Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 3: ATY

Masarap ba ang halik ko, Regine Dear?”

Nanlaki ang mata ni Regine na humarap sa pinto ng CR. Halos hindi niya ma-control ang lakas ng pagtibok ng puso niya dahil sa sentence na ‘yon na akala niya ay si Gray ang nagsalita. Nakahinga siya nang maluwag nang mukha ni Rafamar ang nakita niyang nakangisi.

Akala niya kasi sinundan siya nito sa CR. Kahit alam naman niyang impossible pero hindi niya maiwasan na maisip iyon dahil walang impossible para kay Gray.

“Pinagsasabi mo?” aniya at ipinagpatuloy ang pagpunas ng mukha niya.

“Akala ko kasi hinalikan ka ni Sir eh. Fake news yata ‘yon.”

Sana nga fake news lang. Hindi sana umiinit ang ulo niya.

Pero marami yata ang nakakita sa kanila kanina. Hinalikan ba naman siya sa gitna ng oval. Daig pa nila ang may shooting at sa maraming tao pa talaga nag-acting si Gray. Hindi lang pala ito writer, artista rin.

“Pero,” pabitin na sabi ni Rafamar at nilapitan siya. “Fake news nga ba?”

STRESS na stress ang kagandahang taglay ni Regine dahil sa paparating na Senior High Festival. Script at laptop ang palagi niyang kaharap habang papalapit nang papalapit ang araw na iyon. Pati bangs niya ay hindi na niya maintindihan! Ilang araw na rin na laman iyon ng utak niya at halos wala na siyang matinong tulog. Inuubos ng pag-e-edit ng script at pagbabasa ng mga manuscript ang oras niya para kahit papaano ay may matinong ambag din siya.

Bakit pa kasi siya ang pinahandle sa short film? siguradong tagilid ang resulta nito. Pero kahit ka siguro ilang beses niya iyong itanong sa sarili ay wala talaga siyang makuhang sagot kung bakit sa kaniya ibinigay ang task na ‘to. Alam naman niyang wala talaga siyang future sa mga ganitong bagay.

Ngayon palang ay hinahanda na niya ang sarili na mabigo at mapagalitan ng school head nila. Maglalagay na lang siya ng earphone para kahit papaano ay hindi niya marinig ang boses ng kanilang school head. Wala naman talaga siyang talent sa ganitong bagay. Sana paramihan na lang ng maubos na pagkain ang contest nila, panigurado na siya ang makakakuha ng trophy.

Biglang tumunog ang tiyan niya, senyales na malapit na siyang mamatay sa gutom este ang mga boarders niya sa tiyan. Ni hindi pa nga siya nangangalahati sa film pero malapit na siyang tawagin ni kamatayan, malapit na siya nitong sunduin. Hindi pala talaga madali itong napasukan niya.

Maingat niyang in-off ang laptop at tumayo, pupunta siyang canteen ngayon, wala na talagang atrasan ‘to at walang makapipigil sa kaniya. Sayang ang beauty niya kung magpapalipas lang siya ng gutom. Hindi pa nga niya nasisilayan ang lahi niya. Katakot naman yata na mamatay siya dahil lang sa gutom. Napaka unfair naman yata no’n.

Ngayong araw na ‘to, nagsisisi siya kung bakit sa second floor niya naisipang mag-ermitanyo. Bakit pa kasi sa second floor ang classroom niya, ‘yan tuloy kailangan pa niyang bumaba para makapunta siya sa mahiwaga nilang canteen!

“Sana lang talaga, walang masiyadong tao sa canteen. Gusto kong mapag-isa,” bulong niya sa sarili. Nakaisip pa talaga siya ng isang napakaimposible na hiling.

“Good morning Ma’am Regine,” bati no’ng nasa counter. Ngiti ang iginanti niya. “Anong bibilhin niyo po?”

Sasagot na sana siya pero may biglang umakbay sa balikat niya. Agad na nag-register sa utak niya ang pabangong gamit ng mapangahas na umakbay sa kaniya. Walang iba kun’di si Gray!

Tulog na naman ba ang guardian angel niya?

Agad siyang napaatras para makalayo sa lalaki. Kailan ba siya nito titigilan?

“Ohh, Regine Darling, sabi ko na nga bang dito kita makikita. One hug for me please,”  nakangiti pa nitong wika sa kaniya na para bang walang ginawang kalokohan ngayon.

Sabi niya na nga bang war lang ang mahahagilap niya rito. Sana hindi na lang siya bumaba at hinayaang mamatay sa gutom ang mga naninirahan sa tiyan niya.

“2 cheese burger, Darlene, for me and for my Regine Darling. And of course as usual,” sabi nito.

Aba’t nag-order na. Napailing na lang siya nang palihim. Ayaw pa niyang mamatay! Kailangan niyang makaalis agad dito bago pa makuha ni Gray ang lahat ng atensiyon ng mga estudyante at guro sa loob ng canteen.

“Regine Darling, have a seat.”

“Pwede ba Gray Umbaad, tumahimik ka!” diin na bulong niya.

“Sinasabi ko na nga ba, Regine Dear, may crush ka sa ‘kin, ‘no? Sinasagot na kita.”

Bakit ba niya kinakausap ito? Idiin niya ang mga labi at pilit na pinakalma ang sarili. Kapag sinungitan lang niya ito ngayon ay mag-aakting lang ito at makukuha na naman ang pansin ng lahat ng tao.

“One more word from you and I’ll give you a punch straight to fucking hell!” nanggigigil na wika niya pero pilit na hindi lakasan ang boses.

“And I love you too, Regine Darasin,” sagot nito at nag flying kiss pa.

“Ayieh!”

Natigilan siya nang may biglang nagtilian. Ito na nga bang sinasabi niya na kukunin ni Gray ang atensiyon ng lahat. Binigyan niya ng masamang tingin si Gray pero kinindatan lang siya nito at inabot ang ibinigay ng staff ng canteen na in-order nito kanina.

Parang wala lang talaga rito ang lahat. Parang wala itong ginawa kung makangiti at parang tuwang-tuwa pa ito, samantalang siya ay puputok na sa inis. Dati naman ay hindi ito ganito sa kaniya. Dati naman ay hindi siya nito pinapansin, parang hindi siya nag-e-exist sa mundo nito. At mas okay pa iyon sa kaniya, ayaw niyang may nagbibigay ng atensiyon sa kaniya. Ayaw niyang maging sentro ng lahat.

At ang ginagawa ni Gray ngayon ay ang bagay na ayaw niya. Ni hindi nga niya alam kung pinaglalaruan lang ba siya nito o hindi.

Tinitigan na lamang niya nang masama si Gray nang inabot nito sa kaniya ang burger.

“No, thanks. Kaya ko namang bumili eh,” aniya at nilampasan ito.

“Regine—”

“Ano na naman?”

“Thank you,” anito at matamis na ngumiti.

Mas lalo siyang natigilan. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagpapasalamat. Pero nang ngumiti si Gray ay biglang naglaho ang inis na nararamdaman niya.

As much as she really hated to admit it to herself, Gray had a cute smile.

*****

Guys!” sigaw ni Regine na kunti na lang ay lalabas na ang mga ugat sa leeg niya. Kanina pa sila paulit-ulit ng take pero hindi pa rin nakukuha ng mga bata ang gusto niyang scene at emotion.

“Gawan niyo naman ng kabuhay-buhay ang acting niyo! Act as normal,” kalmado niyang saad sa mga bata. “I-feel niyo naman na parang kayo talaga ang nasa kuwento. Ang ganda kaya ng story, kung iintindihin niyo lang nang maigi, makukuha niyo ang lesson na pinaparating ng story eh. Umakting kayo na parang kayo talaga ang gumagalaw sa story, gaya ng sabi ko kanina, act as normal. Hindi ‘yong parang napipilitan lang kayo!” sermon niya sa mga estudyante niyang kinuha niya para mag-act sa story na isasalang nila sa contest.

Sabado ngayon, rest day niya sana. Pero, heto siya nasa field at ginagawa ang film. Nagpapakabayani!

“Eh Ma’am, totoo namang napipilitan lang kami eh,” reklamo pa no’ng isa. Napapikit na lang siya, kunting-kunti  . Kukulo na talaga ang dugo niya.

Huminga siya nang malalim. Lahat naman siguro napipilitan na gawin ang film na ‘to. Napilitan lang din naman siya pero wala siyang magawa.

“Kung napipilitan ka lang pala, hijo, sana sinabi mo na kanina pa. Nang makahanap ako ng papalit sa’yo. Dumagdag ka pa sa problema ko eh!” sagot niya.

Agad niyang nakagat ang ibabang labi at sinapo ang noo. Hindi niya maintindihan ang sarili. Dumagdag pa ang kaba niya na nagpapansin na naman ngayon. Kung lahat ay magrereklamo na napilitan lang, hindi na niya alam kung anong gagawin niya ngayon.

“Pero Ma’am, sabi niyo kasi—”

“Regine Darling, kalma.”

May humawak sa balikat niya at tila naging puppet siya na sinunod ang sinabi nito. Huminga siya nang malalim at pumikit. Inamoy niya ang pabango nitong gamit na para bang iyon ang isang paraan para kumalma siya. Hinayaan niya ang sarili na kahit ngayong araw lang ay hindi niya awayin si Gray. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya.

“Hindi matatapos ‘to kung puro init ng ulo ang ipapairal mo.”

Hindi siya sumagot, hindi siya gumawa ng paraan para ibuka ang bibig at pagalitan ang binata. Kahit gusto na niyang magtanong kung bakit ito nandito sa shooting nila ngayon. Gusto niyang magtanong kung bakit nito nalaman na nandito sila sa school ngayon. Kahit kasi si Rafamar ay hindi alam na ngayon nila gagawin ang shooting para sa film.

“Rest muna kayo, kakausapin ko lang ‘tong direktor slash script writer niyo,” dagdag pa ni Gray kaya agad siyang napadilat at hinarap si Gray.

“Gray please, not now. Busy ako at kailangan namin itong matapos. Mag-e-edit pa ‘ko nitong video kahit hindi ko alam kung paano ‘to gawin—”

“Shhh, nandito ako para tulungan ka. You need rest,” sabi ni Gray at niyakap siya.

Agad na pumikit ang mga mata niya at ninamnam ang masarap na pakiramdam dulot ng yakap ni Gray sa kaniya. Bakit masaya siya na nag-aalala ito sa kaniya? Bakit ganito ang nararamdaman niya?

“Uy si Sir Gray at Ma’am Regine. Bagay po talaga kayo,” hirit ni Janeth. Pero parang walang narinig si Gray, patuloy lang ito sa pagyakap sa kaniya.

She sighed. Kailangan na yata niya ng albularyo para malaman kung ano talaga ang nangyayaring kakaiba sa kaniya. Mukhang nasapian ata siya ng masamang espirito.

“HEP! Hep! Hep! Hep!”

Natigilan si Regine nang biglang humarang si Rafamar sa pinto at nakapamaywang pa. Nagtatanong ang mga mata niyang tiningnan ang babae.

“Bakit?” walang ideya niyang tanong.

“Huli na naman sa balita ang magandang reynang tulad ko. Ano itong kumakalat na chismis sa buong campus, ‘Regine Dear’?” tanong ni Rafamar na ginaya pa ang boses ni Paul pagkapasok niya sa faculty room.“Chismis?”

“Yeap! At alam kong hindi ‘to fake news.” Lumapit pa ito sa kaniya kaya napaatras siya palabas ng faculty room.

“Anong chismis?”

“Chismis.” Nanlaki ang mga mata ni Rafamar. “Chika, gano’n.”

Lunes na lunes, sinalubong agad siya ng Q&A portion. Napailing na lang siya at sinabihan si Rafamar na wala siyang alam sa sinasabi nito. Pumasok na siya sa faculty room at sinulyapan ang suot niyang relo.

“My God! Nasaan na ang palagi mong binabanggit na ‘Walang himala’ hija? Lumipat na ba sa Mars kasi nandidiri na siya sa love potion na kumakalat na sa buo mong katawan?” dagdag pa nito na hindi niya namalayang nasa harapan na ito ng mesa niya.

“Ako ang aalis at pupuntang Mars kapag hindi ka tumahimik,” sabi niya. “Wala nga ‘kong alam.”

“Puwes!” sabi nito at ibinagsak ang librong hawak sa mesa niya. “Hindi ako tatahimik kapag hindi mo iku-kuwento ang buong nangyari.”

“Ma’am Rafa, wala pong nangyari kaya wala rin akong iku-kuwento sa’yo.” Pinagsisihan na niya tuloy kung bakit sa faculty siya nagtungo.

“Anong wala?” inis na tanong sa kaniya ni Rafamar at nagdabog pa. “Sabi ng mga estudyante mo na pumunta raw si Sir Gray sa shooting niyo no’ng Saturday. Tapos sasabihin mong walang nangyari?”

“Kasi wala naman talaga.” Nagkibit-balikat siya. “Bakit? Ano bang dapat mangyari?”

Napalabi si Rafamar at pinagmasdan siya. “Niyakap ka raw ni Sir Gray,” sabi nito na parang hinuhuli talaga siya.

Ngumiti siya kaya mas lalong nainis si Rafamar sa kaniya.

“Kita mo na! Kita mo na! May nangyari nga!”

“Punta muna ako sa classroom ko, baka nagrarambulan na ang mga stud—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dapat kasi biglang pumasok si Gray sa eksena na naging dahilan kung bakit kumabog nang husto ang lintik na puso niya. May mali talaga sa puso niya.

Kalma heart, magpapacheck-up talaga tayo mamaya, bulong niya sa puso niya. Nagmadali siyang nagligpit ng mga gamit niya at inilagay iyon sa bag niya. Kailangan niyang makalabas agad sa faculty room bago pa lumabas ang puso niya.

“Good morning. And good morning to you, Regine Dear,” bati ni Gray sa kanila ni Rafamar at kinindatan siya.

Patay na! Kalma ka lang diyan heart!

Nagmadali siyang umalis sa kaniyang mesa at kinuha ang bag para pumasok na sa first class niya.

“Send nudes dear, ‘wag ka ngang feeling Arabo!” nasabi niya na lang para pagtakpan ang pakiramdam niyang hindi na niya talaga maintindihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro