Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/20/ Agape

"Friendship isn't about whom you have known the longest ...It's about who came, and never left your side."


Chapter 20: Agape 

[Golda's POV]

"PAANO n'yo po nasabing fake news lang ang tungkol sa relasyon n'yo ni Pastor Theo, malinaw na malinaw po 'yung picture n'yo sa motel?" tanong ng isang sibilyan habang nagkikislapan ang mga hawak na camera at cellphone ng mga tao sa paligid.

"Isang malaking set up lang ang lahat para siraan ako ng mga nate-threat-en sa'kin sa politika," kalmado kong sagot pero umugong ang bulungan.

Hindi ako nag-atubiling tumanggap ng mga tao sa barangay para sagutin ang mga katungan nila tungkol sa issue. Iyon naman talaga ang agenda ko, ang humarap ng walang hiya dahil alam ko na wala akong ginagawang mali.

"Ang tigas din ng mukha n'yo, Kapitana, bibilugin mo pa ang mga utak namin eh huling-huli na kayo ng kalaguyo mo!" biglang may sumigaw mula sa likuran at sunod-sunod na nagsi-sang-ayunan ang mga punyeta.

"Boo! Ayaw namin ng lider na naninira ng pamilya ng iba!"

"Magresign ka na!"

"Magreresign na 'yan!"

Napabuntong-hininga ako. Mukhang kahit anong sabihin ko sa kanila ay hindi na sila maniniwala sa'kin. Sumenyas ako sa mga tanod at pwersahan nilang pinalabas ang mga tao sa opisina ko.

Napahilot na lang ako ng sentido dahil parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko.

"I told you it's useless to explain yourself," boses 'yon ni Blake, nakita ko siyang nakasandal sa pader 'di kalayuan at nakahalukipkip.

"Bakit nandito ka pa rin? Bakit hindi ka pa sumama kina Theo at Molly pabalik ng Maynila?" wala na talaga akong energy dahil pakiwari ko'y hinang-hina ko 'yong sinabi.

"Last night, I wasn't able to confess my true feelings." Humakbang siya palapit sa kinauupuan ko. "I know you already rejected me before because you think I'm too young—"

"Hindi ko talaga bet pumatol sa mga bata," putol ko sa kanya. "At sorry, kahit gwapo at mayaman ka wala talaga akong gusto sa'yo, Blake."

Tumawa siya. "Ouch, that kinda hurts." Muli siyang sumeryoso. "But I'll admit this to you now, Golda. I never stopped liking you."

"Blake naman, huwag ka munang dumagdag—"

"Even though I dated a lot of girls in college and med school, ikaw pa rin ang nasa isip ko. I know, it sounded pathetic. Alam ko rin na wala akong chance sa'yo, natanggap ko 'yon nang mabalitaan kong magpapakasal kayo ni Sir Gil," sabi niya. "That's why I resolved to myself that I can still love you not in a romantic way," aniya at napakunot ako. "I know, it sounded weird. I'm contented to love you from a far. And I discovered that there's that kind of love that transcends romance and sex."

"A-ano?"

"Agape," sabi niya. "It's called agape love." Ngumiti si Blake sa akin at walang bahid ng hiya ang titig niya, patunay na sinsero siya sa mga sinasabi niya. 

"Narinig ko na ang salitang 'yan sa yumao kong Pastor, kay Bishop Raffy. Pero... hindi ba't Diyos lang ang may kakayanang magmahal ng walang kundisyon?"

"Right," napakamot siya sa ulo, "I know I'm far from loving like God, and I know I'll never be. But I want to practice agape love for my patients. Psychiatrists like me are commonly perceived as heartless, you know." 

"Hindi ka naman heartless, Blake," sabi ko. 

"I bought a cabin house here to look after you. Creepy ba?"

"Oo." Natawa ulit siya.

"I'm just worried to you when I received the sad news about your daughter. Nalungkot din ako nang malaman ko na iniwanan ka ni Sir Gil dito sa isla dahil pinili n'yong isubsob ang mga sarili n'yo sa mga trabaho n'yo."

"Wala ka bang buhay, Blake? Hindi mo responsibilidad ang buhay ko," direkta kong sabi sa kanya.

"Well, I grew fond of the people in Damgo Island that is why I secretly opened my clinic here."

"Hah?! Bakit hindi mo sa'kin sinasabi 'yan? Hindi ka na nagtatrabaho sa ospital?" pero hindi niya ako sinagot.

"Last night, after hearing the inspirational words from Pastor Theo, from you, and Molly, napaisip ako na siguro nga isa 'to sa purpose ko. I'd like to help you, without expectations, because you are a dear friend of mine, Golda."

Nang marinig ko 'yon ay hindi ko na mapigilang maantig ang damdamin ko. Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Mabuti na lang naging patay na patay ka sa'kin, no?" biro ko at parehas kaming natawa. "Salamat, Blake. Hindi mo kailangang gawin 'to." Bumitaw ako sa kanya. Salamat sa kabutihan mo, kahit hindi ko deserve na tulungan.

"I know, I didn't have to do this but I want to, just because," sabi niya. "I'll do everything at my disposal to help you clear your name and Pastor Theo's as well."

"Ikaw ba ang guardian angel ko?"

"Who knows?" he grinned.

Napahinga ako nang malalim. "Gusto ko ring kumilos pero sa totoo lang ay parang nalamog na 'yung utak ko at hindi na ako makapag-isip."

"Pero naisip mo na kung sino ang maaaring mastermind nito?" tanong niya.

Umismid ako. "Iisang tao lang ang nasa isip ko. Ang punyetang Vice-Mayor Winona na 'yan ang matagal nang gustong magpabagsak sa'kin."

Napahimas si Blake sa baba niya. "But my instinct told me that she had an accomplice, and that person's interest is to destroy Pastor Theo, may common ground kayo kaya pinagsabay nila kayong pinabagsak."

"May point ka. Ang problema lang ay kung paano mapapatunayan na si Winona ang mastermind nito." Tumitig lang sa'kin si Blake at parang may gustong sabihin. "Bakit?"

"You knew, Golda."

"Na?"

Blake sighed. "That Mima was the one who sold you out."

May kumirot sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Noon pa mang sinabi ni Blake na hindi niya mahanap si Mima ay nagkaroon na ako ng kutob.

Napayuko ako at nagkuyom ang dalawa kong palad. "Gustuhin ko mang magalit sa baklang 'yon nang bongga pero naalala ko ang nanay niyang may sakit sa ospital."

"I already checked it, confirmed. Na-transfer na sa Maynila sa magandang ospital ang nanay ni Mima pagkatapos kumalat ang issue n'yo. I also checked the port's CCTV, Mima was seen leaving with her big luggage."

Pero imbis na madurog ang puso ko'y parang natanggap ko na agad. "Mabuti naman kung gano'n, na nakalipat na sa mas magandang ospital ang nanay niya, mas maalagaan doon 'yon." Ewan ko kung bakit parang nakuha ko pang unawain ang punyetang si Mima kaysa magalit sa kanya.

"But don't worry; I already hired private detectives to search for Mima. Siya lang ang pwedeng maging witness para mapatunayan na inosente ka."

"Paano ko mababayaran ang mga efforts mo? Gusto mo kiss?" biro ko pa sa kanya.

Blake smiled. "If I'll ask you one thing in return, papayag ka ba?"

Napayakap ako sa sarili ko. "Blake, nakita mong bugbog na 'ko sa issue, dadagdag ka pa?"

Tumawa siya pero kaagad din siyang sumeryoso ulit. "Leave this island, Golda."

"Ha?"

"Go back to your husband." 


-xxx-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro