/17/ Can I Dream Again?
"There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens."
-Ecclesiastes 3:1
Chapter 17: Can I Dream Again?
[Molly's POV]
'FOR everything there is a season . . .' minsan ko nang nabasa ang mga katagang iyan mula sa isang tanyag na hari mula sa lumang panahon. Hindi ko alam kung bakit ngayon pumasok sa isip ko ang realization na baka hindi pa ito ang season ko para makabalik sa pagsusulat.
Muli kong inalala ang mga dahilan kung bakit nga ba ako napadpad sa islang 'to. Una, para paunlakan ang imbitasyon ni Chairwoman Golda na maging guest speaker, which didn't end up well because nobody showed up. Pangalawa, para sundan ang bakas na iniwan ni Cole at gawin 'yong inspirasyon para sa susunod kong libro.
In short, I am here all along because I was trying to revive my stalled and dying writing career.
At masakit mang tanggapin, sariwa pa rin sa isipan ko ang mga salita ni Garnet, tama pala siya . . . Na ginagamit ko ang patay naming kaibigan para muli akong makapagsulat—para ano? Para sumikat ulit?
Regardless sa kung anong tunay kong nararamdaman para kay Cole, maaaring ginagamit ko na lang ang emosyon at damdamin ko mula sa nakaraan para magkaroon ako ng lakas para magpatuloy.
It's painful to admit this as well, that the real reason I'm having a hard time to go back in writing is because I lost the hope for the future. Dahil siguro narating ko naman na 'yung pangarap ko? What's next? There's this unconscious fear na baka hindi ko na mahigitan pa 'yung mga naging tagumpay ko noon.
I am afraid to start from scratch and fail miserably.
Natatakot akong magsulat ulit dahil baka wala nang sumuporta ulit sa akin. Ayoko nang pakiramdam na parang nakikipag-usap ako na walang sumasagot sa'kin.
It's lame, right? Inamin ko rin sa sarili ko na nagsusulat ako para sa validation ng ibang tao. Kasi naranasan ko 'yung masarap na pakiramdam na maraming pumupuri sa'yo, kaya dahil doon ay ayoko na ulit maramdaman that I am no longer relevant in this.
Pero . . . Hindi ba't doon din naman ako nagsimula? Nagsimula akong magbahagi sa mundo ng talento ko na walang sumasagot sa'kin. And it drove me to strive more, that's why I achieved my dreams.
It's quite a paradox.
Maraming natatakot sumubok dahil takot sila na mabigo. Pero mas marami palang natatakot sa tagumpay, kasi hindi nila alam kung anong susunod nito.
"Teacher Molly?" kung hindi ko pa narinig ang boses ni Ruthy ay hindi ako babalik sa ulirat. Mga limang minuto na rin pala silang naghihintay sa sasabihin ko.
Sa totoo lang ay hindi ako handa ngayon para magturo sa kanila. Pagkatapos nilang dumating kanina sa bahay ni Golda para puntahan ako ay sinabi ni Mima na mas mabuting pumunta kami sa ibang lugar at nagprisinta si Ruthy na sa bahay nila kami patuluyin.
Kaya nandito kami ngayon sa malawak na bakuran nina Nanay Tasing, malilim dahil sa mga puno at preskong presko ang hangin. Hindi alintana sa mga bata kahit sa damuhan sila nakasalampak. Habang ako naman ay nasa harapan at nakaupo sa upuang kahoy. Kulang na nga lang ay humawak ako ngayon ng gitara at turuan silang kumanta ng Do Re Mi at mag-ala Julie Andrews.
I took a deep sigh before finally speaking to them. "Pasensiya na kayo, ha. Alam ko na pumayag ako na maging teacher n'yo kahit hindi naman talaga ako ready. Saka . . . Ang totoo niyan, baka bumalik na rin ako ng Maynila."
Sabay-sabay silang nag-react. "Bakit po?"
Nagkibit-balikat ako. "H-hindi ako kasing-galing katulad nang iniisip n'yo," bahagya akong napayuko at muli ko rin silang tiningnan lahat at ngumiti sa kanila, "pero nagpapasalamat ako kasi may mga bata na katulad n'yo ang nagtiwala sa'kin." I tried to suppress my tears, and I did. I cannot afford to cry in front of these children. "Salamat dahil sa inyo nabigyan ako kahit papaano ng lakas na magpatuloy."
Nakita ko sa mga itsura nila ang pagtataka, hindi pa nila ma-gets kung bakit ko nasabi 'yon. I just continued.
"Anyway, kahit na hindi n'yo ako tuluyang magiging teacher, gusto ko pa ring mag-share sa inyo bago ako umalis ng isla na 'to. Paano nga ba? Paano n'yo nga ba makakamit ang mga pangarap n'yo?" Tumayo ako at tinaas ko 'yung kanang kamay ko. "Sino rito ang may pangarap?" Lahat sila ay nagtaas ng kamay kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.
Sabi nga nila, 'You can only give what you have', kaya naman binahagi ko lang sa kanila sa simpleng paraan kung paano nga ba makakamit ang mga pangarap sa buhay. Una siyempre kailangan alam mo muna kung anong gusto mo o kung ano 'yung pangarap mo. Mabuti na lang at lahat sila'y alam naman kung ano ang mga 'yon. Si Niño pangarap maging pastor katulad ni Sir Theo at pangarap din niyang maging doktor. Si Ruthy naman ay nagbiro na pangarap lang niyang maging housewife pero gusto niyang maging businesswoman. Si Rupert ay pangarap maging tanyag na artist. Si Carly ay pangarap maging artista at makita sa mga commercial sa TV. At si Carlos ay pangarap maging photographer at direktor ng pelikula.
Hearing them utter those dreams made me feel better for some reason. Parang nagflashback sa'kin ang university days namin, lalo na 'yung mga panahong magkakagrupo kami sa Art Appreciation project namin.
Inabutan na kami ng tanghalian at naghanda sa'min si Nanay Tasing ng tanghalian. Pagkatapos ay nagpatuloy kami. Nakakatuwa dahil taimtim silang nakinig at nagte-take down notes pa. After knowing their dreams, I shared a technique I learned a long time ago. They must never let go of the vision. It will start in their imagination, kailangan makita na nila sa isip nila na narating na nila ang pangarap nila at bago sila matulog ay malinaw na malinaw nilang nakikita 'yon.
So, I asked the children to close their eyes and imagined themselves in the future. They had fun doing it, dahil habang nakapikit ay talagang kinukwento pa sila ng mga nakikita nila.
After that activity, I shared to them that they must believe themselves no matter what happen. Na wala mang maniniwala sa kanila sa umpisa—kahit na mismong pamilya nila, ay huwag silang panghinaan ng loob at patuloy lang na maniwala na kaya nilang marating ang mga minimithi nila sa buhay. Nothing's impossible for those who believe.
Pagkaraan ay bigla akong tumingala sa kalangitan, napupuno 'yon ng mga ulap kaya natatakpan ang araw. Muli akong tumingin sa mga bata at nakitang naghihintay sila sa susunod kong sasabihin.
"And lastly . . . Don't forget that there's a Divine help always at hand from the above," sabi ko at tinuro ang itaas. I just had the urge to say that.
Biglang nagtaas ng kamay si Carlos. "Question po!"
"Yes?"
"Malalaman po ba natin kung kailan namin matutupad ang mga pangarap namin?"
I sighed and shook my head. "Depende. Hindi natin alam."
"Ibig sabihin, may chance na hindi pa rin matupad ang mga dreams namin?" may bahid ang lungkot na sabi ni Ruthy.
Umiling ulit ako. "Huwag kayong panghinaan ng loob kung hindi n'yo agad makita na matupad ang mga pangarap n'yo. Kung patuloy kayong kikilos at maniniwala, I believe you can achieve anything you want. Pero kung kailan, walang nakakaalam maliban sa taas."
"Maliban kay Papa God?" wika ni Rupert at tumango ako.
"Pwede po ba naming sabihin kay God ang dreams namin?" tanong naman ni Niño.
"Why not?"
"Oo nga, baka tulungan Niya pa tayo, 'di ba?" sabi naman ni Carly at nag-agree sila sa isa't isa.
I just stared at them while smiling. These kids are so innocent, and I kind of envied their freedom to dream.
Can I dream like that? Tumingala ako sa langit para magtanong sa Kanya. Can I dream like a child again?
My old dreams are dead, maybe . . . God, can you give me a new one?
I'm supposed to teach them today pero pakiramdam ko ako pa ang natuto ngayon dahil sa kanila.
God, you indeed move in mysterious ways.
Nang sumapit ang hapon ay pinagmeryenda kami ni Nanay Tasing. After that I allowed myself to play with these children. Tagu-taguan, patintero, langit lupa, at iba pa. I ran with them and laughed at their silliness. Ang sarap bumalik sa pagkabata, ang sarap maging malaya katulad nila.
The only sad part for today is parting ways. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na lumuha sa pagpapaalam ko sa kanila. They cried as well and hugged me. Isang araw lang ang pinagsamahan namin pero pakiramdam ko ang tagal-tagal ko na silang kasama. This feeling is familiar. Siyang tunay na hindi nasusukat sa oras ang pagkakaibigan. And sometimes, we find odd friendships in odd places. Only God knows how much I'm thankful to these wonderful children.
"Ate Molly, magpramis ka sa'min na babalik ka ulit!" Carly said and I nodded.
"Magkikita-kita pa tayo ulit," sabi ko sa kanila.
"Please po, tuparin mo 'yang pramis mo!" sabi naman ni Carlos at 'di ko maiwasang malungkot nang makita ko ang camera niya. Did Cole promise that to him as well?
"Promise." Tinaas ko pa 'yung kamay ko. Pagkaraa'y may inabot na brown envelope si Carlos sa'kin.
"Mamaya mo na lang po buksan, gift po namin sa'yo!" sabi niya at napangiti ako.
Pagkatapos ng tila walang katapusan na pamamaalam ay nagpasalamat at nagpaalam na rin ako kay Nanay Tasing na lubos na nagpapasalamat sa'kin.
"Naniniwala ako na nakapagtanim ka ng mabuting binhi sa mga batang iyon, hija," sabi niya matapos akong yakapin. "Alam kong palalaguin ng Panginoon ang itinanim mo."
"Salamat po sa inyo."
"Mag-iingat ka pabalik kina Golda."
"Bye, Teacher Molly!"
"See you soon, Ate Molly!" Nasa tricycle na ako nang marinig ko ang tawag ng mga bata. Sinilip ko sila at kumaway ako.
No goodbyes, just see you next time, children.
*****
MALAYO pa lang ay kita ko na ang umpukan sa harapan ng bahay ni Golda. Kaya nang makababa ako ay laking gulat ko nang maabutan kung anong ginagawa nila.
Anong nangyayari? Bakit nila binabato 'yung bahay ni Golda?
"Magresign ka na! Ang baboy mo!"
"Nakakahiya ka! Maninira ng pamilya!"
"Lumabas ka riyan, Kapitana! Harapin mo ang taumbayan at magpaliwanag ka eskandalo mo!" sigaw ng isa.
What are they talking about?
Hindi nila napansin ang presensiya ko kaya dahan-dahan akong umatras at muntik na akong mapasigaw nang may humigit sa'kin.
"B-Blake?"
"Ssshh!" kaagad niya akong nahila palayo roon.
"A-anong nangyayari?" tanong ko nang marating namin kung saan nakapark ang motorsiklo niya. Inabutan niya ako ng helmet.
"Long story. You need to come with me, delikado rito."
"Bakit? Nasaan si Golda? Nahanap mo ba siya?"
Napabuntong-hininga si Blake. Mula sa bulsa ay nilabas niya ang phone at may pinakita sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang headline ng balita sa social media.
"T-this is impossible." Trending si Sir Theo at Golda dahil sa—affair nilang dalawa?
"I know. It's fake news, but people believed it." Hindi ako makapaniwala dahil may larawan na magkatabi sila sa kama...
"W-what happened to them?"
"That's why you need to come with me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro