PART I
I've been waiting here for one hour and fifteen minutes.
Ang sabi ni Gwyneth ay alas kuwatro out na siya. It's fifteen minutes past five in the afternoon! Anong klaseng out ba ang ibig niyang sabihin? Out sa ospital? Namali ba ako ng basa at dapat doon ako naghintay at hindi rito sa university?
Kunot noo kong dinukot ang cellphone ko at binasa ulit ang text niya. It says out ng lecture. Dito nga sa school. So where is she?
Kumalabog ang passenger door nang bumukas ito saka inangat ang ulo ni Denver na mukhang magta-tantrums na sa ilang segundo. Ngumunguya siya ng bubblegum. Kinuha niya ang isang earpiece mula sa kaliwang tenga at tumakas ang isang kpop music.
"Wala pa ba? Ano bang alas kwatro sa kanya, Jaxon?" naiinis niyang tanong. Tinanggal niya ang baseball cap upang kamutin ang semi-buzzcut niyang ulo at marahas na binalik.
Nagtaas ako ng kilay nang bigla siyang ngumiti. Iyon naman pala'y may dumaan na Tourism student na naka all pink uniform. Pink ang lipstick. Pink eyeshadow. Pink ang shoulder bag.
Iyan ba mga tipo ni Denver? Parang lumangoy lang sa dagat ng foundation. Tss. Hindi natural. Pati buhok nagawa pang ipeke sa pagpapakulay.
Nagbalik simangot si Denver nang hinarap muli ako.
"Bakit ka ba nagtatiyagang maghintay sa babaeng iyon, Jax? Kung ikaw ang natatagalan hindi ka naman niya hinihintay, a? Don't you think it's a bit thick?" madrama niyang sabi.
"Babae siya, kaya siya ang hinihintay."
Namilog ang mga mata niya. Tuluyan na niyang pinatay ang music at tinanggal ang isang earphone. Dinura niya ang bubble gum sa pasong may malaking halaman na nasa harap ng kotse ko.
"So what if she's a girl? Babae siya kaya siya dapat ang naglalaba? Babae siya kaya siya dapat ang pinagsisilbihan? Babae siya kaya siya dapat ang pinapaupo?" Umiling siya. "No, Jax. Hindi ganon. Hinihintay ang mga babae hindi dahil sa babae sila. Hinihintay ang mga babae dahil karapatdapat silang hintayin. And obviously, Gwyneth is not worth it."
Inirapan niya ako pagkatapos ng kanyang pangangatwiran. Umuga ang kotse nang sinandalan niya ito.
Palagi kong tinatanong sa sarili kung bakit kami ang palaging magkasama. Palagi naman niya akong inaaway. Minsan hindi ko na pinapatulan dahil nasa punto naman siya. And I hate it. I hate it when he's always hitting the bull's eye.
"She's just going to give you a hard-on, Jaxon. She's not going to give you a future."
Sandali niya akong nilingon upang alamin kung narinig ko ang sinabi niya.
No need. He's double on point. Hindi lang huminto sa tenga ko ang sinabi niya at alam niya iyon. Gusto niya lang talagang ipagmayabang na tama siya!
He evil smiled at me saka sumubo ng panibagong bubble gum. Tahimik at tamad akong umikot upang isandal ang likod ko sa pinto. Bumuntong hininga ako at dinungaw ang aking relo.
Thirty minutes. If wala pa si Gwyn, then sasabihin ko sa kanyang aalis na lang ako. Kami.
Bukas na ang ikaapat na taon kong panililigaw sa kanya. Fourth year anniversary of being an avid pursuer. How noble. Ako na ang may award na 'Pinakamatiyagang manliligaw of the century'.
I've been wearing my heart on my sleeve for her since the end of our high school year. I've liked her. That's just it. I like her. I'm not the kind to sow my wild oats so I guess she likes me too.
Iyon ang pinanghahawakan ko. Gusto niya ako. Of course, we tend to cling to the ones who accommodated our feelings without minding the upshot. Basta gusto namin ang isa't isa sa ngayon. Wala rin naman akong nagugustuhang iba, so why should I worry?
It's not that hard to like Gwyn. She's pretty. Mestisahin kaya hindi masyadong naglalagay ng kolorete sa mukha. Buhok niya ay natural na brown. She doesn't bother hide her freckles which is a plus to me because that only means she embraced her imperfections. Matalino siya, and she can be sweet on top of that. Kasama na sa mga plano kong makatuluyan ang mga tulad niya.
I made sure that my mother would like her and she does. Kaya nasabi kong secured na ang kinabukasan ko. Iyong 'oo' na lang talaga niya ang hinihintay namin.
But there's this sinking feeling. Iyong parang nangangamba tayo sa mga pangyayaring hindi pa naman nangyayari. I ignored it. Those thoughts were just fucking me up. Pinapaalalahanan ko lang ang sarili na hindi ako bibitaw sa sitwasyon na ito dahil ayaw kong gawin ang ginawa ng ama ko.
Niluwa ako ng walang kamalayan sa ingay ng pagbasag ng kung ano. It was mid-afternoon. May baso ng nangangalahating juice sa bedside katabi ang sandwhich na may tatlong kagat ko lang yata.
Kinusot ko ang antok at luminaw sa paningin ko si yaya Prising. Nasa sahig siya ng kwarto ko natutulog at humihilik pa. Muli na namang may nabasag sa baba. Kinabahan ako. Dahan dahan akong tumayo at humakbang papunta sa pinto.
Umingit ito nang aking binuksan. Nilingon ko si yaya. She's not awake. Kaya dali dali akong lumabas.
"Aalis ka na naman? Minsan ka na nga lang umuuwi hindi mo pa kayang manatili nang matagal. Hapon na hapon, Vernon. At wala ka man lang planong magpaalam sa anak mo?"
Narinig ko ang malamig at may rahas na boses ni mommy. Wala sila sa foyer kaya bumaba ako sa hagdan. They're in our sala. Nagkalat doon ang mga basag na baso, namantsahan ng kulay ng wine ang puting sahig namin na gawa sa marbled tiles.
Dahan-dahan akong humakbang pababa at tinungo ang pader na naghihiwalay sa foyer at sala. Nagtago ako sa likod niyon.
"Jaxon is sleeping. I don't want to wake him up and watch me leave," mahinahon ang boses ng ama ko. He's always calm sounding, isang malaking kasalungatan sa marahas na tono ni mommy.
"At least kiss your son goodbye for the love of God! Ilang buwan kang mawawala at pupuntahan na naman ang ibang pamilya mo!"
"Wala akong ibang pamilya, Criselda," agap ni dad. "Naka-red alert ngayon sa kampo. Kailangan ako roon."
"Nonsense!"
Sumilip ako at nakitang kumuha ng wine glass si mommy, sinalinan niya ito ng wine, uminom at nang maubos ay tinapon na naman ang baso. Napapikit ako sa gulat at nagbabadyang takot. This time, the liquid already spilled on the carpet with the shattered pieces of the glass.
Bumilis ang paghinga ko. Are they going to separate? Umiinit na ang sulok ng aking mga mata. Bilang bata, kapag nakikita ang mga magulang na nagaaway ng ganito, sensitibo at iisipin na maghihiwalay agad ang mga magulang. This is not a petty fight. Nagbabasagan na nga ng baso.
Muli ako naigting sa padabog na paglapag ni mom ng bote sa glass table. Her silky white robe was stained by the purple red liquid. My father was just censoriously looking at my mother as if seeing her in hysterics is an experiment. Two hand carry bags are on each of his side.
"Matagal ka nang umalis sa military, Vernon. Umuwi ka rito ng Cebu na ayaw balikan ang pagsisilbi sa bansa nang makita sa harapan mo kung paano namatay ang kaibigan mo. Don't give me that bullcrap that you're going to the camp because I know you're Not.Going.Back!" Mom gritted her teeth. Her sharp and manicured fingernail pointed at my father.
Ganito na lang ba mauuwi? Sa hiwalayan? Dad's going to leave then I'm not going to have a father anymore? Wala nga akong kapatid mawawalan pa ako ng ama. Bakit kailangan niyang umalis kung wala na pala siya sa military? Ayaw na ba niya sa amin?
If so, then I'm going to be the best son so he won't leave us!
Tumakbo ako pabalik sa kwarto ngunit nadapa ako sa kalagitnaan ng pag-akyat sa hagdan. Lumikha ng kalabog ang aking pagbagsak. Suminghap ako at inipit ang labi, nilalabanan ang pagpapahalata ng sakit. But my chest and my elbows hurt!
Nilingon ko ang aking paanan at nakitang sumabit sa nakausling pako sa railing ng hagdan ang onesie ko.
Sa dinami-dami kong damit, bakit ito pa ang pinasuot sa akin ni yaya imbes na shorts!
Inabot ko ang aking paa upang alisin ang pagkakasabit ng tela sa pako. Tumayo ako at hahakbang na muli paakyat nang mahagip kong nakatutok na sa akin ang mga magulang ko.
Mom's shoulders sagged, yet she was still able to exude a veneer of refinement and power. She looked away from me to put the merlot down on the nearest table. Doon na nanatili ang kanyang mga mata samantalang si dad ay nilalapitan ako.
They said I look like my father. Na kung lumaki man ako at maging binata ay mapagkakamalan akong Vernon Montero sa halip na Jaxon. I always basked in the comments before and took great pride from it.
I don't know if I should hate that now.
He took one step on the stair. Nasa mas mataas akong baitang ng hagdan, that's why I'm looking down at him. I feel superior to him right at this moment as I am looking at him eye to eye. Sa mga mata niyang hawig ng sa akin.
Tinapangan ko ang aking mukha. My father was a soldier. He has taught me to be strong. We don't cry. I won't cry. I'm a boy so I won't cry. Senyales ng kahinaan ang pag-iyak kaya hindi ako iiyak!
"Jaxon..."
Tinuwid ko ang aking tindig. Ganito ko palagi sinasalubong si daddy noon sa tuwing umuuwi siya. He had taught me how to march, salute and do the military stance. I think every boy looks up to his father as the hero. I am no exception.
"Sir, yes sir!" Sumaludo ako. Snappy like a soldier. Pinigilan kong umiyak dahil aalis na naman siya. He's going to leave us not because of his responsibility to the country.
Ngumiti siya. Even that smile is one of the things I take after him. But I don't want to take after someone who's going to weasel out from the responsibilities. Tinuruan niya akong maging responsable. Ituturo rin ba niya sa akin kung paano takasan ito?
Ginulo niya ang aking buhok saka hinawakan ako sa balikat. Malungkot ang ngiti niya. Hindi na ba siya babalik?
"You're a very good boy, Jaxon."
Mas pinausli ko ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. I took great pride from what he said regardless of what he's about to do.
"Daddy loves you, son. Remember that."
Sumingasing si mommy sa sinabi nito. Nanatili ang tingin ko kay daddy.
"Don't leave us," my six year old voice said so.
"I have to. Pero babalik ako. I'd be here on every occasion in your life. Okay?"
Saan ba kasi siya pupunta? Bakit hindi na kami ang priority niya? Whatever his priority is right now I already hate it.
Tumango na lang ako. Bata lang ako, hindi ko pa kayang pigilan ang mga bagay. Hindi ko pa kayang pigilan ang desisiyon ng mga nakakatanda. Kaya gustong gusto ko nang lumaki at tumapak sa edad kung saan pwede na akong magdesisiyon para sa sarili. Kung saan may karapatan na akong magdesisyon para sa iba. Kung nasa hustong gulang na siguro ako ngayon, marahil nagawa kong pigilan si dad at maisantabi niya ang kung ano mang pinaprayoridad niya.
I can't wait to embrace that age where I'd be going to attain self-autonomy. Control. Loyalty to the responsibilities. I only look like my father's face, hindi naman magkamukha ang mga pananaw namin sa buhay. Kung ako lang, uunahin ko ang pamilya ko at hindi ang ibang tao!
Kumiliti ang malaking hintuturo ni daddy sa aking pisngi. May inalis siya roon. It left a wake of wet in my cheeks.
Sige, pagbibigyan ko ang sarili. Kung iiyak man ako ngayon, which is nangyari na, ito na ang huli.
Hinalikan niya ako sa noo. Isa pang malungkot na ngiti ang ginawad niya bago niya ako tinalikuran. Unti-unting bumababa ang kamay kong nakasaludo habang pinapanood siyang naglaho sa pang-hapon na sinag ng araw na kinain sa pagsara ang pinto.
Humahagulhol na si mama nang ako'y nilapitan sa hagdan. She smells like wine. She always reeks of this everytime my father leaves.
Niyakap niya ako at hinahaplos ang bagong gupit kong buhok. I'd always thought that haircut hurts the reason why I avoided it like a plaque. Kahapon lang ako nagpagupit. Military style. Like my dad's who.
"Jaxon...anak, don't be like him. When you grow up, don't be like him who ony leaves his family. You study well and be responsible anak, okay? You won't leave me, okay?" umiiyak niyang sabi, nagmamakaawa habang sinusuklay ang buhok ko.
Hindi ko alam kung nasa matino pa siyang pag-iisip habang sinasabi ito o lasing na ba siya kaya kahit ano na ang pinagsasabi. Pero iyon nga, bata ako. Tinitingala ko ang mas nakakatanda.
Sa bata kong isip, mas pinaniniwalaan ko ang mga taong hindi nang-iiwan kesa sa mga taong hindi nananatili. So I grew accustomed to my mother. Gaps divided me and my father.
Naging matapang at determinado ang basang mga mata ni mom. Naiipit na ang pisngi ko sa mahigpit na pagkuwadro niya sa malambot nitong mga kamay.
"Make me proud, Jaxon..." my mother said. I would make her proud through not following the steps of my father.
Agad akong umakyat sa taas at nag-aral kahit next week pa ang periodical test namin.
Sumabog ang tawa ni Denver na siyang humila sa akin sa kasalukuyan. Nilingon ko siya at nakitang hindi ito nag-iisa. Katawanan niya ang babaeng HRM students. Tignan mo 'to. Ang galing manermon sa kin. Siya rin pala diyan...
Binaling ko ang atensyon sa entrance ng university.
May mga naglabasan nang mga nursing students. Umayos ako ng tayo, expecting Gwyn to come out in just any second from now. Dinungaw ko ang aking relo, halos maga-alas sais na. Nasan na ang thirty minutes na palugit, Jaxon?
Nakuha ng atensyon ko ang isa sa mga lumabas doon. Her clothes aren't telling me that she's a student. Wala nga siyang id.
Imbes na iabang ang mga mata sa entrance ay sinundan ko ng tingin ang babae. She's so...goth. Black lips, purple hair na nahahati sa gitna na kumukwadro sa maliit niyang mukha. Hanggang batok ang buhok at maalon. She's dressed in black, head to toe.
Ang mga mata ng mga tao sa kanya ay either dahil sa matangkad siya o sa paraan ng kanyang pananamit. I really don't think she's a student. Mukha namang hindi siya nag-aaral. She seems benighted. Nagva-vandal ba siya sa loob ng school?
Bumaba ang tingin ko sa boots niyang nagmistula ng dila. Halos matanggal na ang swelas nito dahilan kung bakit muntik na siyang madapa.
My heart skipped. My nerves jumped. Muntik na akong sumugod para tulungan siya but she was able to balanced herself right away.
Ikinagulat ko ang naging reaksyon ko. Nalilito akong nagbalik sandal sa kotse. Mukha akong naalimpungatan sa nangyari.
Pinagtawanan siya ng isa sa mga allied student na nakakita sa kanya. Sa halip na mahiya at magtakip ng mukha, inangat niya ang kamay at pinakitaan sila ng middle finger. Igting na igting na middle finger. Nagkagat labi pa siya.
Ngumisi ako. Serves them right.
Hinulog ko ang ngisi at mabilis nag-iwas nang papatingin siya rito. I tried hiding my grin. Yumuko ako at kunwaring may tinitignan sa phone when the bald truth is, all I could see is a blank screen.
Kinunot ko ang noo ko, kunwaring nagbabasa ng mensahe. Hindi pa nagre-reply si Gwyneth.
Muli akong bumaling sa direksyon ni goth girl. Wala na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit na-disappoint ako na hindi ko siya nakita roon.
Laking gulat ko na lang na makita siyang nasa baba pala ng skywalk at doon siya tumatawid habang may paparating na malaking truck!
What the fuck? Isn't that illegal? Mabuti't hindi siya nahuli. That's j-walking!
Malakas ang busina ng truck. Binagalan niya pa ang paglalakad. Umangat ang paa ko na handa nang tumakbo roon at ialis siya sa gitna ng daan!
Biglang siyang tumakbo nang sobrang lapit na ng sasakyan. Nakikipagkompetensiya ang mga busina sa malakas niyang tawa. Umabot siyang ligtas sa kabilang daan. Sinigawan siya ng traffic enforcer. Tinawanan niya lang. Adik na babae 'to.
Binuga ko ang mabigat na hangin dahil sa kanya! Binagsak ko muli ang likod sa kotse habang hinahaplos ang aking dibdib. Muntik na akong atakihin doon. Dahil pa sa kanya na hindi ko kilala!
Dinadama ko ang kamay sa dibdib kung saan ramdam ko ang malakas na kalabog doon. Nagbalik lahat ng kapasidad kong makaramdam. Dinungaw ko ang aking kamay na sumasali sa pagtaas baba.
Nagmumukha akong tanga. Nagpanggap akong may inalis na mantsa sa shirt ko saka binaba ang aking kamay. Hindi maintindihan ang sarili, natawa na lang ako at napailing. Inaalala ko kung may nahithit ba akong pampa-high o ano.
Muli kong nilingon ang kabilang daan at nakitang wala na ang babae roon. Kawalan ang bumayo sa akin habang hinahanap pa rin siya ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro