Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/15/ Crossroads

You intended to harm me, but God intended it all for good.
-Genesis 50:20 


Chapter 15: Crossroads

[Molly's POV]

I remembered that documentary I watched in Netflix ages ago, tungkol 'yon sa kung paano dinisenyo ang social media apps para ma-hulma ang habits natin para patuloy tayong gumamit nito on loop. 'Yung sa tunog pa lang ng notification ay hindi na tayo mapakali hangga't hindi natin nabubuksan 'yon, at 'yung tipong pagmulat ng mga mata mo sa umaga ay unang-una mong titingnan ang phone mo kung ano ang mga notifications na natanggap natin.

Notifications, huh.

Katulad nga nang nasabi sa napanood kong documentary, indeed, we are already living in a digital age wherein we are digitally habituated creatures. Parang hindi na yata kaya ng mga tao ngayon ang mabuhay ng walang social media apps—unless isa kang monghe o ermitanyo. Ang nakakalungkot lang ay tila ba hindi ka na nag-eexist sa mundo kapag wala kang social media apps, at parang hindi nangyari ang mga kaganapan sa buhay mo kung hindi mo naipo-post as status o story.

Ever since na napagbintangan ako ng plagiarism online at nakatangap ako ng kung ano-anong mga masasakit na salita mula sa mga faceless na tao sa social media, ang dating dopamine addicting notifications ay naging horror na para sa'kin.

I was afraid to even open any social media apps because there was always dread na baka masasakit na salita lang ang mabasa ko mula sa mga tao, kahit na mga puro accusations at judgment lang panigurado. Looking back, I still hated myself for letting other people's opinion steal my peace.

Masakit mang aminin 'to sa sarili ko pero napagtanto ko na naging people pleaser ako para lang patuloy nila akong suportahan sa career ko bilang writer, and what hurts the most, it was the same people whom I tried to please were the ones who threw those harsh words when I was persecuted defenceless online.

Bakit nga ba ito na naman ang tumatakbo sa isip ko ngayon?

Mabuti na lang at walang tao rito ngayon sa comfort room. Pagkatapos kong maghilamos, hindi pa rin naging sapat ang malamig na tubig para pakalmahin ang isipan ko.

Sinulyapan ko 'yung phone ko na nakapatong sa counter at saktong may panibagong notification na message ulit mula sa editor ko.

Ms. Zoey: Can you at least submit a pitch tomorrow? The bosses are asking for updates.

Finally, nakakuha rin ako ng lakas ng loob na muling hawakan ang phone ko. I tried to ignore her earlier missed calls, mabilis kong pinindot ang off button.

Alam kong may responsibility pa rin ako bilang manunulat na pumirma ng kontrata sa publishing company kaya ako nandito ngayon, pero sadyang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko pa magawang makapagsulat.

Nami-miss ko na ring magsulat, katulad noon—'yung dati na wala akong ibang hinangad kundi manirahan sa imahinasyon ko at takasan 'yung mga hindi ko gusto sa realidad.

Thinking about it now made me sad, bakit tila hindi ko na mahanap ang mga salita na dati ay napakarami at gustong kumawal sa akin? Saan sila napunta? Anong nangyari?

Well, life happens, Molly.

Ito ba ang epekto ng adulting? What does this growing up really look like? As time goes by you slowly lose the magic you once had when you were young.

No. That can't be.

May pinagdadaanan ka lang ngayon, Molly, huwag mong isiping kumupas na ang pagmamahal mo sa pagsusulat. I tried to cheer myself up. Minsan talaga, darating tayo sa punto na sarili lang natin ang mang-eencourage sa atin. When no one's around to encourage you, yourself was the last option to lift your spirits up. Otherwise, who else?

Inayos ko muna 'yung sarili ko bago ako lumabas ng CR. Pagbalik ko sa pwesto namin ay wala na roon ang mga bata, saka ko narinig ang tawanan nila 'di kalayuan at nakita kong naglalaro sila ng volleyball sa open area sa labas ng resto kasama ni Blake.

It was coincidence na magtagpo-tagpo ang landas namin kasama ang mga bata, nagyaya si Golda na kumain ng hapunan dito sa Ikigai's. Katatapos lang namin kumain.

"Are you okay?" tanging si Pastor Theo lang ang naabutan ko. Malinis na 'yung mesa na pinagkainan namin. The chairwoman and owner of this restaurant was nowhere to be found kaya no choice akong umupo kaharap niya.

Isang matipid na tango lang ang naisagot ko. Sinong mag-aakala na magkikita-kita kami ngayong gabi kasama ang mga bata na nakilala namin ni Blake, it turns out na magkakakilala at magkakaibigan pala sina Carly, Carlos, Ruthy, Niño, at Rupert.

"I'd like to apologize for the other day," Pastor Theo spoke again. "Pasensiya na kung natakot yata kita."

Muntik ko nang makalimutan 'yung nangyari, nagkita nga pala kami sa dalampasigan noong araw na nawala ako.

"No worries po," sagot ko. "I'm just a little bit shocked na alam mo ang pangalan ko." He called me in my name even though hindi naman ako nagpapakilala, hindi ko na inover think ang bagay na 'yon kaya nag-assume na lang ako na sa famous ko ay baka kaya niya ako nakilala.

"Don't worry, I'm shocked as well."

"A-ano pong ibig n'yong sabihin?" hindi ko na mapigilang itanong. He stared at me for seconds.

"It's not me but the Spirit—"

"Anong oras na, baka hinahanap na ang mga batang 'yan sa bahay nila." Sabay kaming napatingin kay Golda na biglang sumulpot mula sa kung saan. Narinig namin ang pagprotesta ng mga bata pero hindi natinag si Golda. "Blake, Mima, ihatid n'yo na 'yang mga bagets, nandiyan na 'yung jeep ng barangay."

"I'll go with them." Akma akong tatayo pero nasa gilid ko na pala si Blake.

"No, kami na ang bahala, ikaw na lang ang sumama kay Golda pag-uwi," sabi nito. Kaagad sumabat si Mima na lumitaw sa gilid.

"Oo nga, Molly girl, hayaan mo muna kami ni Papa Blake magmoment—aww aray! Kapitana naman, eh!" binato ba naman ng plastic na tinidor ni Golda si Mima. "Bad ka, Kapitana, nagkakalat ka!"

"Naku, Mima, tumigil ka sa kaharutan mo," saway ni Golda. "Sinasabi ko sa inyo, ihatid n'yo nang matiwasay at maayos ang mga bata."

"Yes, Kapitana, gusto mo kami pa maghele hanggang sa pagtulog nila—sabi ko nga aalis na kami." Mabilis na naglakad palayo si Mima matapos samaan ng tingin ni Golda.

"Mahuli may tae sa pwet!" sigaw ng batang si Niño saka kumaripas ng takbo kasabay nina Ruthy at Rupert.

"Bye, Ate Molly!" sabay na nagpaalam at kumaway ang magkapatid na Carly at Carlos sa'kin saka sumunod sa mga kasama nila.

"So, sure ka na ba?" boses 'yon ni Golda. Tuluyan nang nakaalis sina Blake.

"A-ako?"

"Ay hindi, siya," poker-faced niyang sabi sabay turo kay Pastor Theo. "Ikaw nga, Molly. Sure ka na ba na maging teacher ng batang 'yon?"

Bahagya akong napayuko. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya.

Napabuntong-hining si Golda. "Gusto ko ulit humingi ng pasensya sa nangyari, kung walang sumipot na mga kabataan sa seminar na pinahanda ko. Kung hindi man nakakaabala sa'yo na mag-stay pa rito para magturo sa kanila, pwede ko namang ipagamit 'yung bakanteng kwarto sa barangay para sa inyo."

"Actually, hindi ko alam kung paano ako magiging teacher sa kanila," sabi ko sabay tingin sa kanya. "Saka ako nga rin dapat ang humingi ng pasensya dahil sa ginawa kong pag-alis that day nang walang pasabi sa inyo. Naabala ko pa tuloy ang buong barangay." I suddenly felt embarrassed when I remember that day. Bumaling ako kay Pastor Theo. "Mabuti na nga lang at walang nangyari sa'king masama, thank you, Pastor."

"Huh? Nagkita ba kayo noon?" tanong ni Golda.

"So, that was the day," ani Pastor Theo. "Anyway, you can call me 'Sir Theo' na lang. I believe magkaibigan kayo ni Garnet, hindi ba?"

"P-po? You know him?"

"I just saw the two of you the first night we came here. Though wala namang nabanggit sa'kin si Garnet, I just assumed na magkakilala pa kayo noon sa university. Garnet's my former student and we became co-teachers as well."

Muntik na akong mapanganga. Ganoon pala talaga kaliit ang mundo. Kunsabagay, nangyari ngang magkita-kita kami ngayong gabi dahil sa mga bata. Tumango na lang ako.

"Teka, teka, kung gano'n, magkasama kayo noong hapon na nawawala ka?" singit ulit ni Golda.

"O-oo," sagot ko. "He approached me."

"Oh, mabuti hindi ka natakot sa taong 'to?" Hindi ko malaman kung inaasar ba niya si Sir Theo o ano.

Umiling ako. "I appreciated what he did. He checked on me and gave some spiritual advice."

Sa panahon ngayon kahit na napaka-connected na ng mga tao thru social media ay napaka-ironic na tila ba ang hirap na mangamusta sa isa't isa. All throughout the day, we see each other's stories and posts and yet we don't give an inch to care to ask somebody how's their day. Ang akala kasi natin, porque nagpopost ang isang tao ng mga aesthetic pictures ng buhay nila ay okay na sila, but the reality is, behind every post and smiles on those saturated pictures, was a reality that they don't want others to discover. And the bystanders will assume that everything's alright, na mapapa-comment na lang sila ng 'sana all', a slight hint of envy and jealousy of someone's life. We're living in a filtered life and everybody doesn't seem to mind about it.

"Spiritual advice? Napatanggap mo ba siya?" Golda said, and I don't have any idea what she meant by 'napatanggap'.

Napansin ko na naglaho ang ngiti sa mukha ni Sir Theo, mukhang hindi na rin niya nagustuhan ang sarkastikong himig ni Golda sa kanya.

"Or don't tell me, nagbigay ka ng advice kay Molly na something like na kailangan mo lang ipag-pray ang mga problema mo at maso-solve na ang lahat?" pero for some reasons ay hindi pa rin tumigil si Golda.

Sir Theo stared at her for seconds, maging ako'y nahiwagaan kay Golda dahil ibang-iba 'yung mood niya mula nang bumalik siya. Did something happen?

"May problema ba, Joanne?" Sir Theo asked. Muntik ko nang makalimutan na 'Joanne' nga pala ang tunay niyang first name. "You looked upset since you return." Nasabi rin niya ang naisip ko.

"Upset?" tinuro pa ni Golda ang sarili. "Hindi, ah."

"Kung gano'n, hindi mo kailangang idamay ang usapang pagdarasal dito." I was slightly taken aback to Sir Theo's statement, he seemed sensitive about what she commented.

"Chill, ikaw 'tong na-a-upset diyan."

"Matagal ko nang gustong itanong 'to sa'yo pero bakit mo siya iniwanan?" Sir Theo asked, halos magkasalubong ang kilay.

"Wow, hindi ako informed na tsismoso pala ang mga pastor, FYI hindi ko iniwanan ang asawa ko—"

"I'm not talking about your husband, Joanne." Sir Theo paused for seconds. "Bakit mo iniwanan ang Diyos?"

This time si Golda naman ang napatitig at walang sinabi. Biglang naging awkward ang paligid dahil sa katahimikan, wala na kasing gaanong customers dahil ordinaryong araw ngayon at kanina pa pinatay 'yung tugtog sa speakers.

Ang akala ko sasagot pa siya pero bigla siyang bumaling sa akin.

"Umuwi na tayo, Molly, mga staff na magsasara nitong resto," sabi nito at walang pakundangang umalis.

Nag-alinlangan ako noong una pero kaagad din akong tumayo nang makita kong mabilis nang nakalabas si Golda.

"M-mauna na po kami, Sir Theo—" paalam ko pero nagulat ako nang tumayo rin siya at naunang naglakad palabas.

*****

[Theo's POV]

ALAM ko na hindi ako 'yung tipong mapagpatol at palaaway na tao pero ibang usapan kapag natatapakan ang Diyos na pinaglilingkuran ko. I can take any mocks about my God and about prayer from other people, especially unbelievers—but for some reason, something prompted me a while ago not to take lightly what Joanne or Golda said.

Galilee met Golda years ago, and my wife helped and introduced her to my father in faith and mentor, Bishop Raffy Quinto, who already died one and a half years ago. That's why I know Golda's story, she went to this island seeking something and my mentor helped her to awaken her faith.

Golda was dying because of cancer and God gave her another life to live. Naging kilala si Golda sa isla na 'to dahil sa himalang 'yon. Kahit na noong una'y naging sakit siya sa ulo ng simbahan ni Bishop Raffy, Golda eventually learned the essence of obedience and God granted her a second chance.

Isa si Golda sa naging patotoo ng himala ng Diyos at maraming mga unbeliever ang nakatanggap sa Panginoon dahil sa testimony ng buhay niya.

But then . . . Sad news came.

Six months after Bishop Raffy's death, a tragedy also befalls on Golda's family. Hanggang sa unti-unti . . . Nawala si Golda at ang asawa niya—nawala sila sa pananampalataya.

Earlier when she tried to be sarcastic about prayer, I know the Spirit of the Lord grieves in me. I couldn't let it pass because I knew she once had that burning faith.

"Sandali lang, Joanne—" nahabol ko siya sa labas ng resto, sa may parking lot kung saan may isang poste lang ng ilaw.

"Pwede ba huwag mo nga akong matawag na Joanne," inis niyang sabi nang harapin ako. "Ano bang problema mo, Theo? Oo na! Makasalanan ako, okay! Magso-sorry na lang ako sa Kanya kasi 'di ba mapapatawad naman din Niya ako?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "What the heck are you saying? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" I can't believe this woman. Mauubusan na sana ako ng pasensya pero pilit kong nilawakan ang pang-unawa ko, dahil kanina ay okay naman siya habang kumakain kami ng hapunan. "Seriously, what happened?"

"Labas ka na sa personal kong buhay—" paalis na siya pero napigilan ko siya sa palapulsuhan niya. "Baka ikaw ang may problema? Pinalalaki mo masyado ang mga bagay-bagay."

Binitawan ko rin naman siya agad. Napabuntong-hininga ako. "You should stop being angry with God," malumanay kong sabi at pakiramdam ko'y natumbok ko kung ano ang dinadala niya noon pa.

"Siguro nga galit ako sa Diyos," tumigil siya saglit, tumingala at bumuga ng hangin bago tumingin sa'kin, "alam mo ba kung ano ang sinabi sa'kin noon ng isang pastor matapos mamatay ang anak namin ni Gil?" Hindi ako umimik. "Sabi niya kalooban daw ng Diyos ang nangyari." Bigla siyang napamura. "Hindi ko matanggap. Kung mahal Niya ako at ang anak ko, bakit Niya hinayaang mangyari 'yon?" Humakbang siya ng isa palapit. "Sabihin mo sa'kin, Theo, kung bakit. Oo, pinagaling nga ako at nabuhay pang muli pero bakit naman Siya gano'n kalupit sa anak ko?"

"I—" pero hindi niya ako hinayaang makasagot.

"At kung sasabihin mo sa'kin na magdasal lang aba—" nagmura ulit siya. "Naubos na ang panalangin ko pero hindi pa rin ako sinasagot ng Diyos kung bakit. Gano'n ba siya kalupit sa mga nagmamahal sa kanya?"

"Please, don't say that," pakiusap ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan din ako para sa Kanya. Golda's hurting, I understand that. "You have to stop running away and face it all so that you can heal."

"Put*ng*ng healing 'yan! Lubayan mo na lang ako, okay? Payapa na ang buhay ko rito sa isla at tumutulong ako sa kapwa ko, okay na ba 'yon?"

"Go back to Him, Golda. Siya lang ang tanging makakapaghilom sa puso mo," pahabol ko pero naglakad na siya at hindi na lumingon pa.

Bagsak ang balikat kong napaupo sa isang kahoy na bench 'di kalayuan. Tumingala ako sa langit na puno ng mga bituin.

"I'm sorry." Biglang pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Wala akong ibang nasambit kundi paghingi ng patawad. It felt like a failure because I wasn't able to convince her.

'It's not your fault,' a faint voice in the wind whispered.

Mayamaya'y tumayo na rin ako, sumulyap ako saglit sa orasan at nakitang mag-aalas nwebe na ng gabi. May byahe na kaya ng ganitong oras sa pier? I sighed when I lost on my mind na dapat na nga pala akong umuwi pabalik ng Maynila.

Saka ko rin naalala na naiwan ko nga pala sa loob ng restaurant 'yung maleta ko kaya babalikan ko sana nang biglang nanlamig ang buo kong katawan.

"Huwag kang gagalaw." Narinig ko ang malalim na boses sa likuran ko at naramdaman ang malamig na bagay na nakatutok sa tagiliran ko na sa palagay ko ay baril.

Sunod-sunod akong napalunok. Hold up?

I was about to take my wallet out but the man suddenly pushed down a black cloth over my head. Sunod kong namalayan ang sakit sa sikmura ko nang sumulpot ang isa pa nitong kasama sa harapan kaya napaluhod ako sa sakit.

Naramdaman ko na tinutukan ako ng baril sa gilid ng noo kaya wala akong ibang nagawa kundi sumuko. Ginapos nila ang mga kamay ko bago sunod-sunod akong nakatanggap ng tadyak at suntok.

Lord . . . help me.

*****

[Golda's POV]

KUNG hindi ko lang kasama si Molly ngayon ay baka pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ay naihagis ko na ang anumang mahawakan ng kamay ko. Imbis na magbalibag ay dumiretso ako ng kusina para tumungga ng isang bote ng tubig. Pero hindi pa rin humupa ang nararamdaman kong galit.

"Matulog ka na." Nakita ko si Molly na nakasilip sa'kin mula sa sala.

"A-are you okay?" mahina nitong tanong.

"Hindi ako okay," sagot ko naman. "May personal lang ako na problema, pasensya ka na at hindi ko rin gustong ipakitang ganito ako."

Sa huli'y kahit na dama ko na may gusto pa siyang sabihin (dahil mukhang narinig at nakita niya rin yata kanina ang sagutan namin ni Theo kanina) ay umakyat na siya sa itaas.

Umupo ako at nanginginig na nilabas ang phone ko. Himala ngang hindi ko nagawang ibato 'to matapos kong makita ang masalimuot na larawan.

Kanina, pagkatapos naming kumain ng hapunan ay tumayo ako saglit para pumunta sa office ko sa resto. Bigla akong nakatanggap ng isang email mula sa anonymous sender na may attachment ng mga larawan.

Ilang beses kong tinitigan at hindi ako niloloko ng mga mata ko dahil kitang-kita sa larawan ang asawa ko na si Gil, nasa ibang bansa siya at may kasamang ibang babae. Nasa isang café sila at kita sa mga itsura nila na parang nag-eenjoy sila sa company ng bawat isa. Stolen shots ang mga larawan pero kasing linaw ng araw ang kuha nito, iba't ibang anggulo.

Alam ko na dapat ko munang tanungin ang sarili ko kung sino ang sender nito at ano ang layunin nito. Para sirain ka, ano pa ba, Golda? Pero mas nangibabaw ang selos at galit sa puso ko.

Tuluyan na ba akong iniwan ni Gil? Talagang nagpunta na siya sa Japan at nakahanap doon ng bagong babae? Kaya ba ganoon na lang kadali sa kanya na iwanan ako?

Sinubukan kong tawagan ang number niya pero cannot be reach ito, talagang nasa ibang bansa ang animal. Nag-open ako ng Messenger para tawagan siya roon pero hindi rin nagri-ring. Tinadtad ko rin siya ng chat pero hindi siya online.

Para akong mababaliw sa kakaisip. Gusto kong magwala, magmura, umiyak, pero parang namamanhid na lang ang buo kong pagkatao. Idagdag pa 'yung sagutan namin ni Theo kanina.

Ako? Galit sa Diyos? Siguro nga. Ingrata na kung ingrata pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyari 'yon. Simula nang mawala sa'min si Joanna ay doon nagsimula ang sisihan sa'ming mag-asawa, kung sino ang nagpabaya kesyo ganito ganyan.

Parehas naming sinubsob ni Gil ang mga sarili namin sa trabaho hanggang sa unti-unti kaming nanlamig sa isa't isa. Hinayaan niya akong manatili rito sa isla nang subukan kong tumakbo bilang chairwoman ng Barangay Maligaya habang bumalik siya ng Maynila para roon magpatuloy na magturo.

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang notification phone ko at nakita roon ang panibagong email mula sa anonymous sender. Nanginginig man ang kamay ko'y pilit ko pa rin 'yong pinindot.

At sa pagkakataong 'to ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na ibato ang hawak ko. Tumama 'yon sa dingding at narinig ang lutong ng pagkakatama nito, bumagsak ang phone sa sahig na may malaking crack sa gitna at nagkandakalat ang kulay screen.

Pero hindi pa rin naitago ang larawan na muling ipinadala ng sender, larawan ulit 'yon ni Gil at ng babaeng kasama niya na papasok sila sa isang hotel .

Tuloy-tuloy ang daloy ng luha sa pisngi ko at himalang hindi pa rin ako nagwala.. Alam ko na importanteng malaman ko ang mga sagot sa kung sino, saan, paano, at bakit pero tila nasuspinde na ang rasyonal kong pag-iisip.

"Kapitana, I'm home—" boses 'yon ni Mima na agad ding natigilan nang makita akong nakatayo at nakatulala. "Hala! Anyare, Madam, are you okay? Sinong nagpaiyak sa'yo?" Hindi ako sumagot.

Nakita ni Mima ang phone ko sa sahig na dali-dali niyang pinulot. Nakita niya kung anong nasa screen at malungkot siyang tumingin sa'kin.

"I'm so sorry, Kapitana, you don't deserve this." Lumapit si Mima at niyakap ako. Kaagad din naman siyang bumitaw nang hindi pa rin ako kumibo. "Anong maitutulong ko?"

"Alak," iyon ang unang lumabas sa bibig ko. "Ibili mo ako ng alak."

"Pero Kapitana, hindi ba, bawal na 'yon sa'yo?"

"Wala na akong pakialam!" bulyaw ko sa kanya.

"W-walang nagtitinda ng alak malapit dito, p-pero sa resto mo merong stock—wait, Kapitana! Saan ka pupunta? Don't tell me—"

Wala na akong pakialam. Lulunurin ko na lang sarili ko sa serbesa. Habang palabas ay sumagi bigla sa isip ko ang mukha ni Tatang Raffy at umalingawngaw sa isip ko ang mga salita niya.

"Sa pagtanggap mo sa ating Panginoon, ikaw ay bagong nilalang na, hindi na ikaw ang dating Golda na palamura, palainom—"

Tama si Theo. Galit ako sa Diyos.

Bakit pa Niya ako binuhay kung masasaktan lang din ako ng ganito? 



-xxx-

A/N: Just a curious question to my dear readers: Why do you think God allows bad things to happen to good people?

Anyway, malapit na pong magwakas ang Where Dead Dreams Go, maraming salamat sa paghihintay! Kapit lang, guys. Thank you for reading and may the LORD bless you! :) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro