. Tatayo at muli na namang uupo. Panay tingin at pagsulyap siya sa paligid kahit wala naman siyang dapat tingnan. Hindi lang talaga masukat ang kaba na bumabalot sa kaniya ngayon. Idagdag pa ang panginginig at lamig ng kamay niya.
Lihim niyang pinakalma ang sarili at panay ang kaniyang paghinga nang malalim. Bukas pa naman ang contest sa short film pero parang ibibitin na siyang patiwarik ngayon.
Kalma self, bukas ka pa bibitayin, bulong niya sa sarili. Kahit alam niyang kunti lang ang possibility na manalo sila pero umaasa pa rin siya.
Labas-pasok ang mga estudyante sa gym na dumagdag sa tensyon na nararamdaman niya. Feel niya tuloy kunti na lang mawawalan na siya ng malay.
“Ma’am Regine.”
Agad siyang napatingin sa loob ng booth nang may tumawag sa kaniya.
“Do’n muna kami sa kabilang building ha? Do’n kasi ang contest sa battle of the brain. Kayo muna ni Sir Gray ang bahala sa booth natin,” sabi ni Ma’am Pamela — ang administrative assistant ng school nila. Napakunot bigla ang noo niya. Nakalimutan yata ni Ma’am Pamela na pinagti-trip-an siya ni Gray.
Agad siyang pumasok sa booth at hinanda ang sarili na magreklamo. Hindi siya papayag na si Gray ang makakasama niya. Bakit sila pa talaga ni Gray ang maiiwan sa booth nila? Marami namang teacher ang puwede niyang makasama. Bakit ang Gray pa talaga na iniiwasan niya sa loob ng ilang araw ay ito pa ang napili nitong makasasama niya?
Tulog na naman ba ang guardian angel niya?
“Ma’am, puwede naman sigurong sumama na lang ako sa inyo, diba? Baka may maitulong ako roon at gusto ko rin pong manood ng contest ngayon eh, boring dito sa booth natin.” Kinuha na niya ang bag niya para hindi na ito makatanggi pero agad siya nitong pinigilan.
“Boring?” Nagkibit-balikat ito at ngumiti sa kaniya. “Edi gawin mong exciting.”
“Ma’am Pam—”
“Ma’am, hindi po talaga puwede, kailangan daw na may maiwan sa booth natin para mag-assist sa mga judge na titingin mamaya. And kayo lang ni Sir Umbaad ang free today.” Pinanood na lang niya itong kinuha ang shoulder bag nito. “Sige, mauna na kami. Parating na rin si Sir. Mag-uumpisa na ang contest. Baka mabaliw na ang alaga ko kahihintay sa’kin,” anito at lumabas na sa booth. Hindi man lang hinintay ang sagot niya, naiwan siyang nakanganga.
Umayos na lang siya ng upo sa booth at napatingin sa TV na paulit-ulit ina-advertise ang mga strand na ino-offer ng school nila. Wala siyang choice kun’di ang sumunod sa utos ni Ma’am Pamela.
This will be a long day, bulong niya sa sarili at bumuntonghininga.
Bakit kasi siya pa ang naiwan? Bakit kasi siya lang ang vacant ngayon? Ayaw man niyang isipin pero parang pinagkakaisahan yata siya ng lahat.
Umupo na lang siya ulit at kinuha ang cellphone niya. I-te-text na lang niya si Rafamar kung puwede bang pumunta ito sa booth nila baka sakaling tapos na ang contest nito. Pero parang pati cellphone niya ay niloloko rin yata siya dahil wala ni isang bar ng signal ang cellphone niya.
Hindi na ako natutuwa, bulong niya at inis na ipinasok sa bulsa ang cellphone.
“Good morning, Regine Baby,” bati ni Gray sa kaniya na kararating lang.
Napasimangot agad siya nang makita ang binata. May nahanap na naman itong bagong tawag sa kaniya. Pinili na lang niyang huwag itong pansinin. Okay lang naman sa kaniya kung siya ang maiwan sa booth basta hindi niya kasama si Gray.
Mula no’ng huli nilang pag-uusap ay palagi na niya itong iniiwasan. Kung kaya lang niya sanang hindi pumunta sa faculty room ay hindi na talaga siya pupunta, pero impossible naman iyon. Kaya bago siya pumunta sa faculty ay sinisilip niya muna ang classroom ng binata at kapag nakita niya ito sa classroom ay saka lang siya papasok sa faculty.
Tudo-iwas siya pero ito namang mga kasamahan niya ay tudo gawa naman ng paraan para magkalapit sila ni Gray. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na kasabwat ang lahat sa mga plano ni Gray. Ayaw niyang isipin na totoo ang lahat, ayaw niyang umasa. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa unang pag-ibig niya.
“Sabi ko, good morning. Wala bang good morning too diyan?” Pumasok na si Gray sa loob ng booth at kumuha ng isang cupcake na display nila.
Hilaw siyang ngumiti kay Gray. “Good morning, Sir Umbaad.”
Nakaputing t-shirt lang ito at black slacks. Simple pero nakakaagaw pansin, kahit pa siguro simple lang ang suot nito at katabi ang mga teacher na bongga ang suot ay ito ang magiging spotlight. Sa totoo lang guwapo naman talaga si Gray, masiyado nga lang mahangin.
Tinitigan niya ang binata pero hindi siya nagsalita, sapat na ang ‘good morning' niya kanina. His soft hair was swaying with the wind. Medyo mahaba ang buhok ni Gray kaysa sa karaniwang buhok ng lalaki. Ang ilang hibla niyon ay tumatabing sa mukha nito. A mixed scent of bath soap and aftershave cologne reached her sensitive nose.
Tingnan mo nga, bagong ligo pa ang mokong. Nine AM na! Ang aga pa nito para sa afternoon contest. Magaling!
“Are you done, binibini?” tanong nito na nakapagpabalik sa kaniya sa realidad. Hindi pa rin nawala ang pagkindat nito sa kaniya kapag may sinasabing kabaliwan.
“Ano?” tanong niya.
“Sabi ko, tapos ka na bang pagmasdan ang kaguwapohan ko?” tanong nito na lumapit pa talaga sa tainga niya para ibulong ang kalokohan nito.
Kaguwapohan? Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na guwapo ka. Mahangin ka lang talaga.
“Tse!” Kumunot ang kaniyang noo at umiwas ng tingin dito. Kung puwede lang sanang umalis sa booth ay ginawa na niya. Ayaw niyang mahawaan sa dalang virus ni Gray.
“Don’t worry, Regine, libre lang sa’yong pagmasdan ako,” natatawang sabi nito sabay kindat. “Walang bayad, free lang talaga. Promise.”
Damn this man for having such sexy eyes! Naisaloob niya.
Bakit kaya ang dami niyang napapansin ngayon tungkol sa binata? What’s happening to her?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro