Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART 2

Nag-isang sipa pa ako sa heavy bag bago binagsak ang sarili sa rubber floor dito sa gym. Hingal na hingal ako. Wala sa sariling tinititigan ang kisame. Every muscle in my body is screaming heat and sore. Warm up pa lang 'to pero...damn. Ang hard core na.

Bumukas ang pinto at agad pumasok ang ingay ng ibang nagwo-work-out sa kabilang parte ng gym. Hindi ko nilingon ang paparating na mga yapak. Biglang sumulpot ang nakasimangot nang mukha ni Denver na baligtad sa aking paningin.

"What?" medyo naiinis kong tanong. Why is he looking at me like that?

May dinikit siyang papel sa pawisan kong noo saka siya nawala. Inis at nagtataka ko itong kinuha at tinignan. It's a torn paper from a binder notebook, at may nakasulat na mobile number.

Umupo ako at nilingon siyang nakatayo sa harap ng hanay ng mga weights.

"Ano 'to? Anong gagawin ko rito?"

"That's not rocket science, Jaxon," aniya habang namimili pa ng weights. "Obviously, that's from the throngs of your admirers."

Lumingon ako sa glass wall na naghihiwalay sa amin sa kabilang panig ng gym. Ginala ko ang paningin at huminto sa tanging dalawang babae roon. Both in their cycling shorts and racer backs and working on the treadmill. Isa sa kanila ang sumulyap dito at kinalabit ang kaibigan.

Hindi ko na tinunghayan ang sumunod dahil binalikan ko si Denver.

"Hindi ko naman hiningi ang number nila." Tumayo ako at nagpunta sa gilid upang kunin ang tubig at towel.

"Iyon na nga! Ako ang nagpa-cute, pero number mo ang hiningi. Ang fair noh?" sarkastiko niyang sabi.

Natatawa akong umiling.

"Sa 'yo na iyan." Inabot ko sa kanya ang papel "Ba't mo pa binigay sa akin alam mo namang wala akong tatawagan sa kanila."

"I was under duress!" he whined. Mabilis niyang kinuha ang punit na papel at sinilid sa bag.

Under duress my ass. Ang sabihin niya, may kasunduan sila noong mga babae! They're making me the tool for their games. But I guess that's better than being the price. Because I don't want to, anyway.

Uminom ako ng tubig at muling nilingon ang mga babae. Tumatakbo na sila sa treadmill with their behinds facing here. I take stock of myself as I was checking them out. Sure they're hot in all porcelains and curves and lithe. They attract me, but they don't make me feel.

Tinabi ko ang tubig at kinuha ang katabi na gym bag. I took out my phone to see any message from Gwyn.Wala. Nagkibit ako. Kalimitan iyong nagte-text sa ganitong oras upang magpasundo.

"Siya nga pala, magpapa-tattoo raw si Evan. Wanna go?" untag ni Denver na tamad na sinusuntok ang heavy bag. Halos hindi iyon gumalaw.

"Kailan daw?" Binalik ko na sa bag ang phone at nagpunas ng pawis.

Mahina ko siyang tinulak sa tiyan upang palitan siya sa harap ng heavy bag. Malaki ang inatras niya nang pinirmi ko iyon at muling sinipa.

"Mamaya. Sabi ko nasa gym pa tayo. Sunduin nalang daw natin siya. He's in Ayala." Nilakasan niya ang boses, nakikipagkompetensiya sa kalabog ng mga sipa ko.

"Nagtanong ka pa sa 'kin, nakapagdesisiyon ka na palang sasama tayo!"

Humalakhak siya kaya pinalo ko ng tuwalya at umamba ng sipa sa kanya. Hinarang niya ang mga kamay at natatawang umatras. Tumigil ako at bumalik na sa umuugoy na heavy bag na tinatawag ako sa pag-angal ng chain nito.

Inaayos ko ang gloves sa aking kamay at muling lumingon sa kabila. The girls' laughters reached this side of the room. As a man, it's nature for us to flirt with women. I have that embedded in me. Ngunit umiiling ako sa isip ko. I could defy nature through self-will and control.

Nakakatulog naman ako sa gabi na walang nakikilalang ibang babae. Dahil isa lang ang importante sa akin. I don't have to entertain them if I'm about to have a commitment to someone else. I could be friendly, but I don't want to send signals.

At nilalayo ko lang ang sarili sa porsyento ng mga lalakeng binabansagang paasa. Heck? Where did that even come from? At bakit pa ako magiging paasa kung ako nga mismo umaasa?

Nasa tao naman iyan kung padadala sila. Pero alam kong may mga bagay na hindi napipigilan. Sometimes, the natural circumstances are way stronger and could defeat our principles. That storm hasn't blown me away. Yet.

"Are you really going to lunge at that suicide mission, Jax?" tanong ni Denver habang papalabas kami ng gym.

Kakatapos ko lang mag-shower at naiirita ako sa basa ko pang buhok. I can't wait for this to dry up. Panay ang kamot at gulo ko rito hanggang sa matuyo.

"Suicide mission?"

Madrama niyang minuwestra ang nilisan namin. "That Muay Thai thing? Holy hell! That's intense. If you want to bulk up, just load yourself with carbs and proteins. Sa madaling sabi, kumain ka ng marami!"

Inayos ko ang pagkakasabit ng strap ng gym bag sa aking balikat.

"Hindi naman ako nagpapalaki ng katawan. You know what's brutal? Try Krav Maga."

He snorted. "Nah. I'd rather have a date with my bars and weights and nothing else."

"Tss. Pussy. Mag-jogging ka nalang."

"Fuck you, Jaxon!" singhal niya at tinulak ako sa balikat.

Humalakhak ako at pumasok na sa kotse. Denver's talking nonstop about trying other workouts but martial arts. Kalauna'y lumihis din sa usaping babae.

Nakatayo na si Evan sa labas ng Starbucks Ayala at sumisipsip ng frappe. Nasa bulsa ng cargo shorts ang isang kamay nito habang sa kamay na hawak ang kape ay nakasabit ang plastic galing supermarket.

Hindi pa siya tuluyang nakapasok sa backseat ay nakatikim na siya ng reklamo mula kay Denver.

"Ang laki mo na Evan nagpapasundo ka pa sa 'min? At anong ginagawa mo rito? Bumili ka lang ng kape? Saan ba kotse mo?"

Natawa ako at nagkambyo na upang makaalis. Ningisihan lang siya ni Evan sabay hagis ng grocery plastic sa kandungan ni Denver. Nag-ingay ang plastic sa paglusob ng mga kamay niya at naglabas ng junk food.

"O, may suhol pa."

"Luh? Kakainin mo rin naman," ani Evan saka sumipsip muli ng kape.

"Saan ka magpapa-tattoo?" tanong ko. Nag-overtake ako sa mabagal na taxi sa harap.

"Daan ka sa Cansaga bridge, papunta roon. Ituturo ko nalang kapag malapit na," aniya.

Tumango ako at nagpalit ng gear nang makaraos sa traffic. Panay ang tanong ni Denver ni Evan tungkol sa pinaayos nitong kotse at sa tatoo. Matagal na rin siyang naghahanap ng artist. Maybe he's just going to try this one kung magaling nga ba.

I'm not really against people with tats. In fact, I'm amazed, dahil sa pagkakaalam ko masakit ang karayom niyon. Nanginig na ako isipin ko pa lang na ituturok iyon sa akin. All the more why I didn't take any Medicine course which my mom wanted for me.

"Hello, my? Po? They're getting tattooes. No, my! Si Evan lang, hindi ako kasali. I promise, yeah, swear. I'm clean, okay? No ink."

Naghagikhikan kami ni Evan sa kalagitnaan ng biyahe nang marinig mismo ito kay Denver. Halos hindi na ako makapagmaneho nang maayos. Magaling mambabae si Denver ngunit pagdating kay tita Lacy ay tumitiklop!

"Si Rai nga pala, 'di mo kasama?" Sinulyapan ko si Evan sa rearview. Seryoso itong nakatanaw sa labas.

"Busy iyon. Thesis daw."

Palagi naman thesis ang excuse niyon. Which is true, he's really been busy with a lot of school stuff.

Bumagal ang aking takbo nang may tinuro si Evan sa kabilang side ng daan. Tinignan ko ang sidemirror saka lumiko at pinarada ang kotse na hindi gaanong nakaharap sa entrance.

Lumagapak ang mga pinto nang maglabasan sila. Bago pa ako makasunod ay tumunog ang cellphone ko. Gwyneth's calling. Sinagot ko ang tawag habang bumababa ng sasakyan.

"Hey, Jax. Uhm...pwedeng favor?" Ang boses niya'y pinatakan ng tamis ang tenga ko. Maganda ito sa pandinig. Ngunit katulad ng iba'y hanggang tenga lang. Hanggang mata lang. They don't run way too deep into me.

"Sure. Ano iyon?"

Tinignan ko ang tsinelas ko, hindi naman siguro 'to bawal sa loob.

"Uh...kasi kaka-out ko lang from my duty sa Chong-hua. Mahirap makasakay ngayon eh then traffic pa. Baka matagalan ako sa paggawa ng paperworks na ipapasa na bukas."

Sinilip ko ang relo ko. Kalimitan ay alas kuwatro nagsisimula ang traffic sa siyudad. It's not even three in the afternoon yet.

Denver's being sandwhiched by the door and the doorframe. Hinihintay niya akong sumunod sa kanila. Sumenyas akong mauna na sila.

"Gee?" he mouthed.

Tumango ako at sumenyas ulit. Madrama niyang pinaikot ang mga mata at pumasok na. Rude boy.

"Hindi ka ba masusundo ng driver niyo?" balik ko kay Gwyn.

"Can't. Nasa airport si manong Rick, sinusundo si dad from Thailand."

Nagkamot ako ng batok sabay sandal sa kotse at tinignan ang glass door. Tinted iyon ngunit nahahagip ko pa ang mga kilos nina Denver at Evan sa loob.

"Hmm...kasi Gwyn kasama ko mga pinsan ko. I..." Hindi ko alam kung ano ang idudugtong. Nagpapatatoo kami. Simple. Bakit hindi ko masabi?

Dahil iniisip ko ang magiging opinyon niya lalo na't nursing student siya. May balak pa nga yata siya maging DOH secretary dahil sa mga paalala niya sa akin. Bawal ganito. Bawal ganyan. Kulang na lang sabihin niyang bawal akong huminga.

Well at least, she cares. But I got to admit. She's a bit bossy. Ayos lang naman. It's a plus when a woman knows what she wants. Iyong kapag tinatanong mo kung anong gusto niya, may specific na siyang sagot at hindi 'ewan ko' o 'ikaw, anong gusto mo?'. It frustrates me.

Hindi naman siguro 'to bawas points, 'di ba? I mean, she's equaling to my studies as my priority. Ngayon ko lang naman siya hindi masusundo sa lahat ng mga naging pabor niya sa akin.

"Gwyn?" tawag ko nang manahimik na sa kabilang linya.

"Yes, I'm still here." She sighed. I could hear an ambulance siren. Nasa opsital pa nga siya. "Uhm...hindi ba talaga pwede?"

Gaano ba talaga ka importanteng masundo kita? I think this is the reason why kung bakit wala na akong social life. I don't have any close friends outside a family member.

Inadjust ko ang pagkakatayo nang maramdamang sumasakit na ang likod ko. Hinubad ko ang tsinelas at kinamot sa paa ang pangangati ng kabila kong paa.

"Gwyn, mas matatagalan ka kung maghihintay ka pa sa akin. I'm an hour away from downtown. Wala bang mga taxi diyan?"

"I'm scared. Ayokong sumakay sa taxi mag-isa." I could hear plead from her tone.

"Why don't you take in your duty mates with you? Then maghati-hati kayo sa bayad. Makakatipid pa kayo," latag ko ng suhestiyon. Medyo nilambingan ko ang boses para hindi siya ma-offend.

Silence passed. Mga ingay ng sasakyan sa kabilang linya ang tanging sugat sa katahimikan. Until I heard her sigh again.

"Okay..." bulong niya at saka binabaan na ako ng tawag.

I recoiled. Ilang beses akong napakurap dahil ngayon pa lang ako nababaan ng ganon sa tanang buhay ko. And I don't like how it feels. They could scream at me all they want over the phone but not this. Not cutting me like this!

Kung nagtampo man siya, bahala na. Tatawagan din naman ako niyon kapag nangangailangan ng sundo. She should have texted me beforehand para sana makatanggi ako sa lakad na 'to. I am courting her but she couldn't just steal my time away when I'm with my relatives.

Pinasidahan ko ang buhok ko at nilibing ang phone sa aking bulsa. Pumasok na ako sa loob at nadatnang walang tao sa counter. Just a lot of buzzing and a rock music drowning the speaking voices. Nadaanan ko ang isang kwarto na may nagta-tattoo na lalakeng may patik sa braso.

"Sa kabila, brad!" sabi ng kasama niya na mukhang arabo sabay turo sa isang kwarto.

Isang lingon ko sa kabila at nakita ang kwartong tanging may kurtina. It's not a floral curtain. It would have looked out of place in a tattoo parlor. Hinaplos ko muna iyon bago hinati at kinuwadro sa mukha ko.

"Nandito lang pala kayo—"

Whoah. Nabingi ako sa gulat na nagpaatras ng mga salita. Pinuno ng init ang mukha, batok, likod at dibdib ko sa kabila ng kaitimang nakikita ko sa kanya. Seeing her again hits me hard like a baseball bat that meets my head.

"Astig noh? Babae. Ganda rin ng tattoo niya, rose. Pa tats ka, Jax?"

Hinila ako ng tanong ni Denver ngunit lutang pa rin ako. I don't understand. Siguro naweweirduhan lang ako sa babae kaya ganito.

"Ikaw nalang." Wala sa sariling sabi ko at umupo sa tabi ni Denver.

Naghahanap ako ng magagawa dahil nawalan ako ng sasabihin. Sinalba ako ng nakitang magazine kaya hinablot ko iyon mula sa stack at binasa kahit walang maintindihan. What the?

"Takot lang kayo sa karayom eh," si Evan na nakaupo na sa reclining chair.

"Oy, hindi ah. Baka si Denver." Siniko ko siya.

"Hindi rin. Ayoko lang madungisan balat ko. Baka magalit si mama."

Nilakasan ko ang tawa ko. Mabilis nakakahalata si Denver kaya bawal akong manahimik ngayon.

Humila ako ng focus upang maintindihan ang binabasa ko. But I couldn't concentrate even on the pictures. I couldn't concentrate on anything unless I look up. But I didn't. Kung ano man ang magaling ako ngayong araw ay iyon ay ang pagpapanggap. Words just failed me and it's frustrating.

Siniko ako ni Denver at ngumuso sa harap. Tumingin na lang ako. Iyong kamay lang niya ang tinitignan ko. It's not that I am scared of her face. Hindi ako takot sa mukha niya. Takot lang akong tumingin.

Hinila ng artist ang puting papel sa collarbone ni Evan. Bumakat doon ang design. The always curious Denver, lumapit siya roon upang tunghayan pa ang nangyayari.

"Wow...ganyan lang pala? O Evan, may tattoo ka na! Tara, uwi na tayo!"

Mahina ang ginawa kong tawa upang pakinggan ang sa kanya. I strained my ears. It's not as sweet and feminine as Gwyn's. Normal ito, walang arte, pero nakakahawa.

Umupo siya sa stool chair. Her legs for days spread as she moved the chair closer to the reclining. Damn it. Parang may humahaplos sa tiyan ko. Naghanap ako ng dahilan upang mag-iwas ng tingin doon. Those are just legs, Jaxon. What the fuck?

"Virgin pa?"

Hindi ko alam kung saan ako mas nagulat. Sa tanong niya o sa biglang ugong ng tattoo gun.

Ako ang namula nang magkatinginan kami ni Denver at sabay binalingan si Evan.

"Hindi mo pa naano si babaeng pula?" walang hiyang tanong ni Denver.

"Ibig kong sabihin sa virgin ay kung first time pang magpa-tats," kumpirma ng artist na hindi ko pa alam ang pangalan. Doon kaya siya nag-aaral sa university na pinasukan ni Gwyn?

Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang niisang clue na magsasabi sa aking nag-aaral siya roon. At kung ano mang kurso niya. Are we of the same age? Mas matanda ba siya sa 'kin? She seems...experienced.

Pansin kong magaling siyang makihalubilo sa mga lalake. Kaano-ano ba niya ang mga lalakeng narito lalo na iyong sa kabilang room na may tattoo? Boyfriend? Kapatid? Hm...doesn't seem so. At sana hindi boyfriend. Lalo naman sanang hindi asawa!

"Ah! Oo first time..." Namula ang tenga ni Evan.

"Ako rin virgin pa. Ikaw, Den?" Siniko ko siya nang magbalik sa upuan.

"Depende kung anong klaseng virgin. Teka, hindi mo pa naano si Gwyneth? Ang hina mo!" Hinampas niya ang sariling hita dahil sa frustration.

"Nanliligaw pa lang ako!"

"Kainis lang!" Nagkamot siya ng ulo. "Kung gusto ka naman niya, bakit pa siya nagpapakipot? And if she likes mind games? Then give her a fucking chessboard! Hindi iyong nagpapaasa siya. What if hindi ka pala sasagutin? E, wala! Apat na taon kang nagpapaalipin, tagadala ng bag niyang bulaklakin!"

Natawa si Evan sa sinabi nito.

Napahilamos ako sa mukha at umiling. Denver has never failed in reminding me of his repulsion towards Gwyneth. It's like she's going to be the enigma of every misogynist organization founded by him.

I get that he's trying to be my voice of reason nothwithstandng the fact that he's the youngest among us. So less experience ang meron siya. At wala pang siniseryoso. But I own my decision. Walang makapagpabago nito kung 'di ako. I don't let his incessant explosions of complaints about her to influence my article of faith.

Ito ang nakikita ko kay Gwyn, iba ang nakikita niya. He owns that reckoning towards her and I won't touch that. I just hope he should have done the same. I didn't argue further with him against my better judgement. Hindi ko naman hahayaang masira ang samahan namin ng dahil lang sa ayaw niya sa soon-to-be girfriend ko.

"Hindi ko alam pero mukhang imposibleng nakapagtiis kang manligaw sa kanya ng apat na taon." Pumalatak siya.

Parang mas matanda siya ng ilang taon sa akin , a? He's one or two years younger than me!

"Cut it off, Den. Para kang mister diyan na hindi inuuwian ng asawa," patutsada ko.

"I just don't understand!" Hindi maipagkakaila ang frustration niya. Like my admiration for Gwyn is worth to be condemned and be brought to the court. "I tell you, Jax. She's a piece of work. I'm a good judge of character, trust me." Tinuturo-turo pa niya ako.

I ignored him. Bahala siya diyang maglabas ng sama ng loob. Most of the time, I only let them fall on deaf ears.

Mukhang nakalimutan na niya ang issue katulad ng palaging nangyayari. Sunod niyang tinatalakay ang katext niyang babae na nasa gym kanina. Ngunit iba ang kumuha ng atensyon ko nang hindi sadya.

Denver's voice seemed to be in a distance as I tried to take a closer look at the artist. Parang misyon ko sa buhay ang alamin ang pangalan niya. Despite myself, I stared at her.

Ginawa niyang headband ang itim na bandana. May tumatakas pang hibla sa purple niyang buhok.

Are her eyes really that round like how the kohl liner has traced it? She seems a professional dahil sa pantay ang parehong buntot ng eyeliner. I couldn't really make out on how thick or long her lashes are because of her deep black eyeshadow. Hindi ba siya nabibigatan diyan? That seems to always bring her head down.

Except the perfect arch of her brows with natural thickness. Reminds me of this model I saw on Gwyneth's cellphone. Her nose is naturally narrow, walang contour. Ngunit may kumislap doon. A stud piercing?

My eyes fell on her lips. There's this floating feeling I felt on my chest as I mapped out the curves of her black painted lips. Hugis puso ang kurba, mukhang makapal. I hope the lipstick isn't tricking me on how plump and heart-shaped her lips are.

Without all of that façade, I could tell she'd look innocent, doll-like...beautiful...

Sumikip ang dibdib ko sa huling naisip. Parang ayaw kong ungkatin. She's like a Pandora's Box that I'm afraid to disclose. I'm scared to know. I'm either gonna break or fall in a way that I don't wanna be saved from.

Kinamot ko ang panga ko na hindi naman talaga makati. Gusto kong lumabas at maglakad-lakad pero gusto ko rin namang manatili. I probably had too much of that energy drink.

"Ganyan ba talaga make-up mo?" panimula ko.

Para na naman akong sinuntok nang magbangga ang paningin namin.

"Pwede kang umiwas ng tingin kung hindi ka kumportable," aniya. Hindi naman siya mukhang galit.

"Hindi naman. Curious lang ako. Ini-imagine ko mukha mo na wala ang mga 'yan..." I lifted my chin to her.

Tila tinanggal niya lahat sa akin nang bumitaw siya ng tingin at yumuko.

Naningkit ang mga mata ko. Ba't parang gusto kong palitan si Evan diyan sa reclining? Gusto kong maghubad ng shirt at lagyan din niya ng tattoo ang katawan ko. Gusto kong hawakan din niya ang balat ko at—

Shit. No! I didn't just say that. No. Wala akong sinabi. Gwyneth...Gwyneth...I reminded myself. Pinalitan ko ang alaala noong hinawakan ako ni Gwyneth sa braso. Pinilit kong humugot ng pakiramdam mula doon. Pinilit kong tumibok ang puso ko nang mabilis.

Hell! I even tried triggering a hard-on! Pero wala. Walang nangyari!

Ilan na bang mga katawan ng lalake ang natatakan ng babaeng 'to? Ayokong gamitin ang salitang 'markahan'. Namarkahan na niya...Naiirita ako! And I'm frustrated with how and why it frustrates me!

"Malay mo naman Jax, mukhang birhen. Ano pala name mo?" tanong ni Denver.

Bumuntong hininga ako. God! Tatandaan kong yayakapin si Denver mamaya. Sa lahat ng mga nangyari ngayon, ito lang sa tingin ko ang nagawa niyang tama.

"Davina."

Davina. I want to roll her name properly on my tongue. Da-vi-na. De-vi-na. Duh-vi-na. Ano ba dapat? How to make it sound...smooth and sweet?

Inulit ko ang pagbigkas nito na hindi naririnig ni Denver. Binubulong ko. Binigkas ko ulit na hindi sinasabayan ng tinig.

"Banal na banal."

"Magpapa-appointment ako." Kinagat ko ang dila ko. My mouth just grew out a brain and controlled my talking!

Mabilis akong nag-scan sa magazine nang papalingon siya rito. Ngumuso ako, hindi alam kung saan galing ang kagustuhan kong ngumiti. Hinila ko ang atensyon sa kanta sa kabilang kwarto.

"Pa tats ka? Para kay Gwyneth?" usisa ni Denver.

Umiling ako. Hindi ko nga alam kung ano ang ipapa-tattoo ko.

Muli akong nag-angat kay Davina at nakitang seryoso muli siya kay Evan. I'm not new to his admirers. Minsan naiinis rin si Denver sa kanya dahil siya ang mas nilalapitan sa aming apat.

Kung magkagusto man si Davina sa kanya. Ay, ewan ko na lang. Baka magsanib puwersa kami ni Denver.

"Ano 'yan?" Turo ko sa nakadikit na mga designs at letterings sa pader. Sa pang-hapong araw ay tinamaan sila ng sinag dahil na rin sa nakatali na kurtina sa bukas na bintana.

"Mga designs galing sa mga nagpa-tattoo rito. Dinikit ko 'yong mga nagagandahan ako," aniya.

Nilapitan ko iyon upang mas makita pa ang mga disenyo. Sandali ko siyang tinignan nang dumaan ako sa gilid niya. Nagsimula nang gumapang ang natural na itim na kulay ng kanyang buhok sa tuktok na hibla.

Sumilip ang  tattoo niya sa batok. Looks like a hipster flower. Mandala, I think. She's got a lot, huh? Matapang. Kinaya ang karayom.

Pinalipad ko ang paningin kay Denver nang sumitsit ito. The asshat is staring at me...parang binabantayan niya ako.

Nairapan ko siya sa mabilis kong pagbaling sa mga designs. Malutong na shit. Ang bilis makaramdam ng loko.

"Ang ganda nga," nasabi ko na lang. Maganda naman talaga ang mga designs. Did she make these, too? If anything, then she'd be more than just an edgy face.

"Paki-log nalang ng name mo sa logbook then tatawagan ka namin para i-remind sa appointment."

Now I have a reason to look at her so I did. The buzzing noise would drown the voices but not my thoughts. Pinapaligiran ang utak ko ng mga tanong tungkol sa kanya. I'm curious, so what? Pinagtaka ko rin iyon. But feeding answers to my curiousity took first place on my to-do list for today.

"May kapatid ka?" The question resisted to be filtered in my brain. Dumulas na lang ito sa bibig ko.

Huminto ang ingay. Naghanda na akong ulitin ang tanong nang magsalita siya.

"Only child." Walang laman ang mga salita niya. Parang karne na walang buto. Pero tinanggap ko pa rin ang karne. Dahil aanhin ko naman ang buto?

Iyon lang ang naitanong ko. Mukhang ayaw niya yatang magpaistorbo.

Bumalik ako sa upuan at nadatnang na kay Denver na ang magazine. Sinandal ko ang ulo sa pader. I'm looking at anywhere but her. I need to put a stop on whatever onslaught of oddity I have right now before this decides to hit the fan.

I have to ensure against this what-fucking-ever attraction that I want to deny from the first place. Yet I'm one to confront situations. It's like a responsibility that I don't want to exit from. I am responsible for my feelings so there's no way I'd send my feet running and hightail it to the nearest exit sign.

"Umuwi na si tito Vern?" biglang tanong ni Denver.

The mention of my father alone pressed a great amount of mood killer. Hindi ko mapigilang samaan ng tingin ang pinsan ko.

Matinis ang ingay ng papel nang naglipat siya ng pahina. Nag-angat siya sa hindi ko pagsagot.

"What? Nagtatanong lang ako. I'm not asking you to narrate about your latest bonding moment with him."

"He rarely goes home so no bonding moment happened," walang gana kong sagot. Inusog ko ang magazine sa gitna namin upang makatingin ako rito ng maayos. Siya tagalipat ng page.

Lumagpas din ng isang oras ang session. Nakahalukiphip lang akong tinitignan ang tattoo ni Evan. She's really good. She did great. You know that feeling of overwhelmed admiration towards someone. I felt it. All the more because I also find her attractive.

But she's not my type. Iyon ang issue dito. She's not my type but why do I seem to get so attached to her? This is probably just lust, Jaxon. Lust. Who could blame me? She's a vixen!

Pakiramdam ko nga kanina pa rin siya tinititigan ni Denver. Biglang mag-iingay tapos tatahimik bigla. Tss.

Pinakiramdaman ko ang sariling kamay. I closed and opened my hand, testing if somehow I could also do something like that. That's pure and raw talent. Malaki ang paghanga ko sa mga may ganyang talento. They draw on your skin with a permanent ink. Hindi lahat ng tao nakakaguhit ng ganyan kagaling. It's a special talent.

Envisaging myself doing it had me high-strung. What if magkamali ako? And the ink's permanent. I thought about the tattoo removal and it made me wince. Mukhang mas masakit iyon. Better than what I thought was a painful haircut.

Lumabas na ang dalawa. Rinig kong pinuri iyong tattoo ng lalakeng mukhang arabo.

Uuwi na ba talaga kami? Pwedeng ma-try ang piercing? Ilang oras kaya iyon? Si Davina rin kaya ang maglalagay ng piercing? If she could pierce a body part, could she pierce my heart, too?

"Sigurado ka bang magpapa-tattoo ka?"

Parang binuhusan ng mainit na tubig ang dibdib ko. Fuck, this is not good. I know she's talking to me. Hindi naman pwedeng ang tattoo gun ang kausap niya.

I composed myself and looked at her.

"Bakit? May problema ba?"

Pipigilan niya ba ako? Kung ganon, bakit?

"Sana gagawin mo 'yan hindi dahil sa gusto mo lang. Kailangan may dahilan, 'yung may meaning. Permanente na 'to, baka magsisi ka."

My eyes fell at her boots as though I could find my thoughts in there. In all fairness, she has a point. Permanente ang tattoo. Why should I risk myself in a painful situation if I wouldn't even have the heart of keeping the good outcome for a lifetime?

But then I wasn't thinking straight when that proposition blurted from my mouth. That was out of...out of...wala lang talaga akong masabi. I was struggling to say something and that came out. Iyon lang. Much less, I didn't even mean it.

"Gusto ko."

Burn your soul to hell, Jaxon.

"Gusto mo lang?"

Her tone added to my confusion. Alam ba niyang hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko? Ang dami namang talent ng babaeng 'to. Nakakabasa rin ng emosyon.

"Sana pag-isipan mong mabuti. Kung madali lang sa inyo ang magpa-tats, pwes para sa 'kin kailangan iyan pagdesisyunan ng maigi. Hindi lang 'yan basta tinta ng ballpen na pinapahid sa balat mo."

Bull's eye. My thoughts exactly.

Wala sa sariling lumipad ang kamay ko sa aking labi. Hindi ko alam ang iisipin maliban sa ang huwag munang umalis. Tignan mo nga naman, ako na ang focus niya. Hindi na si Evan. But what should I do to stay for a while?

How about you don't think about some half-assed excuses, Jaxon? How about you think of Gwyneth instead?

Tumunog na ang chimes so I'm guessing naghihintay na ang dalawa sa labas.Ngunit naririnig ko pa rin ang mga boses nilang nagpupurihan.

Mabagal umakyat ang tingin ko sa kanya habang pinagiisipan kung paano magpaalam. But her cleavage...the power of cleavage and what they can do to a man...iba ang nagawa ko imbes na ang magpaalam.

"So, ika-cancel ko nalang ang appointment?"

Say yes. C'mon! Be mean to me!

She shrugged. "Nasa sa'yo iyan."

"How about reserve appoinment nalang? Tatawag ako kung magpapa-tats ba ako o retreat mission," umaasa kong sabi.

She laughed a little. And I hate the way it tug something inside me. Parang may hinila siya sa dibdib at tiyan ko saka inalog iyon.

"Ikaw bahala."

Sinundan ko siya palabas ng kuwarto at may binuksan na blue log book. She wants me to sign there? I mean, I have to dahil nagpapa-appointment ako pero, hindi niya ako pipigilan?

Tumango si Evan na nakuha ang binabalak ko at sumusuporta lang siya. Denver's eyes are feasting on Davina's behind. Uminit ang tenga at kamao ko. Gusto ko siyang tadyakan at saksakin na ballpen na hawak ko.

Para pigilan ang sarili ay sinulat ko na ang buong pangalan ko. Pati number ng bahay namin sinali ko na kahit mobile number lang naman ang hinihingi.

Do I really want this? For sure I don't need the skin tattoo already. Because, Davina. She already has her name tatted on my brain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro