PART 5
"Niligawan mo ba si Gwyn noon at hindi ka sinagot kaya nagmamaktol ka diyan?" pang-aasar ni Evan kay Denver.
"Hell, no!" madrama niyang tanggi. "Especially knowing how courtship works in Gwyneth's book. Na-ah. I'm not gonna taint my manhood on that." Tinaas niya ang kamay saka lumamon ng pizza.
Puno ang mesa ng mga beer, whiskey at ilang pulutan. Hindi ko alam kung bakit nagtipon-tipon kami ditong apat. Basta pagkatapos kong ihatid si Gwyn sa kanila ay pinadiretso ako sa bahay nila Evan na ngayo'y nasa tapat ko't may hawak na gitara.
I've been moping since last Saturday for not knowing about Davina's birthday. I feel like I'm such a shitty best friend. Wala nga ako sa sarili habang kasama si Gwyneth. Then it leads me to feel like I'm such a shitty boyfriend for not being accommodating to her. Wala na akong maintindihan.
Itinungga ko ng beer ang frustration ko. I'd like to detach myself from my body just for a day and wear someone else's identity. Denver's for example, para kasing walang kaproble-problema ang isang'to.
"Ang lakas ng loob niyong manligaw ng babae para maging girlfriend niyo e iiyak-iyak kayo kapag nasasaktan. Hindi ko kayo maintindihan. Bakit niyo pa niligawan?"
Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila dahil sa mga iniisip ko. Nire-recruit na naman niya kami sa kanyang way of life na pambababae. Hinahalina kami na sundin ang mga yapak niya.
"Do you really think we don't know that?" ani Evan. "But we still pursue. We men should accept our battles. Welcome the pain. Handa kang magpakatanga. Handa ka sa lahat. If you don't take that risk, ano sa tingin tawag mo diyan? Kaduwagan."
"Touché." Wala sa sariling sabi ni Riley. Lubog na siya sa Jack. Pati mukha lubog na sa bilugang mesa.
"Duwag agad? Hindi ba pwedeng...hindi lang handa? Bakit ka lulusob sa isang digmaan kung hindi pa naman puno ng bala ang baril mo? Nagkakarga pa lang ako ng baril!"
"Aanhin mo naman ang baril sa panliligaw kung ang kailangan mo ay panangga sa kabiguan?" sabat ko.
"The ammunition of courage of course!" bulalas ni Den. "'Di ba nga may iba na kumukuha ng lakas ng loob sa alak bago mangumpisal ng pag-ibig nila?"
"Mangumpisal ng pag-ibig!" natatawa kong ulit at sinalubong ang high five ni Evan. Napahampas ako sa hita ko't humalakhak.
Kinasa ni Evan ang gitara upang dagdagan ang kaingayan namin. Natatawa pa rin ito at napailing. Dumating ang katulong nila at kinuha ang mga ubos nang bote saka pinalitan ng mga bago at pawisan.
"Oh yeah!" hiyaw ni Denver sabay bukas ng pawisang bote. "Thanks. O Rai, tama na iyan. Mas lalong yayaman ang kompanya ng alak sa 'yo." Sabay kuha ng bote ni Riley nang akma itong iinom.
"What happened to him?" Nguso ko kay Riley. Hindi naman mahilig mag-lasing kaya nanibago ako. He's always been our mediator.
Nagkibit si Evan. "Ayaw magsalita."
"Ikaw, bakit ka nag-aya?"
"Jamming," aniya, nakatingin sa kinakalabit na strings.
As if I'll believe that excuse. Sa tuwing may nag-aaya sa amin ay alam kong may mga problema ang mga 'to. Hindi ko lang alam ngayon kung ano. I'm not alone going through a predicament, then. Nagdadamayan lang pala kami dito.
We seek this kind of comfort through each other even without knowing what's wrong. This is our brotherhood. I'm a lone child and so as Riley, so we're each other's brothers. Denver has a younger sister, habang malayo ang agwat ng edad ni Evan at ng kapatid niyang lalake.
I know exactly why I never got a sibling. My father's constant absence and mom's been a workaholic. I never complain. I have the life that most people yearned for. I considered myself lucky enough.
Yet I feel bad admitting that deep inside, I still yearn for more. That sometimes I ask for a bargain. Hindi ko nga lang alam kung ano ang hinihingi ko. At kung ano ang ibibigay kong kapalit para sa pangangailangan na aalamin ko pa lang din.
Davina though...she reminds me of last Sunday again. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko na hindi ko alam ang birthday niya. Na dapat akong parusahan. Hindi ako pinapatulog nito at alam kong hangga't wala akong naibibigay sa kanya ay mababaliw ako!
"Denver, kailan uwi ng dad mo galing London?" tanong ko nang may naisip.
Huminto siya sa pagkanta sa pinatugtog ni Evan saka binalingan ako.
"Hmm...this Thursday yata ang dating niya. Why?"
"May ipabibili ako." And I know she's gonna like it. Ramdam ko ang pag-angat ng aking labi.
"Kay dad?"
Tumango ako. "Babayaran ko naman."
Malakas ang wifi nila Evan kaya nakapag-message agad si Denver sa daddy niya. Wala pang kinse minutos ay nag-ok na si Tito Denson. He's going to buy it. I'm so thrilled!
"Kailan ka pa nahilig sa boots?" nandidiring tanong ni Denver.
I let my silence meet his question. Ang itanong niya, kung para saan ang pinapabili kong boots! He'd know in the fullness of time.
Dumapo ang mga mata ko sa cellphone kong katabi ng iniinom na beer. Just one day of no communication with her feels like suffering from a withdrawal symptom. Hindi ako mapakali sa iisang lugar kaya kailangan kong gumalaw. Kailangan may gawin ako bawat segundo dahil sa oras na hihinto ako, lulusubin ako ng pag-iisip ko sa kanya.
Sa eskwelahan, kahit hindi ko na gawain ang page-edit ng mga articles na pinapasa ng ibang members ng magazine ay nagboluntaryo akong gumawa. After school, sinusundo ko si Gwyneth, after Gwyneth I go to the gym. I go alone because Denver's being a deadbeat.
Napalakas ang sipa ko sa kalaban dahilan ng kanyang pagkakabagsak. Ngumiwi siya sapo ang kanyang tagiliran. This is just a work-out but seeing that I had hurt him solid, it seems a real deal.
"Sorry," hingal kong ani at inabot ang kamay ko upang mahila siya patayo. Tinapik niya ako sa likod at ngumingiwi pa rin.
Uminom kami ng tubig at nagpunas ng pawis. I hope thoughts of her would turn into sweat that I am releasing right now. And those thoughts of her that has survived from the release hopefully would burn through the heat of my body.
But thoughts of her are relentless. Undefeated. God, Davina! What are you doing to me? You're supposed to be my best friend, not the girl of my thoughts and dreams!
"Lumalakas ka na."
Nilingon ko si Rocco, my Muay Thai trainer. Ang singkit nitong mga mata ay nagpapatunay na hindi siya pure pinoy. With those colossal arms, no one would dare do the mistake of fighting against him. But he's mild during training. He's also the brother of one of Denver's gang.
Ngayon lang naman ako malakas. I have to concentrate on defeating the opponent. Not concentrate thinking on 'other things'.
Ito na iyong kinakatakot ko. When I thought that everything's okay until a sudden interruption of something becomes the game changer. Worst, that interruption is much better to live in than the situation I used to be in.
Temptation. They slither amidst of a perfect situation and bite you in the ass.
Another reason why I avoided the communication. Kahit text pa iyan. I get to learn from experience that feelings diminish by the constant absence of the person. That could not be true to others but it's true to me.
If it's wrong to think of her, then why does she always go back in my mind? Inuudyok ba ako ng pagkakataon na dagdagan ang aking mga kasalanan? Kasi kapag bibigay ako rito, masasanay ako. This is just the first wave of breaking my own principles.
I'm still holding on from the fall. Hindi pa naman gaanong malalim. Pero kasi nagsisimula na akong mahulog, at kapag mahulog ako ay baka magtuloy-tuloy na. Baka hindi na ako masalba. Baka makukulong na ako sa kanya. Baka panghabang buhay na 'to.
If she is sin, then she'd be the only sin that I would love to commit. She's the only sin that I don't mind being sent to hell for perpetrating the crime. If she's one of the 'thou shall nots' in the commandment, it would be one that I would gladly defy.
Darn it. Naloko na! Nothing good happens if I'm in the art of doing nothing!
Kaya tumayo ako at naghamon ulit ng away kay Rocco. Bahala na kung masira mukha ko sa kamao niya. If he's going to punch my head, there'd be a possibility that thoughts of her might get distorted.
Kasi iyon ang tama. Dapat masira ang pananaw ko sa kanya. Kasi dapat hindi siya.
Madilim sa dako na kinatatayuan ko. I don't know why I'm here. Moving bodies are surrounding and rubbing me with the hot sweat on their skin. I could barely make out the faces under the blinding laser lights.
Realization hit me the very instant my eyes fell upon her dancing along in the sea of the crowd. Sumasabay ang indayog ng kanyang balakang sa mabagal na tugtugin. Nakabaon ang mga kamay sa magulo niyang buhok. Pikit mata at nakatingala niyang dinadama ang sayaw. So help me, God.
Ang pag-awang ng kanyang labi ay halos hindi ko kayanin. Bumibigat ang dibdib ko. Bumibilis ang paghinga ko. I couldn't contain the unbeatable beat of my heart. I'm sweating not because of the secluded atmosphere. There's an ache stabbing me in the insides that I so want to quench.
I found my feet moving towards her, growing more frustrated at every dancing person who's trying to block my way. Mas bumibilis lang ang tibok ng puso ko habang unti-unting nakakalapit sa kanya. I am free with these shackles from Gwyn. I set myself free so I could be locked up by you, Davina. I set myself free so I could be with you.
I'm pinning her with my eyes, silently praying for her not to move away. Because I'm here now. I'm here now, Vinnie...
In my every step is a drop that fills my hope. In my brimming hope is a fulfillment of a dream. A fantasy. Of what I thought is just a make believe. Of all of my many wants, only one need could satisfy me.
Patuloy ko siyang pinapanood kahit nasa harap ko na siya. I watched her in full adoration, amazement and need. I didn't drink a drop of anything alcoholic but I was drunk. So drunk on her. The growing ache and heat is so frustrating. Hinihingal na ako kahit hindi ko pa man siya nahahawakan. I should not be thinking about her like this but what can I do? What should I do?
Most pretty girls just satisfy my eyes. But only one girl can make me feel...like this.
Umikot ako sa kanyang likod. Nanginginig ang mga tuhod ko, pero hindi ang kagustuhan kong mahawakan siya. She gasped as I snaked my hands on her hips. Gumapang ang kamay ko sa nakalantad niyang tiyan. I tugged her navel piercing. Her head fell on my shoulder exposing her slender neck and her throat is under my mercy, begging to be open-kissed.
Dancing through the night
A Vodka and a sprite
A glimpse of a silhouette
A night that they never forget
I danced with her, swayed with her, get lost with her to the song of her favorite band. Binaba ko ang mukha ko sa leeg niya't hinalikan. I don't even have to think about it. It's pure instinct.
Pumikit ako at suminghap, hinihila bawat pagpipigil na alam kong tatraydurin ako sa oras na paganahin ko ang kahinaan ko. My guts twisted by this single gesture. Parang hindi ito sapat para sa akin. I'm acting like a horny sixteen year old who's about to get laid for the very first time.
Touch me, yeah
I want you to touch me there
Make me feel like I am breathing
Feel like I am human.
Maybe this is why I'm here. Dahil sa lugar na ito, dito ko lang siya nakakasama. Dito ay pwede maging kami. We can be anyone here. We can be ourselves. We can do anything. We're free. I like it better here.
Naglakbay ang kamay niya sa buhok ko. God forbid on what I was about to do at that same moment. Nanindig ang aking balahibo. The ache is inching closer to outgrow me, consuming me until I wouldn't be able to take it anymore.
Davina...bulong ko sa pangalan niya. Nakagat ko ang kanyang leeg. Hindi ko napigilan. Her drunk giggle made me bite at it some more. Ngumiti ako sa ginawa ko at sa sayang dinulot nito sa kanya. I'm dying to crush her in my arms so tight and don't want to let go. Tutal narito na rin lang naman kami. Tutal ay malaya ako rito ay gagawin ko ang gusto ko. Ang gusto namin.
Napadiin ang halik ko sa muling pagsabunot niya sa aking buhok. God, Davina. You're liking this. I'm loving this. We should be like this. We should have been.
Suminghap siya at dumilat saka ako nilingon. Kita ko ang pagtubo ng gulat sa mukha niya.
"Jax?"
She looked wasted. Namumungay ang kanyang mga mata. She smells like an expensive brand of alcoholic drink, too. Her plump lips are tempting me to kiss it. Every single thing about her is turning me on. I'm looking for more sense of control as I gripped her waist tighter than I should.
She sought death on a queen-sized bed
And he had said 'Darling your looks can kill'
So now you're dead.
Umiling siya. Confusion is reigning over her composure. "Bakit mo ginawa iyon? May girlf—"
"I broke up with Gwyneth," I prompted. At bago pa man siya makahinga ng salita ay tinanim ko na ang labi ko sa kanya.
The plump look appearance didn't fail me. Soft-cushion lips taste bittersweet, but I relished in the sweetness. Umikot siya upang mas mahalikan ako nang maayos. Two hands now are messing my hair.
I took a taste of her lower lip with the slip of my tongue. It's just a slight touch but it earned a moan from her. As I've said, we can be free here, so I kissed her some more. Diniin ko siya sa akin. Kinulong ko siya sa mga bisig ko. Her delicate body feels so good and right and fits in my arms like a puzzle.
"Put your legs around my waist, babe," I murmured against her lips.
Kumalabog ang pinto nang binuksan at agad kaming pumasok sa bahay niya. Without letting go of the kiss, I walked my way to her almost empty kitchen. Inupo ko siya sa mesa.
"Jaxon," she's breathing my name and I already want to ravage her with my kisses!
"I want to touch you, Vin. I've been dying to do this since day one. Don't stop me, please. Hindi lalagpas dito ang gagawin natin, I swear. I just want to touch you..." Napakagat ako sa labi ko sa purong pagsusumamo ng aking boses.
I started from her lips, then to her jaw, chin, ears and neck. Umabot sa likod niya ang mga haplos ko. Pakiramdam ko nasobraan sa pag-stretch ng ngiti ang puso ko. This is a different kind of pain and if this is because of happiness that finally I was able to do this with her, then I'm willing to die with this kind of pain. With her.
"I'll sleep with you, tonight..." I whispered.
Kita ko ang pagtatanong sa namumungay niyang mga mata. Malabo ang mukha niya sa aking paningin. Oh, I was to probably too drunk by her kisses. She seems drunk, too.
Matamis akong ngumiti. "Literally sleep with you. I just want to touch you, remember?" Ikinapikit ko ang lambing ng tono ko.
My heart swelled when she smiled. "Okay..."
She initiated the kiss this time.
"Jax!"
Ikinaigting ko ang biglaang paghila sa akin patungo sa kawalan. Hinagis ako sa taas at mabilis ring hinulog. Dumilat ako at sinalubong ng dilim. What the?
"Jaxon!"
Kumunot ang noo ko. Wala na ako sa lugar na iyon. I am met with pure darkness instead. Pumikit ako muli at mas diniin ang pagpikit upang sanay ibalik ako roon. I have to go back! Please take me back.
Biglang bumukas ang pinto kasunod ang pagbuhay ng ilaw. Agad lumipad ang kamay ko sa aking mga mata upang takpan ang pagkakasilaw. Uminit ang pakiramdam ko. Anong oras na ba?
"Tulog ka nang tulog diyan!" si Denver at umupo sa paanan ng kama ko. Hinampas niya ang aking paa. "The night is still a virgin, man. Tara na."
Hinila niya ang kumot. Mabilis ko iyong inagaw at tinakip sa katawan ko.
I'm not naked under the sheets but...something's wrong. Like, really really wrong.
Lumukot ang mukha ni Denver. "Tumayo ka na! Punta tayo kina Riley. Evan's on his way."
Umupo na ako habang nalilito sa mga sinabi ni Denver. Why should we—Oh, right. Riley's pity party. But my mind's numb. Blanko, maliban sa mukha ni Davina sa isip ko. Her image in my dream. Our images in my dream. A very forbidden dream.
"Hoy, Jaxon!" Hindi na maitanggi ang inip sa tono ni Denver. Muli niyang hinampas ang aking paa.
Iritado ko siyang binalingan. "Iyong boots?"
"Dala ko. Kahapon dumating."
Lumaki ang awang sa bibig ko. Kinabahan ako habang inaalala ang mukha niya sa panaginip. It feels like being jailed in a daze; Davina's swaying hips. Slender waist. Flat stomache. I could still feel her soft skin in my hands like everything is so real. I wanna lie and sleep again and go back to that Davina-filled dimension.
Her parting lips that I have kissed...
Umaawang ang bibig niya habang ngumingiti dahil nagugustuhan niya ang ginagawa ko. Her lip bites and moans, her giggles, her funny bones, her legs for days in my waist—
"Come on now, Jaxon! What's happening to you? Did you amputate your legs kaya hindi ka makatayo diyan?"
At sa isang iglap ay nabasag ang mga imahe sa nakakairitang boses ni Denver. Kinamot ko ang ulo ko at marahas na ginulo ang buhok.
"At saka bakit hindi buhay ang aircon mo? Ang init tuloy." Tumayo siya at tinungo ang pinaglalagyan ng aircon sa ilalim ng bintana. He turned it on. "Nakatalukbong ka pa ng kumot diyan. My God! I even thought you're having sex or something. Panay ang ungol mo, e."
"What the fuck?" bulalas ko. "Lumabas ka na nga!" sigaw ko.
Kung iyon naman pala ang in-assume niyang ginagawa ko, bakit pa siya pumasok? Bakit pa niya ako iniistorbo? Panira!
But...did I really...moan? Sa panaginip ay hindi naman, a.
Biglang nawala ang antok ko sa sinabi niya. I don't even want to believe that I have that kind of dream. Dream that triggers a reaction.
Nakatunganga lang ako na hindi ko namalayang inaalis na pala ni Denver ang kumot. Nanigas ako. It's too late for me to stop him. Imbes na gulat ay hiya ang tumalukbong sa akin.
"Oops..."
Init na init ang mukha ko sa pinaghalong hiya at inis sa kanya. Matalim ko siyang tinignan. Tinatakpan nito ang pigil na tawa sa likod ng kanyang kamay.
Binato ko siya ng unan. "Get out!"
Humagalpak siya at hindi pa rin umaalis. He keeps staring at my pants then at my face. Para lang alamin kung gaano na ako nahihiya ngayon! The fucker.
Dumaing ako sabay sabunot sa buhok ko't tumayo na. Muli ko siyang binato ng unan. Nailagan ng lintik at mas humagalpak pa!
"Who's the lucky lady in your fantasies?" kanta pa niya habang pumapasok ako ng banyo.
Halos masira ko ang pinto nang sinara ko. I could still hear his laughter booming outside. Damn it!
What the hell is happening to me?! Just mere thoughts of you ruined me for everyone, Davina. This is sickness. I'm getting worse. I'm in too deep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro