LAST PART
"So ano gusto mo, church o beach wedding?"
I stared at her pouting lips as she was deep thoughting. Kinagat ko ang sariling labi kasama ng aking pagpipigil. I want to make love to her right now, in God-to-honest truth. But we just did it this morning so, baka mapagod siya. Pwede namang mamaya nalang ulit.
"Or...we can have both," dagdag ko, ginambala ang sarili bago pa ako matalo ng aking kontrol.
Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang magazine. In prone postion, her french-nailed painted toes are pointing at the ceiling. Habang ako'y nakahilata at tinutukod ang siko sa kama, pinapanood siya.
Tahimik akong hinihingal sa tuwing titignan niya ako ng ganyan. Her doe eyes greedily staring back at me with interest, adoration and love.
"Both?"
Tumango ako. "We'll get married in the church first, then sa beach. The resort's of your choice."
Namilog ang mga mata niya sa surpresa. "Talaga? Gagawin mo iyon? Ayaw naman kitang abusuhin, Jaxon."
"Kahit saang bansa mo pa gustong magpakasal Davina gagawin natin. Kada taon magpapakasal tayo. Kada buwan kung gusto mo. Kung 'di ay kada linggo. Whatever you want it, Vin. Everything...I'll do it."
"Wow, ang yaman. Kada linggo? Kahit saan...?" tudyo niya sabay kiliti sa aking tagiliran. Ngiti akong umiwas.
"Mayaman naman talaga ako," pagmamayabang ko. Just to spite her. She hates it when I boast. And I make fun on how she hates me do it.
Katulad na lang ngayon. Iniikutan niya ako ng mata. Gusto kong paikutin iyan sa ibang paraan.
"Kung ganyan ka pala kayaman, e ano pala ginagawa mo sa suweldo mo bilang reporter? Pinangpupunas mo sa pwet?"
Tingala akong humagalpak at kinabig siya. Nanggigigil ko siyang inipit sa mga bisig ko. Tawang-tawa siyang umiwas sa mga pagkiliti ko. Umangat ang pantulog niyang tank top sa panay na pag-iwas.
"Wait lang, inimbitahan ka ba ni Gwyneth noong kasal niya?"
Tumigil ako at kumunot ang noo. Hinawi ko ang humaharang na hibla ng buhok niya sa mukha. "Hindi."
Mukhang naawa siya sa akin sa sagot ko. "Disappointed ka?"
"Seriously, Vin?" Kung seryoso siya o inaasar ako ay hindi ko alam.
Pigil-ngiti siyang tumango. "Imbitahan natin siya para ma-guilty siya na hindi ka niya in-invite!"
Tuluyan ko na siyang dinaganan. I laughed as she screamed for me to stop. Binuhat ko siya at nilagay sa balikat ko at dinala sa banyo. I don't want her to shower alone.
Simula noong pag-uusap namin ni Charlie, na-trauma ako. Vivid images of Davina on how he has described her that day almost brought me to my knees. Kaya gusto kong nauuna akong gumising. I watch her breathe in and out. Nilalapit ko pa ang tenga ko sa ilong at bibig niya upang siguraduhin na humihinga talaga siya.
It scares me to not see her open her eyes one day. Sometimes I hate it when she closes her eyes. It scares the living daylights out of me.
She'd thought wrong about me regarding contacting another designer. Inakusahan niya akong gumaganti. But what made a vengeance was the pain of her accusing me of something I didn't even do. Wala siyang tiwala sa akin.
Sa sama ng loob ko'y nabanggit ko sa kanya ang cheke. It's true that I really didn't believe what my mom had told me about it. We have moved on from the issue.
Hindi ko siya pinaparatangan ng kahit ano pero ito, aakusahan niya ako? Sabagay, naiintindihan ko rin siya dahil sa pinapakita ko sa kanyang galit ko. I gave her that reason to accuse me.
Habang nagpapaliwanag siya ay iniisip ko na ang mga sasabihin ko. Ang mga tanong na gumagambala sa akin. Paano siya napuntang New York? Bakit hindi siya bumalik? Bakit siya umalis? Para sa buhay sa ibang bansa? At ako iiwan niya?
Alam kong dapat ko na siyang pagdudahan sa intensyon niya pero hindi ko ginawa! Wala akong maramdamang akusasyon laban sa kanya. Ganon ko siya kamahal! Buo ang tiwala ko!
But one sentence caught my brain. What 'survived my own death' was she talking about? Her lola and her mother are gone, that I know. And I wanted to know more. I wanted to know everything right now!
Hindi ko siya makausap nang maayos ngayong mainit ang tensyon, kaya umalis ako at bumalik ng Cebu. Kung alam ni Charlie ang pag-alis ni Davina noon, siguro may alam din siya sa mga nangyari bago iyon habang nasa ospital ako.
Ang pinagtataka ko ay bakit wala siyang binanggit kahit ano! He's been with me during my inebriated days. Kaya pala ayaw niyang uminom. Ayaw niyang malasing para wala siyang masabi. Maparaan ang ugok!
"You're not telling me something, Charlie. Anong nangyari kay Davina? To her mother?"
Desperado na ako. At kung wala akong makuhang sagot ngayon ay hindi ako makakatulog. Questions will keep on haunting me. My frustration would be never ending.
Tinuon ni Charlie ang paningin sa pinaglalaruang mga daliri. Alinlangang nagbukas sara ang bibig niya.
"Bilin ni Davina sa akin bago siya umalis ay wala akong sasabihin. Kahit naging close na tayo, loyal pa rin ako sa kanya."
"I understand. That was before. Now tell me, anong nangyari noon?"
Umiling siya at nagbuntong hininga. I understand her friendship with Davina. I can never touch that part of their life. I respect it truly.
"Nabaril ang mama niya dahil nanlaban ito sa mga pulis."
Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. And here I thought she died of overdose.
Ngunit mas lalo akong nagimbal sa sunod niyang sinabi.
"Sa harap niya, Jax. Binaril sa harap niya."
Umigting ang panga ko. Bumalik sa isip ko kung paano siya nagluksa nang mawala si Tori. She was there when she died. And upon knowing that she witnessed how her mother was being killed, ilang sandali akong hindi nakahinga sa gulat.
Lumipad ang kamay ko sa panga at bibig at niyayamot ito. God, Vin...what you have been through...the deaths...I could have been there with you. Mabigat sa loob isipin ko pa lang na mag-isa kang hinarap ang kawalan na iyon.
"Gusto mo pa bang marinig ang kasunod?" putol ni Charlie sa isip ko. May pag-aalinlangan at kaba sa boses niya. "Jax, tama na iyong sinabi ko. Baka...ano..."
"Tell me more, Charlie." I demanded. I want to know everything.
Panibagong buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi siya makatingin sa akin.
"Pagkatapos mailibing ng lola at mama niya ay nauna siyang umuwi. Noong kami na ang umuwi ay pinuntahan ko siya sa bahay niya at..." Pinuno niya ng hangin ang dibdib at kinulong ang ulo sa mga kamay.
"Charlie...?" Kumunot ang noo ko sa kanyang naging reaksyon. Mabilis ang paghinga niya. Iniimpluwensyahan na rin ako nito.
"Natagpuan ko siya sa kanyang kwarto..." napaos ang boses niya. Muli siyang umiling kasabay ang mariing pagpikit. Umusog ako sa upuan dahil hindi ako mapakali. "Ayaw ko nang maalala iyon, Jax pero sige...sasabihin ko na lang."
Nagbukas-sara na ang kamao ko sa inip at antisipasyon.
"She overdosed. Akala ko natutulog lang pero habang lumalapit ako ay nakita ko ang pamumutla niya. Bumubula ang bibig. Ayaw gumising. Sa paningin ko ay hindi siya humihinga. Tinawag ko si papa. Saktong papaalis kami tungong ospital ay dumating iyong benefactor niya. Namukhaan ko siya dahil nakita ko siya sa libing."
Wala na akong maintindihan pagkatapos marinig ang overdosed. Davina. Overdosed. Iyon lang ang bumabalot sa isip ko. Tulala ako sanhi ng panghihina. Nilunok ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Acid formed in my stomache.
"Anong nangyari?" Halos hindi na ako makahinga.
"Nag-flatline siya."
Nabulunan ako at ramdam ang pag-akyat ng kung ano sa aking tiyan. Alisto akong tumayo at tumakbo sa labas ng bahay nila.
"Jax!"
Sinundan ako ni Charlie. Tinukod ko ang namamanhid kong mga kamay sa pader upang isalba ang sarili sa pagbagsak. Hindi napigilan at sumuka ako sa halamanan nila. Umubo at muling nilabas lahat ng laman ng tiyan ko. Binusog ko ang kahinaan sa paglamon sa akin nito.
Vin. Vinnie...why?
"Diniklera na ng mga doktor ang time of death niya—"
"Stop." Mariin kong putol sa kanya at muling dumuwal. Suminghot ako at inis hinilamos ang mukha upang alisin ang pamamawis at namumuong luha. Gusto kong murahin ang mundo sa nangyari!
"She died for...twenty minutes."
"Stop..."
Tinakpan ko ang mukha sa aking braso. Kinagat ko ang sariling balat upang ikulong ang hikbi.
I lied on that same bed where she tried ending her ties from life. I slept on that same bed that could have been her death bed. Hindi mapawi sa isang mariin na pagpikit ang nakikita ko sa aking isipan. Hindi maalis sa ilang bugbog sa dibdib ang sakit na dulot niyon.
"Hindi sumuko iyong benefactor niya at binantaan pa ang mga staff doon kaya..."
Hindi ko na kaya pang mamalagi at umalis na ako. I should have thanked Charlie for telling me and for saving her pero wala akong ibang gustong gawin kung 'di ang puntahan si Davina.
Muntik na akong hindi umabot sa kotse sa panlalambot ng mga tuhod ko. Bagsak akong sumampa sa driver's seat at sinapo ang aking ulo. My eyes couldn't focus on anything. Binubulag ako ng tubig sa mga mata ko at ang imahe ni Davina habang binabalikan ang paglalarawan ni Charlie. I hyperventilated inside my car.
Bugbog sarado ka ng karahasan ng mundo pero nasaan ako? Vin, I should have woken up sooner to stop you from doing it. Tinutulak ako sa pagiisip sa posibilidad na paano kung...paano kung hindi ka pinuntahan ni Charlie?
Vinnie, I would have been ruined for life.
Pakiramdam ko kailangan kong pagbayaran ang mga araw na wala ako sa tabi mo. Pakiramdam ko kailangan ako ang parusahan imbes na ikaw, Vin. Now all I want is to be there with you. Make up for the years...
Knowing that the man who has been supporting her financially, who had fought for saving her from her demise, the man that is my father, was an epiphany that changed my relationship towards him.
Hindi ako makapagsalita sa gulat nang malaman iyon. All along, my father's constant absence was caused by his responsibilty to Davina. I want to treat the revelation as a joke!
And my mother knew. All this time. And she never said a thing! She made me create this hate for my father for the wrong reason.
"I admit, I've been a negligent father, Jaxon. But losing Davina's father is like losing a brother. Malaki ang utang na loob ko sa ama niya dahil sinagip niya ang buhay ko. I feel like I am responsible for bringing him to the encounter against his wife's will. I feel like I should suffer. And I'm sorry, for I have to sacrifice you to be a father for another person."
Narito kami sa opisina niya sa station building. Sound proof, kaya hindi namin naririnig ang patuloy na pagdiriwang sa baba. Imbes na sa swivel ay sa tapat ko siya umupo.
Because after all, this is not work we're talking about. This is a father to son discussion.
"Ako ang nagdala kay Frederick doon..."
"Frederick? Si ninong Fred?" gulat kong tanong. Saka nagpakita ang mukha niya sa isip ko. My four year old mind took over my twenty eight year old one.
Bahagya siyang natilihan sa pagputol ko sa kanya. Siguro ay nagulat na rin dahil naalala ko pa siya. I remember how he used to make me sit on his shoulders, para raw magmumukha akong matangkad.
Tumango si dad at nagpatuloy.
"He needed the money for Davina. She was hospitalized for dengue, so I lent him an obscure amount. Kapalit niyon ay ang pagsama niya sa akin sa military. Pero hindi pa man nakapagsimula ay umatake na ang mga bandido. Hinarang ni Fred ang paulan ng mga bala na sa akin tatama."
Sandali akong napapakit. I flinched, thinking how Davina must have felt upon hearing this.
" 'Di ba may matatanggap ang pamilya ng mga nasawing sundalo?" tanong ko.
Nagbaba ng tingin si dad. Pumaraan ang emosyon sa mukha niya na tila kinakahiya niya ang sarili. "Kung meron man siyang natanggap ay paniguradong nagamit na ng asawa niya sa bisyo nito."
Nilihim ko ang aking pagsang-ayon. I just want to be with Davina and comfort her for everything. With or without reason.
"I hardly sleep at night living with my guilt and the trauma. Napapanatag lamang ako sa tuwing may naibibigay akong pangangailangan sa anak niya." Tumitig siya sa akin. "Kay Davina."
"You could have done it without having to leave us." There was no spill of accusation. Because I am beginning to understand him now. I just want to know his side.
"Hindi na rin naging maganda ang pagsasama namin ng mama mo, Jaxon. We always fight. But I still want to be a part of the family. Umaasa pa rin ako na matatanggap niya ang ginagawa ko. I still want to be a father to you, son. Please, forgive me, anak..."
Hindi ako nagbitaw ng tingin habang tumatango.
"I will. Because you saved Davina."
Tipid siyang ngumiti. I saw that smile often in pictures, and they said it's screaming of how we look alike we could pass as twins.
Ngayon ay nakatingin siya sa akin ngunit sa tingin ko ay hindi talaga sa mukha ko kung 'di sa isang alaala.
"Mula noong nagpapadala ako sa kanya, tatlong beses ko lang siyang nakita; In her graduation where I was watching from afar. I sent digits in her atm, and I had my people send her grocery items at her home. That's it. Never had I seen her with you, so it was quite a surprise to know about the two of you. I wasn't really close of being a father to her but just a mere provider."
"You still saved her. She's my life, Dad. Kaya parang sinagip mo na rin ako."
He made a hearty laugh. Nagpigil ako ng ngiti at inawat ang sariling banggitin na halos magkaboses na kami. Of course, right? I'm his son!
Tumayo siya at tumungo sa likod ng swivel kung saan siya naglabas ng dayuhang brandy sa isang wood glass cabinet.
"Sa pagkakaalam ko wala akong pinamanang ganyan sa iyo, Jaxon. You have my eyes, my stance and my moral rule of responsibility. But I never thought you have a knack of saying such words for a woman. Mukhang ako pa yata ang mangangailangan ng payo sa 'yo upang masuyo ko ang mommy mo."
Tumawa ako at tinanggap ang inalok niyang kopita. I doubt he would have that easy. Mom's a hard shell to crack most often. Kung may isa pa lang akong kapatid ay marahil doon niya ipapamana ang kalamigan niya.
Kaunti lang ang ininom ko sapat upang tunawin ang tensyon na nanatili pa mula kanina. It's overwhelming to finally have this kind of discourse with my father. I've been longing for this for years, too.
"But thank you, Dad. I want to marry Davina. You won't stop us, right? Pero kung sa bagay, hindi rin naman ako magpapapigil."
Isang makahulugang ngiti ang ginawad niya sa likod ng kanyang pagsimsim.
"I want a church wedding for the both of you, Jaxon. That's my only request."
Shivers colonized my skin and spine as I picture Davina in a wedding dress.
"And since you're my only son," patuloy nito, "and Davina's the sole daughter, bumawi kayo sa pagpaparami ng mga apo ko. I want grandchildren. A football team, perhaps?"
Nagtawanan kami at simula ng gabing iyon, hindi na bumitaw sa akin ang ideya ng pagkakaroon ng anak.
I haven't really imagined myself being a father, or carrying a baby. Natutuwa lang ako sa tuwing nakikita ang mga kakilala kong bitbit ang mga anak nila.
Pero ako? I don't know. Probably I'll just see where it goes from there. As long as Davina is my wife, I won't have any problem with anything.
"Desmond! Come back here! I'm gonna send you back to Hogwarts!"
Sinubukang habulin ni Denver ang dalawang taong anak na lalake ni Evan habang karga ang kapatid nitong mag-iisang taon. It's a baby girl this time. She yawned cutely, with her pink gloves na kumakapit sa collar ng shirt ni Denver, and a pink lace headband in her soft fragile head.
Saka pa lang siya kinuha ni Evan at pinatulog sa balikat nito. Hindi man lang naggising sa ginawang paglipat. Magaan niyang tinatapik ang anak sa likod. The baby looked so small against Evan's arms.
"Pasaway na bata! Ganyan ka ba kakulit noon, Evan?" ani Denver habang binaba na ang sarili sa silya, nagpupunas ng pawis sa mukha.
Tinawanan lang siya ni Evan at bahagyang sinulyapan si Desmond na maingay pumasok sa loob ng bahay nila. Umabot dito ang alingawngaw ng boses ng anak niya.
"Bakit hindi mo kamukha?" tanong ni Riley at ninguso si baby Ivanna.
"Oo nga. Mana kay Scarlet," segunda ko.
Dinungaw ni Evan ang nahihimbing na anak at inuugoy ito. Kinunutan niya ng noo si Scarlet na kakarating lang sa mesa dala ang aming mga inumin. Nakasunod sa kanya ang dalawang katulong dala ang mga pagkain.
"Bakit hindi ko kamukha si Ivanna? May dapat ba akong malaman, Scarlet?" May banta sa tinig ni Evan.
Natatawa siyang hinampas ng asawa at sinubukang kunin ang anak mula sa kanya.
"Mas nag- bond kasi kayo ni Desmond kaya siya ang mas kamukha mo," anito.
Ayaw ibigay ni Evan ang anak kay Scarlet at nilayo pa ito sa kanya.
"Then me and Ivanna will bond, so that she'd look like me." Kinindatan niya ang asawa at pinaupo sa tabi niya.
"Gawa na lang kayo ulit," ani Denver.
"Kung maka-suggest ka,a?" nanlaki ang mga mata ni Evan at halos matawa. "Masarap manganak, Denver?" hamon niya.
"Hindi naman ikaw ang manganganak!"
Umiling si Evan. "I'll tell you Den, Jax. Mahirap magbuntis." Bumaling siya kay Riley na katabi ko. " 'Di ba, Rai? You got pregnant, too."
Ngumisi lang si Rai habang nagtitipa sa cellphone. That must be Amberlyn. Nasa Korea raw ang mag-ina at binibisita ang mga kamag-anak.
"Hindi naman ikaw ang nabubuntis. How can you tell?" Natatawang tanong ko.
Nilunok nito ang ininom bago sumagot. Wagayway niyang akong tinuro gamit ang hawak na barbecue.
"Noong buntis si Scar kay Desmond? Believe it or not guys, ako ang naglihi! I also got morning sickness. That's why I was able to say...I got pregnant, too."
"So si Scarlet ang pinapabili mo ng kung ano ano in the outskirts of London? How dare you?" bintang ni Denver.
"Hindi naman. Pansin niyo, tumaba ako two years ago? After manganak ni Scarlet, we worked out together. I brought back my weight."
"Ikaw lang pumayat. Ako hindi." Ngumuso si Scar.
Sinimangutan siya ni Evan. "Sexy mo kaya." At inakbayan saka hinalikan sa sentido, all the while Ivanna's on his chest.
Sumipol si Riley sa paglalambingan ng dalawa na sinegundahan ko ng tawa.
"Inggit si Riley..." tudyo ko.
"Mas lalo ka na!" ganti niya habang sinisilid ang phone sa bulsa. Lalo akong natawa.
Tumatambay ako rito sa kakatapos lang na bahay nila Evan dahil hindi ko kaya sa bahay. Wala si Davina. Kina Charlie muna raw siya. We're not supposed to meet as part of the tradition before the wedding.
I don't want to believe the superstition anymore but I don't want to take the risk of going against it either. Kaya halos kada oras akong tumatawag sa kanya. And we'll talk for hours after that.
Parang pusa lang si Desmond na simpleng naglalakad-lakad nang biglang hinablot ni Denver at pinaupo sa kandungan nito. Hindi naman umangal ang bata at kumuha pa ng barbecue.
"Maraming mabubuntis 'tong anak mo, Evan. Tangos ng ilong pa lang, o!" ani Denver sabay gigil na piningot sa ilong ang pamangkin.
Umangal ang bata dahil hindi nito makain nang maayos ang barbecue.
Nag-abot si Scarlet sa kanya ng baso ng juice. Sa bahagya niyang pagtayo ay may napansin ako dahil sa suot nitong maxi dress na isang beses ko lang nakikitaang sinuot ni Davina. She always likes to seduce me by frequently wearing tank tops and cotton shorts exposing her mile high legs.
"Ba't parang ang laki ng tiyan mo, Scarlet?" walang hiyang tanong ni Denver saka binalingan si Evan. "Buntis na naman siya noh? Kada taon nalang, Evan? Magpahinga naman kayo!"
Tinawanan siya ng mag-asawa at binato ng mani. Pinulot niya ang mga binato na nahulog sa ulo ni Desmond at kinain.
"Magtatatlo na iyong anak niyo, a? Si Amber buntis na rin so Riley will have two. Ikaw naman," tinuro niya ako, "hindi magtatapos ang taon ay paniguradong mabubuntis mo na si Vin. Ikaw pa! Aba, aba, aba, mga tol! Huwag niyo naman akong iwan!"
Sumabog ang tawanan namin sa sentimiyento ni Denver. Somehow, this has help calm a bit of jitters. Not seeing her for even just a single day feels like six years of being apart from her all over again.
Hindi ko maintindihan ang panlalamig ng mga kamay ko salungat sa pinapakawalan kong pawis. Pwede ko nang banlawan ang panyo ko sa mabigat nitong pamamasa. Damn! This is it! Panay ang talon ko at tapik sa aking paa.
Nasa gilid kami ng hamba ng Cebu Cathderal at hinihintay ang pagdating ng bride. My bride. Inaayos ko ang aking buhok na pakiramdam ko'y lumalaylay dahil sa pamamawis.
"Rai, pakiayos ng tie." Turo ko sa leeg ko. "Masikip."
Seryoso niya lang itong tinitigan habang nakapamulsa. "Hindi naman."
"Masikip nga." Ako na ang lumapit sa kanya.
"Kinakabahan ka lang," aniya at niluwagan ang tie ko.
"Kahapon pa."
Tumawa siya at nang maayos ang tie ay tinapik ako sa balikat. "This is it. I'm happy for you."
Tango ang naisagot ko at sobrang hinang salamat na muli niyang ningisihan. Wala lang akong masabi. From her proposal up to this, I was speechless. Or maybe words just aren't enough for everything.
Everything was from Davina's choosing. From the invitation designs, to the midnight blue motif, guests and the reception...nakasuporta lang ako sa gusto niya.
Except when she said that she wanted a simple ceremony. I don't wanna. Dad wants a grand church wedding and so do I. That, and for the wedding to happen.
Biglang sumulpot is Denver na hindi ko alam kung saan galing. Marahil tinatakwil na naman ang mga umaaligid sa nagdadalaga niyang kapatid.
"Bestman ulit ako? Kay Riley ako rin ang bestman. Kung ako naman ang ikakasal, sino na maging bestman ko? Eh kasado na kayong lahat?"
"Me tito Denver!" sabat ni Desmond na todo kapit sa bulsa ni Den.
Because Onika's growing up, ang pagkahilig ni Denver sa mga bata ay ebidensysa sa pagiging malapit niya sa anak ni Evan.
"Ikaw? Bata ka pa. Kung bukas ako ikasal? Gagawin lang kitang ring bearer."
Unti-unting lumukot ang mukha ng bata at iyak na tumakbo papunta kay Scarlet. She was talking to Riley's wife Amber who's carrying their one year old baby.
"Mommy!"
"Hala? Ba't umiyak iyon?"
Nagtawanan kami ni Riley sa sobrang laki ng pag-nganga ni Denver. Lumala iyon nang umiiyak na tumuro dito si Desmond habang pinupunasan ang mga mata. Taka kaming nilinga ni Scarlet na pinantayan ang anak.
"Tinuro ka pa!" bulalas ko. Naiwaglit sandali ang wedding jitters ko sa nangyari.
"Sinong umaway sa anak ko?"
Nagbabantang boses ni Evan ang nagpalingon sa amin sa kanya. Lumala ang aming tawanan.
"Kasalanan ko bang iyakin iyang anak mo?" Iling ni Denver sabay punas ng pawis sa kilay niya.
"Sensitive iyong bata, Den. Nagmana sa mommy niya. Kaya hinay-hinay kami sa pakikipag-usap sa kanya. Ikaw din!"
Bumalik na naman ang kaba ko so I distracted myself by looking at the guests. Nahagip ko si mama na masayang nakikipagkuwentuhan sa mommy ni Evan karga ang apo nito. I never got into the detail kung paano sila nagkasundo ni Davina. Well they have to, because she would be a part of the family now.
"Hala, dude."
Nagdikit ang ulo ng tatlo habang nakadungaw sa cellphone ni Denver. Nasa gitna siya ng dalawa. Iniipit nito ang labi sa mga daliri niya.
"Tsk, tsk," palatak ni Riley.
"Seriously?" react ni Evan na mukhang gulat na gulat.
Kinabahan ako. Lalapitan ko na sana sila nang magsalita si Denver.
"Text galing sa daddy mo, Jaxon. Dinala niya raw pabalik si Davina sa New York dahil ayaw pakasal sa'yo."
Seryoso ang tatlo lalo na si Denver na may halo pang awa.
Are they shitting me? Kinakabahan na nga ako rito ibabalita pa nila sa akin iyan! Is that why dad's not here yet? At mukhang lagpas na si Davina sa oras na dapat dumating na siya!
Ngunit sumablay si Evan at biglang humagikhik. Sumunod ang ngisi ni Riley.
"Tang'na naman ng dal'wang 'to!" Pumikit si Denver at nagdabog. "Mahihimatay na,e. He's about to flip his lid!"
"Ang putla mo, Jax!"
Sobrang hagalpak nila na halos mag-untugan ang kanilang mga ulo sa isa't isa. Inambaan ko sila ng suntok kaya ang nag-unahan silang makalayo sa akin. Of course! They know how intense my punches are. Buwan yata ang itinagal bago gumaling si Denver sa suntok ko.
Muli kong pinunasan ang malamig na pawis sa sentido. Kung wala lang kami sa harap ng simbahan ay ilang mura na ang pinaulan ko sa tatlong 'ugok!
Bumugso ang kaba kong makita ang pagdating ng bridal car. Unang bumaba si Charlie na siyang maghahatid kay Vin kasama ang asawa nito. Sunod lumabas si daddy. Bago ko pa siya makita ay tinawag na kami ng wedding coordinator para sa aming pwesto.
Uminit ang pakiramdam ko sa pagsisimula ng music. Walking down the aisle, I'm on pins and needles and I don't know what the jumble of nerves is for. Tinatawanan na nga ako ni dad dahil sa panlalamig ng kamay ko. I keep on exhaling deep breaths and adjusting my tie.
"Thanks mom, for accepting Vin," mahina kong sabi bago nila ako iwan sa gilid kasama ng bestman ko.
Naluluha siyang ngumiti saka tumukod upang halikan ako sa noo. Mahina niyang tinapik ang aking pisngi. Dad pat me at the back at sabay silang tumungo sa kanilang upuan.
"What are you doing Kelsey?"
I walked out of the café as I saw her right infront of me. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit pagkatapos noon sa New York. But Kelsey just hired her as the designer for my photobook without consulting me first!
"I didn't only hire her for you to rekindle the old flame, Jaxon. She's a gem. Her first project?" Binuksan niya ang aking laptop, may ilang tinitipa bago hinarap sa akin ang screen. "A website for a fast-rising telecommunications company in California. She's done something in Tokyo, too. A packaging design for a toy company. She's a designer maven! Kung artista pa, A-lister na iyan. Beterana. Famas best actress. Hindi kung sinong pipitsugin lang na baguhan."
"At sa tingin mo hindi ko pa alam iyan?" inis kong tugon.
Hindi na ako maka-focus sa mga gagawin ko pagkatapos ko siyang makaharap. She was even more beautiful seeing her near. Tahimik akong humihingal sa kaba mula nang makita siya.
"Then why didn't you hire her? Bakit mag-isa kang umuwi rito sa Pilipinas? Bakit ka nakipagpalit ng assignment kay Selma?"
"She has moved on, alright!" sigaw ko. Marahas kong pinadaan ang mga dalirisa buhok saka ginulo ito at muling tumayo.
I can't stand or sit still. I have to move and I want to punch something again!
Gusto ko ako lang ang lalake para sa kanya. But that kiss from another man...how I wish he didn't own you with that, Vin! Subukan lang niyang agawan ako ng pwesto sa buhay mo...
But if you have moved on, dapat ako rin 'di ba? Ngunit anim na taon ay hindi ako nakausad! Ano sa tingin mo ang ibig sabihin nito? Kung hindi na ako para sa buhay mo, bakit ikaw pa rin mapahanggang ngayon, Davina? It's just so, so unfair!
Kailangan kong sakupin ang galit. Kung mapupuno ng galit ang puso ko ay matatabunan nito ang pagmamahal ko sa 'yo, Vin. So I'm sorry for being angry, Vinnie. I'm sorry for I have to act like this.
"Halik lang mula sa iba, Jaxon, umatras ka na?"
Matalim ko siyang tinitigan. Kelsey has become my voice of reason. Pero minsan nakakainis ang pagkakaroon niya ng sense kausap.
"What if ikaw pa rin pala?" tanong niya.
"Kels—"
"What if, Jaxon? Minsan kailangan din nating umasa doon. What if's are not just all about doubts. They are possibilities, too. They entail our hopes."
What if as a positive possibility. Kung sakali mang ako pa rin at wala lang kayo ng lalakeng iyon, I would forget how he kissed you and how you kissed him back. Pati na ang mga halik ng lalakeng nagdaan sa buhay mo ay buburahin hindi lang ng mga halik ko, Davina. I am gonna own you. Marry you and have babies with you. For real. Imaginations be damned. They would all be a reality, Vinnie. Our reality.
"Damn, the maid of honor is a one fine piece of hot ass," bulong sa akin ni Denver. "Do you know her? What's her name?"
Maagap ko siyang nilingon dala ang matalim na tingin.
"She's Nolan's girl."
"Tinanong ko ba? Pangalan ang hiningi ko, Jaxon. Bakit ba palaging iba ang sinasagot mo?"
Napailing ako at tatawanan na sana siya nang pinigilan ako ng pag-iiba ng music. Nanindig ang balahibo ko sa unang patak pa lang ng nota.
Nasa bukana ng simbahan ang atensyon ng lahat sa paghihiwalay ng dalawang higanteng pinto. To Vinnie. To my bride illuminated by the afternoon sun.
All of the lights lands on you
The rest of world fades from view
And all the love I see
Please, please say you feel it too
Napasinghap ako at nag ipon ang hangin sa loob. My stomache's in tight knots. My jaw fell open as I watched her walking slowly with a smile already worn on her very beautiful, beautiful face.
"Whew, may ikagaganda pa pala si Davina. She's giving Victoria's Secret a run for their money. You one lucky bastard."
I couldn't even retort to Denver's comment.
Hindi kumalma ang paninindig ng balahibo. Kailangan ko pang padaanin ang kamay sa buhok ko dahil tila ito'y nananayo rin. She seems out of reach. Like I was hoping for the Holy Grail.
She's a walking fantasy. Parang kailangan kong mas maghirap pa upang maabot ka, Vin. Iyong dugo't pawis, kayod-buto, buwis buhay na paghihirap. Parang kulang ang anim na taon na pangungulila ko sa 'yo.
But, no. I won't risk for another six years. You're here now. My wife.
And all of the noise I hear inside
Restless and loud, unspoken and wild
And all that you need to say
to make it all go away
Is that you feel the same way too
Hindi ako matutulog hangga't hindi ka nakakatulog. You sleep first. I need to see you in peace. Iyong wala kang inaalala. No anxieties that are discoloring your mind.
I see it in you sometimes, Vin. Even in your sleep, you're anxious. You're overthinking. So before I close my eyes and sleep in peace myself, I need to see you sleep peacefully. Doon lang, mapapanatag na ang loob ko. Makakatulog ako ng mahimbing. I could be your noise to shut the negative thoughts in your head, Vinnie.
And I know, the scariest part is letting go
'Cause love is a ghost you can't control
Ilang beses na akong umiyak sa harap niya ngunit hindi sa ibang tao. But now, God, I can't help it. Kinapa ko ang mga bulsa ako, hindi ko mahagip ang aking panyo. Kaya inabutan ako ni Denver at dinampi ko agad sa mata ko.
The longer I stared, the more I am at risk of heart attack. Hindi harang ang wedding veil upang takpan ang nakakapangapos hangin niyang ganda. Dark make-up begone!
An ethereal make-up is courtesy of Kelsey. A delicious pink tinged her plump lips. Her hair piled in a high bun exposing her long slender neck. The sweetheart mermaid gown highlighted her collar bones and delineating the perfect slender curves she possessed.
All of the stairs that led me to you
And all of the hell I had to walk through
But I wouldn't trade a day for the chance to say
"My love, I'm in love with you," sabay ko sa kanta sa nanginginig kong labi.
Davina saw it. Nanginig ang balikat niya at yumuko. Kita ko ang higpit ng hawak niya kina Charlie at Brianna. She's crying!
I know that we're both afraid
We both made the same mistakes
An open heart is an open wound to you
Bakit ba kay bagal? Malaki ang simbahan kaya ang layo pa nila sa akin! Nasa gitna pa lang sila ng aisle! It feels like ten years!
Hindi ako nakapagpigil at nilapitan ko na sila at sinundo si Davina sa gitna. Nagtawanan ang mga tao. Pinakamalakas ang tawa ni Denver na muntik nang magmura. Tumikhim ang pari.
"Haay, Jaxon. The always impatient one. Buti't hindi ka nanuntok sa pagkainip mo." Rinig kong ani Evan na ikinatawa ng ilan.
Impatient? Damn. I'd waited for six dire years! Kaya ayaw ko na itong patagalin. Begone the long wait!
Let my love be the light that guides you home...
Nagulat si Vin na makita akong nasa harap na niya. Her wet eyes squeezed my heart. Dali kong kinapa ang pisngi niya.
"Why are you crying, Vin? Don't you wanna marry me?" Maingat kong tinuyo ang luha niya sa kamay ko.
Namilog ang namamasa niyang mga mata. Those doe eyes are my undoing. The more I can't wait to say I do.
Suminghot siya at nagtanong, "Pinalitan mo ang kanta?"
Nagpanic ako. "Ayaw mo ba?"
I did a secret meet up with the coordinator to change the song. I thought it was perfect for us.
Dapat ba hindi ko na lang pinalitan? I should have talked to her first about changing the song!
Nagpakawala siya ng hikbi at binaon ang mukha sa dibdib ko.
"I love it. Gusto ko..." nanginig ang balikat niyang umiiyak.
Mahina akong tumawa at kinalabit ang sumilip na luha sa aking mga mata. Wala pa nga kami sa vows! I'm gonna squeeze the happy tears out of you once you hear my vows, Vin. It's not a threat.
"Mahal ko po ang apo niyo, lola."
Binisita ko si lola Mabz lingid sa kaalaman ni Davina. Nakipaglaro ako ng chess sa kanya at dinalhan ko rin siya ng banana cue.
"Iyong nobya mo? Hindi ko apo iyon."
Marahan akong natawa at nilipat ang isang pawn.
"Wala na po kami. Iyong apo po ninyo ang mahal ko."
Huminga siya ng malalim at tumigil sa pagkagat ng banana cue. Kinabahan ako dahil parang aatakihin siya. Kausap ko ang nurse niya kanina at anito'y malimit na raw siyang nanghihina.
Binaba niya ang pagkain at hinawakan ang aking kamay. Sa luha sa mga mata niya, ewan ko kung parte iyon ng kanyang katandaan o talaga bang naiiyak siya.
"Palagi kong hinihiling na bago man lang ako kunin ng Diyos, ay makatagpo ako ng pag-iiwanan ko sa aking apo. Ngayon masasabi kong...pwede na akong mawala. Payapa na ang loob kong malaman na nandiyan ka para sa kanya. Kaya binabasbasan na kita bilang kabiyak ni Davina. Sana panindigan mo ang pagmamahal mo sa apo ko. Hindi siya naaambunan ng pagmamahal pero kung sakaling magmahal siya, alam kong wagas. Sana tutumbasan mo iyon, iho."
"Hindi ko po kayo bibiguin, lola."
Hawak ang mic ay tumingala ako, nakangiti, tahimik na sinasabi na ito na, lola Mabz. Magiging asawa ko na ang apo mo. Tama lang ang pagbasbas mo sa akin.
"Hi," bulong ko, katapat ang mic sa aking bibig.
Vinnie smiled. "Hello."
Tumikhim ako. "I don't know how a vow should be started. I'll just say what comes from here..." Tapik ko sa kaliwa kong dibdib.
Natawa ako sa nakitang panginginig muli ng mga labi ni Davina. Halt your tears for now, babe.
"Hindi pa ako nagsisimula, Vin. Huwag ka munang umiyak."
Hinintay kong makalma ang tawanan ng mga tao bago ako nagsimula. Mahigpit ang kapit ko sa mic. My palms are sweating. Whooh!
"I fell in love with you while I was on the other side of the wall of our friendship. Since then, I've been seeking for everything from you. Starved and thirst for everything you have to offer, even if it's only a need. Isang pangangailangan mo lang sa akin, inaangat na ako sa kung saan ko nais magtungo. Sa iyo, Vin. Sa iyo palagi ang uwi ko. Sa bawat pangungusap mo na kailangan mo ako, parang pinapauwi mo na ako sa bahay na ikaw at ako mismo ang bumubuo. Your need is my food for the soul, Vinnie..."
Ngumiti siya. Her laced gloved hand held my forearms and everything's alright. Walang nagbitaw ng tingin sa amin.
"You're my beautiful disaster. My ups and downs. Light and day. Darkness and light. Sun and rain. Your being imperfect made me feel more human. Raw. Your emotions and feelings mirror mine. But a lot stronger. Because everytime you see heartaches and hopelessness, I see death. Everytime you see love, I see life. Every feeling you feel, makes and breaks me in tenfold. Because Vin, you are my life."
Nilingon ko ang malakas na singhot at nakita ang nakayukong si Denver na pinipisil ang kanyang ilong. Natatawa siyang tinapik ng kapatid ni Evan na si Clarence.
"When we were apart for so many years it felt like a lifetime. I may not be sure what the future holds for us on those moments of doubt but somehow there's a part of me that still longs for you deeply and felt that it's a mission to stay faithful to you, Vin. So I don't kiss other girls on their lips. I never did. I never will. I don't give away my kisses to just anyone kung may iba namang nagmamay-ari nito."
Another batch of tears fell from her eyes.
"At ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ko nagawang magmahal ng iba. Para dito. Para sa iyo, Davina."
Hinila na niya ang sarili palapit sa akin upang ibaon ang mukha niya sa dibdib ko at humagulhol. I kissed her still veiled head, at hindi ko rin naawat ang agos ng tubig mula sa mga mata ko. I meant every word I said.
Pumikit ako at dumadampi-dampi ng halik sa ulo niya hanggang sa siya'y makalma. I gave her my hanky at tinulungan siyang magpunas ng luha.
Ilang singhot at hikbi na rin ang naririnig ko mula sa iba. I think I even saw the priest wiped his eyes.
"Tanda ko pa noong binugbog mo talaga ako para lubayan siya. Nagtagumpay ang pinagsikapan kong magpanggap na may gusto kay Davina para lang magising ka! I know you're going to fist my pretty face but I risked it all for you, man."
Nagtawanan kami sa speech ni Denver. Tinuro pa ako ng loko. Sa malawak na garden sa likod ng bahay namin ginanap ang reception.
"Kaya nga ikaw bestman, eh!" ani ko.
"Naman!"
Hinawakan ni Davin ang baba ko at pinalingon ako sa kanya. Sinuri ang pinaglagyan ng pasa ko noon.
"Nagbugbugan kayo?" tanong niya.
Tumawa ako. "That was one time."
Ngumuso siya at hinalikan ako sa labi. Nag-request ako ng isa pa at gawing hard ngunit hampas sa braso ang nakuha ko. Tawa ko siyang inakbayan at binaon sa dibdib ko. She smells like flowers.
I suddenly want to bury myself in her. Can we skip this part and just go inside my room?
"So Mom, don't hate Jax for this but he punched me in the face." Kinapa ni Denver ang panga niya. Binalingan niya sina mom at dad. "And tito, tita, don't hate me because I punched him back."
Sumabog ang tawanan sa mga bisita. Tumingala si Davina sa walang pinagbago niyang malakas na tawa.
"Saan ka niya sinuntok?"
Tinuro ko ang kaliwang pisngi ko. Hinalikan niya yon.
Sana pala maraming beses akong nagpasuntok kay Denver sa iba't ibang parte sa akin para halikan din 'yon ni Davina.
"Dito rin," tinuro ko ang labi ko. "Ito iyong pinakanapuruhan, e."
Duda niya akong tinigan bago nilabas ang dila niya. "Bleh!"
Umigting ang panga ko. Heat flooded my veins.
Hinapit ko siya at binulungan. "Don't tempt me with your tongue Davina at talagang kakargahin kita paakyat sa kwarto ko."
Tumawa siya at mas inasar pa ako. She bit my ear! Damn it! Uminit ang buong mukha ko!
Nanindig ang balahibo ko nang maramdamang may naggising. Ramdam iyon ni Vin dahilan ng hagikhik niya. I squeezed her and I laughed with her.
"Kunwari nga lang, Vin. We're both single. We're both serious. So sino sa amin?" tanong ko sa kanya.
Hiram man ang puso ko ng iba, ngunit sa loob nito hinihiling ko na sana ako ang piliin mo, Davina.
"Ikaw."
Pinigilan kong mangiti ng malaki sa pagkagat ko sa aking labi. Kulang ang saya upang ilarawan ang bumugso sa akin. I felt like being lifted into the air. What?
"Talaga?" panunuya ko, tinatakpan ang galak sa aking kalooban.
Damn it! I wanna kiss you right now! Wala akong pakialam kung mangingitim man itong labi ko dahil sa lipstick mo. Tanda lang iyon ng pagmamarka mo sa akin, Vin!
Kita ko ang kanyang pagkailang. Ganyan nga. Mailang ka, Davina. That effect of mine on you is a disguised hope.
At halos hindi ako makahinga nang tagpuin mo ang pagtitig ko sa 'yo. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang awatin ang pag-awang nito.
Ikaw lang yata ang nakakasira ng baga ko, Davina. Every move you make just takes my breath away.
Nagpatuloy ang kasiyahan. Giniya ko ang asawa ko sa gitna ng mga nagsasayawan. Hawak ang kamay ko'y lumayo siya at inikot ang sarili habang gumigiling. At umikot muli sa naka-extend kong braso hanggang nagbalik siya sa bisig at dibdib ko. She giggled. I kissed her forehead.
Bago kami makarating ay kinuha ko ang isang white ballooon na nakasabit sa isa sa mga silya ng bisita.
"Isuot mo sa wrist ko."
Gulat siya at naluluha. Oh yes, Vinnie, I still couldn't forget about it. Gusto ko bawat okasyon susuotan mo ako ng puting balloon. It's one of our defining moments.
Suminghot siya at natawa. Inalis ko ang lumandas na luha sa kanyang pisngi.
"I love you, Vinnie..." I whispered while she's tying the string of the balloon.
Kasabay niyon ang pagsisimula ng intro ng isang kanta. Tama ang timing ni Nolan who is manning up the band right now.
"I love you is overuse. Kaya sasabihin ko ay ang katumbas ng mahal din kita."
Nag-angat ako ng kilay. "And what is it?"
Pagkatapos matali ang string ay hinila niya ako sa kamay at hinalikan sa labi.
"Sa 'yo lang ako, Jaxon. At sa akin ka lang din," she said against my lips.
Mahina akong tumawa habang sinisimulan na namin ang pagsayaw sa mabagal na kanta. My hands on her waist. Hers on my shoulders.
"But seriously. I love you, too."
I smiled. I can't help but kiss her. Pikit mata kong dinikit ang noo ko sa kanya habang sinasabayan ang kanta sa isip ko.
These are the moments I thank God that I'm alive
And these are the moments, I'll remember all my life
"Ilang anak ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Sampu."
Naatras ko ang aking ulo't ilang beses napakurap. "Sinabi mo iyan, ha?"
"Bakit, ayaw mo?" biro siyang umirap. "O sige, isa na lang."
Humalakhak ako. "How about sampu, tapos dagdagan ng isa."
Lumukot ang ilong niya. "Ihh... ayoko. Gusto ko even number."
"So twelve babies?" I suggested. That's fine with me.
"Hindi. Dalawa."
"Pero gusto ni dad ng football team."
Piningot niya ang ilong ko. "Hindi pa ako tapos. Dalawa! As in dalawang team!"
Nanakaw namin ang atensyon sa lakas ng aking halakhak na binulabog yata pati kapitbahay. My wife is crazy and I love her even more for that!
I lost it. I know I'm way in too deep now. I know I have drowned. I know I suffer a beautiful torture being locked up in her eyes na hindi ko na namalayan ang halaga ng bill na nilapag ko sa counter. I hope she likes my new haircut.
Ayaw ko nang kumawala sa pagkakabilanggo ko sa iyo. Nanindig ang balahibo ko isipin ko pa lang na tayo.
"So, sa ibang pagkakataon, baka girlfriend na kita, Davina..."
Ang epekto mo'y hindi lang huminto sa mata ko. Naglakbay na pati sa puso, sumuot sa kaluluwa, at ayaw nang kumawala. Kaya wala na tayo sa ibang pagkakataon ngayon. We're on this side of reality. You're my wife. And sooner or later, would be the mother of my children.
"I could not ask for more than the love you gave me, 'cause it's all I've waited for..." Muling namuo ang tubig sa mga mata niya nang sinabayan ko ang mga salita.
It's never a paradise in the world of Davina Roux Claravel. It's a battlefield. And I've loaded my ammunition to fight with her. The long wait was my fight. The feeling of unending struggle of longing. It was never easy but it was worth it. Every battle scar is worth it.
"I could not ask for more..." she sang. Her hot breath singed the hairs on my neck.
Humigpit ang yakap ko sa kanya kasabay ang bulong kong litanya ng pangako.
Entrust to me your truths, Davina, and I'll be with you in escaping the dregs of your reality. The two of us. We're done being lost and found our way back. Together now. All the way, Vinnie. For life.
_________________________________________
Countless thank yous to every one of you who has reached this part of the story. Join me in my endeavor to TDHBR. :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro