Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/16/ Fowler's Snare

Count it all joy, my brothers, when you meet trials of various kinds.
James 1:2


Chapter 16: Fowler's Snare

[Theo's POV]

NAGISING ako na kumikirot ang ulo at buo kong katawan. My body automatically flinched when I felt the tight blindfold, nakagapos din ang mga kamay at paa ko habang nakaupo. My mind quickly tried to comprehend what happened, it was too fast.

Takot.

Iyon ang unang pumasok sa isip ko.

Bakit?

Bakit ang tanong ng isip ko, bakit nangyari 'to sa'kin?

Calm down, Theo. Calm down.

I tried to breath slower pero hindi pa rin 'yon nakatulong sa kaba na nararamdaman ko.

Ang tanging huling naalala ko na malinaw ay 'yung naging pagtatalo namin ni Golda. Pagkatapos no'n ay may mga tao . . . I'm . . . kidnapped?

Nanlamig ang buo kong katawan kahit na tagaktak na ako ng pawis. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Theo! Come to your senses! My rational mind began to console my thought. You may be in danger but you know who can call right now.

That's right. Bigla akong nahiya sa sarili ko dahil naturingan pa naman akong spiritual leader.

Sa mga ganitong pagkakataon, wala akong ibang mahihingan ng tulong kundi ang Diyos ko.

Lord . . .

"Mukhang gising na siya." Mananalangin pa lang sana ako subalit narinig ko ang tinig ng isang lalaki. "Good morning, Pastor Theo, nakatulog ho ba kayo ng maayos?" there's something in his voice, parang distorted na malalim katulad ng mga nasa palabas kung saan anonymous ang nagsasalita.

"S-sino kayo, anong kailangan n'yo sa'kin?!" I failed to hide the trembling in my voice.

"My, my, sinong mag-aakala na natatakot din pala ang katulad n'yo, Pastor?" nang-uuyam nitong sabi. "Kung ako sa inyo, sisimulan ko nang magdasal ngayon." Narinig ko ang tunog ng paglakad niya sa kinaroroonan ko. "Pero . . . Totoo nga bang may Diyos?"

Narinig ko ang pagkasa ng baril at may naramdaman akong malamig na metal ang nakatutok sa sentido ko.

Lord . . . Help! Iyon na lang ang tanging nasigaw ko sa isip ko.

"Kung talagang totoo ang Diyos na pinaglalaban mo, kaya Niya kayang iligtas ngayon?"

Do not be afraid, Theo.

When I heard that faint voice in my mind, I felt my whole-body light. Bumagal bigla ang paghinga ko at mas narinig ko ang tibok ng puso ko. Right . . . This is it I guess.

"Gusto mo pa bang mabuhay, Pastor? Sabihin mo lang na hindi totoo ang Diyos, pagbibigyan kita." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tila sa isang iglap ay naglaho ang lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko.

I burst out laughing.

Kahit na hindi ko siya nakikita ay sigurado akong nagulumihanan siya.

"Anong nakakatawa?!" mas lalo nitong diniin ang baril sa ulo ko. "Hindi ka ba natatakot mamatay?! Sabihin mong walang Diyos!"

Tumigil ako sa pagtawa. "Go ahead, kill me. I'm not going to deny my God."

Lumipas ang isang minuto na wala siyang sinabi. Ilang sandal pa'y inalis nito ang baril na nakatatutok sa akin.

"Tama na 'yan." Isang panibagong boses ang dumating, katulad ng lalaki sa tabi ko'y distorted din ang boses nito—boses chipmunk, parang bunga ng effects na gawa ng computer. Para hindi makilala ang tinig nila? "Wala 'yan sa utos sa atin." Naglakad din palapit ang bagong dating sa kinaroroonan ko. "Pasensya na Pastor sa panti-trip nitong kasama ko."

"Ano bang kailangan n'yo sa'kin?" iritado kong tanong.

"Bilib din ako sa tapang mo, Pastor, we'll give you that. Ang ine-expect naming magmamakaawa ka para sa buhay mo, eh." sabi pa ng boses chipmunk. Siguro marahil sa nakakatawa niyang boses ay kaya rin nawala ang takot ko. "Mukhang hindi ka rin naman naming matatakot na umatras sa pinaglalaban mong anti-death penalty campaign dahil hindi ka takot mamatay kaya—" biglang may dumapo na kamao sa pisngi ko.

"Paano 'yan? Tuloy na ang plano?" tanong ng kasama niya.

Plano? What are they talking about?

"Oo, ang sabi, kapag hindi natakot ituloy na raw," the chipmunk voiced said. "Alright, Pastor, it's time to sleep again."


*****


[Molly's POV]

NAGISING ako sa tunog nang sunod-sunod na katok. Pupungas-pungas akong bumangon at bago pumunta sa pintuan ay nasulyapan ko ang oras, it's past seven in the morning.

"Blake?" siya ang bumungad pagbukas ko ng pinto.

"Sorry kung nagising kita, Molly," una kong napansin na iyon pa rin ang damit na suot niya kagabi.

"Hindi ka nakauwi kagabi?" umiling siya.

"Walang kasamang guardian si Niño sa bahay nila kaya naisipan kong doon magstay hanggang sa makauwi 'yung ate niya kaninang umaga."

Napatango na lang ako. "What's up?"

Inabot niya sa'kin ang isang phone, may damage ang screen no'n. "It's Golda's phone. I'm wondering kung anong nangyari kagabi rito. Hindi ko rin mahanap si Golda, wala rin siya sa kwarto niya."

Ah, iyon pala 'yung narinig kong kalabog kagabi. Hinagis ni Golda ang phone niya?

"Baka pumasok na siya sa barangay?" sabi ko.

Blake just shrugged. "Nanggaling na ako roon kanina pero wala siya."

"Baka nagkasalisihan lang kayo or baka rumonda lang siya."

Hindi man halata sa itsura ni Blake pero mukhang nababahala siya.

"I don't know, I got a different feeling about this." Tama nga ako.

Napabuntong-hininga ako. "Actually, kagabi, after n'yong mauna ni Mima kasama ang mga bata . . . Golda and Sir Theo . . ."

"What happened?"

At nilahad ko nga sa kanya ang nasaksihan ko kagabi, ang nagsimulang pagtatalo nila sa loob ng resto hanggang sa makalabas, narinig ko lahat ng mga sinabi nila sa isa't isa.

"It's weird kasi noong nagdi-dinner tayo with the children, okay naman si Golda," sabi ko at tumango si Blake. "Pagbalik niya bigla na lang siyang nagkagano'n. Kahit din pag-uwi namin dito sa bahay ay hindi talaga siya okay."

Kinuha ni Blake sa'kin ang phone at saglit na tinitigan 'yon.

"Maybe she received a terrible news," aniya at napatingin din ako sa phone. Mukha nga.

"S-sa totoo lang ay nalungkot ako para sa kanya," napayuko ako, "hindi ko alam na bukod sa pagiging cancer survivor ay namatayan pa siya ng anak."

Blake sighed. "Golda . . . she may look strong on the outside but she's good at hiding her pain." I felt that. "Nagpunta ako rito sa pagbabaka sakaling makumbinsi siya na bumalik sa pamilya niya sa Maynila, at para tigilan na niya ang pagtakas sa sakit na nararamdaman niya."

Hindi ko alam pero natouch ako sa sinabi niya . . . sana lahat ay may kaibigan na katulad niya na handing tawirin ang dagat para lang tumulong sa isang tao na alam niyang nagpapanggap lang na okay.

"Let's find her, mag-aayos lang ako saglit," sabi ko at tumango siya.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-ayos ay bumaba ako. Naabutan kong ginigising ni Blake si Mima na nakahiga sa sofa pero malamantika ang tulog nito.

"Mukhang nag-inuman sila kagabi," sabi ni Blake matapos sumuko sa paggising kay Mima. Tama nga siya dahil naamoy ko rin ang amoy ng alak paglapit ko sa kinaroroonan nila. Biglang umalis si Blake, nagtungo sa kusina at kaagad ding bumalik na may dalang kaldero at sandok.

"What are you—" itatanong ko pa lang kung anong gagawin niya nang bigla niyang kalampagin ang kaldero gamit ang sandok sa tapat ng tenga ni Mima.

Biglang napabangon si Mima na nagsisigaw. "Papa Blake naman, eh!"

"Mima, nasaan si Golda?" direktang tanong ni Blake.

Napakamot si Mima. "Huh? Ang alam ko suma-shot kami sa Ikigai kagabi . . ."

"Tapos?"

"Grabe, ang lakas uminom ni Kapitana, hinamon ako, 'di ko kinaya."

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ko pero natulala lang si Mima at napakamot sa ulo.

Nagkatinginan kami ni Blake at saktong may kumatok sa pinto. Dali-dali kaming nagpunta ni Blake sa pintuan pero parehas kaming nagulat nang tumambad sa'min ang hindi inaasahang bisita.

"Good morning, Teacher Molly!" sabay pa na bati ni Niño at Ruthy sa'kin. Kasama rin nila sina Carly at Carlos na kumaway sa'min, pati na rin ang kuya ni Ruthy na si Rupert. The children of Damgo is here at very early in the morning.

"K-kids? Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko.

"Wala po kaming pasok ngayon! Magpapaturo na po kami sa inyo!" masiglang sagot ni Niño.

"Sorry po, Ate Molly, excited na po kasi kami na matuto sa inyo kung paano matupad ang mga pangarap naming," sinundan 'yon ni Carly. Si Carlos naman ay nag-thumbs up, nakasukbit pa rin sa kanya ang camera.

Tinapik ako ni Blake at bahagya siyang lumapit para bumulong.

"I'll leave you with the children here, hahanapin ko lang si Golda."

Tumango ako. I hope walang nangyaring masama sa kanya.


*****


[Golda's POV]

PUNYETA sobrang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok ng martilyo. Kailan ko nga ba huling narasanan 'yung magising ng ganito? 'Yung lasang-lasa ko pa sa dila 'yung tapang ng tequila na nilaklak ko kagabi.

Naramdaman ko 'yung lamig ng silid, ang lambot din ng higaan ko at ng kumot na nakapatong sa'kin. Nang sinubukan kong igalaw ang binti ko'y may naramdaman ako sa tabi ko.

S-shit.

Biglang kumabog ang dibdib ko.

Golda, anong ginawa mo kagabi? Pumikit ako saglit para alalahanin, ang naalala ko'y nag-iinuman kami ni Mima sa Ikigai's.

"Kapitana! Ang boring naman dito, tara magbar hopping tayo!"

Bar hopping? Wala akong maalala pagkaraan no'n.

Muli akong dumilat. Dahan-dahan kong sinilip ang ilalim ng kumot at napamura ako nang makitang wala akong saplot.

Bago tuluyang ma-digest ng utak ko ang kagagahan na ginawa ko'y muling sumagi sa isip ko ang mga karumal-dumal na larawan na natanggap ko kagabi. Hayop ka, Gil.

Pero may kumirot din sa puso ko sa ginawa ko . . . N-nagtaksil din ako sa asawa ko? T-totoo ba? W-wala akong maalala!

Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko para makita kung sinong estranghero—

"P-putang..." Napatakip ako ng bibig.

Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko. Baka panaginip lang 'to. Panaginip lang 'to, hindi ba?! Imposible!

Himbing na himbing siya sa pagtulog, kaagad kong napansin ang mga pasa niya sa muka. A-anong ginawa naming kagabi?! Isang malakin kababalaghan lang 'to! Nag-iilusyon lang ako!

Pero kahit anong sampal ko sa sarili ko'y nagising ako sa katotohanan na totoo 'to, hindi ako nananaginip, hindi 'to ilusyon.

"H-hoy!" parang bulkan na sumabog ang kalooban ko't sinampal ko siya. Kaagad siyang napabalikwas at mag ilang segundo siyang naguluhan.

"G-Golda?" pupungas-pungas niyang tawag sa'kin. "W-why are you?" unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung nasaan kami parehas at kung bakit parehas kaming walang suot na damit. "W-what's happening?!"

"Hindi ko rin alam, gago! Anong nangyari?!"

"I swear, I don't know!" natigilan siya't parang tinamaan ng kidlat. "Set up lang—"

Biglang bumukas ang pintuan at walang pakundangan pumasok sa loob ang isang nilalang na may suot na itim na rider mask. Sunod-sunod na kumislap ang hawak nito.

Para akong natuod sa kinalalagyan ko habang si Theo'y mabilis na kumilos.

"Get the hell out of here!" dumagundong ang boses ni Theo at bago pa niya malapitan ang lalaki'y nakatakbo na ito palabas. Nakasuot na siya ng boxer's short nang isara niya ang pinto at hingal na hingal na napaupo at sinabunutan ang sarili.

Natulala lang ako sa kawalan.

Ilang sandali pa'y tumayo si Theo at lumapit sa kama.

"I can assure you, nothing happened between us," kalmado niyang sabi.

"Paano mo nasabi?!"

"Last night, I was kidnapped and blackmailed!" napanganga ako nang marinig 'yon. "It's all because of me, gusto nilang magback out ako sa anti-death penalty campaign ko. I'm so sorry na nadamay ka—"

"M-may gusto ring sumira sa'kin." Natahimik kami parehas at hindi ko alam kung gaano katagal lang kaming nagtitigan habang parehas naming pinoproseso kung anong nangyari.

Naniniwala na ako sa kanya na walang nangyari sa'min kagabi. Lahat ng 'to ay planado at iisa lang ang layunin: ang parehas sirain ang buhay namin ni Theo. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro