Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/4/ Answering the Call

There's a faint knock
on my heart.
It's a relentless 
the force that shouts,
You are Mine,
my Beloved.
you are worthy of
My love.

Chapter 4:
 Answering the Call

[MOLLY'S POV]

"I'M really sorry if at short notice 'yung pagpunta ko rito." Tinaasan lang ako ng kilay ni Alexa bago ako patuluyin sa loob ng bahay nila.

"Alam mo, kanina ka pa nagso-sorry sa phone," aniya. Napangiti lang ako. Some things never change, she's grumpy as ever.

"Oo nga pala," inabot ko sa kanya 'yung bitbit kong plastic, "pasalubong."

"Nag-abala ka pa."

Ito ang unang pagkakataon na dumalaw ako rito sa kanila. Tahimik ang buong bahay kaya 'di ko maiwasang magtanong. "Where are your kids?"

"Ah, nasa music school sila, si Jarvis muna 'yung nagbabantay sa kanila ro'n. Mayamaya ring mga ala singko uuwi na sila." Tumango-tango na lang ako.

Nang makarating kami sa sala ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mga picture frame na naka-display. Hindi pa rin naaalis ang ngiti ko sa labi. Seeing the happy faces in those photographs made me a little bit envious, how lucky Alexa had loving children and a husband.

Natigilan din si Alexa nang mapansing nakatingin ako sa mga pictures nila.

"Your kids are adorable," sabi ko.

"Naku, ewan ko na lang kung sabihin mo ulit 'yan kapag na-meet mo ang dalawang pasaway." I slightly chuckled when she said that.

"So, how was it? How's being a mom?" Dinala ako ni Alexa sa courtyard at doon kami nag-usap.

Napabuga ng hangin si Alexa. "Mahirap na masaya, pero worth it," sabi niya sabay higop ng tsaa. Inalok niya rin akong uminom at kumain ng pasalubong kong pastries.

"I guess may mapagtatanungan na ako kung sakali." Muntik nang mabuga ni Alexa 'yung iniinom niya. "Hey, okay ka lang?"

Napaubo si Alexa bago nagsalita. "Ako nga ang dapat magtanong niyan sa'yo, my gosh!" Pinanlakihan pa niya ko ng mga mata. "Anong nangyari? In a relationship ka na ba ulit? Mag-aasawa ka na?"

"Alexa, calm down." Inabutan ko siya ng tissue. "No, I'm not in a relationship since the last time I called you crying like shit."

"What? Ang tagal na ha! You mean, hindi ka pa rin nakakamoved-on kay Gar—" bago pa niya matuloy ang sasabihin niya'y tinikom niya ang bibig niya. "Okay, I'm sorry for overreacting. Pero seryoso, Molly, what happened?"

I just stared at her for seconds. Hindi niya alam, hindi nila alam... Well, dahil magkakaiba na ang mga mundong ginagalawan namin... Pero hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya 'yung nangyari sa'kin.

"Actually, pumunta ako rito dahil may na-discover ako," sabi ko saka kinuha ko sa bag 'yung Lapis Lazuli stone na binigay sa'kin ni Cole noon.

"Ano 'yan?"

"Natatandaan mo pa ba 'yung gabing huling nakasama natin si Cole?" Saglit niyang inalala 'yon saka dahan-dahang tumango. "Last night, aksidenteng nahati 'yung stone na 'to nang mahulog sa sahig, and then I found a micro-SD card inside it."

"Ha? SD card? Do you think si Cole—"

"Yes!" Hindi ko na maitago 'yung excitement ko, 'yung excitement na ang tagal kong hindi naramdaman.

"Nasaan? Anong laman?"

"Where dead dreams go."

"Ha?"

"Iyon 'yung title ng folder, ipinaayos ko pa 'yung SD card para maretrieve 'yung na-corrupt na file." Natulala lang sa kawalan si Alexa habang nanatiling nakakunot. "Ang totoo niyan... Kaya ako nagpunta rito dahil gusto ko sanang hanapin sa'yo 'yung binigay sa'yo ni Cole na stone noon. It's Alexandrite stone, right?"

"Molly... I'm afraid... Na hindi ko na maalala kung saan ko naitabi 'yung stone na 'yon." Medyo nalungkot ako nang sabihin niya 'yon. "My gosh, knowing Cole, paniguradong lahat tayo binigyan niya rin ng SD card. Pero... Bakit?"

"Iyon nga rin ang iniisip ko."

Tumitig nang makahulugan sa'kin si Alexa. "Don't tell me... You... You will uncover whatever he left behind?"

"It's from Cole. I'm dying to know kung ano 'yung gusto niyang sabihin sa'tin." She was speechless for a moment. "Alexa?"

"I just... thought that he already taught us what we needed to realize... You know... About our dreams and stuff. Like... Ano pa ba ang gusto niyang sabihin sa'tin? He also made a proper goodbye to us that night."

Nakuha ko 'yung gusto niyang iparating. Pero kilala ko si Cole, hindi siya gagawa nito ng dahil lang random. Maybe... Maybe...

"Do you remember the time when he left those puzzle pieces noong nag-disappear siya?" tumango siya. "We were so crazy for finding him that way, but he's crazier... For putting those clues without any assurance kung hahanapin ba natin siya. I think...Gano'n din ang gusto niyang iparating sa mga stones na binigay niya sa'tin. Because that's how always been Cole was."

"Oh, Molly..." Nagulat ako nang tumayo si Alexa at pumunta sa gilid ko para yakapin ko. Saka ko lang naramdaman 'yung basang pisngi ko. "You still missed him a lot, don't you?"

Sunod-sunod akong tumango saka yumakap sa kanya pabalik. I didn't hold myself back anymore, I cried out my loneliness to her. Alexa didn't ask further and she remained quiet until I'm already okay.

Hindi na rin ako nagtagal pa at nagpaalam na ko sa kanya. Alexa insisted na mag-stay ako for dinner pero ayoko nang makaabala pa sa kanila kahit na gustong-gusto ko ring makita ang mga tsikiting niya.

Hinatid niya ako sa labas ng bahay niya kung saan nakagarahe 'yung kotse ko sa gilid.

"I'll let you know as soon as mahanap ko kaagad 'yung stone, okay?" sabi niya.

Pinagmasdan ko 'yung bahay nila bago ko siya muling tingnan.

"Alexa... Is this... your dream?"

At first, she hesitated to answer, but when she got what I'm thinking, she smiled and also looked at their sweet home.

"Nope." Then she looked at me. "Unexpected, hindi ba? Kahit nga ako hindi makapaniwala."

I remembered Alexa's dream, all she wanted before was to get filthy rich so that she could afford anything she wants and needs.

"Hindi man ako sobrang naging mayaman katulad nang pinapangarap ko noon, at least magaan ang buhay ko—pati ng mama ko." She smiled.

Then... You're happy even though you didn't live your dream? Pero hindi ko na nagawang sabihin 'yon.

Tinapik ako ni Alexa sa balikat. "Alam kong susundan mo ang clue na iniwan ni Cole." Biglang naglaho ang ngiti niya saka bahagyang napayuko. "I'm sorry kung hindi kita magagawang samahan."

"It's not a problem," sabi ko habang umiiling. I already accepted a long time ago na magkakaiba na ang landas ng buhay nating magkakaibigan.

Niyakap ako ni Alexa bago ako tuluyang umalis.

Habang nagda-drive iniisip ko kung paano ko mako-contact si Jasper dahil inactive na siya sa social media. At si Garnet naman...

I guess it's time to talk to him again after so many years.

I felt a slight pang in my chest when my memory recalled the last conversation, I had with him. It ended badly, what was between us.

Garnet and I tried to make it work but...

Inaamin ko na nagsisisi ako na nasira ang pagkakaibigan namin. Because I was stupid to not realize that I've been in love with someone else all this time.

And that someone... is already dead.


*****


[THEO'S POV]

"EXCUSE me? Pwede po magpa-picture sa inyo?" I was surprised when somebody—a customer, suddenly came to me with a phone in her hand.

"Umm... Sure." Nag-aalangan akong pumayag at bahagyang dumikit sa kanya. Hindi ko na nagawang makaatras kaunti nang halos idikit niya ang sarili niya sa'kin nang kumuha siya ng selfie photo naming dalawa.

"Thanks!" The woman touched my arm. "I really admire your courage to stand up against the death penalty when I saw your video on social media—"

"Pinsan!" Biglang may sumingit sa pagitan naming dalawa. Oh, Frida, you're a life saver! "Nandito ka na pala! Ay, sorry, Miss, mawalang galang lang at kailangan kong makausap ang pinsan kong may-ari nitong café."

Hindi na nagawang makasagot ng babae dahil mabilis na 'kong nahila ni Frida papunta sa office niya. Technically, I am the owner of Hema's Coffee, but Frida opened a new branch at siya ang nagma-manage nito.

"Grabe, ganyan ba talaga kapag pastor? Habulin ng chicks?" sabi ni Frida nang makapasok kami sa loob ng silid. Umupo kaming dalawa sa couch.

Natatawa akong umiling. "The devil will do anything to tempt man to sin."

"Sus, inamin mo namang masyado kang gwapo? Kung isumbong kaya kita kay Galilee."

Mas lalo akong natawa. Kahit kailan talaga lokaret 'tong pinsan ko. "Don't worry, alam niyang siya lang ang pinakamaganda at the best sa paningin ko."

"Yikes! Ang korni pero medyo napa-sana all ako ha, sana ganyan din sa'kin ang labidubs ko."

"Bakit? Pinagpalit ka na ba ni Yano?"

"Hindi no! Sadyang hindi lang showy ang bebe ko, ako lang ang super clingy sa'ming dalawa. Well, gano'n talaga kasi iba-iba tayo ng love language." Pumanewang siya. "Teka nga, itatanong ko nga dapat sa'yo anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?"

"Actually, hindi ikaw ang pinunta ko rito. 'Yung dati kong co-teacher gusto kasing makipag-meet sa'kin today, at gusto niya rito makipagkita. Nalaman ko nga rin sa kanya na sentimental place pala sa kanya ang Hema's Coffee."

"Wow, gano'n ba. Nasaan na 'yung ka-meet mo?" Sabay kaming tumayo.

"I think he's already upstairs, kung hindi lang ako hinarang kanina no'ng babae."

"Tsk, tsk, iba na talaga kapag famous."

"Baliw, hindi ako famous." It just happened na nag-viral 'yung video kung saan nagpi-preach ako sa pagtutol sa death penalty, umabot kasi 'yon ng million views at sandamakmak na share.

Apparently, there is an ongoing movement lately dahil sa isang tragic murder incident. The people clamor to return death penalty at may isang popular na senador ang naglalayon itong isulong.

I am not an activist whatsoever, I just spoke about what God wanted me to deliver to people. And unexpectedly it went around. It gathered a lot of mixed reactions, both good and bad. Then nagsimula akong imbitahan ng mga religious at secular groups para isulong ang campaign na huwag ibalik ang death penalty.

Tinapik ako ni Frida sa balikat. "Theo, kailangan mong maging aware sa naging impact ng ginawa mo. You're beginning to attract a lot of attention, alam mo naman ang mga tao sa social media. Mag-iingat ka."

Napakunot ako dahil hindi ko gusto 'yung himig ng pag-aalala niya. Inakbayan ko siya at bahagyang niyugyog para maalis ang tensyon.

"Frida, huwag kang praning. If God is with me, then who can be against me?"

But Frida's worry didn't fade, bumitaw ako sa kanya. "Basta, mag-iingat ka. Hay naku, sorry at ang low ng energy ko. Kaka-stress mag-manage ng business at ng pamilya!"

Ngumiti ako. "Alright, I'll go then," paalam ko sa kanya at umakyat na 'ko sa second floor. Kaagad kong natanaw si Garnet na nakaupo sa tabi ng bintana. He waved at me.

"Garnet, it's good to see you again." Tumayo siya para makipagkamay at umakap sa'kin. "Kanina ka pa ba?"

"It's good to see you too, Sir. Actually kakarating ko lang halos." Napansin kong mas nag-mature ang itsura niya ngayon, pero pumayat ang katawan niya. Ang tagal na rin naming hindi nagkita.

"Ano ka ba, Theo na lang, parang hindi tayo naging mag-co-teacher noon, ah." Natawa kami. Garnet volunteered to order drinks for us, pero sinamahan ko siya sa baba.

"So, how have you been? Ang huli kong balita nag-iimmersion ka sa iba't ibang lugar para magturo?" tanong ko nang bumalik kami sa pwesto namin.

Tumango siya. "Sorry to call you suddenly, and thank you kasi pumayag ka na makausap ka ngayon."

"Nah, I got plenty of time on my hands."

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Actually, gusto ko po sana kayo imbitahan na sumama sa'min para magvolunteer sa pupuntahan namin island town next week."

"Volunteer? To teach?"

"Yes. I heard the news that you're leading the anti-death penalty campaign." Napalunok ako bigla, may kinalaman pala ro'n ang dahilan kung bakit. Gusto ko rin sanang sabihin sa kanya na hindi ako ang leader ng campaign na 'yon—sadyang... ako lang ang naging 'mukha' o representative to go against it. "Our group wanted you to come with us, para turuan ang mga bata ng kahalagahan ng... spiritual life."

Medyo naliwanagan na ako sa gusto niyang iparating.

"I see."

"And to be honest, we are a secular group, Sir Theo, most of us don't really have that much faith like yours. I told them that I know you, and they wanted you to come and teach with us." There's something in his eyes that I notice, it's a familiar look that I once had—the unbelief and uncertainty. "At first hindi ko maintindhan ang mga kasama ko kung bakit, pero naiintindihan ko na dahil gusto rin nilang maturuan mo sila—kami ng kahalagahan ng buhay sa mata ng Diyos."

I was speechless for a moment. I wasn't expecting that. Garnet and his group wanted to know more about God.

"If it's too much to ask, Sir Theo, it's okay to decline," he said while apologetically smiling. "For sure busy po kayo sa maraming bagay and volunteering is a lot—"

"I'll do it. I'll come," I suddenly said it. I'm being called, it feels like I needed to answer this.

"A-are you sure?" I nodded and smiled back at him.

Nang matapos ang meeting namin ay nagpalitan kami ni Garnet ng contact details. He'll just message me kapag final na ang itinerary nila.

Hinatid ko si Garnet sa parking lot. "If you don't mind asking this, are you married Garnet?" medyo nagulat siya sa tanong ko.

"No, sir." Ngumiti siya at napakamot sa batok.

"Ah, I just figure. Saludo ako sa advocacy ng volunteer group n'yo. I'm curious... Kung bakit ka napunta sa gano'ng path?"

Garnet smiled slightly fades.

"It was actually a selfish intention," sabi niya saka bahagyang yumuko. "It happened when my ex-girlfriend and I broke up." 


-xxx-

A/N: Hi, guys! Sa published book nga pala  ng WUD ay may limang special chapter na hindi posted sa Wattpad. Available pa rin ito sa NBS at online stores ng Anvil Publishing. Thank you :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro