Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART 7

"What happened to you hair?"

Nilingon ko si Denver sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng sapatos. Nilibing ng lakas ng stereo ang ingay ng pagpasok niya sa aking kwarto.

"Ginupitan ni Vin," sabi ko sabay kuha ng Loafers sa ilalim ng kama. Paano napunta 'to rito?

"And you're wearing that haircut loud and proud like a badge, huh?"

Ngumisi ako. At natuwa pa talaga ako!

Natahimik ang kumag at tumabi sa 'king umupo sa dulo ng kama. Sinulyapan ko siya, kinukusot ng mga kamay nito ang kanyang mukha.

"About last night..." he started.

Nag-iwas ako at sinuot ang pangalawang sapatos. "Forget it, Denver."

Tinapik ko siya sa balikat sabay tayo at tumungo sa harap ng salamin. Sinubukan kong ayusin ang buhok ko pero...no normal styling would do. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang unang nakatupi na white shirt.

"I was just really kidding last night, Jax. Wala naman talaga akong balak gawin iyon kay Vin. She has become a close friend to me, too—"

"We're good, Denver," putol ko sa paliwanag niya. Tne alcohol was talking in behalf of us last night. "No dramas, okay?"

Dinaplisan ko siya ng sulyap. He's quite a big man but all looking funny like a strayed puppy sitting at the edge of my bed. Nakanguso pa ang ito habang pinaglalaruan ang mga daliri. Muntik ko na siyang pagtawanan kung hindi lang talaga siya mukhang kaawa-awa.

Kumuha ako ng medyas sa cabinet at binato sa kanya. "Huwag kang magdrama diyan! Okay na nga. We're good."

"So...pwede akong sumama sa 'yo?" inosente niyang tanong.

Hindi bagay sa kanya inosente sa totoo lang.

"Alam mo ba kung saan ako pupunta?"

Ngisi siyang tumingin sa buhok ko. "Barber shop."

"I'll be with Davina.." Namili ako sa hanay ng mga pabango. Inalala ko iyong gabi na siniksik niya ang mukha sa shirt ko. I'm trying to remember the perfume I used that night.

"Oh, hindi si Gwyneth?"

Oh, thank you for reminding me. I have a girlfriend, and here I am choosing a scent that another girl might like. Sunog na ang kaluluwa mo sa impiyerno, Jaxon. Ubos na ang puntos ng pag-asa mo.

"Review class nila ngayon," mahina kong sabi at kinuha ang pabango na kaunti lang ang bawas.

"Cool. Sama ako."

Ningiwian ko siya habang nagbobomba ng perfume sa katawan ko.

"You're bored out of your brains, Denver. Where are your girls?"

Gusto ko pa man sanang kami lang ni Vin ang maglalakwatsa ngayon, kahit alam kong hindi iyon magandang tignan sa pananaw ng iba.

"You said it yourself. I'm bored out of my brains. Evan's depressed. Riley's busy moving on from his girl. Puro babae ang mga problema! Kainis. And...I dated this girl, na hindi ko alam ay kapitbahay pala ng ka-text ko. They fought in the restaurant in front of everyone and infront of me! I almost run to the hills, man! Nakakatakot pala kapag pinag-aagawan ka, noh?"

Inilingan ko na lang siya at sinuot ang baseball cap upang takpan ang buhok ko. Pinatay ko ang stereo at lumabas na kami.

I found Davina in her room sitting infront of the mirror. Mahirap hindi punahin ang naka-braid niyang buhok. That looks new, and it suits her. At habang hindi siya nakatingin sa akin ay tinitignan ko siya.

Walang makakaalam kung gaano ako kasaya—tagos sa buto ang saya—nang sinabi niyang ako ang sasagutin niya. Pero Vin, kung alam mo lang, sa kabilang mundo ay tayo na. Though, the dream hasn't been able to find another time to visit me for the next nights. But I'd still keep that as our own world a secret of mine, Vin. Mine.

How true that dreams are a way of escaping reality. Kaya palagi kong tinatakasan ang realidad at balikan ang 'tayo' sa panaginip ko. Ang 'tayo' sa isip ko. Ang 'tayo' sa pangarap ko.

Admission of feelings would seem wrong especially with my current relationship status. At ang alam ko sa kanya ay gusto pa lang niya ako, and yet, I made her believe that I don't believe it. I made her believe that being best friends is my only sole intention of getting close to her.

She doesn't have to know my root reason.

Nobody ever has to know.

Nobody has to know that since the day I saw her, I have already become an asshole ready to quit from a responsibility, screw everything and just be with her.

If I've already felt like a cheating man even in my own thoughts, then maybe I already am cheating. Pwede namang ako lang ang nag-iisip na nagtataksil ako. Kasi ako lang ang nakakaramdam na may mali. There were no judgmental looks from Evan, Riley and most of all, Denver, who's always been the most observant.

"Heck? You haven't even kissed your girlfriend on the lips. Puro cheeks, ilong, noo. Ano iyon?"

Exactly!

Kanina pa naglalabas ng hinaing si Denver dito sa mall hanggang sa napunta na patungkol sa amin ni Gwyneth. Sasagot na sana ako nang mapansing wala na si Davina sa tabi ko. I instantly panicked.

"Den, mauna ka sa loob, hahanapin ko lang si Davina."

Sumabit ang sana'y sasabihin niya nang magsimula na akong maglakad at ibaling ang ulo sa kabi-kabilang direksyon. Denver can handle himself alone. I know Davina can, too. Pero ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Lumalala ang kabaliwan ko sa bawat segundong hindi ko siya nahahanap.

"Pink hair, pink hair Vinnie where are you..."bulong ko sa sarili at walang sawang lumilinga kahit saan.

Hindi nagtagal may nakita akong pink na tumatakbo palabas galing sa isang boutique.

"Davina!"

Mabilis ko siyang sinundan. I kept calling her. Nagtataka ako kung bakit parang hindi niya ako naririnig. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa panay na pagsigaw ko sa pangalan niya.

"Ouch!"

"Sorry!" hindi ko iyon nasabi ng maayos sa nabunggo kong babae. Pinanatili ko ang focus kay Vin na papasok sa elevator.

Mas binilisan ko ang takbo ko. Mas nilakasan ko ang pagtawag sa kanya. But still, she couldn't hear me! Nakaka-frustrate!

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang umalis. May nasabi ba ako? Si Denver? Okay naman kami kanina, a? Nagtatawanan pa nga kami. Jesus! Naririnig ko sa aking isipan ang sarili kong pagmamakaawa.

Parang mga buhangin na nagkandapira-piraso ang pakiramdam ko nang makita ang mga mata niya bago magtagpo ang dalawang pinto. Those dark eyes that held so much darkness and sadness. Now even more sadder and...in pain.

I was floored in an instant. I heard my own heart shattering.

Obviously, Davina has never been a happy person. Dati ko nang nahahalata na hindi inaabot ng mga ngiti at tawa ang kanyang mga mata. Her lights are on, but nobody's home. Palaging may kulang. Parang pilit lamang o di kaya'y panandalian.

I wish she would let me stay in her home and I would fill her every plain and empty light with life. I may not be able to offer colors against her dark, but my one-colored love, pure and deep, is meant for her. And only for her.

Nadatnan ko siya sa parking lot. She keeps saying she's okay, pero halata namang hindi. Kasi kung okay siya hindi ganyan katamlay ang boses niya. Kung okay siya hindi bumabagsak nang ganyan ang balikat niya. Kung okay siya...sana hindi siya tumakbo. Problema lang naman kasi ang tinatakbuhan at tinatakasan.

"Again, Davina. Okay ka lang?" mas mariin kong tanong.

If I'm not gonna ba able to pull the truth with the first, I'm going to ask her again and again until she decides to admit what's wrong.

At nang bumigay siya sa isang malakas na iyak, hindi ko alam kung pagsisisihan ko bang pinilit ko pa siyang magsalita. Nasasaktan din ako. I have to pull more strength just to be strong for her. So I pulled her in my arms and let her cry.

"Why, Vin? Tell me please..." muntik ko nang pagbigyan ang namumuong luha ko sa pagkabasag ng aking boses.

Lalo lang siyang umiyak at napailing na lang ako. Wala akong masabi sa sakit na nararamdaman ko na marinig ang pagkawasak niya ng ganito. I kissed her hair, I cradled her in my arms, I break with her, I listen to her pain, because this is all I could ever do and I hate it. I hate it that I can't do anything to ease her pain!

If giving happiness is within the realms of possibility, so as pain. So give me your pain, Vin, so I could save you from the hurt and pull you from your own hell. Because you're already breaking my heart with your undying tears. I'm about to change that. I hope you would let me change that.

But I rest my case from my previous thoughts. She's the game changer.

Pinilit ko siyang dumalo sa handaan para sa graduation ko. I wanted her to be there in one of the special occasions in my life. Kahit hindi niya ako sinabihan tungkol sa graduation niya.

Gusto ko kasi ako ang maghahatid sa kanya sa stage dahil alam kong hindi iyon gagawin ng mama niya. But she didn't give me the chance.

Tinatanggal ko ang tali ng balloon. It was an out of the ordinary gift but for me, this is the best that I have ever received. I must be crazy, I know. Ako na ang baliw! Balloon lang ikinatuwa ko na.

"Oops, sorry..."

Hindi sinasadyang nagkabangga kami ni Gwyn. Papunta ako sa dresser ko habang tutungo sana siyang cr. Tumawa siya nang tumalon ang buto ng kinakain niya. Namantsahan tuloy ng ketchup ang polo ko.

Lalo siyang tumawa habang panay ang hingi ng tawad dahil sa mas kumalat ang mantsa nang sinubukan niyang alisin ito gamit ang panyo.

"It's okay, why can't you let go of that? Marami naman niyan sa baba. You can even take some of that home," aliw kong sabi.

Nagdala siya ng isang platito ng chicken popsicle with dip dito sa kuwarto. Aliw ko siyang pinapanood na patuloy kumakain habang inaasikaso ang pag-alis ng mantsa sa polo ko.

Kinalabit ng daliri ko ang sumabit na dip sauce sa gilid ng labi niya.

"Naglilihi yata ako." Humagikhik siya. Ngumisi ako at ginulo ang kanyang buhok. "Hey, not my hair. Pina-parlor ko pa 'to para sa graduation mo." Kiniliti niya ako at hinalikan sa pisngi.

"What the..." Nilagyan niya ng sauce ang pisngi ko. Bago ko pa siya gantihan ay inikot na niya ako patalikod, hinawakan sa balikat at tinulak papasok ng banyo.

"You go shower, Jaxon. Freshen up bago ka bumaba ulit, They have something for you downstairs."

Sinubukan ko siyang abutin at kilitiin. Tumawa siya at bahagyang tumili habang nilalayo ang sarili. Umikot ako at hinuli siya nang akma niya akong lagyan ulit ng sauce sa mukha.

"You're unfair, Gwyneth!" pabiro kong sigaw pabalik sa banyo. Sinundan ako ng tawa niya.

Naturally, Gwyneth is really a sweet girl. That's what I like about her. I have to think about it that way. I like her. Not the other one. Not my best friend. She's not even sweet. She's edgy. But why do I prefer the edge than the sweet?

Sa pagbaba namin ay hinanap ko siya ulit. Inakyat niya kami sa kwarto kanina kaya paniguradong narito pa siya.

Kinalabit ako ni Gwyn at tinuro ang kapatid ni Denver na inagawan ng pwesto ang isang bata para siya ang nasa harap. Denver's being a proud brother, kumukuha pa ng video at picture.

"Face here, Onika. Smile, baby girl..."

But my fun was only short-lived as Davina hasn't showed up yet. Natapos na lang ang mga kaklase at mga kamag-anak ko sa pagbibigay ng mensahe ay wala pa rin siya. She should be one of them giving me a special message. Am I not special to her? She's my best friend! Am I not special to you, Vin?

Kahit hello at congrats lang ang sabihin mo sa harap ay ayos na sa akin basta alam kong espesyal ako sa 'yo. But where are you?

Kahit sino na ang kinukulit ko at tinatanong kung nakita nila si Vin. Magpapaalam naman iyon kung aalis, kung 'di ay magtetext. Napagbuntungan ko pa si Denver sa inis ko.

"Hindi ko nga alam!" Naiinis na rin siya. "Akala ko nasa likod ko lang siya. Lumapit ako sa harap dahil pinicturan ko si Onika. Pagbalik ko wala na siya. So I thought she's with you."

Napahilamos ako sa aking mukha at inis na pinasidahan ang buhok. Nakailang texts na ako! Hinalughog ko na buong bahay. Pati halaman sinama ko na! Mga orchids ni mommy nasira dahil hinanap ko rin si Davina roon!

"Rai, where are you? Nakita mo ba si Davina bago ka umalis?" pagod kong tanong, sapo ang ulo ko rito sa sala. Ang naiwang mga bisita ay puro kamag-anak na lang.

"Hindi ko alam. May kinuha ako sa bahay at babalik din agad. Why? Wala siya diyan?"

"Wala! Akala ko nga nawawala siya rito pero..." hindi ko na alam ang sasabihin ko. My brain is a jumble of thoughts. "You're driving right? Baka naman nakita mo siyang naglalakad sa daan, nag-aabang ng taxi. Ako dapat maghahatid sa kanya pauwi!"

Kulang na lang magpatawag ako ng search operation sa kanya. Mahilig pa naman iyon humiga sa gitna ng daan. Pinagpapawisan na ako sa pag-aalala. Wala akong ganang kainin ang hinandang dessert ni Gwyneth.

"Tawagan mo na lang. Pabalik na ako," huling sabi ni Riley saka natapos ang tawag.

"I thought she's with Denver," ani Gwyn nang makabalik galing sa kitchen. "They're always together. Sila na ba?"

Ikinatayo ko iyon. "No! The hell they will!" Hindi ko matatanggap! Patayin niyo muna ako bago maging sila!

Sa nakitang gulat mula sa kanya ay agad kong pinagsisihan ang biglaang reaksyon ko. I was aghast myself.

Tinaas niya ang kamay sa pagsuko. "Chill. I'm just asking."

Doon na nagsimulang magbago lahat. No returned calls. No returned texts. I even sent her a sim load dahil akala ko wala na siyang load.

Halos araw araw akong pumupunta sa tattoo shop at sa bahay nila, inaasahang madatnan siya roon at marinig ang paliwanag niya kung bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Kung bakit hindi siya nagpaalam na umalis.

I would have understood her reason. Pero iyon nga, hindi siya nagpapakita! Naging puno na ang frustration ko dahil araw-araw nadidiligan ng pag-aalala ko sa kanya!

I know you're behind that door, Davina. I love you so much that I got to be acquainted with your scent. But okay, if you don't want to talk to me, which I still don't know the reason why and it's driving me insane for days, I'll give you time to keep your head cool. Siguro may pinagdadaanan ka lang, at ayaw mong maging pabigat sa akin.

Pero kahit kailan Vin hindi ka naman naging pabigat. Mas gugustuhin ko pa ngang ipasa mo sa akin lahat ng hinanakit mo, at buong loob ko iyong papasanin para sa 'yo gumaan lang ang loob mo.

Just tell me how you feel Davina, Everything, then from there, we're going to work that out. We're best friends. We're a team. You're pain would be my pain.

Two weeks felt like two years. Two decades. Two lifetimes.

"For the women who broke our hearts!" Tinama ko ang baso ng whiskey sa mga bote nila ng beer at inisang tungga ito. This is my nth shot but I don't wanna stop just yet.

"Wala na kayo ni Gwyn?" tanong ni Riley.

"Magdilang anghel ka sana, Riley," Si Denver.

Sinandal ko ang ulo sa headrest ng silya at tumingala. Pinagtutulungan na ako ng antok at kalasingan. I created a vision of haze from my inebriated state. The stars are blurry from here. I couldn't hear my own voice. Hindi ko na rin alam ang pinagsasabi ko. Probably just nonsense.

"Hindi ako pinapansin ni Vinnie...tell me what did I do? May nagawa ba akong mali? What should I do? Tangina, ang sakit pala." Ramdam ko ang bigat ng kamay ko nang binugbog ang sariling dibdib. "Anong ginawa ko? this is what you're feeling right now, then here I am, already paying for your pain! Kaya magpakita ka na dahil ang sakit na, Davina! Ang sakit!"

"Are you cheating on your girlfriend, Jaxon?" That's Riley, I think.

Tamad akong nagkibit. "No, yes, no, yes...No...Ewan!" Ang bigat ng dila ko!

"Oh, hell to the no. You're in real deep shit, man."

"I know, right?" Humalakhak ako. "Just as much shit as you are. So cheers!"

Mabigat ang ulo ko kinabuksan, kaya late akong naggising. Muntik ko na ngang makalimutan na graduate na pala ako at wala na kaming pasok. Na-miss ko yata masyado ang pag-aaral.

I must have missed her so much, too. Dahil isa rin siya sa unang naisip ko paggising. In the midst of my pool of whiskey mind are swimming thoughts of her.

Uminom ako ng juice at ilang tabletas para iwaglit ang hangover. Inamoy ko pa ang sarili kung amoy vomitus ako. Shit. Even my blood is reeking of Jack and Johnny. Dali akong naghubad at pumasok ng banyo upang makaligo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon nang nag-ring ang aking cellphone. Davina!

Nakapikit kong hinagilap ang door knob ng banyo at inikot at dali-daling tumakbo. Buck naked. Saan ko nga ba nilagay cellphone ko? Wait, yeah in my still unmade bed!

Sumampa ako sa kama at sinagot ang tawag. "Hello, Vin? Thank God you called! Finally!" I missed you...

"Jaxon..."

Bumagsak ang ngiti ko. My heart dropped to my empty stomach. Nanlaki ang mga mata ko at agad ko ring sinara dahil pumasok ang sabon! Fuck! Ang sakit!

"Oh, uh...Gwyn. Hi! Uhm, yes?"

Whooh, my damn pretty eyes sting!

"May usapan tayo ngayon. Have you forgotten?"

Nanginig ako hindi dahil sa lamig ng boses niya kung 'di sa sobrang hapdi ng mga mata ko. Mabubulag na ba ako? Hindi ko pa nga nakikita si Davina, huwag muna akong bulagin.

"Uhm...naliligo na ako. I'm going there."

"Well I've been here for an hour. Nakailang baso na ako ng tubig, Jaxon."

Bumalik ako ng banyo at binasa ng tubig ang mata ko. The damn sting won't go away! Papahiran ba 'to ng ointment?

"Sorry, I'll be there in fifteen."

Ang fifteen ay naging thirty. But Gwyneth understood, kahit sinalubong niya ako ng sermon. Natahimik na rin naman siya nang inorder ko ang paborito niya.

Sinubukan kong pagtuunan ng pansin ang aming pag-uusap. But her words and voice are drowning. This is our date, but I'm just physically dating her. While my mind's engaged to the thoughts of another woman.

I'm aware, so aware that this is not going to work out for the long haul. This relationship has been at loose ends. Or maybe it's just me. Okay naman siya. Wala akong problema kay Gwyn. I am the problem here.

I'm willing to give this more time. Isang buwan, siguro manunumbalik pa ang pagkakagusto ko sa kanya. I'll try especially now with Davina being missing in action. Maybe this is the sign that I have to stick to my guns and to the former girl. Tukso lang si Davina. Maybe I just thought I'm in love with her as she is new to my world.

This absence of hers is giving me the time to analyze my feelings for Gwyneth. Dahil noong wala si Davina hindi naman ako nagkakaganito. So maybe...this is it.

Gywneth is still attractive for me. Pero hanggang doon na lang. I care for her. Pero hanggang doon na lang. Sa mata ko na lang siya humihinto, hindi na bumababa sa puso.

"May napapansin ako."

Binunot ng sinabi niya ang atensyon ko. Ramdam ko ang paghulma ng guilt sa aking mukha.

"Ano iyon?" inosente kong tanong.

Pinasidahan niya ang katawan ko. Tinignan ko na rin ang sarili ko, baka may mali.

"Mas naging toned ang katawan mo ngayon," aniya. "You've been a regular in the gym?"

"Three or four times if my schedule would allow."

"Figures. And my friends can't stop talking about you more and more. Kaya nga hindi ko sinasabi sa kanilang magpapasundo ako sa 'yo dahil lalandiin ka lang nila. You're mine, you know."

I was shell-shocked by her possessive statement. At the same time I wish I could say the same to her but...no. Hilaw ang ngiti ko at sumubo ng pasta.

Gabi na nang hinatid ko siya pauwi. Somehow I enjoyed our date. We watched a romcom movie, we tried the ice skating in Seaside, I went with her shopping kaya sumasakit na ang paa ko sa mahabang paglalakad. Limang paperbags din ang dinala ko laman ng samo't saring pinamili niya.

Tinanggal ko ang kanyang seatbelt at binuksan ang pinto. Natigilan ako nang kinuwadro niya ang mukha ko. She tried to kiss me on my lips. Hindi ko maintindihan ang pagbundol ng kaba ko.

Mabilis kong inilag ang aking mukha at hinalikan siya sa pisngi. Ramdam ko siyang natigilan, siguro nagtataka na rin, at disappointed sa ginawa ko.

As a consolation, I kissed her longer than necessary. Hinalikan ko na rin siya sa noo at ilong. Basta hindi sa labi. 'OUT OF ORDER' lang talaga labi ko ngayon. O baka naman 'Reserved' na, Jaxon.

Sinubukan kong hindi bigyan ng kahulugan ang malungkot niyang ngiti at walang imik na pagbaba sa Tesla. Hinayaan naman niya akong ihatid siya sa loob ng bahay nila dala ang mga shopping bags niya. She said a silent thank you. So I think we're good.

Sa biyahe pauwi ay muli kong kinontak si Davina. Hindi kaya siya nagpalit ng number? Teka, bakit ito ang ginagawa ko? I should take advantage of her absence to improve my participation in mine and Gwyneth's relationship!

Sa inis ko'y tinapon ko ang cellphone sa passenger's seat. Sinuklay ng mga daliri ko ang aking buhok at bahagyang sinuntok ang steering wheel. Ramdam ko ang ragasa ng iritasyon sa ugat ko.

I switched to gear four as the road clears and stomped on acceleration. Iritado akong dumaing at ibinunton sa mabilis na pagmamaneho.

Damn this, Davina! Kahit hindi ka nagpapakita bakit ikaw naman yata 'tong sunod nang sunod sa akin? Thoughts of you keep stalking me. Hindi ko alam kung dapat ko bang gustuhin 'tong pagmamahal sa 'yo o dapat kong kagalitan dahil ginugulo nito ang utak ko. Sinisira nito ang relasyon ko sa iba. Should I hate this love?

Had only these feeling for you didn't exist, I probably would have a peace of mind. Pero ayaw kong ito ang naging epekto mo. Ayaw kong nakakagulo ka. And I don't hate you, Vinnie. You're not at fault. I am. My heart's at fault.

Nasa bahay na naman si Denver. Pinaglihi yata 'to ni tita Lacy sa kainipan dahil palaging bored at naghahanap ng kalaro.

"It's not that I don't give a zero fuck, but damn it all to hell! What's the motherfucking problem with you two?"

I walked in on him exclaiming some expletives to someone over the phone.

"Sino kausap mo?" kaswal kong tanong habang pinaglalaruan ang susi sa mga kamay ko.

Naigtad si Denver at lumingon bago ako tuluyang hinarap. He just stood there frozen as if my question has thrown him ice.

Nag-angat ako ng kilay bilang karagdagang emphasis sa pagtatanong ko. Ninguso ko ang cellphone niyang hawak ng nakatunganga rin niyang kamay.

"Uhmm..."

"Don't uhm uhm me. Sinong kausap mo?" I demanded.

Nagbaba siya ng tingin at hinaplos ang batok. "Vinnie mo."

Natigilan ako. Sinasagot niya ang mga tawag ni Denver pero niisang text ko wala siyang ginanti? You're making me shit fire in my pants, Davina! Ano ba talaga ang problema mo?

Binalikan ko ang araw ng graduation ko galing sa school papunta sa bahay. Binigyan niya pa ako ng regalo at agad ko iyong dinikit sa pader ng kwarto ko. Ang balloon ay tinali ko pa sa unan na yakap ko gabi-gabi.

Bumili ako ng bagong sim at agad siyang tinawagan. Of course, memorize ko number niya.

"Stop being clingy, Jaxon! Kaibigan mo lang ako! Hindi ako ang girlfriend mo kaya siya ang kulitin mo! Siya ang problemahin mo! Huwag ako!"

Nanigas ako at muntik nang mabitawan ang cellphone nang marinig ang galit niya. Hindi ko maitangging nasaktan ako. Nasaktan ako kasi totoo. Bakit nga ba siya ang kinukulit ko samantalang halos hindi ko nga kinakausap si Gwyn dahil lumilipad sa ibang lugar ang utak ko? Tumitibok para sa iba ang puso ko.

And she's mad. My Vinnie is mad. Imbes na ayusin kami ay parang nilakihan ko lang ang guwang sa aming dalawa. I don't like it. Bakit ba nagkakaganito? Hindi ko kakayanin kung magtatagal kaming ganito.

"Vin...I know you're there. Kahit konting siwang lang sa pinto, just let me see if you're okay...Iyon lang at aalis na ako."

Ramdam ko ang bigat ng kamay ko habang kumakatok sa kanyang pinto. Alam kong nandiyan ka na naman sa likod ng pinto, Davina. I could smell your lavender scent. Why do you always divide yourself away from me? Ngayon ay literal na pader ang hinaharang mo sa atin...

Kaya ko namang gibain itong pinto, e. Tantiya ko tatlong tadyak ay mawawasak ko ito. Pero baka magalit ka lalo sa akin dahil mawawalan ka ng pinto.

Ewan ko lang kung iyon ba talaga ang kagagalitan mo. Mawawalan ka ng pinto sa bahay, o mawawalan ka ng pangharang sa akin?

But annoying Denver came in and rescued me from my hopeless attempts. Davina contacted her, I've read between the fucking crooked lines. Nasa loob nga siya! Iniiwasan ako. pinapaalis at dahil ayaw ko ay pinapunta niya rito ang pinsan ko.

Nice tactic, Davina! Very well done! You did a great job breaking my fucking heart. Sana pinatay mo na lang ako sa karayom ng tattoo gun mo kesa i-torture mo ako ng ganito.

Umusbong pa ang inis ko kay Denver nang harap-harapan kong natutunghayan kung paano sila naging malapit sa isa't isa noong birthday ng common friend namin sa resort. Her highwaist shorts and very very thin spaghtetti top made it easier for Denver to touch her.

So sa mga araw na iniignora mo ako Davina ay naging ganyan na kayo kalapit? Na nahahawakan ka na niya ng ganyan? Hinalikan pa niya ang tenga mo, ang buhok mo! At ano? Pati labi mo nahalikan na niya rin? Huh?

Nang umalis siya ay ang mga kabarakda naman ni Denver ang umaabuso sa pagkakataon. Sa hubog na hubog niyang manipis na baywang at lantad na mga binti, lumuwa ang mga mata ng barkada ni Denver na nakatitig sa tattoo niya. Mga loko 'to, a?

At ikaw Davina, bakit mo hinahayaang titigan ka nang ganyan? Gustong gusto mo talagang pinapantasya ka, noh?

Umigting ang panga kong sinundan ng tingin ang sumilip na strap ng bra niya. I'm aching to fix that strap for you, Vinnie. Atat na akong maghubad ng shirt at isuot sa 'yo upang maitago ang cleavage mo. Umiinit ang mga kamao kong nakakuyom upang mag-ipon ng pagpipigil na hindi tumawid sa tabi mo at takpan ka sa mga nakatitig sa 'yo.

I don't want them to fantasize you. Mawawalan ng bisa ang 'tayo' sa panaginip ko kung pinapantasya ka naman pala ng ibang tao. Gusto ko ako lang! Kung lumutang ka man sa panaginip ng iba, nagmumukhang hindi lang ako ang lalake sa buhay mo. Kasi gusto ko nga ako lang!

Naunang umuwi si Gwyn nang gabing iyon at sinundo ng kuya niya. So I was left alone with her highschool friends. Ilang sandali akong nakipagkuwentuhan sa cottage bago ako umalis upang puntahan sina Davina at Denver.

Ganon na lang ang panlalabo ng paningin ko sa kung ano ang nakikita sa gitna ng dance floor. Davina and Denver grinding at each other. His arms around her, his face digging deeply in her long delicate neck...

And why o why Davina flirted back. Hinahayaan siyang halikan ni Denver sa leeg. Hinahayaan siyang haplusin nang ganyan kagigil ng malandi kong pinsan. Ganyan ka na ba talaga Davina? Usually, I don't fall for women like you; Too much make-up, flirt and wild.

Pero heto ako, hinihingal sa galit. Nag-iinit ang dugo. Sasabog ang ulo. Mapipigtas ang mga ugat. Pinagpapawisan ng selos habang pinapanood kayo!

Sumugod ako na may isang layunin para kay Denver. My fists are damn ready. I dashed into the crowd like I'm a man on a mission. Nilagutok ko ang leeg ko at dinadama ang sariling lakas ng aking kamao.

"You know what, Jax? Nakainom ka. Girlfriend mo ang paglabasan mo ng galit mo. Get a room with her."

Nagtawanan sila. And I'm about to turn your laughters to pain.

Sobra ang pagdaing ni Denver sa pagkuyumos ko sa kanyang balikat. I'll make sure the hurt would seep down to the depths of your bones, cousin. I'll make sure this would make you wish that you've never been a bad, bad boy. I'll make sure this would make you think 'till your brain bleeds before hitting on my woman.

"Fuuck!"

Munti na akong ngumisi sa nasasaktan niyang daing. Music to my ears. Panggatong lang ang mga pagmumura niya dahil sa sakit. You provoke me? Having me bend out of shape? This is what you get. Ikaw lang naman ang may tapang na galitin ako, Denver.

Nanginginig na ang namamawis kong kamay sa gigil. Davina's terrified eyes rounded.

Oh, that won't buy me, Vinnie. Ilang araw mo akong pinarusahan sa pagtatago mo. Hindi naman ikaw ang nasaktan, e. Ako ang sinasaktan mo. Kung sinabi mo lang sa akin ang problema, we could have fixed it! We couldn't have been like this. We could have been the other way around!

"Jaxon, bitaw!"

Para sa 'yo, Davina, gagawin ko. Ito na, susundin ko gusto mo. Bibitawan ko ang kalandian mong pinsan ko!

Iniwan ko na sila bago pa ako pangunahan ng aking katawan at magawa ang pinaka-gusto kong gawin kay Denver. Papayat talaga siya sa maaari kong gawin, dahil mag-uuwi iyon sa kanya sa ospital.

I'm all kinds of a clusterfuck right now that even hurting my cousin is getting the best of me.

I know I created this mistake, Vin. Pero kung ang pagkakamaling ito ang magpapatunay ng nararamdaman mo sa akin. Kung ang pagkakamaling ito ang makakapagsabi na bumitaw upang mangyari ang 'tayo', ito ang pagkakamali na hindi ko pagsisisihan, Vin. Dahil sa pagkakamali ring ito napagtanto kong kaya kong magmahal ng buo.

You're the game changer, then I'll play the game. Babaligtarin ko ang laro mong iwas-tago, Davina. Iiwas ka? Hah! Goodluck with that. That's about to change. Kung ako sa 'yo, kumapit ka nalang. Hindi mo na ako maiiwasan sa gagawin ko.

The die has been cast. All bets were off. The scales been lifted. It's about damn time.

I am going to break up with Gwyneth.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro