Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/13/ Stop Living for the Dead

Previously: Kaagad ding nahanap si Molly at noong madaling araw ay nakapag-usap sila ni Golda, hindi na maiwasan ng huli na ibahagi ang kanyang nakaraan at kung paano siya biniyayaan ng himala ng Maykapal. Subalit nanatili pa ring may pagdududa ang puso ni Molly na ngayon ay malalaman natin kung ano ang kanyang magiging susunod na hakbang.


We need to face the past in order to move forward.
But we need to let go in order to live forward.


Chapter 13: Stop Living for the Dead

[MOLLY'S POV]

YOU know that life's not done with you yet when you found yourself waking up the next morning, strangely—you just felt lighter even though you knew that you're not okay.

Hindi ko alam kung pampalubag loob ba ito o sadyang random lang ang mood ko. May mga bihirang pagkakataon kasi katulad nito na tila may humele sa pagtulog mo at nagising kang may kapayapaan na hindi mo alam kung saan galing.

Maybe . . . it's from God?

I don't know. I don't want to assume. Maybe it's a science thing, because of the medicines I've been taking? Baka kaya napasarap ang tulog ko.

Pero kung napasarap 'yung tulog ko, bakit nagising pa rin ako ng maaga kahit na mag-aalas kwatro na kong bumalik kanina sa kwarto ko? Bakit kahit halos dalawang oras lang ang muli kong tinulog ay parang napuno ulit ng enerhiya ang katawan ko? Where's this coming from?

Ayoko na lang mag-overthink pa. Siguro magpapasalamat na lang ako na may lakas pa pala ako para magising at bumangon—kahit na hindi ko na alam minsan kung para saan at para kanino ako bumabangon.

Kusang gumalaw ang katawan ko at natagpuan ko na lang 'yung sarili ko na bumaba pero wala akong nadatnan na tao. Wala sina Golda at Mima, at wala rin si Blake sa labas. Pag tingin ko sa dining table sa kusina ay nakita ko roon ang isang plato ng pritong itlog at bacon, mayroon ding isang bowl ng sinangag.

Pagkalapit ko roon ay saka ko nakita ang note mula kay Mima. Sis Molly girl! Kain ka na! Nauna na kami ni Kapitana sa barangay. Good morning! <3

I gratefully dig in. Sa pagitan ng pagkain ko'y humihinto ako't tumatanaw sa bintana para huminga nang malalim. At least, I'm here with good people. Good people? Ulit ko sa isip ko dahil naalala ko 'yung mga pinag-usapan namin ni Golda kaninang madaling araw. Hindi nga pala panaginip 'yon at totoo ang mga narinig ko sa kanya, she experienced a miracle in this island . . . perhaps . . .

Hindi ko maiwasang umasa na baka sakaling matagpuan ko rin ang akin.

Kahit na hindi ko alam kung paano.

Minsan maraming nangyayari sa buhay natin na sa sobrang komplikado ay humihiling na lang tayo ng himala. Kailangan ko nga ba ng himala? Kung ikukumpara sa iba ang problema ko, kung tutuusin ay parang napakaliit at mababaw lang ang pinagdadaanan ko kaysa sa iba na may malubhang karamdaman, baon sa utang, mga ulilang lubos, mga biktima ng karahasan, at marami pang iba.

I guess I'm being self-centered when I'm acting like as if it's already end of the world because of my problem. Wala lang sumipot sa seminar na inarrange para sa akin, at naranasan ko lang naman mapagbintangang plagiarist at halos mawalan ng career. No big deal. I wonder kung mahalaga ba sa Diyos ang mga problema kong 'yan.

But then suddenly . . . I heard that Pastor's voice in my head.

"God doesn't require us to be religious, all He wanted is a personal relationship."

"He cares for you, Molly. More than you can imagine."

God cares for me? I don't know why it felt like it's hard for me to accept. Sino ba ako para unahin niya sa dami ng mabibigat na problema sa mundo?

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Naligo rin ako pagkatapos at nag-ayos. Then I just found myself staring at nothing. What should I do next? Bakit nga ba ulit ako nandito? Ah, right. I'm here because of my main agenda, to write a book based on Cole's final clues.

Kinuha ko 'yung phone ko na full charged na, pagkabukas ko'y tumambad ang isang message na nagpalukso ng bahagya sa puso ko. It's a message from Garnet.

Garnet: Hey... I heard what happened. I'm worried. How are you?

He's worried for me?

Siguro nabalitaan niya rin na hinanap ako ng buong barangay dahil sa bigla kong pagkawala. 'Di ko tuloy mapigilang isubsob 'yung mukha ko sa unan dahil bigla akong nahiya. Maliit nga lang pala ang islang 'to at kumalat agad ang balita. Nakakahiya.

Muli kong tiningnan 'yung phone ko at huminga nang malalim. What should I reply?

Magta-type palang sana ako nang ire-reply kay Garnet nang biglang rumehistro sa screen ng phone ko ang pangalan ng editor ko. Miss Zoe is calling...

Sa taranta ko'y wala sa loob na napindot ko ang answer button. Ugh, kahit na phone call pa naman ang isa sa kahinaan ko.

"H-hello—"

"Thank goodness you're still alive," halatang sarcastic ang boses ni Miss Zoe sa kabilang linya. "What's up, Molly? Care to update me about your book?"

Napalunok ako bigla. Parang may nakarinig talaga ng iniisip ko kanina at kaagad pinaalala sa'kin ang numero unong dahilan kung bakit nga ba ako nandito ngayon. Because I need to write a damn book that will revive my dying writing career, and Cole helped me that through his clues (na unfortunately ay isa pa lang ang meron ako).

"Earth to Molly? Are you still there?" bigla akong natauhan nang marinig ko ulit ang iritadong boses ni Miss Zoe. Hindi ko namalayan na natulala lang pala ako sa kawalan. "It's not going well, isn't it?"

Kahit hindi naman niya ako nakikita ay tumango ako. "I-I'm sorry, a lot of things are happening..."

"You're not backing out, right? Isipin mo ang magiging hassle ng pagteterminate ng contract na pinirmahan mo. At isa pa, remember this is your perfect chance for a come-back. Don't waste it, Molly, don't waste the fact that I still believe in your capability as a writer."

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng dalawang sulok ng mga mata ko. The way she said that, I don't know if she's threatening me or encouraging me, parehas siguro. Tama naman siya, kulang na nga lang ay sabihin niya sa'kin na kung tutuusin ay dapat magpasalamat ako dahil may nagtitiwala pa rin sa kakayahan ko.

"I won't fail you, Miss Zoe. I can do this," I said in a firm voice.

"That's good to hear. And last, I just want you to know that we should publish it as soon as possible, sabi nga nila strike while the iron is still hot." Napakunot ako nang marinig 'yon.

"Y-you mean the issue's still out there?"

"Oh, don't worry about it, they're not talking about you but within the time frame kaya pa ring humabol ng pagbabalik mo. People love dramas, don't they?" Hindi na ako nakakibo pa. "Oh siya, tumawag lang ako to make sure that you're on the track. Don't forget to update me." And then she hung up.

Muling tumambad sa screen ko 'yung message ni Garnet. I took a deep breath first. I don't know what's gotten in me when I decided to reply. Can we meet today?


*****


I never knew na meron din palang coffee shop dito sa Damgo, sa town proper ako nagpahatid sa tricycle driver at naglakad lang ng kaunti papasok ng eskinita kung saan ay may nakatagong maliit na kapehan. There I found him already waiting for me. May isang matandang customer lang sa gilid na nagbabasa ng diyaryo, at may isang tao sa may cashier area.

"Molly." Tumayo si Garnet para salubungin ako. I awkwardly accepted his hug before we sat down. "Thank goodness at walang nangyari sa'yo, nabalitaan ko kasi na bigla ka raw nawala dahil—"

"Walang pumunta sa seminar," pagtutuloy ko sa kung anumang sasabihin niya.

Garnet sighed. "I understand why you're upset, but you shouldn't have disappeared like that."

I know what he's trying to point out. "I know, I'm stupid that I did that," sabi ko na lang sabay yuko.

Muli siyang napabuntong-hininga. "Let's order first, nag-agahan ka na ba—" akma siyang tatayo nang magsalita ako.

"I actually came here not because of that event," I just blurted it out. Right now, all I wanted is someone that will listen and understand.

"What?" dahan-dahang napaupo si Garnet. Sinalubong ko nang direkta ang tingin niya.

"I came here because of Cole."

Pagkabanggit ko ng pangalang 'yon ay naramdaman ko na kaagad ang pag-iba ng ihip ng hangin sa pagitan namin.

"Because of... Cole?" dahan-dahang ulit ni Garnet. "Why?"

Then I tried to explain briefly to him what I found, the crystal, the SD card, the video clip, the book offer, and the coincident invitation of Golda in this island. Pero pagkatapos kong ikwento ang lahat ng 'yon ay hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

"G-Garnet—"

"Molly, you came all the way here because of that?"

Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay, hindi ko gusto 'yung tono ng pananalita niya. "What do you mean? It's real, Garnet, may SD card at video akong nakuha mula sa crystal stone na binigay sa'tin ni Cole. I even asked Alexa and Jasper to find their crystals para makita ko rin kung ano pa 'yung mga iniwan ni Cole."

"He's dead, Molly," even though he said it in a calm and stoic way, mas lalong nagpuyos ang kalooban ko.

"Alam ko, Garnet, hindi ako tanga. But can't you see the point? Kahit na patay na siya, nag-iiwan pa rin siya ng mga clues para—"

"He's fucking dead already!" nabigla ako sa pagtaas niya ng boses at sa pagmumura niya. Halos mapanganga na lang ako at marahang napailing. Nagkamali ako sa pagbabaka sakaling pakikinggan niya ako.

Dali-dali akong tumayo at umalis. Pero paglabas ko'y hinabol niya pa rin ako.

"Molly, wait—" hinigit niya 'yung braso ko pero kaagad ko 'yong pinalis.

"I get it, Garnet, you're still not over it, pagdating kay Cole ay nagseselos ka pa rin kahit patay na siya!" hindi ko na mapigilang sabihin 'yon sa kanya.

He bit his lip and brushed his hair as his face grew exasperated.

"It's not about that, Molly. The thing is, you should stop living for the dead," sabi niya na kinatigil ko. Me? Living for the dead?

I almost raised both of my hands to give up. Oo na, maaaring tama siya, I am living for the dead. "Sorry ha, wala kasi akong ibang coping mechanism kundi maghold on sa nakaraan. Kasalanan ko ba kung may makita akong clue na hindi ko sukat akalaing makikita ko? Sorry ha, kung sinusubukan ko pa ring maniwala na lahat ng bagay ay may dahilan at sinundan ko lang naman 'yon para maka-survive ako sa pinagdadaanan ko." Saka ko napagtanto na basa na pala 'yung pisngi ko na kaagad ko ring pinunasan.

Hindi kaagad nakakibo si Garnet. Ilang segundo lang kaming nagtitigan hanggang sa ako na ang unang umiwas ng tingin.

"I'll admit, it gets on my nerve sa narinig kong may pakulo na naman si Cole kahit na patay na siya. I just found it frustrating kasi hindi ba't alam na niya noon na mawawala siya pero nag-iiwan pa rin siya ng bakas niya for what? Para guluhin tayo sa hinaharap? Dahil baa yaw niyang magmove on tayo? I'm just frustrated and can't fucking believe that he'll do that."

Napaisip ako bigla sa sinabi niyang 'yon. Napansin ni Garnet ang ekspresyon ng mukha ko.

"See? Hindi mo ba naisip 'yon, Molly? Why would Cole do that? Gano'n ba siya ka-selfish para hindi tayo patahimikin? Gano'n ba siya ka-attention seeker na 'yung tipong hanggang kabilang buhay gusto niya sa kanya pa rin iikot ang mundo natin?"

"Stop it, please."

"Naiintindihan mo ba 'yung point ko? Kung bakit ako napu-frustrate ng ganito? And then what about you? Don't you think it's unfair for him too? Na gagamitin mo na naman siya para sa sarili mong career?"

"Stop it! How dare you!" Hindi ko matanggap 'yung huli niyang sinabi. "Gano'n ba ang tingin mo sa'kin all this time? Na kaya nag-boom ang writing career ko dahil ginamit ko siya? Ha? Garnet?"

"Bakit? Hindi ba totoo?" I can't believe he's finally telling me this, ito ba lahat ng kinikimkim niyang hinanakit sa'kin noon? "Hindi mo man lang ba kinonsidera ang nararamdanan ko noon? Na habang ako ang nasa tabi mo, na sa bawat interview mo ay wala kang ibang bukambibig kundi siya 'yung inspirasyon mo na tuparin 'yung mga pangarap mo? Na maging sikat na manunulat?"

"He also helped you to realize your dream! Nakalimutan mo na ba 'yon? Kung hindi dahil sa kanya hindi tayo makakawala noon sa mga kadena natin!"

"Oo! Surely, he helped us greatly back then!" pinilit niyang pakalmahin ang sarili bago ulit ako harapin. "But. . . You . . . you just made me feel that I'll never be able to fill what he left behind."

"I-I don't—"

"You love him up to this time, Molly, and . . . that still hurts." He's . . . crying too? Then he suddenly bitterly smiled at me. "You fell first but I fell harder."

"G-Garnet . . ."

"I've been trying to move on pero noong nakita ulit kita rito . . . I was also hoping that maybe it's a sign . . . pero si Cole pa rin talaga ang nasa puso mo. Forgive me for telling this but I wished we just remained friends as we were."

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil para akong tinaga sa huli niyang sinabi. When he realized what he just said, he walked away without looking back.

How stupid of you to believe that he'll just accept and understand, Molly. Sinaktan mo na naman siya dahil sa pagiging selfish mo. I hate myself.

Mga ilang minuto rin akong nakatayo na parang tuod bago kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kung saan. I was aimlessly walking when I didn't realize that there was a motorcycle approaching, bumusina ito ng sunod-sunod pero nanatili akong tulala. Hanggang sa may humila sa braso ko at hinigit ako sa gilid ng kalsada.

"Are you trying to kill yourself, lady?" it was a familiar scent and voice. "Don't tell me magtatangka ka na namang mawala?"

When I looked up to the tall figure, I saw Blake's annoyed face. Bigla ring nagbago ang ekspresyon niya nang mapagtantong namumula ang mga mata ko.

"Molly? What happened?"

When he gripped my hand, I suddenly came back to my senses. Crying won't do any good.

Nandito na ako, wala na akong magagawa pa. So, what Maybe Garnet's right, I'm living for the dead—well, at least I'm still living for a reason rather than none. I have to finish what I started, and maybe after this . . . after this I can finally move forward and accept the reality.

Masakit mang tanggapin pero partially totoo ang sinabi ni Garnet, maybe he's right that I'm using our dead friend for my own gain in disguise of spreading the light he gave to the five of us. Jasper and Alexa were already living their own lives, and here I am, stuck in the past. Napagtanto ko na hindi pala talaga magandang tingnan.

I hate to admit it but may sense din naman ang mga sinabi ni Garnet. Umasa lang ako na baka tulungan niya ako sa paghahanap sa mga kasagutang hinahanap ko. But sometimes it's part of growing up, that once you were with the people you feel you could conquer anything together, and then you'll just find that time will separate you apart to live your own destinies.

Maybe getting stuck in the past is my destiny? Maybe this feeling I'm having is all part of a greater plan that I and other people won't understand yet.

Cole, if you truly mean anything that this island where dead dreams go . . . Does it mean na nandito ako dahil . . . patay na talaga ang mga pangarap ko? Iyan ba ang gusto mong iparating all this time?

"Molly?" I heard Blake's voice again.

"D-don't worry about me—" pinunasan ko 'yung mukha ko at akmang aalis na sana ako nang may humarang sa akin na babae—a teenager with a long black hair, wearing a pink blouse and long skirt.

"Hala! Totoo nga! Nandito ka sa Damgo!" anito sa matinis na boses. "I'm a fan, Miss Molly! Hindi ako nakapunta sa seminar mo kasi hindi ako pinayagan ng nanay ko po! Pwede po bang magpa-picture?"

Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi makapaniwala. I looked at Blake and he gestured his hand.

When the girl was about to move closer, I saw someone far behind her. It was the teenage boy who's wearing the familiar shirt, abala ito sa pagkuha ng mga larawan like the night we saw him.

"Huh?" The girl noticed my hand pointing at the boy, kusa na lang gumalaw 'yung kamay ko. "Kilala n'yo po si Carlos?"

"Carlos?"

"Kapatid ko po siya."

"K-kailangan ko siyang makausap." 



-xxx-


A/N: Thank you so much for waiting and reading! God bless you! See you next chapter! :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro