EPILOGUE
And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.
-Romans 8:28
EPILOGUE
[Golda's POV]
PAANO nga ba magpatawad?
May nakakaalam ba? May tamang formula at step by step tutorial ba sa YouTube.
Alam ko, hindi madaling magpatawad.
Mas madali kasi 'yung magturuan, 'yung magsisihan. Mas madaling maghiganti kaysa palampasin ang mga pagkukulang ng bawat isa.
Noon ko lang nakitang humagulgol si Gil nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pinto.
Hindi ko rin ine-expect na totoo ngang nandito pa rin siya sa Pilipinas at kailanma'y hindi nagtungo ng ibang bansa para iwanan ako.
Oo na, ang tanga ko na noon kung basta ako naniwala sa fake photos na pinadala sa email ko.
Mas madali rin kasing maniwala sa mga kasinungalingan kapag nagkaroon na ng lamat 'yung relasyon ng isa't isa. Para lang masabi at mapatunayan na, 'Ah, sabi ko na nga ba at tama ako'.
Hindi rin madali na aminin na ako ang masyadong mapagtaas kaysa sa'ming dalawa. Kaya ako na ang unang humingi ng tawad sa kanya.
"I'm sorry—" pero isang mahigpit na yakap ang sinagot niya sa'kin bago pa ako makapagpaliwanag. Sa yakap na 'yon, kahit walang salita'y alam kong naniniwala siya na hindi ko siya kayang pagtaksilan.
Bigla akong nahiya sa sarili ko dahil siya nga ay hindi ko man lang sinubukang i-verify kung totoo ba 'yung natanggap kong balita.
Minsan talaga tinuturan tayo ng leksyon sa malupit na pamamaraan. Ngayon, nagtanda na ako. Huwag basta-basta magiging tamang hinala.
Wala na akong ibang nagawa kundi lumuha rin sa balikat niya.
Hindi ko nga alam kung gaano kami katagal sa pintuan nang magkayakap lang.
Sa dami nang nangyari at alam ko parehas kaming maraming gustong sabihin sa isa't isa. 'Yung mga dapat ganito ganyan at sermon pero parang natunaw na lang lahat ng 'yon.
Ang tagal-tagal kong na-miss ang ganitong pakiramdam. 'Yung sapat na 'yung yakap ng taong mahal mo para maibsan lahat ng sakit na nararamdaman mo.
Sa mga bisig niya muli kong naalala ang nakaraan—at mula roon ay nakakuha ako ng pag-asa. Hindi man naging maganda ang ilang bahagi ng nakalipas ay hindi ibig sabihin nito'y wakas na ang libro ng buhay namin dito sa mundo.
Dala ng kasabikan at bugso ng damdamin, dinala kami ng mga paa namin parehas sa kwarto at doon pinagsaluhan ang matagal naming pinagkait sa isa't isa.
Pagkatapos ay saka kami nag-usap nang masinsinan. Bago pa pala ako makabalik ng Maynila ay naipaliwanag na sa kanya ni Blake ang sitwasyon kaya handa na siya pag-uwi ko. Humingi ulit ako ng tawad sa kanya pero tinakpan ng daliri niya ang labi ko.
"Tama na," marahan niyang sabi. "Marami rin akong pagkukulang sa'yo at aminado ako na halos sukuan na kita. Nang marinig ko rin 'yung balita muntikan na akong naniwala. Kaya sorry . . . Sorry, Mahal. Patawarin mo ako."
"Kung gano'n, it's a tie lang pala." Natawa kami parehas. Muli akong sumeryoso, at mas hinilig ko lalo ang ulo ko sa balikat niya.
For some reason ay hindi namin nabuksan ang usapan tungkol sa anak namin. Marahil, parehas pa ring masakit sa'min na maalala ang pagkawala ni Joanna. Pero sa pintig ng mga puso naming dalawa, alam ko, naroon siya.
Hindi man agad-agad makakalimot kami sa trahedyang nangyari. Unti-unti, hindi pa huli para magsimulang maghilom ng puso naming dalawa.
"Wala ka na bang balak bumalik sa Damgo?" tanong ni Gil kinabukasan habang sabay kaming nag-aalmusal.
Natigilan ako saglit para mag-isip. "Hindi ko alam, Mahal." Tumitig lang siya sa'kin. "Ang nasa isip ko ngayon, gusto ko lang maghilom tayong dalawa." Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay.
Hindi kami nagtangkang magbukas ng TV dahil baka kung anong masamang balita lang ang marinig ko tungkol sa'kin. Ang huling balita ko kasi kay Blake ay medyo hindi pa rin nauupos ang apoy sa social media lalo pa't kamakailan lang ay lumabas sa publiko si Theo para manataling matatag sa pinaglalaban at pananampalataya niya.
Hindi ko rin naman siya masisisi. Kung iyon ang inuutos sa kanya ng Diyos para lumaban, wala akong problema roon.
Pero ako? Napagtanto ko na ang gusto ng Diyos para sa'kin ay lumaban sa ganitong paraan. Posible naman 'yon, 'yung lumaban ka na ang kasama mo lang ay 'yung mahal mo sa buhay, 'yung hindi muna nakikita ng ibang tao.
Besides, kampante na ako dahil nakatanggap ako ng mensahe mula sa bruhang si Mima kanina lang.
"Kapitanaaaa, I'm so sorrrryyyy!" aminado ako na pinaghalong inis at na-miss ang naramdaman ko nang marinig ko ang boses niya mula sa audio clip na pinadala ni Blake sa email ko. Halos hindi ko nga maintindihan ang boses ni bakla dahil pinaghalong hagulgol at singhot ang naririnig ko.
Humihingi siya ng sorry dahil inaamin niya na siya ang salarin kung bakit ako nalasing ng todo at nawala sa ulirat noong gabing 'yon. Siya rin 'yung tumulong sa mga hoodlum na dalhin ako sa motel para i-set up kami ni Theo.
Hindi ko alam kung paano at saan nahanap ni Blake si Mima, pero sadyang iba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan ng pera. Ang sabi ni Blake ay kasalukuyang nagtatago si Mima para na rin sa proteksyon nito.
Pumayag si Mima na maging witness para linisin ang pangalan ko at para ituro ang mastermind ng pag-set up sa'min ni Theo na walang iba kundi ang bruhildang si Winona ang Vice-Mayor na galit na galit at insekyora sa'kin. Sa ngayon, pinag-iisipan ko pa kung babalik pa ba ako ng Damgo para ipagpatuloy ang paninilbihan sa mga ingratang taumbayan. Actually, wala na akong pananaw sa mga opinyon ng ibang tao tungkol sa'kin. Bahala na sila kung maniwala sila o hindi, basta ang tanging hangad ko lang ay manahimik ngayon kasama ng taong mahal ko.
"Paano ba natin mababayaran si Blake?" tanong ko sa asawa ko at halatang napaisip din siya. "Siguro ipangalan na lang natin sa kanya 'yung susunod nating anak kung magiging lalaki."
Tumitig sa'kin si Gil at hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. "A-are you ready again to . . ."
Tumango ako at bigla siyang tumayo para yakapin ako nang mahigpit.
Sa pagwawakas ng yugto, ito na siguro ang bagong simula para sa'ming dalawa.
*****
[Theo's POV]
"GARNET, get up." Kahit anong pilit ko sa kanyang tumayo siya ay nanatili pa rin siyang nakaluhod sa harapan ko. Galilee was still shocked behind me, lumingon ako sa kanya at sumenyas na pumasok na sila ni Juniper sa loob ng bahay.
"Let me express my utmost regret, Sir Theo," sabi niya habang nakayuko pa rin. "B-because of me . . ."
"Wala kang kasalanan, Garnet."
"It's because of me! Kung hindi kita inimbitahan na sumama sa'min hindi mangyayari ang eskandalo na 'yon. I'm really sorry, Sir Theo. I don't deserve your forgiveness." Yumuyugyog ang balikat niya kaya nang yumukod ako sa harap niya'y nakita ko ang pagluha niya. "K-kung alam ko lang na parte ng militant group si Jordan—h-hindi ko na sana tinangka pa na imbitahan ka sa Damgo—"
"Garnet, I already told you. I'm not mad or angry at you. Sige na, tumayo ka na riyan." Sumulyap ako sa paligid at nakita ang mangilan-ngilan naming kapitbahay na nakikiusyoso sa nangyayari.
Mukhang napagod na rin si Garnet dahil naakay ko na siya patayo at papasok sa loob ng bahay. I gave him a comforting counsel and I explained why I'm not mad at him. Katulad nang ibinahagi ko noon kina Molly, Golda, at Blake, I also shared to him why all things work together for good.
I also assured him that despite of the scandal and character assassination, God is still good and never abandoned me in this fiery ordeal.
Even though I lost many friends and people, I gained many as well ever since I showed up unexpectedly sa isang rally sa Mendiola. It was like a moment of madness from other people's perspective because I could have been mobbed and worse—killed.
But there I publicly declared my faith, that despite the allegations I won't stand back in my belief.
After that event, very few people approached me and for some reason put their faith in me.
"That's why, kahit na iniwanan ako ng maraming leader at members ng church namin, we're still standing because there are still people who believe that I'm innocent."
Thanks to Blake and Molly's effort. Blake, finally finds Mima, the secretary of Golda, and makes a public confession that he's part of the setup. Molly used her platform and influence as a known writer to support me and Golda, even though she suffered a backlash, still it helped to change the public perspective on the issue.
And just recently, Garnet stepped forward to speak up publicly, and it was also a great help.
"Let me atone for my sin." Sa hinaba-haba ng sinabi ko ay iyon lang ang sinabi niya.
"I told you, hindi mo kasalanan—"
"Love." Napatingin ako kay Galilee na hinawakan ako sa balikat. We just stared at each other at pakiwari ko'y nakuha ko na kung anong gusto niyang iparating.
I sighed. "Alright, if you said so, Garnet, then maybe I can ask you to help us to rebuild our church."
Nabuhayan ang mga mata niya nang marinig 'yon. "It would be my pleasure to help."
"And maybe you can give Juniper free art lessons," biro ng asawa ko.
"Gal naman."
"What?"
"It's alright with me," nakangiting sabi ni Garnet.
The battle in this issue is far from over. People will be always people and their opinions will never end. But . . . who cares? As long as I know that my God's opinion is way more important than men's. Who cares?
What matters is that we're moving forward . . .
And this ordeal just tested the true ones from not. Though isa-isang bumabalik ang mga dati kong leaders at members para humingi ng sorry. Siguro, sadyang alam ko na kakampi ko ang Diyos sa lahat ng pagkakataon.
At sino ako para hindi sila tanggapin ulit?
We're all the prodigal sons of God.
*****
[Molly's POV]
KAKATAPOS lang ng hearing sa korte. So far, alam kong lamang ang kampo namin.
Sa halos pamamalagi ko rito sa korte, hindi na ako magtataka na baka court drama ang susunod kong maisulat na nobela. Who knows?
My publisher agreed to help me to sue Arthur since I made sure that I had pieces of evidence to support that the original story came from me because I kept my original notes. Kapag tuluyan naming naipanalo ang kaso ay malaki rin ang mababawi namin.
Too bad, everything has a cost sabi nga nila.
Lumabas sa publiko ang issue dahil sikat si Arthur at best-seller ang librong naimprenta niya. Dahil nga rito'y napost-poned ang production ng dapat sana'y movie adaptation nito. As expected, I am the villain again in the public's eye. Siguro dahil mas sikat si Arthur at 'di hamak na mas malawak ang fan base niya?
At lumantad na nga ang naging relasyon naming dalawa.
People called me names, mas malala ang natanggap kong backlash ngayon kaysa noon. And this time, my family and close friends finally knew it.
I'm thankful to my family, especially to my parents, for standing with me. Even though I know deep inside malungkot sila sa mga naging life choices ko na nagdulot sa'kin ng gulong kinasasangkutan ko.
Sometimes, we just accept things when they don't go well and move forward to try to fix them. Hindi man tukuyang maayos ay at least sinubukan mong lumaban.
I'm just grateful that I was able to handle this well compared to the first time I experienced public persecution.
After receiving the news about Golda and Sir Theo, na-inspire ako na lumaban lang din katulad nila. Even though I tried to defend myself na hindi ko alam na may asawa't anak na si Arthur, marami pa rin ang hindi naniwala sa'kin. Pero okay lang. Wala naman na akong magagawa sa kung anong iisipin ng iba.
Alam ko, magiging okay din ang lahat. Hindi na ako nag-iisa.
I was waiting for my Grab outside the courthouse when three well-dressed woman approached me. Ang akala ko kung anong gagawin nila sa'kin pero nagsalita ang isa.
"We saw what you did," sabi ng mestizang babae. "We believe in you, Molly."
Halos mapanganga ako nang marinig 'yon. Nagsalita naman ang isang babaeng chinita. "Like you, niloko rin kami ni Arthur, he claimed that he's a bachelor and worse, pinagsabay niya kaming dalawa while his wife was pregnant." Tinuro niya ang kasama.
"We're here because we want to help you," sabi naman ng babaeng blond ang buhok. "We'll help you to bring Arthur Simoun down."
Hindi ko maiwasang mapangiti. How silly of me to think this, what a good plot for a story.
"As long as we're not going to be a murderer or a criminal. I'm in," sabi ko at napangisi rin sila.
This is going to be exciting.
THE END
-xxx-
A/N: Message from the author will be posted later. There will still be also special chapters.
THANK YOU SO MUCH FOR READING WHERE DEAD DREAMS GO. GOD BLESS YOU!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro