Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART 3

Mabilis akong bumaba ng hagdan dahil panay na ang paulan ni Riley ng busina. Naabutan ko ang paglabas ni yaya Prising galing sala at may dalang vacuum.

"Jax, iho, kumain ka muna bago ka umalis." Tumunog ang vacuum at nagsimula na siyang maglinis sa aming foyer.

"Si mommy?"

"Maagang umalis. Binilin niyang pag-almusalin ka muna."

Tumango ako at tinanggap ang pahayag niya. Sanay na rin yata si yaya na palaging wala si Mommy. Though I don't resent her constant absence. Hindi naman siya nagkulang sa oras at atensyon sa akin. I never find her lacking being a mother.

"Magkasama sila ng Dad mo."

Napahinto ako sa ilalim ng archway. Kailan pa siya umuwi? How come I didn't know about this? They didn't let me know.

Nagkibit nalang ako at tinungo ang dining. Hindi rin naman kami magkikita. I wonder what he's here for. 

Kinuha ko lang ang tumbler ko ng tubig sa ref at pumuslit ng isang pirasong bacon saka umalis. Bumusina ulit si Riley nang pumasok ako sa Hi-lux niya. Pinasibad niya agad ang sasakyan. 

"Anong oras kayong pupuntang Guadalupe?" tanong ko at naghuling subo sa bacon. Binuksan ko ang dash compartment at kumuha ng wetwipes upang ipunas sa kamay ko.

"Hapon . May exam pa kami. Ikaw, sure ka bang maghihintay ka sa 'kin hanggang hapon? What's that?" He momentarily eyed the pink paper bag in my lap.

"Regalo. Gwyn," simpleng sagot ko.

"Oh, kayo na?" Mukha siyang nasurpresa.

Umiling ako habang umiinom ng tubig. "Sorry gift. Hindi nag-reply, e."

It's actually been a week since that Evan's tattoo happened. Pagkauwi ko ng araw na iyon ay tinext ko agad si Gwyn at tinanong kung nakauwi na ba siya. I even called her. She didn't respond to both.

I called the third time at almost midnight at hindi pa rin siya sumagot. I resorted to calling their house instead. Iyong maid nila ang nakasagot at sinabing kanina pa raw nakauwi at tulog na.

Whew, women. Kaunting bagay, pinagtatampuhan.  Though I didn't really take it too badly. I'd been in two relationships before having eyes for Gwyn so this thing isn't new in my book.

"Anong niregalo mo noong nanligaw ka kay Amber?" I asked Riley. Sa aming apat siya lang yata ang hindi gaanong nahihirapan sa panliligaw. Depende lang din siguro sa nililigawan. Amber's a good girl. Denver likes her unlike his strange ill will  for Gwyneth.

"Regalo?" Arogante ngumisi si Rai. "My presence."

Naghiwalay na kami ng landas pagkapasok sa UC building. Dumagdag ako sa pila para sa elevator. Hindi ko na inalam kung saan si Riley dahil magkikita pa naman kami mamaya.

Hinila ko ang shirt sa chest part at pinaypayan ang sarili.  Doing that, I realized something. I could only smell my deodorant and not my perfume. Bahala na. Mabango pa rin naman ako.

Reaching fifth floor, I searched  for room 502. Sa ganitong araw at oras kapag walang duty ay ito ang room nila. Bahagya kong binuksan ang pinto at agad tumakas  ang lamig ng aircon mula sa loob.

Sumilip ako, sinusuyod ang paningin sa bleacher's style nilang classroom. Wala pang teacher kaya maingay ang kanilang klase. Nagtatalakan lang ang karamihan imbes na mag-review para sa exams.

I saw Gwyneth at the very back seat with her friends. Isa siya sa mga kakaunting nagre-review. Tutok na tutok siya sa makapal niyang libro. A smiled a bit. Of course. My future girlfriend is one of the Dean's listers kaya hindi niya pinapabayaan pag-aaral niya.

Nilakihan ko pa nang kaunti ang bukas ng pinto. Napansin ito ng estudyanteng nakaupo malapit rito. Bumilog ang mga mata niyang makita ako. It's as if she knows me but I don't even know her.

"Hi, pwede kay Gwyneth?" bati ko.

Sandali siyang natulala saka lumunok. "Uh...s-sure."

Inikot niya ang katawan sa silya at tinawag si Gwyneth sa likod. Hindi pa man siya nag-angat ng mukha ay kita ko na ang paghulma ng inis sa kanya. I tugged my lower lip. I think I just intruded her moment of studying in peace. Pero wala namang pinagkaiba ang pang-iistorbo ko sa maingay niyang mga kaklase.

Tinuro ako ng classmate niyang babae. "May naghahanap sa 'yo! Guwapo."

Umangat ang kilay ko sa kanyang idinagdag. May tumili at tumingin sa gawi ko. What the? Huwag ako tignan niyo. Wala sa mukha ko ang pointers ng exam niyo!

Nagtago na ako sa likod ng pinto nang napunta sa akin ang lahat ng atensyon ng mga classmates niya. Puro babae kasi nursing. Limang lalake lang yata meron sila. Isa o dalawa doon, hindi pa sigurado kung totoong lalake ba talaga.

Sumilip ako ng kaunti at nakita na siyang bumababa. The heels of her black shoes hammering loudly on the wooden platform.

Sinundan siya ng  pang-aasar galing sa mga kaibigan. Hindi binigo ng mestisahin niyang kutis ang paglitaw ng pamumula ng kanyang pisngi.

Pagkalabas ay sinara niya ang pinto sa likod niya at sumandal doon. Ang nanatiling pamimilog at surpresa sa kanyang mukha ay nanghihingi ng sagot.

I gave her the gift. "Good luck sa exams."

Lumipad ang kamay niya sa bibig kasabay ang singhap. Kinagat ko ang labi ko sa hindi nabawasang pamumula ng kanyang mukha.

"Thank you...." Pinaypayan niya ang sarli at kinuha ang regalo. Her eyes went back to me, begging and apologizing. "I'm sorry, hindi na ako naka-reply sa texts mo."

Dahil nagtampo ka. Ngumiti na lang ako at tumango. It's fine, really.

I don't want to demand anything. Ako iyong nanliligaw, bakit ako ang magde-demand?

"Masusundo mo ba ako mamaya?"

Kumulubot ang ilong ko. "I didn't bring my car. Naki-hitch lang ako kay Riley. Maybe tomorrow?"

Nagliwanag ang mukha niya. "Sure!"

And...she's happy again. Seeing that makes me feel fulfilled. She's just really a sweet girl and a bit sensitive. Kaya ewan ko kung anong nakita ni Denver sa kanya na kinaiinisan niya.  Maybe Gwyn is his crush, at bitter siya kasi naunahan ko siyang pumorma.

"I'll go ahead." Tinutok ko ang hintuturo sa likod habang dahan-dahang umaatras.

Nang makita siyang kumaway at nilamon na ng pinto ay tumalikod na ako't bumaba ng hagdan.

Nadatnan ko si Riley na kakatapos lang magbayad  sa window two ng accounting. Naputol ang pagbibilang niya ng sukli nang tinawag ko. Pinakita niya sa akin ang kanyang id.

"Pagawa ako bago. Nasira," aniya.  Malalim na nga ang crack nito lalo na sa mukha niya mismo. Natatawa ko itong binalik sa kanya.

"Pwede kang mag-promissory, kaso kailangan magbayad pa rin ng kalahati sa tuition mo."

Hinila ang atensyon ko nito na hindi man lang nag atubiling patayin ang microphone kaya rinig iyon sa buong ground floor!

"Five hundred lang meron ako. Pautang naman, kahit five hundred lang din."

I froze. Agad kong binaling ang mga mata sa direksyon ng boses. I didn't take my eyes away as I saw that purple hair. She's in a white muscle shirt exposing her rose tattoo. Her denim shorts are tattered again and it's a relief to see her in black leggings rather than just shorts alone.

Mabilis akong nagtago sa haligi. Nang dumaan siya sa paningin ko ay nakumpirma kong si Davina nga. So, she studies here? I don't understand the relief it brought me knowing that.

Nagmamadali siyang umalis kaya hindi niya ako nakita. Dumaan siya sa gitna ng basketball court kaya nagliwanag siya sa ilalim ng araw.  Her purple hair stood out as it shined under the mid-morning sun making it look almost silver. Inuugoy ng hangin ang maikli niyang buhok.

Mangha akong nawe-weirduhan na makitang mas matangkad pa siya kesa sa mga lalakeng naglalaro ng basketball sa gitna. Nahati ang grupo ng mga athletes doon at tiningala siya. Oh well, make way for the Goth queen.

Nang makitang nalamon na siya ng grupo ng mga Tourism students ay lumapit ako sa window na pinanggalingan niya. Ang accounting student na naroon ay mabilis lumilipad ang mga daliri sa keyboard ng computer.

"Next," anunsyo niya, naka mic. My shadow hovered over her so she must have sensed  my presence. Nilahad niya ang kanyang palad. "Payment form."

"I'm not a student here," pahayag ko.  Kumunot ang noo niya at nag-angat. "Itatanong ko lang iyong tungkol sa kausap mo kanina. Purple hair," kambyo ko.

"Ano pong tungkol sa kanya, sir?"

Napangiwi ako sabay tingin sa kaharap niyang maliit na microphone. Pwede bang patayin niya iyan? I don't want this conversation to be broadcasted all over the school premises. This isn't social media!

"C-can you..." Turo ko sa mic, medyo nailang.

"Aw, sorry." Humagikhik siya. Tumunog ang mic nang may pinindot.

Lumingon ako s alikod at nakita ang humahaba nang pila kaya minadali ko ang aking sadya. Baka ako pa maging dahilan na ma-late sila sa exam.

"So about her...wala siyang pang-tuition? Can I pay...for her?"

God, why am I doing this? Kung ano mang sumanib sa akin ngayon Panginoon, sana palayasin Niyo na!

Nahinto siya sa maingay na pagtitipa sa keyboard at pinakita ang pagkatulala niya. Kung magtatagal iyang pagnganga niya, it won't be a surprise to see drool falling out from her gaping mouth.

"A-are you sure?"

Tumango ako. "Yeah." Of course, I'm sure.

Kumurap siya sabay sara ng bibig. Parang hindi niya alam ang gagawin habang panay ang pagdikdik niya ng ballpen sa mesa.

"Uh, hintayin muna natin siya sir kung papayagan ng dean na mag-promissory. Kung hindi, e 'di...well you can pay for her. Kaano-ano ka ni Davina?" I'm sure it's not confusion that's deeply denting her face.

"Friend," kaswal kong sagot. My insides protested. Friend? Kailan pa, Jaxon? At ano itong ginagawa ko?

"Oh..." Tumatango-tango siya.

"Kung dumating siya, just don't mention about this. Ako na bahala."

"Okay po, sir."

If I have any built-in brain in some parts of my body, they must have been somewhere in my feet. Dahil ito na mismo ang tumakbo at nagdala sa akin sa isang atm machine. Seriously, may utak pa ba ako sa ulo?

Kinakastigo ko ang sarili habang tinitipa ang pin number. I'm sweating not because of running and the heat of the sun. Pinagpapawisan ako sa ibang dahilan. I'm sure that reason is already talking to the university dean right now.

Hindi ko alam kung iisa lang ba ang utak at ang instinct. Because the latter is dictating me to do this, while my brain is saying otherwise. I let instinct get the better of me and it felt good. Yes. Gusto ko ang ginagawa ko. At kapag gusto mo ang ginagawa mo ay alam mong hindi mo pagsisisihan ito.

Why should we regret doing something we like to do? Usually we regret for the things we didn't do and we haven't done.  At kung hindi ko ito gagawin, alam kong pagsisisihan ko. Alam kong hindi ako patutulugin nito sa gabi.

Inunahan ko ang isang estudyanteng papatungo rin sa window na sadya ko. Tumili ang aking sapatos sa sahig sa bigla kong paghinto. I adjusted my sunglasses,  saka inalis ang nangingiliting pawis sa kilay at sentido ko.

"Ano? Promissory siya?" tanong ko.

Makahulugang ngumiti si miss accounting at umiiling. Ewan ko kung bakit nagdiwang ang loob kong mababawasan ang aking pera sa account ko. Oo na. Ako na ang baliw.

Kumuha ako ng form at pina-fill up ko sa accounting. Malay ko ba sa full name at id number ni Davina? Mabuti na lang alam nitong kaibigan niya. Iniisip ko ang mga posibilidad kung bakit wala siyang pang-tuition.

Was she being robbed? Is she one of those destitute ones who leans on the government help? Ayaw ko siyang kaawaan, mukha namang hindi rin niya kailangan iyon. But why am  I doing this? Am I commiserating with her about not having enough? No. No...this is something else.

Iba ang awa sa concern. Pity is like...you make the other person weak. Parang pinaparamdam mo sa kanilang wala na silang pag-asa. Wala nang magagawa upang maiangat sa sitwasyong kinabibilangan nila.

Unlike concern, it's like saying na 'nandito ako'. Nandito ako para sa 'yo. Sabihin mo lahat at mananatili ako. Makikinig.  Tutulungan kita at sabay tayong kikilos upang maialis  ka sa kung anong sinuntok sa iyo ng mundo.

The last part hit me. I was jolted from my rigor mortis when Ms. Accounting called my attention.

"Nandoon pa yata siya." Tumango siya sa labas.

Kinuha ko ang resibo at agad siyang hinanap. I found her sitting in one of the seats around the pillar.

The bell's about to ring any minute from now so I didn't stall. Babasahin ko pa naman sana ang full name niya at kung anong year level na siya. But then, I'm happy enough to know where I can always see her.

Pinilig ko ang ulo ko. I promptly filled my thoughts with Gwyneth.

Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko alam ang aasahan .Kung magagalit ba siya. Wala na rin naman siyang magagawa dahil bayad na. I'd let her be mad at me for this. I won't give a zero fuck as long as she'll accept the receipt and take her exam.

Pinaibabaw ko ang resibo sa kausap niyang pera. Nag-angat siya ng tingin. Shock owned her as recognition starts to set in.

Ang sana'y pagngiti ko ay tinahan ng pagtataka nang may mahagip sa kanyang labi. Pinaningkitan ko iyon ng mata. She could hide it from everyone with her lipstick but not from me.  Also that handprint on her other cheek. Who the hell did that?

Mabilis ko siyang ningitian bago pa niya mahalata. The last thing she'd like is for someone to know about what she'd been through before going here. Iyon ang hula kong dahilan sa makapal niyang make up. Who knows kung may black eye pala siya kaya kinapalan niya ang kanyang eyeshadow?

Tinanggal ko ang aking sunglasses. "Bayad ka na. Take ka na ng exam."

That wasn't the last time I paid something for her sake. She's not a charity case, and for sure she doesn't want to consider herself as one. Hindi naman ako nag-aaksaya ng pera. Helping someone isn't a waste of anything, unless the help was being taken advantaged of or just being put to waste.  I'm sure Davina's not the kind to put everything to waste most especially for something that she'd been working hard for.

I was to conduct an interview with our school's previous Dean na piniling maging  Guidance Councilor sa ibang university. This is for our school magazine which I am a huge part of as a writer. Akala ko'y makakapagsimula na agad ako nang madatnan ko siya roon.

Gusto kong isipin na isang itong coincidence. Fate, at that.  But I was only fooling myself. Malamang,  makikita ko siya rito dahil dito naman siya nag-aaral.

It doesn't even hold any mystery as to why she's in the Guidance. Everything about her screams troublemaker and rebellion. I'm actually surprised to see her new hair color. Blue suits her.

Iniisa-isa kong binilang ang ear piercings niya nang magbaba siya ng tingin sabay sabit ng buhok sa likod ng kanyang tenga. I'm actually looking for a flaw. There has to be one. At least one flaw from her to turn me off. But is her being the polar opposite of Gwyneth not enough to turn you off, Jaxon? You should have been right off the bat!

"Davina Roux Claravel..."

Knowing her full name feels like a mission accomplished. At ano iyang nakikita ko? Why do I seem so fascinated seeing her being shy and...pink-faced? That's one flaw against her edgy features.

Halata na kalimitan siyang nahuhusgahan. That's new to me because all my life, I've been surrounded by people who care a lot about their reputation. I admit, I once belonged within that circle. Pero ako na mismo ang pumutol sa lubid at pinalaya ang sarili ko. I don't want to give a shit anymore on what other people think of me. They don't own my brain. They don't own me, so why should I live up to their wants and standards?

Wala namang tao na hindi nahuhusgahan so bakit pa ako gagawa ng paraan upang ilayo ang sarili sa panghuhusga? Every single one of us is illuminated and being open for judgment. Either you're a good fellow or a bad one.

Davina is foreign to my world. I welcomed her. Pinasilip niya pa lang ako sa kakaibang mundo niya, hindi ko aakalaing gugustuhin kong manatili. I don't blame curiosity either. I need her company. It's like being culture shocked in another country. It's a roller coaster ride. Magulo, ngunit masaya.

It's not a paradise. Heck! A paradise? Violence, riots, distorted thinking, inner demons...But I stayed. I want to be one of her people. I want to rebel. I want to be a misfit just to fit in with her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro