Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 03

That conversation with him didn't make me sleep. I was thinking about it the whole time while I was lying on my bed. The next morning, I had to attend my class without sleep because of what he said. 

It did bother me a lot. Upon hearing those words from him, everything seemed to be confusing for me. 

How did he jump to that conclusion? Shiloh would never date me, and he would never break the code he had with my brother. 

"Lalim ng iniisip mo, ah," Alys said when she saw me zoning out again for the nth time today. 

Wala ako sa sarili kanina sa klase at 'buti na lang din na hindi ako natatawag sa recitations dahil hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko kapag nagkataon. I will be embarrassed with my blockmates, and it wouldn't satisfy me. 

"Care to share?" Alys asked while taking a sip from her drink. 

Umirap ako at umiling. "Wala. May demonyo lang akong narinig kaya ganito ako," I replied. 

If I told Alys about it, it would make everything complicated. She's close with Shiloh and Conrad's cousin; baka si Conrad pa ang maging masama kapag sinabi ko ang kaniyang sinabi kagabi. 

"May class ka pa ba? Let's go shopping! Ayaw akong samahan ni Conrad! He's so maarte!" 

Tumango ako at pumikit nang mariin. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko rin naman matatanong si Shiloh tungkol doon dahil baka iyon pa ang dahilan bakit kami maglalayo. 

Pero imposible kasi 'yung sinasabi ni Conrad. Ang labo. Wala akong makitang signs. O baka hindi ko lang ramdam? Pero hindi, e. Hindi naman ako gusto ni Conrad at never akong magugustuhan ng taong 'yon. 

Si Shiloh pa ba? Barumbado 'yon at hindi ako magugustuhan kahit kailan. It's impossible for him to like me because we see each other as friends. No more than that. Only friends. 

"Hindi, e. What if gusto ka niya talaga pero iilan lang ang nakakaalam?" 

Napatingin ako sa mga babaeng dumaan sa likod ni Alys dahil sa tanong ng isa sa katabi nitong kaibigan. The girl looked as problematic as I do. 

"Ano 'yon tinago niya sa akin? Para saan?" Iritadong tanong ng babae naman sa kasama niya. 

Parang ako lang 'yung nagsalita dahil pareho kami ng tanong. Kahit ako ay naguguluhan. Hindi naman kasi sasabihin 'yon ni Conrad kung hindi totoo, 'di ba? O baka gusto na naman akong pagtripan ni Conrad kaya niya nasabi 'yon. 

"Tinago niya sa 'yo, pero sa mga malalapit niyang kaibigan hindi! Ibig sabihin niyan ay totoo 'yon! S'yempre nakakasama niya ang mga 'yon sa hobbies niya, tapos ikaw sa school kasi best friend naman kayo, pero baka mas may tiwala siya roon sa mga pinagsabihan niya." 

Ah, para akong mahihilo sa daming nangyayari. I pulled the ends of my hair in frustration because I could relate to what they were talking about. 

Kabanas naman kasi si Whitelock, ngayon pa talaga gumano'n. 

"Primrose!" 

Muntikan na akong mahulog dahil sa lakas ng sigaw ni Alys sa pangalan ko. Good thing I managed to balance and control myself to stop falling. 

"Hindi mo 'ko pinapakinggan!" Reklamo ng babae sa akin, nakasimangot at handa nang manapak. 

"Wala na 'kong klase," sabi ko dahil 'yon naman ang sagot sa tanong niya kung vacant ko ba. 

"Okay," ngumiti ito nang malawak. Akala mo nanalo ng lotto kung makangiti. "Ay, may last class pa pala ako. Kaya mo ba maghintay?" 

I arched a brow at her. Paghihintayin pa niya 'ko? Bakit? Sino ba 'to at kailangan akong paghintayi—

"Kaya mo naman maghintay, Prim. Hanggang ngayon nga hinihintay mo siyang bumalik." 

Sinamaan ko ng tingin si Alys sa kaniyang sinabi. She smirked annoyingly as she started to fix her things. Bwisit na 'to, hindi talaga alam kung paano manahimik. 

"Wait for me, ha? Kaya mo 'yan, Prim. Ilang taon mo na rin naman hinihintay panganay ng mga Adl—"

"Alyssa!" Iritang putol ko sa kaniya. 

She laughed devily before leaving me for her next class. I watched her laugh while she's walking towards the exit. I shook my head and sighed, wala talaga akong takas kay Alys pagdating sa 'paghihintay' na 'yan. 

"Primy!" I saw Kuya Rowan walking towards me, holding a tray of his food. 

Umupo siya sa tapat ko, kung saan nakaupo si Alys kanina. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at nakitang wala ring bakanteng upuan dahil halos lahat ng estudyante ay break time. Sadyang may pasok lang si Alys. 

Wala namang kaso sa akin at pag-upo ni Kuya Rowan sa table ko. Kaibigan naman siya ni Kuya at kilala naman ako na kapatid n'on at close sa mga teammates at rival ng grupo niya. 'Tsaka close ko rin naman siya kahit na hindi ko siya nakakausap minsan dahil ilap nga ako sa mga tao.

"Makikiupo na ako, ah? Wala na kasing vacant. E, mamaya pa break nina Arkanghel." Sabi niya habang pinupunasan 'yung utensils niya. "Sina Ryder ay wala naman na sa room nila. Baka nambabae na naman."

Tahimik akong tumango, pinapanood ang ginagawa niya. Hinayaan ko siyang kumain nang tahimik sa tapat ko habang nagbabasa ako ng lesson sa iPad ko. May quiz pala kami bukas sa first subject, kaya nagbasa na ako habang hinihintay si Alys. Hindi rin naman ako ginulo ni Kuya Rowan kaya payapa akong nagbasa.

"Rowan," sabay pa kaming tumingin kay Conrad na kakarating lang at mukhang iritado. 

"Ang tagal ng break mo, kaya nauna na 'ko! Um-order ka na lang doon at maki-table ka rito," he said shamelessly as if I weren't here. Ang kapal? Table ko 'to, ah.

I rolled my eyes secretly at his remark while the latter was looking at me. I raised a brow at him before rolling my eyes. Ayaw kong nandito siya sa table ko. Aalis na lang ako kaysa mapikon pa 'ko sa taong 'to. Baka hindi ako makapigil at masuntok ko siya.

Malaki pa atraso niya sa 'kin, e. Hindi ko lang siya makompronta dahil nandito si Kuya Rowan. Baka pati siya ay alam? Baka sumabog na lang ang ulo ko kung alam niya rin 'yon.

I stood up, picked up my iPad, and was ready to leave when he held my arm to stop me. "Bitaw," inis kong sabi. 

"You stay; I'll find a seat for you to be comfortable," he said. 

"Hindi na. Ako na ang aalis at hindi naman na 'ko gutom," I said and pulled my arm from him. At isa pa, wala na 'kong balak magstay pa rito kasama siya sa iisang table. 

Baka hindi sila makakain nang maayos sa bangayan naming dalawa kapag sinimulan niya ang pang-aasar. Wala rin naman ako sa mood para makipag-asaran sa kaniya, kaya ako na ang maga-adjust para hindi na siya mapagod.

Naglakad na ako palayo sa kaniya. Narinig ko pa ang malalim niyang buntonghininga nang bitawan niya ang braso ko. He must be tired of arguing with me, and so am I! I don't even know why he always piss me off, even though we're not that close enough. Ang feeling close niya masyado!

But he looks irritated. Kanina pa siya, ah. He mirrored my emotions when I saw him earlier, before attending my class. And if he's irritated for some reason, why? Kanino naman? At paano naman? Baka dahil sa grades niya? Knowing him, he's an academic achiever, and he's grade-conscious. 

At... Bakit ba ako concerned sa kaniya? 

"This! It's pretty!" 

Halos hindi ko na masundan si Alys dahil sa dami niyang gustong puntahan. Lahat na lang yata ng madadaanan namin ay maganda para sa kaniya. 

"How about you? Wala kang gusto?" She asked me while she's busy looking at the dresses in front of her. 

Paano ako may magugustuhan e hindi ko naman style ang mga nandito? Parang pangbata ang type ni Alys sa damit ngayon? 

"Choose what you want, Prim," Alys said and pushed me a little. 

"Ayaw ko. Wala rito ang gusto ko." Sabi ko kaagad. 

"Ah, nasa ibang babae na 'yon, Prim. Hindi na available. Limited lang kasi 'yon." Barumbadong sagot niya na nagpainis lalo sa akin. 

"Bahala ka na nga!" I irritatedly said as I marched away from her. 

I heard her laugh before I went to a section where I could see what I needed. Nakita ko roon ang mga Tita outfits at mga pangboyish outfit na nagpaningning sa aking mga mata. 

I already had what I wanted in my hands when I saw Alys walking towards me; behind her was Conrad, who was pushing the cart that Alys was pushing earlier. Masama ko siyang tiningnan kahit wala pa siyang ginagawa, kaya kumunot ang noo niya. 

"Sinasabi ko na nga ba! Andito ka lang sa mga Tita outfit mo!" Alys was marching towards me energetically. "Ano? Papaganda ka ulit kay Ad—"

"Alyssa," I groaned. 

Hindi niya talaga ako tatantanan sa Adler na 'yon. He was just a teenage mistake! Pero kung makaasar si Alys ay akala mo hindi niya rin nagustuhan ang pinsan ng Adler na 'yon. 

"Iyan mga gustong damitan niya para sa babae niya, 'di ba? Kaya ba nagiging rich Tita ang datingan mo sa mga event natin?" She wiggled her eyebrows, teasing me in front of his cousin. 

I glanced at Conrad, who's looking at me curiously. He can hear our conversation, and I'm bothered because he might tell it to my brother. I know him; he's gossip. I looked at Alys and glanced at her cousin again. She looked back and laughed. 

"Don't worry about him! Hindi ka niya ija-judge dahil pareho lang naman kayong biktima ng mga Adler," she said as she pulled the clothes on my arm and put them on the basket, below the basket of her clothes. 

Napatitig ako kay Conrad na ngayon ay nakatingin lang sa 'kin. Pati siya ay may past sa isa sa kanila? Biktima ng Adler, huh. 

Sino roon? Si Nahomy ba? Maganda rin naman 'yon, ah. Type niya 'yon. Kung si Alicia, masyadong bata. Sino pa ba ang mga babaeng pinsan ng Adler na 'yon? Hindi ko na maalala. Matagal na rin kasi noong nangyari ang sa amin. 

"Ay, alam mo bang poging-pogi si Prim doon ka—"

I covered her mouth and rolled my eyes at her. "Ang ingay mo," I said. 

Naglibot pa ako kaunti at pumili ng boyish outfit. Habang namimili, ramdam ko ang mga tingin ni Conrad. Hindi na lang din pinansin dahil alam kong nagtataka siya sa mga binili ko. Hindi niya ba alam? Poganda ako. I can do both. A boyish and girly outfit fits on me.

Umalis na rin kami roon pagkatapos magbayad. Hindi ako ang pinaghawak ni Alys sa mga binili ko dahil andoon naman daw si Conrad. Ano pa raw ba ang silbi ng pinsan niya? E 'di, taga buhat ng mga pinamili. 

"Why do I have to carry her things? What am I, her maid?" He asked annoyingly to Alys while we're already walking out from the store. 

I smirked at him and nodded. "Yeah, you just look like my maid," I said. 

He scowled at me; I even winked at him to piss him more. "It's okay; at least I wasn't waiting for an Adler, and there's no assurance that he'll come back to me." 

Ah. 

Tang inang 'yan. 

Personalan pala 'to? 

I heard Alys' loud laugh, which annoyed me more. Itong magpinsang 'to, alam na alam kung paano ako inisin. And how did he know what happened to me and my Adler? Is he investigating me secretly, and he'll tell everything to my brother?

Lumapit si Alys at tinapik ang balikat ko sabay hila sa akin para mabulungan ako. Mas matangkad kasi ako sa kaniya at hindi niya ako abot. Kung sino pa ang mas naunang pinanganak, siya pa pinakamaliit.

"Sabihin mo, 'at least hindi ako ginawang rebound ng Adler ko'," she said. 

I looked back at Conrad, who's smirking, thinking that he won an argument with me. I squinted my eyes at him, trying to formulate words that would annoy him; in that way, he'd stop annoying me. I hope he'll stop when I hit something inside him so that I'll have a peaceful mind already.

"Conrad," I called. 

He looked at me and raised a brow. "What?" He asked before averting my gaze.

"Alam mo ba, sinearch ko 'yung Rebound by Silent Sanctuary, 'tapos pangalan mo lumabas. Rebound ka pala?" I fired. 

His eyes widened in shock, and irritation filled his eyes when he looked at me. He grated his teeth, and I smiled at him. At least, iniwan lang ako, siya ay rebound. Mas masakit pa rin 'yon. Mahal siya dahil siya lang 'yung nandoon.

"At least, I can still see her." 

"At least, I wasn't a cover-up from his past." 

"At least, I'm not hoping for him to come back." 

"At least, I didn't beg." 

Natahimik siya sa huling sinabi ko. Alys looked at me and raised a brow. I shrugged; I didn't beg for Adler to stay with me, even though I was on the verge of begging him to stay. I don't want to see myself begging for a man because I am my father's daughter. I am my father's only daughter, and I don't want him to know that I beg and I stoop down on that level—that I am begging for affection and love. 

"You'll commute," Conrad said to me. 

Wala namang kaso sa akin. I know how to commute, and I know where I will stop to reach my place. Ano'ng akala niya sa 'kin? Hindi ko alam magcommute?!

I smirked. "E 'di, magpapasundo ako kay Shiloh," I said to piss him more. "Iwan mo na lang diyan mga gamit ko, ah?" 

Naglalakad na kami papunta sa parking lot. Hindi na natuloy ang balak naming pagkain dahil sa bangayan namin. Pati si Alys, nawalan ng gana sa amin dahil nagsisimula na naman kami. We're just annoying each other until we find ourselves in the parking lot. 

His jaw clenched, and he looked at me like I did some crime. "Call Simon instead." 

I stared at him, and he did the same thing. Why would I call my brother if Shiloh is there? Why would I call someone else if Shiloh is available at the moment?

Ngunit dahil sa sinabi niya kagabi ay agad akong natigilan. I rolled my eyes and scoffed. Malamang, si Kuya na talaga ang tatawagan ko dahil baka matanong ko nang diretsyahan si Shiloh patungkol doon sa sinabi ni Conrad kagabi. 

"Isabay mo na kasi! Ang childish mo naman," Alys interrupted. "Para kayong mga bata kapag nagkaharap na kayo! Hindi ba kayo napapagod?"

He threw a glance at her before shaking his head. Aba't demonyo talaga 'tong Arkanghel na 'to! "She pissed me off; she deserves that. And I won't get tired pissing her off."

I balled my fist and watched him leave my things on the floor. He smirked annoyingly. I glared at him, and he just shrugged. Talagang kapatid niya si Satanas sa kagaguhan niya. Talagang iiwanan niya ako rito? Wala ba siyang puso at awa?

Isa pa, Conrad, makakatikim ka na sa akin. 

Arkanghel nga ang first name, demonyo naman ang ugali. Bakit ba nagiging demonyo ang mga may pangalan na banal? Kabaliktaran ang pinapakita kahit banal ang pangalan, parang si Conrad lang. Arkanghel Conrad pero demonyo naman.

"You started this; I'm just ending it," he said to me. Inayos niya ang mga paper bag ng damit ni Alys bago ako talikuran at pumunta na sa kotse niya.

"Ma-flat sana gulong mo," I whispered to myself. 

I marched towards them and picked up the paper bags. Inirapan ko pa siya habang nakatalikod siya sa akin dahil naglalakad na siya papunta sa sasakyan niya. Wala kasi ang sasakyan ko dahil sumabay lang ako kanina kay Alys. Sinundo pa kasi ako! Wala tuloy akong kotse pauwi!

"Iiwan mo ako rito?" I asked Alys in disbelief. 

"Babe, may sasakyan ako. Pinabuhat ko lang sa kaniya para may silbi naman biceps niyang fline-flex niya," she replied. "At, hindi tayo same way para isabay kita. Ayaw naman kitang ipasabay sa kaniya dahil baka mabalitaan ko na lang na nabunggo na kayo dahil sa pag-aaway niyo." 

"Isabay mo na lang ako! I'll pay for your gas!" I pleaded. 

She smiled apologetically at me. Mukhang alam ko na ang pinapahiwatig niya. "May date ako," ngumuso siya. 

Ngumiwi ako at umirap. "Uunahin mo 'yan kaysa sa akin na best friend mo?" 

"Babe, may benefit ang date na 'to sa akin. Baka mag-increase allowance ko kapag sinipit ko 'to," she said, almost giggling. 

"Triplehin ko pa 'yan." Inis kong sabi. 

Baka busy si Kuya sa kumpanya. Lalo na at nagte-training na siya ngayon para kapag nagretire ang Daddy ay siya ang papalit, kung hindi na babalik si Kuya Vance. 

Ayaw ko naman istorbohin siya dahil baka sa akin niya ipagawa ang mga dapat niyang gawin. Bwisit na buhay 'to, hindi na lang maging payapa. 

I want to call Ivor since I'm close to him a little, but I'm shy to disturb him. Baka busy rin siya ngayon. Ang alam ko, hanggang gabi siya ngayong school year. Gano'n ba kapag Engineering, masyadong busy?

Nakasimangot kong sinundan si Alys hanggang sa tumigil kami sa kotse niya, katabi ng kotse ni Conrad. He was leaning on Alys' car, watching our every move. I didn't stop myself from rolling my eyes at him when his eyes met mine. 

"Tumigil kayong dalawa, ha! Kanina pa kayo!" Alys said when she saw me rolling my eyes at her cousin. 

"She's starting again, wala naman na 'kong ginagawa," he said with an accent. Muntik na 'kong matawa dahil parang hirap siya magsalita ng Tagalog. 

Sabagay, laking US nga naman kaya hindi sanay sa Tagalog. Pero ang kapatid niya ay sanay na sanay naman, ah. Ewan ko lang diyan, maarte kaya ganiyan. 

"Paano ako uuwi nito, Alys? Wala si Kuya, busy 'yon. Baka ako pa tirisin n'on kapag tinawagan ko," reklamo ko sa mahinang boses. 

Natawa siya at kinurot ang pisngi ko. "Itong pogandang 'to ang daming reklamo. Akala ko ba independent ka na?" Pang-aasar nito sa akin. "Isasabay na kita, pero huwag kang magrereklamo kapag nakita mong naghali—"

"Ayaw ko na nga! Magko-commute na lang ako kaysa makita ko kabastusan mo!" Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya dahil ayaw kong marinig 'yon. 

Itong babaeng 'to, hindi alam i-preno ang bunganga kapag dadalawa kami. Hindi ko nga alam kung ganito siya sa bahay nila dahil kakaiba rin siya. 

Malakas siyang natawa at sinundot pa ang tagiliran ko. Nakakainis lang kasi hindi naman dapat ako namro-mroblema ng ganito kung wala lang 'yang pinsan niya. 

"Andrada," Conrad called. 

"What?!" I snapped. 

"Hop in on my car; I'll drive you home." 

My eyes widened. "Ano?!"

"Sumakay ka na sa akin, ako ang maghahatid sa 'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro