PART 6
She loves my gift. She's wearing them right now. It took every fiber of my being not to be an asshole and kiss her when she wrapped her arms around me. Punong-puno ang dibdib ko at hindi iyon nabawasan ng simpleng pagngiti lang.
I want to do more than just smile. I want to do more than just embrace her back!
Niyong dumulas siya sa katawan ko habang unti-unting bumibitaw sa yakap, God forbid but I really did almost kiss her. Temptation taunted me in between our lips, in our mixed breaths and racing heartbeats...
But I won't let my being a man to be an excuse of acting on the mistake, though it doesn't really ease the blow since attraction has already been breathing in and out of me. Ayoko na lang palalain. Satan is just playing his game. Kaya hindi ko tinatanggal ang kwintas kong may cross pendant para layuan na ako ng tukso!
Naisip ko ring ipa-tattoo ang pangalan ni Gwyneth, just to remind myself that I'm taken. But that would be mad. I'm not that beyond crazy about her to go the extra mile of inking her hackneyed name on my skin.
Davina is beginning to be an epidemic in my system. Taking preventive measures is too late. I'm infected. With threatening wounds and a life-long sacrifice that's about to meet me halfway.
Ang tanging magagawa ko na lang talaga ay ang mag-iwas tingin lalo na't hapit na hapit sa balingkinitan niyang katawan ang tank top niya. With her black ripped jeans exposing an eyeful of her leg skin, together they delineate every curves and edges that she was born to have. Slim arms...slender waist...legs for days...
At times, I really can't help it. She's such a witch and a vixen combined into one. Nakakakuha siya ng atensyon hindi lang dahil sa mukha niya. She's got the body, too! Pero ngayon pansin ko pumapayat siya.
Remind me to feed her plenty.
Nasa kalagitnaan sila ng pang-aasar kay Denver samantalang may sinasarili akong mundo na sinira ng tunog ng cellphone ko. Hindi ko man tignan ay alam ko na kung sino ang tumatawag. Natahimik ang buong mesa.
Sinagot ko iyon habang naglalakad papasok ng bahay. Mga boses lang ang narinig ko noong una at isa pang ingay na lumilibing sa mga boses. Dinala ako ng mga paa ko sa kusina at sumandal sa island counter.
"Where are you?" Gwyneth started. She sounded annoyed and I wondered why. "I've been trying to reach you pero hindi ka naman makontak. Did you switch your phone off?"
"No, Gwyn," I sighed the words. "We're in Riley's house."
Nagpang-abot ang kilay ko sa lumalakas na background noise sa kabilang linya. Sounds like a heavy rain fall. Wala sa sariling sumilip ako sa labas at nakitang walang senyales na uulan.
"With who?" Mabigat ang kuriosidad sa tono niya. Oh, God! Here it goes. Kakambyo na ako.
"Evan, Denver..." tamad kong sabi.
"Sila lang?"
Mariin akong pumikit. Nagdikit ang mga ngipin ko. My mind has suddenly become a warzone of sentences. Why can't I just tell her the truth? It's not that I am doing something wrong with Davina anyway.
Kinontrol kong hindi iparinig sa kanya ang malalim kong paghinga.
"Yes. Sila lang." That was almost a whisper. I could even hear the undertone of lie in my ears and I suddenly want to kick myself for it!
I'm already guilty, all right. At dinagdagan ko lang ng panggatong para mas ma-guilty pa ako. I dreamt of another woman that is not Gwyneth. I've been thinking of another woman that is not my girlfriend. How so? Parang ayaw ko na ngang matulog dahil dadagdag ang kasalanan ko.
Every damn time I shut the windows of my eyes, the door opens with thoughts and dreams of her crawling inside without even knocking.
I have to tighten my reigns on Gwyn. I have to. That should be a rite of passage from now on.
"Sunduin mo ako. Uhm, can you hurry? Umuulan kasi."
Umupo na ako sa counter. "Where should I fetch you?"
"We're in my classmates house in Compostela. Dito namin ginawa ang thesis."
Natigil ako. Compostela? Bakit unang pumasok sa isip ko ay mapa?
Lumipad ang kamay ko sa aking buhok at wala sa sarili kong pinaglaruan, nag-iisip ng matinong dahilan.
"Gwyn, nasa Talisay ako. Ang layo na ng Compostela. Mas malapit pa ang bahay niyo diyan. Tatawagan ko na lang ang driver niyo at sabihing nagpapasundo ka—"
"What? Ano nalang ang iisipin ng mga friends ko? You're my boyfriend, tapos simpleng pagsundo ay hindi mo magawa? It's just a drive home, Jaxon. All you have to do is spin the steering wheel. Simple."
Whoah! Okay...uhm, simple lang? Hindi magawa? Am I really hearing this right now? Alam ko ang sinasabi niyang simple, pero iba ang dating sa akin ng tono niya.
Umigting ang panga ko. Ayaw ko sa pakiramdam na nanliliit ako sa sarili ko. I wasn't a pure patient good guy by any means and also have some temper that escapes at this kind of scenario. Gwyn is definitely doing a great job in unleashing it. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat.
Hindi ako mapakali at bumaba ako ng counter. Sa paghahanap ko ng gawain ay tumuldok ang paningin ko sa shelf katabi ng ref nila Riley kung saan nakahanay roon ang iba't ibang klase at brand ng alak. Riley's dad is an avid collector.
My instinct brought me to the shelf. Kinuha ko ang Rebel Yell at binuksan. Sa ref ay may hindi pa nagagalaw na plastic ng ice cubes. Hindi ko alam kung ilan ang nahakot ko. Mabilis ko iyong tinapon sa baso saka sinalin ang alak. I tossed all the contents of the liquid.
"Jaxon, what are you doing? Can you stop hanging out with your cousins for a while and fetch me right now? Maaga pa ako sa school bukas dahil may papipirmahan pa akong kaso sa clinical in—"
I slammed the glass down on the granite counter.
"This is only the second time na hindi kita nasundo, Gwyneth. So don't make it seem like I've been resisting your favors for too many times because driving you home has been my norm ever since before you became my girlfriend."
"Jaxon—"
"And Gwyn," I sliced in to her words. "I am your boyfriend, not your driver."
Regret from what I just said never made it into my heart. Kasi iyon naman ang totoo. At kung meron mang pagsisisi, sinunog na iyon ng tapang ng Rebel Yell. Damn right, the liquid is yelling rebellion against my throat.
Habang hindi pa siya umiimik ay sumilip ako sa bintana. Kita ko sila sa labas na mukhang tinatamad nang uminom. Nagsalin muli ako at tumungga. Dinama ko ang init na hatid ng likido sa ugat at buong sistema ko. Pati mata ko ay mistulang pinapaso.
"I'm sorry." Gwyn exhaled the words making them sound ineffective. Napailing ako. I have this urge of slugging down another shot. "Tinawagan ko na rin naman si manong pero hindi rin siya makontak."
"I'm going to call him. Sasabihin kong magpapasundo ka or if not, I'm going to make him call you para makapag-usap kayo," walang emosyon kong sabi.
"Okay..."
Binaba ko na ang tawag at binaon ang phone sa bulsa. Kumapit ako sa dulo ng counter, pinadaan sandali ang hilo. Ramdam ko ang nananamlay kong mga mata. Lumala lang ito nang minasahe ko ang aking sentido.
The heavy mass of guilt earlier has simmered down and Rebel Yell has got something to do with that. Masama man pero, ginawa kong rason ang pinadama sa akin ni Gwyneth upang pawiin ang guilt.
It doesn't really justify what happened but it somehow impregnated a question. Why should I feel guilty? It's not that I can dictate on what should be the pulp of my dreams. It's not that I can be an authoritarian against my democratic feelings.
Napaisip ako na sa tuwing may ganitong alitan ay natural lang bang nababawsan ang dahilan ko kung bakit ko siya ginusto, niligawan at hinintay. O siguro matagal nang nabawasan. Tinatanggi ko lang. Pinapalagpas, dahil hindi ko matanggap na magkakagusto ako sa iba. Ayokong tanggapin na habang nakakulong ako sa relasyon ng iba ay ginusto ko ring lumaya para makasama siya.
Hindi ko tanggap na may posibilidad akong magtaksil. Dahil sa lahat ng ayaw ko ay taglayin ang ugali na ayaw ko sa isang tao.
Inubos ko ang natirang patak sa baso saka tinawagan ang driver nina Gwyneth. Lumabas na ako pagkatapos. Saglit nilang nilingon ang pagbalik ko maliban kay Riley na bagsak na ang ulo sa mesa.
"Nagpapasundo na si Gwyneth. Kakatapos lang nila sa kanilang thesis," dahilan ko saka dinungaw si Davina. "Tara, Vin."
Balak ko na siyang iuwi o isama sa kahit saan. I want to bond with her alone. Drink beers with her in Baywalk. Talk about nonsense. Laugh about nothing. As best friends. Kaya ko naman iyon, e. Kaya kong gawin pero hindi ko kayang isipin na wala akong gusto sa kanya. Pero kaya kong magpanggap.
Pinaigting ako ng turok ng inis sa pag-akbay sa kanya ni Denver.
"Dito muna siya."
Tss. That doesn't sound promising to me. At siguradong ang dilim ng tono ko ay sumalamin sa aking mukha.
"Den—"
"What?" natatawa niyang tanong. "Kung maka-react ka naman Jax parang gagahasain ko si Davina."
Evan laughed. I couldn't afford to do the same.
Lalo kong ikinairita ang pagngi-ngiting aso ni Denver. I don't really hate him. But sometimes he's irritating the piss out of me. Lalo na sa tuwing hinahawakan niya si Davina ay gusto kong itanggi na magkadugo kami! Gusto kong magalit na magkapatid ang mga ama namin.
Either he's provoking me, or he likes Davina. I want to crash out the latter but that appears to be a more considerable possibility.
Pinalambot ko ang ekspresyon ko nang tinignan si Davina. Nagpapaawa, sumamo, lahat lahat ng klaseng desperasyon at pakiusap. God, I know I look like a poodle right now but I. Don't. Give. A single penny of damnation!
"Vin..." Muntik ko nang ikinaluhod ang lambot ng boses ko. "Tara na..."
Kinagat ko ang labi ko. I'm willing to be a beggar for her. Kailangan ko pa bang dungisan ang mukha ko Davina para lang maawa ka at sumama ka na sa akin? Come on, Vinnie. Come with me now. I'm going to take you home safe and sound.
Kita ko ang digmaan sa mga mata niya. Her black eye shadows and eyeliner is never going to hide her expression from me. I could always see her past dark make-up exterior.
"Isasabay na namin siya, Jax," singit ni Evan na sandali kong ikinalingon sa kanya.
Bakit ba parang pinagtutulungan nila ako? I want Davina to go with me and they're almost making the decision for her! Siya ang tinatanong ko! Bakit sila ang sumasagot?
"You don't trust me, Jax? How could you do this to me?"
"Talagang hindi!" bulalas ko. I don't have time for Denver's theatrics. "Sabay ka nalang sa 'kin, Vin. It's getting late." The desperation in my voice is undeniable.
Kinalaban ko ang intensidad sa mukha ni Davina sa malambot kong ekspresyon. At doon pa lang, alam kong talo na ako. Pinagtutulungan nila ako. Ako na nga 'tong nagmamakaawa. Jesus!
"Ihahatid nga namin, Jaxon. And it's like Davina can't manage herself. Talo mo pa presidente sa pagpapatupad mo ng curfew niya."
Muli iyong umani ng tawa galing kay Evan. Nasa pangatlong baitang na ako ng iritasyon ko. Dumagdag ang epekto ng alak na pinapainit pa lalo ang ulo ko!
"Tsk, tsk...Danger, danger..."
"Puntahan mo na nga girlfriend mo! Hindi mo naman nobya si Davina, e."
Para akong nilunod sa malamig na tubig. I could never mask the hurt Denver's words have brought me. And so as how his protective arms enwrapped around Davina like it's a habit.
Iyon na nga, e. Hindi siya sa akin. Tangina. Pero pwede namang ako ay sa kanya, 'di ba? I'm hers, even though she's not mine. Will it do?
At muntik ko na iyong ikinaiyak sa harap nila. Fuck this. Tonight is not the right time to be emotional. Hell! I have no right to get emotional At.All over this petty thing! Hindi siya sasama sa akin pauwi, so what, Jaxon? Dapat ba iyong kaiyakan? Hindi! Hinding-hindi!
Gusto kong magsalita ngunit singhap lang ang lumabas sa bibig ko. I'm controlling my emotions. I'm controlling every piece of hurt, pain, guilt and anger. I'm trying to make this less awkward pero mas naiilang lang ako ngayong natahimik sa harap nilang lahat. Sa harap ni Davina na namumungay ang de-koloreteng mga mata.
Now you're giving that look as if you feel sorry for me.
Will there ever be a chance in this reality for those round and doe eyes to look at me with need? Will there ever be a day where that narrow nose would skim on the skin of my jaw? Tickle me 'till the depths of my bones? Are those lips as soft as how they felt in my dream?
Agad kong inipit ang labi ko. Muntik ko na iyong inanunsyo sa harap nila. And damn it if I didn't think of doing those things that came from my treachorous thoughts.
"Kapag iyan hindi nakauwi..." Kulang sa timpla ng banta ang boses ko.
"Kailan pa ba ako hindi nagpapa-uwi ng babae, Jax? I always take my girls to their homes...sometimes."
That's the right button that I've been waiting for him to push. Makukuwelyuhan ko na si Denver kung hindi lang humarang si Davina. Mabilis ang hininga ko habang binubulag ako ng mga imaheng naglalaro sa isip ko; Her and Denver, in his car, kissing, in his room...God! Nanginig ang buong katawan ko sa pagdaloy ng galit mula ulo hanggang kuko!
Kung sana ay sa isang pikit mata lang ay maiipit ko ang mga imahe ay binigo ako ng sana. Pinilit kong paghariin ang galit dahil huli kong gugustuhin ay ang makita nila kung paano ako mabigo at tumiklop sa harap ng babaeng hindi kailan man naging akin.
I feel defeated. Kasi posible naman e. Denver is single. He can have her. They can have each other.
While I can't...
I can't.
"Calm down, Jax. I'll be with them, okay? So she'd be safe."
Binalik ako ng boses ni Evan sa normal. Pumikit ako at pinuno ng hangin ang dibdib. Ewan ko kung ako lang ang nag-iisip niyon pero pakiramdam ko hindi tama ang inasal ko. Hindi talaga tama!
Sa pagdilat ay sa kanyang mga mata diretso ang tutok ng paningin ko.
"Diretso sa bahay ha, Davina?" nanginginig pa ang aking boses. Lumunok ako at naramdaman na pati paghinga ko ay umuuga rin.
Mas lalo akong nag-iinit nang mamalayang nasa dibdib ko ang mga kamay ni Davina. This is an inopportune time to mind your lust, Jaxon! Kinuha ko ang kamay niya at hihigpitan na sana ang hawak sa pulsuhan ngunit inalis niya agad iyon.
Wala akong nagawa kung 'di ang hayaan ito at pumikit sa naramdamang kawalan. Hinakot niya lahat pati kaluluwa ko sa pag-aalis ng hawak niya. Isang kawalan ang hindi siya maramdaman.
Because I needed that hold of her. Just that one hold, and I'll go. I'll let go even though I don't want to. Pero iyan ang gusto mo. At least may baon akong alaala mula sa hawak mo bago ako matulog at malunod muli sa panaginip ko sa 'yo. Hanggang sana na lang. Hanggang panaginip na lang ang pagkakaroon natin ng 'tayo'.
"Puntahan mo na si Gwyneth..."
Bakit pakiramdam ko pinamimigay niya ako? Vin, huwag naman ganoon.
Nag-iwas na naman siya. Wala na siyang kinuha sa akin dahil nasa kanya na lahat ng ako. Gumasgas ang sakit sa dibdib ko nang huminga saka binalingan ang iba. Denver is playing on an empty bottle, pero alam kong nagmamasid iyan sa gilid ng paningin niya. Namumungay sa kalasingan ang mga mata ni Riley na tinitingala ako at si Evan ay hindi ko mabasa ang mukha. Tumango lang siya.
Tinulak ko na ang sariling magmartsa paalis ng bahay. Hindi na ako makapaghintay ilabas ang frustration ko. Kung hindi ko man masuntok si Denver, iba ang pagbubuntungan ko!
At iyon ang ginawa ko nang marating ang Tesla. Mariin kong hinila ang aking buhok at lang beses tinadyakan ang gulong ng aking kotse. Init na init ang mukha ko at ramdam ang paghigpit ng aking mga ugat.
"Damn it! Tangina mo, Jaxon, Tangina!" Sabay gigil na tadyak sa gulong.
Daing, tadyak paulit-ulit hanggang sa napagod. Hinampas ko ang bubong ng kotse bago tinukod ang mga kamay. Habol ko ang aking hininga. Binibingi ako ng nagngangalit kong puso. Pinadaan ko ang dila sa nanunuyo kong labi. Umiinit ang mga mata ko, hindi malaman kung dahil sa pawis o namumuong luha.
Hindi ko ito dapat maramdaman. Pagsubok lang ito sa relasyon namin ni Gwyneth. I'll stay at this side for a while. Tinutukso lang ako ng pagkakataon. Wala namang ganito noong nanliligaw pa lang ako. I was just being tested on the durability of my principles and how long do I have to uphold it until temptation would finally surrender itself.
I would keep our relationship going until that damn temptation gives up on me. Fuck you, satan.
Sinuklay ko ang buhok ng mga daliri ko't naramdamang basa rin ito ng pawis. Isang beses ko pang tinadyakan ang gulong bago pumasok sa kotse at nagmaneho. Walang ideya kung saan ako dadalhin ng isip ko.
Pinarada ko ang sasakyan sa Baywalk. Lumabas ako at umupo sa hood. Ninanamnam ko ang tanawin. Sana maimpluwensyahan ang utak ko ng kakalmahan ng paligid; City lights, rushing waves slapping the concrete, the groan of the ships...a piece of memory that I shared with Davina.
Hindi ko alam kung ano ang matututunan ko sa sitwasyong ito. That's how people see it in every situation. That there is something to learn in every experience.
But I guess I don't have any learnings in life. I'm not talking about learning how to act and speak. What I mean is...a kind of learning like a wisdom to live on. A wisdom that came from life experiences. Dahil kung ano man ang natutunan ng iba ay alam ko nang ganoon iyon. Kailangan lang iparanas sa akin. For it to be realized that this is what it is. That that's how it goes beyond everything. So I only have realizations. Na ganito pala kapag naranasan ko na. Ganito pala kasaya. Ganito pala kasakit. Ganito pala...
Siguro kailangan ko lang ng malalim na pag-unawa sa mga katotohanan upang magbunga ng panibagong karunungan.
Kumanta ang cellphone ko. Inasahan kong isa sa kina Evan at Gwyneth. Pero unknown number ang naka-register.
Unknown:
Hi Jax! :D
Kumunot ang noo ko. Sino na naman 'to? Another temptation that I don't want to shake hands with. Pakana na naman siguro ni Denver.
Ako:
Hi. May gf ako. Sorry.
Hindi ko pa nilibing ang phone sa bulsa ay tumunog na naman. Ang bilis ng kamay, a?
Unknown:
I know. I'm a friend of Gee. I just found out that you have a row. Hmm...wanna talk about it?
What? Seryoso ba 'to? I'm quite familiar with girls like her. Or...maybe this is Gwyn, at hinuhuli niya ako kung nagsisinungaling. Well, kung ganon man, wala siyang mahuhuli sa akin.
If this isn't her, then I really don't want to talk about it. I prefer handling things on my own. And I don't need other people's advice. If this is not Gwyn, she better know about this. Her friend's flirting with me. I am above doing the same.
Hindi ko nag-reply. I blocked her number. Bahala siya kung ano ang iisipin niya. It won't matter to me anyway.
Ilang sandali pa akong nanatili bago umalis. Dinala ako ng diwa ko papunta sa inuupahan ni Davina. Inasahan kong madadatnan ko siya ngunit wala pang tao.
I called Evan dahil paniguradong bagsak na si Riley. And Denver...well, for obvious reasons he's out of the option.
"Si Davina?" tanong ko agad.
"Nandito pa. Pauwi na kami, ako maghahatid."
Napanatag ang loob ko saka tumango. "Okay."
Medyo inaantok na rin ako kaya umidlip ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay sila. Bago iyon ay tinawanan ko pa ang sarili ko. I just realized something. I'm such a stupid stupid person.
Nagawa kong magmaneho papunta rito para alamin kung naihatid nang maayos si Davina. Pero hindi ko nagawang sunduin at ihatid ang girfriend ko sa kanila. I just bought asshole to a whole new level. Nahigitan ko si Denver. Tsk.
Ngunit mas panatag akong malaman na makakauwi siya kesa ang alalahanin kung paano ko aamuin si Gwyneth. Maybe I'll ask her on a date. Yeah, that's it. A date.
Labanan ko man ang antok ay talo pa rin ako hanggang sa marinig ang pamilyar na busina sabay tama ng headlights sa mukha ko. Lumabas ako ng kotse at saktong pumarada si Evan.
"O, bakit ka nandito? I thought..."
"Just checking," sabi ko. "Si Denver? Ba't ang tagal niyo?"
Sinalo ko si Davina nang tumiklop ang tuhod. Pinagisipan ko pa kung bakit ako napangiti. Natatawa ba sa lasing niyang estado o dahil sa mga bisig ko siya nahulog. Maybe both.
"Nakatulog si Denver kaya ako na lang ang naghatid. Maraming ininom, e." Si Evan at sinara ang passenger door na nilabasan ni Vin.
Binuhat ko na siya at naramdaman agad ang bigat. Nililinlang ako ng kanipisan ng babaeng 'to. May tinatago rin palang timbang. But I don't mind carrying her like this. Kung gusto niya habang buhay ko siyang bubuhatin hanggang sa magkalasog lasog ang mga buto ko.
Binaba ko siya sa sahig ng kwarto niyang sinukahan ng iba't-ibang artworks. Pinagpahinga ko ang mga braso ko saglit at nang akma ulit siyang bubuhatin ay humagikhik ito.
"What's funny, Davina?"
Tinungo niya ang tukador. Dahil sa dilim ay hindi gaanong malinaw ang ginagawa niya. Seems like she's searching for something.
"Davina, what are you doing?" Naririnig ko ang sariling kaba sa aking boses.
"Upo." Utos niya at tinuro ang kama.
Hindi ko siya sinunod hangga't hindi ko nasisigurado ang ginagawa niya! She's drunk so who knows what she's capable of doing.
Humarap siya at hindi pa man ako nakapagtanong muli ay tinulak na niya ako paupo sa kama. Nanlaki ang mga mata ko nang tumama ang liwanag ng ilaw sa hawak niyang gunting.
What the fuck? Is she gonna murder me?
Bago ko pa siya pigilan ay bigla siyang umupo sa kandungan ko. In my damn aroused lap! Damn it! Is this really happening?
"Davina—"
"Shh...quiet." Nanigas ako sa daliri niyang pumigil sa aking labi. "Ang haba na nang buhok mo..." bulong niya na lalong nagpainit sa mukha ko.
"Magpapagupit ako bukas—"
"Shh..."dumiin ang daliri niya sa labi ko. "Ang daldal mo!"
Nanatili akong nanigas dahil sa ganitong paraan ay mas ligtas. Because once I move, damn it all to hell but I am so much aroused right now. I shouldn't be but...hindi ko naman nakokontrol ang katawan ko. I am definitely under Davina's mercy.
Hinayaan ko siyang gupitan ako. I obeyed like a tamed puppy. I obeyed like a loyal servant. I don't care. If this makes her happy, then I'm going to spoil her rotten.
Pero hindi ko mapigilang mabahala dahil kung saan saan na napupunta ang gunting. She's drunk haircutting me. I'm worried but I still let you cut my hair, Davina. Kaya kong isakripisyo ang ayos ng buhok ko mapasaya ka lang. Makuha mo lang gusto mo. Kung gusto mong make-upan ako, siguro susunod rin ako.
Lumobo na ang pisngi ko sa pagpipigil nang kinawag niya ang mga paa. Tumingala ko. I need some providence for this. She moved and something moved, too.
God, Davina, you're making me give in to the temptation. The rope of self-control is stretching to break. One move from you, then fuck everything! I'm gonna kiss you senseless! So please, stop.
"Vin, baba na," nagtitimpi kong sabi, kumakapit nang mabuti sa baywang niya. As if it's going to help me, because holding her like this just added fuel to the fire. As in, I'm burning. I'm inside a beautiful kind of hell.
"Hindi naman ako umakyat. Bakit ako bababa?"
"You're in my lap, Vin." Tinapalan ko iyon ng inis. I need a long long cold shower after this.
I try not to think about my aroused state. Sa mukha niya ako nakatitig. Ngunit lumala lang ang estado ko sa lasing niyang mga mata. She stared at me like she wanted me. Right here. Right now. I couldn't tame my own fast breathing. I couldn't get a hold of my heart. I couldn't find any other way to gainsay this.
"Vin..."
Binagsak niya ang kanyang ulo sa balikat ko. My breath hitched but not longer before I found myself taking advantage and wrapped her in my arms. She's so fragile and delicate and I wanted to just hide her under my protection. Hide her from the world. Hide her from her anxieties. Hide her from the inner demons and insecurities.
I'm really in love with her.
Umawang ang bibig ko, mas hiningal ako sa pag amin niyon sa sarili ko. Like that took a lot of monumental effort for me to admit. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. This is where I want to be. You in my arms. This is where I want you to be, too, Davina. In our own bizarre piece of secret heaven.
I'm in love with you. That even if you break every part of me, I would pull the strings and collect the pieces to stay whole for you. While you're still not in love with me the same way, I'll be standing on the far side of this beaten up and cratered ground, with the holed remnants of my uncertainties, inhibitions, sins, and perennial love.
I'll keep this love for now. And it hurts, Vin. It hurts.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro