Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/7/ Where Feet May Fail

"You call me out upon the waters
The great unknown where feet may fail
And there I find You in the mystery
In oceans deep my faith will stand"


/7/ Where Feet May Fail

[THEO'S POV]

SUMILIP ako sa kusina at nakita siya na abala sa paghuhugas ng pinggan. I hesitated at first but in the end, I let my feet moved towards her. Mula sa likuran ay niyakap ko siya kaya saglit siyang natigilan.

"Theo, may ginagawa ako," aniya saka pinagpatuloy pa rin ang paghuhugas. I didn't mind kung mabasa rin ang mga kamay ko.

I rested my chin on her shoulder. She didn't flinch but I can still feel that she was pissed.

"I'm sorry," I said. "Alam kong dapat pinag-usapan muna natin 'yon pero nauna na akong magdesisyon."

Hindi siya kumibo.

"Gal... I hope you understand—"

"Oh, I completely understand, Theo," she said sarcastically. Mas lalo siyang nanggigil sa plato kaya tumalsik lalo ang tubig. Pagkatapos ay tumigil siya, huminga nang malalim saka pumihit paharap sa'kin kaya napilitan akong bumitaw sa kanya. "I'm sorry for being selfish," she calmly said.

I shook my head. Pero bago pa ako makapagsalita ulit ay tinakpan ng daliri niya ang bibig ko.

"To be honest, I really feel bad because ever since you got involve in the anti-death penalty campaign, I'm worried all the time to the point na nagi-guilty ako kasi pakiramdam ko ay humihina ang faith ko sa kanya," she look upwards then she looked at me again, "As your wife and as Juniper's mother, hindi ko maiwasang mag-alala sa mga hindi magandang atensyon na nakukuha niyo sa ibang tao."

Napakunot ako. "What do you mean? Si Juniper? What's with her?"

She sighed again, parang matagal na niyang gustong sabihin sa'kin ang bagay na 'yon.

"She told me not to tell you because she doesn't want you to be worried," sabi niya. "May mga kaklase si Juniper sa school na may mga sinasabi sa kanya—" tumigil siya bigla saka tumingin sa kawalan. "Nahihiya ako sa sarili ko dahil mas malakas pa ang loob ng anak ko kaysa sa akin."

Hinila ko siya para ikulong sa bisig ko. I see, hindi naman talaga siya nagagalit dahil sa biglaan kong pagdesisyon na sumama sa volunteer group nila Garnet. God, she's so worried. I love her.

"Everything's going to be fine, Love," I said.

Gusto ko sanang dumaan sa kwarto ni Juniper pero nasilip ko siya na abala sa paggawa ng assignment kaya minabuti ko na lang na dumiretso ako sa office ko. Pagbukas ko ng tablet ay sumulpot ang sandamakmak na notifications na karamihan ay mga messages.

'Pastor, we're always praying for you and your family. Keep doing God's work.'

I smiled when I saw that one message. Pag-scroll ko ay halos karamihan ay puro well-wishes ang mga mensahe mula sa mga kakilala at sa community ng church namin.

Binuksan ko 'yung isang message mula sa pinsan kong si Frida.

'Hindi ko 'to matanggap, pinsan! Grabe sila sa'yo! Hope u're okay, huhu.'

She attached a video clip that's currently circulating online. The video automatically played at nakita ko ro'n ang sarili ko na nasa podium, na-cut 'yung mga naging usapan beforehand at nakuhaan ng camera ang eksenang binato ako ng itlog ng isa sa mga audience kasunod ang malakas na hiyawan. Sunod na nakita sa video na naglulupasay ang isang ginang habang hawak ang isang malaking picture frame ng isang dalaga, nangibabaw ang pag-sigaw ng mga tao sa paligid.

"Justice for Princess! Ibalik ang death penalty! Justice for Princess! Ibalik ang death penalty!"

The conference I attended earlier was ambushed by the pro-death penalty activist. And much to the crowd's surprise ay kasama ang pamilya ng kamakailang naging biktima ng isang karumal-dumal na krimen...

Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari ay baka nagdalawang-isip ako na tanggapin ang imbitasyon na maging speaker. But again... It was like planned for me to be there.

Umupo ako sa swivel chair at inalala ang mga pangyayari. Noong una'y maayos naman ang takbo ng conference, sa bandang dulo ay may question and answer portion na kaagad akong inulan ng mga taong hindi sang-ayon sa paniniwala ko.

"Mr. Gomez, you're clearly against the legalization of the death penalty, are you even aware of the separation of church and state?"

"Yes, I am well aware of it. However, I am still a citizen of this republic and it's still my right to express my disagreement to legalize the death penalty. Sadyang nagkataon lang na mayroon akong spiritual point of view to assess my judgment."

"Well, kasama rin sa freedom ng ibang mga tao na i-reject ang spiritual point of view mo, Mr. Gomez. What about those who don't believe the same way as you do?"

"I understand what you're trying to imply. But we're a majority Christian country. At sabihin na lang nating alisin natin ang paksang relihiyon dito. Kahit na huwag na nating ipasok ang aspeto ng spiritual sa usapang ito, hindi ba't common sense lang naman na hindi tama ang death penalty? Lalo na kung hindi maganda ang justice system dito sa bansa natin."

Pagkatapos ay nagpalakpakan noon ang mga tao. Pero hindi pa rin nagtapos doon ang debate tungkol sa usaping 'yon.

"Well, you're right na unfair ang justice system dito sa Pilipinas, pero trabaho 'yon ng mga pulitiko para ayusin ang trabaho nila. But criminals are getting out of hand these days, hindi na sila nakakatulong sa sosyedad kaya hindi ba't mas magandang gamitin 'yon para mabawasan ang masasamang tao?"

"A sin cannot justify another sin, that's what I believe. It would only breed injustice and hatred. Besides... Kaya lang naman natin nasasabi na deserve ng mga kriminal ng death penalty ay dahil sa tingin natin ay sobra silang makasalanan kung ikukumpara sa atin." Huminto ako noon saglit para huminga nang malalim, alam ko na noong mga sandaling 'yon na iyon ang pagkakataon para maibahagi ko sa kanila ang mensahe. "But friends... We're actually no better. Aren't we all sinners that also deserve death?"

Umugong ang bulungan nang sabihin ko 'yon pero hindi ko hinayaang mawala ako sa sarili kaya sinamantala ko ang katapangan na ibinigay sa'kin noong mga sandaling 'yon.

"Yes, you heard me right. We're all sinners that deserve death but God loves us so much that He sent his only begotten son just to save us. Jesus died in that cross in our place. At sino tayong mga nilalang lang ng Diyos para magdikta na dapat mamatay ang isang tao? Kung ang Diyos nga ay kaya tayong patawarin at bigyan ng maraming pagkakataon para magbagong buhay, bakit hindi natin kayang ibigay 'yon sa iba?"

Natahimik na sila noong mga sandaling 'yon. Lahat ng mga mata nila'y nakatutok sa'kin. Nang may magtaas ng kamay, isang teen-ager na babae, tumayo ito at nagsalita nang makuha ang mic.

"Umm... Question lang po, Pastor. Paano po kung ang isang tao na gumawa ng grabeng kasalanan, 'yung as in napakasama na pumatay, nagnakaw, 'yung talagang napakasama ng budhi—mapapatawad po ba 'yon ng Diyos?"

Bahagya akong napangiti noon dahil alam kong mahihirapan ang iba na tanggapin ang sasabihin ko. "Yes. That person, no matter how rotten he was, as long as he repented and go back with God—he will be forgiven."

Nagtanong pa ulit ang babae. "If that person was forgiven by God... Then... He'll be able to go to heaven? Kahit na gumawas siya ng malaking kasalanan?"

"Yes, as long as he truly repented, he will be saved from the depths of hell," I said without blinking.

Naghalo ang reaksyon ng mga manonood. Maraming pumalakpak pero nangibabaw din ang ingay na sumigaw ng pagkutya.

"Boo! Kung ganyan lang din pala ang mga tipo ng tinatanggap sa langit, mas gugustuhin ko na lang sa impyerno!" sinundan 'yon ng tawanan at iba pang reaksyon.

Unti-unti nang naging magulo ang paligid dahil naghalo-halo ang mga taong may iba't ibang paniniwala. Muli lang natahimik ang lahat nang biglang tumunog ang gasgas ng mikropono, nang mawala 'yon ay may lalaking nagsalita.

"Ang tanong ko naman sa'yo, Pastor, paano kung anak mo ang ginahasa at pinatay? Kaya mo bang sabihin 'yang mga pinagsasasabi mo?" pagkasabi no'n ng lalaki ay muling umugong ang ingay. Kaagad kong namukhaan ang lalaki.

Tila bigla akong naparalisado noong mga sandaling 'yon dahil nakamamatay ang titig na pinukol sa'kin ng lalaki. Saka ko nakita ang mga nakapaligid sa kanya, mga aktibista na gustong isulong ang death penalty, may mga hawak silang larawan at malaking banner na itinaas nila para makita sa camera.

Inagaw ng isang babae ang mic mula sa lalaki. "Are you even saying that if a man rapes and slays another human being is that God will forgive that person? What bullshit! You're bullshit! We won't forgive it! That person also deserves to die!"

Nang matitigan ko ang larawan na bitbit nila'y natulala lang ako sa maamong mukha ng babaeng 'yon. She was too young... there was so much for her future but she was... she was...

"Justice for Princess! Ibalik ang death penalty! Justice for Princess! Ibalik ang death penalty!"

Sa isang iglap ay nagkanda-letse-letse ang paligid. Hindi ko na napansin ang lumilipad na bato noon at tumama 'yon sa noo ko dahilan para matumba ako sa stage. May dumalo sa akin para tulungan akong tumayo pero bigla akong hinigit ng taong 'yon at niyugyog ang magkabilang balikat ko.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihing may kapatawaran para sa mga walangyang kriminal! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka na naawa sa anak ko! Ang anak koooo! Kawawa naman ang anak kooo! Sabihin mo sa Diyos mo! Bakit niya hinayaang mangyari 'yon sa anak ko?!" nang maging malinaw sa'kin kung sino ang taong 'yon ay saka ko nakita ang nanay ni Princess na lumuluha. Kung hindi pa siya hinila ng security palayo ay hindi siya maaawat.

"Daddy?" Bigla akong nagbalik sa kasalukuyan. "Why are you crying?" kaagad kong pinahid 'yung luha sa pisngi ko nang mamalayan kong nasa harapan ko na si Juniper.

"Hi, anak," patay-malisya kong sabi.

She knew it instantly why. Lumapit siya sa gilid ko at walang salitang niyakap ako. I hugged her back as I shut my eyes.

"...paano kung anak mo ang ginahasa at pinatay? Kaya mo bang sabihin 'yang mga pinagsasasabi mo?" Pinilit kong alisin 'yon sa isip ko pero hindi ko maiwasang mapaisip kung... Paano... Anong gagawin ko?

"Daddy, I'm proud of you," dinig kong sabi ni Juniper habang nakayakap sa'kin.

"I'm sorry if because of me you're having a hard time in school. Are they bullying you?"

Umiling si Juniper. "It's nothing, Daddy. I'm not bothered at all. 'Di ba, sabi mo sa'kin na sabi ni Jesus, 'Blessed are you when people insult you, persecute you, and falsely say all kinds of evil against you because of me."

I moved her away to see her face. Wala man lang kahit anong bakas ng pangamba sa mukha niya! God, thank you for my child's faith. I should be ashamed of myself.

"I'm prouder of you, my daughter. You're so strong."

Juniper smiled widely and kissed me on the cheek.

"What's this? What am I missing out?" sabay kaming napatingin sa pintuan at nakita ro'n si Galilee na nakapamewang.

"Si Mommy naiinggit!" pang-aasar ni Juniper kaya napatawa kami.

"Come here, Love," tawag ko sa kanya. Lumapit din sa'min si Galilee at nagyakap kaming tatlo.

God, I love them so much. I don't want to leave... But... I had to. For you.


*****

[MOLLY'S POV]

PINAGHALONG excitement at kaba, iyon ang nararamdaman ko nang makasakay ako sa ferry. Kung may option lang talaga na mag-eroplano ay mas pipiliin ko 'yon, kaso wala akong choice. Please, huwag naman sanang mag ala-Titanic 'to.

But despite the fear, I'm still thrilled because of the new experience. Actually, everything on this is a new experience even though it's kind of... bizarre... Cole, did you set this up? How could you even know? Mababaliw lang ako sa kakaisip.

Pagkatapos kong maitabi 'yung mga gamit ko sa tutuluyan kong suite room ay lumabas ako para mag-explore sa ferry. Napadpad ako sa upper deck at talagang nagsink-in sa'kin na nasa dagat kami naglalakbay.

I tried to fight the fear at pumunta ako malapit sa railing para tanawin ang dagat. I inhaled as I feel the gust of the wind in my face. Kulang na lang ay itaas ang dalawang kamay ko at magpatangay sa hangin.

This is not a coincidence at all.

Papunta ako ngayon sa isla kung saan kinuhaan ni Cole ang video clips na may pamagat ng Where Dead Dreams Go, sa lugar din kung saan ay biglaang may nag-imbita sa'kin na maging speaker... At ang taong nag-imbita sa'kin ay kaibigan ni Lulu na assistant ng editor ko na si Miss Zoe.

It's crazy. Mind-blowing. As if there's a writer out there who planned this events. Tumingala ako. Minsan napapaisip ako na 'yung buhay ko ay parang palabas kung saan ako ang bida, na may writer at direktor sa likuran ng lahat ng 'to. Paano kung napapanood ako ng buong mundo?

Shut up, Molly. Ano 'to? The Truman Show?

I remember that 90s movie, it's about a man who had no idea that he's entire life is fake and being captured by hidden cameras. Nabasa ko nga rin noon na nagkaroon nga ng tinatawag na The Truman Syndrome ang mga tao dahil nagkaroon sila ng delusyon na baka isang malaking staged reality TV show ang buhay nila na baka may mga hidden cameras na nagtatago sa paligid nila.

Iiling-iling lang ako at 'di ko mapigilang matawa sa sarili ko. Kung makikita ako ng iba ay malamang mapagkakamalan akong nababaliw na ako.

Pero what if lang naman, hindi ba? What if kung 'yung 'diyos' pala na nasa itaas ng langit ang nasa likuran ng buhay natin? Pagkatapos ay mga alien ang nanonood sa malaking life experiment na 'to.

I sighed. I'm thinking too much. I just couldn't comprehend some of the cruel events in the world lately. May kumalat na deadly virus sa mundo na kinamatay ng maraming tao, sumabog ang gera sa kabilang bahagi ng mundo, araw-araw na lang yata maraming nangyayaring hindi maganda... And lately may kumakalat na balitang ibalik ang death penalty dahil sa rape and slay case ng isang inosenteng dalagita.

How... How could all those cruel things happen?

Mayamaya'y biglang dumilim ang kalangitan. Uh-oh, did I upset god or something?

"Uulan na, Miss, let's go back." May isang lalaki na lumapit sa'kin. "What a coincidence that you're here too."

Noong una'y napakunot ako dahil inaalala ko kung sino siya. Napatitig ako sa suot niyang kwintas na may maliit na silver cross. Nakita ko na siya noon...

"It's me, the guy who accidentally eavesdrop on your therapy session. Dr. Czarina's nosy nephew."

"Ah..." iyon lang 'yung nasabi ko at nauna na akong naglakad pabalik sa lower deck.

Kaso biglang lumakas 'yung hangin kasabay ng paggewanng ko sa kinatatayuan ko. B-biglang lumakas 'yung alon.

Nang dumaan 'yung lalaki sa gilid ko'y bigla ko siyang hinawakan sa braso para hindi ako matumba. Tumingin siya sa'kin.

"Need help?"

Walang kibo na sabay kaming naglakad pabalik sa suite area. Hiyang-hiya ako dahil para akong kuting na takot na takot.

"S-sorry sa abala."

"No worries," sagot nito saka bahagyang ngumiti. "How are you, Molly?"

"K-kilala mo 'ko?"

"Of course, my friend recommended your book to me, I enjoyed it, Wake Up, Dreamers."

Naramdaman kong nag-init 'yung pisngi ko. "T-thanks." Hindi ko kasi 'yon ine-expect, ang akala ko ay dahil sa Tita niya ang therapist ko. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero pakiramdam ko'y ang rude ko kung hindi ko siya tatanungin. "Umm... Ikaw si?"

"I'm Blake," sagot niya. "Blake Godini." 

-xxx-


A/N: Thank you for reading. See you next chapter! May the LORD be with you always. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro