/1/ The Writer, the Teacher, and the Survivor
The stars in the night that we see
are like looking at the past
which will never be undone
and already dead,
but keep looking for a life.
There's a star that never dies.
Chapter 1:
The Writer, the Teacher, and the Survivor
Molly's P.O.V.
If I were to write a scene for a chapter's opening, I think it would be very cliche to begin it in a cemetery, visiting a dead loved one. A gloomy and boring beginning for a writer's own story.
That's exactly where I am right now. Sa isang pamilyar na lugar kung saan ay minsang umalingawngaw ang isang tugtog na hindi mo aakalaing pwede pala, isang kaindak-indak na musika na hiniling niya sa amin bago siya mawala.
"Hi, Cole," bati ko sa kanya matapos kong maitulos ang sinindihan kong kandila.
Umupo ako sa damuhan habang nakaharap pa rin sa kanyang puntod na kumupas matapos ang limang taon.
I smiled even though it was hard. Besides, not all smiles mean happiness, not all smiles are real.
I had to smile for him because I don't want to let him down.
Noong nabubuhay pa siya, palagi niya akong binubulabog sa tuwing makikita niyang may bahid ng kalungkutan ang mukha ko. He immediately can tell whether I'm worried about the past and the future and I always wonder how.
Well, that's the one and only Chrysocolla Manzano. The most eccentric guy I knew, and the only person who taught me to have the courage to pursue my dreams.
I felt my lips smiling widely as I remembered all those memories with him. Kahit na tila ang lakas maka-traydor ng oras dahil sa isang iglap lang ay hindi mo aakalaing isa, dalawa—hanggang sa maging limang taon na pala ang lumipas.
At sa pagitan ng mga panahong nawala siya hanggang sa kasalukuyan, naroon akong mag-isa na lumaban para sa mga pangarap ko. I fought for my dreams, it was worth it most of the time, but lately...
I heaved a deep sigh before closing my eyes. Sa isip ko'y sinibukan kong iimahe na nakaupo rin siya sa damuhan kaharap ko. Malinaw na malinaw ko pa rin siyang nakikita mula sa mga alaala ko. He's still the same, his mossy and messy hair, the rock star clothing, the familiar masculine scent, and his beaming smile.
In my mind, I tried to imagine him speaking with me, like the usual old friends catching up after so many forgettable years.
"Hi, Molly girl," his greeting was happy yet tender.
"Hi, weirdo." He grinned the way he used to.
"Kamusta ka na? Bakit ang tagal mo nang hindi dumadalaw? Nilulumot na 'yung puntod ko rito, oh." I imagined him saying that in a playful manner. Cole being Cole.
"Sorry, I've been very busy. Are you mad?"
"Nah, you know I'm just playing around. It's pretty awesome to be dead, you know. We got zero problems and no responsibilities like forever!" Natawa kami parehas. Pagkaraa'y tumigil siya at sumeryoso. "I'm very proud of you, Molly."
Isang matipid lang na ngiti ang sinagot ko. Surely, Cole would say that to me. He will be the proudest, more than my family.
"Six books. Wow. You wrote best-sellers. You're also very famous today," he said with a big admiration on his face.
"I did it for you, Cole." He stared at me for seconds.
"I know, Molly."
"I promised in your grave that I will reach my dream, I will reach the highest achievement—"
"Then, why are you still sad?"
Natigilan ako nang itanong niya 'yon. It's weird because I'm just conjuring this conversation in my head and yet I still got to be surprised when I heard that question.
"If you reached your dream, why are you still unhappy?" the imaginary Cole in my head asked again, eager to find out the answer.
Reaching dreams doesn't really mean you'll finally be happy. It's not.
Gusto kong isagot 'yon pero hindi ako sigurado. Turning dreams into reality is indeed the best moment of a person's life, pero may hangganan pala. To maintain that happiness, you have to keep reaching more and more dreams. I guess until you burned out and explode like a star.
But I'm not yet giving up. That's why I'm here. I needed his courage.
Napayuko ako dahil hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya. You're just a figment in my imagination, why are you talking to me as if you're real?
Ah, the weirdness of being a writer, I thought I already embraced this oddity aspect of being one, nasusurpresa pa rin ako sa sarili ko. A writer is weird and almost lunatic, otherwise, how could we create good stories?
"Molly?"
"Because of you—because you're not here. I missed you badly, Cole." When I uttered those words he vanished from my sight immediately.
Natigil ang pag-iimahe ko sa usapan namin sa isip ko dahil siguro... siguro hindi ko alam kung anong isasagot niya ro'n o dahil... dahil kung totoo mang nakikita ko siya sa imahinasyon ko'y hindi niya gusto ang bagay na 'yon.
That after all these years I'm still missing him. That I'm keeping this loneliness all by myself because I don't want to be a burden to them—to our friends, who already moved on with their lives.
Katulad ng nasa kanta ng isang sikat na banda, natapos na ang lahat nandito pa rin ako. I'm still here, alone in the ocean of loneliness, floating aimlessly. Missing someone you cannot talk to anymore is more painful than a thousand breakups.
Sa gitna nang pagmumuni muni sa kawalan ay biglang tumunog ang alarm ng phone ko at nakita ang isang reminder. THERAPY
I dismissed the alarm. One hour from now, may therapy session ako sa isang doktor na nahanap ko mula sa isang online website.
May kung anong kumirot sa dibdib ko dahil hindi ko magawang masabi kay Cole kung anong pinagdaraanan ko ngayon, na para bang buhay siya at mag-aalala sa kasalukuyan kong sitwasyon sa oras na malaman niya.
I'm crazy for thinking that I don't want him to be worried. He's freaking dead, Molly.
Ayoko lang ma-disappoint siya sa'kin.
Another thing is... Nakakadalawang session na ako sa therapy pero pilit kong iniiwasang banggitin si Cole sa therapist ko. I know, I know, they said you shouldn't hide anything from your therapist but...
For me, Cole is the one who motivates me to keep fighting. Kahit na wala na siya, siya pa rin ang inspirasyon ko. Dahil noon pa'y siya na ang nagturo sa akin ng mga kailangan ko.
At bukod do'n... Natatakot ako... Natatakot akong madiskubreng totoo ang hinala ko.
What if after all this time, I'm in love with him? I'm afraid to realize that when it's very late. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung gano'n.
I intend to keep him in my heart. Hanggang sa matapos ko ang problemang 'to, kasama ko si Cole sa puso ko.
My phone suddenly rings. It's my editor.
"Hello, Molly?" There's haste in her voice. "How are you?"
It feels weird to be asked how you've been when you became used to being left in a dark corner.
"Better."
"That's good to know, pwede ka bang dumaan dito sa main office?"
Walang bakas ng emosyon ang boses ni Miss Zoe kung maganda ba o pangit ang balitang naghihintay sa'kin.
That suspense moment triggered me. My heart suddenly beats faster, I try to slow down my breathing as my therapist taught me every time this anxiety attack comes. In hale in one, two, three...
"I-I'm not sure if I can today." It's a miracle that I managed to say it without stuttering.
"Okay, let me know if you're good for tomorrow." And she hung up.
I looked at his grave again. The wind suddenly gushed and felt the chilly breeze that caressed my skin, as if reminding me of the cold truth—that he's gone.
"My dream is not dead," sabi ko sabay tayo. I gave him an assuring face. "I will be back, Cole. I will prove them wrong."
*****
Theo's P.O.V.
I don't believe in a perfect life, pero sa tuwing magmumulat ako ng paningin tuwing umaga at unang tumatambad ang kanyang nahihimbing na mukha ay hindi ko maiwasang mapangiti at mapawari kung bakit naging mapalad ako na makapiling siya.
What is a perfect life? I don't believe there's one but I sometimes forget that whenever I'm truly happy and grateful for everything that is working out for the better.
It's quite ironic to think there isn't any perfect life but at the same time when you're feeling good mostly, you think what you had is already perfect. 'Yung wala ka nang mahihiling pa. I guess what we need to chase more in life is not prestige and wealth but rather contentment.
I kissed my wife's forehead before getting out of bed. I wore my workout clothes before going to my daughter's room which is adjacent to ours.
"Good morning, my sweet angel." I gently kissed her cheeks before moving carefully to avoid waking her up.
Pagkalabas ko ng silid ay dumiretso ako sa veranda. Hindi pa sumisikat ang araw, tumingala ako at itinaas ang dalawa kong kamay. I took a deep breathe before closing my eyes to sing a heartsong.
"As the deer pants for the water
So my soul longs after you
You alone are my heart's desire..."
After my daily morning prayer ritual, I went out for a jog. Running helps me to clear my mind from the mundane things of the world.
"Good morning, Pastor!" bati sa'kin ni Mang Berto na nagtitinda ng pandesal tuwing umaga.
"Good morning din ho!"
Sunod-sunod na pagbati ang natanggap ko mula sa mga taong makasalubong ko. Karamiha'y nagwawalis tuwing umaga, mga nagbubukas ng kanilang tindahan, at iba pa na lumabas para bumili ng almusal.
"Good morning, Pastor Theo!" huminto ako sa pagtakbo nang madaanan ko si Jude, member ng music ministry ng aming church.
"Kamusta ang practice kahapon?" tanong ko sa kanya. Naging estudyante ko noon si Jude noong nagtuturo pa ako sa eskwelahan na pinamamahalaan ng auntie ko. Halos kapitbahay lang pala namin siya kaya napadalas ang pag-attend noon sa mga prayer meetings namin.
"Goods naman, Pastor. Pakita ko po mamaya. Baka maraming chiks magkandarapa sa'kin," sabi niya sabay tawa. "Biro lang po. Baka magalit sa'kin." Itinuro niya 'yung taas.
Napailing ako. "Oh, siya, see you na lang mamaya."
"See you po!"
Tumakbo ako ulit hanggang sa tatlong kanto ang malagpasan ko. Huminto ako sa tapat ng isang gusaling kasalukuyan pa ring ginagawa. Napangiti ako nang pagmasdan 'yon.
Nang makita ako ng guard na nagbabantay ay hinayaan lang ako nitong pumasok sa loob. Gawa na 'yung second floor at finishing touches na lang ang kulang. May mga hindi pa tapos gawin sa second floor, medyo nabitin kasi sa budget kaya natagalan ang construction phase.
Umakyat muna ako sa stage para pagmasdan ang kabuuan nito. Mataas ang ceiling at mas malawak ang espasyo. I'm already anticipating that it will be filled with more people–more people that are willing to know more about the Lord.
Until now I couldn't believe that I did it. Nagawa ko, 'Tay. Hindi ko maiwasang maging proud sa tuwing maiisip 'yon at maalala ang aking ama. I was a philosophy professor and I only believed in philosophers that taught people how to cope with reality. But I learned that nothing's greater than the wisdom of the Almighty.
After so many trials and heartbreaks from the past, I didn't exactly know what to do in my life. I was lethargic and skeptic, not until I experienced a miracle through love. That miracle gave me a new life, a will to continue. Natuto ulit akong mangarap at natutunan ko na may mga pangarap na hindi mo makakamtam nang mag-isa, may mga pangarap na matutupad mo lang sa tulong ng iba.
This church is a dream, and the people in our community, and my wife helped me to build this place. Ano pa ba ang mahihiling ko?
Sunod akong nagtungo sa office. Naka-lock 'yon dahil nilagay ko na ro'n 'yung iba kong mga gamit, pero dala ko ang susi kaya nabuksan ko 'yon. I coughed when I entered the room, it's never been cleaned since the boxes were placed there. Dusts filled the air, I opened the window for a light.
Isang kahon ang nangibabaw sa lahat nang magkaroon ng liwanag sa silid. I immediately grabbed the box and opened it. There's a bittersweet smile on my face when I saw our photograph together. She was the reason why I was lead on this path, kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakahanap ng himala–hindi ko mababago ang buhay ko.
There's this cliche saying that sometimes we meet people not because they're meant to stay, but only to pass by and transform our lives for the better. May mga taong pinadadala ang Panginoon para tulungan tayong magbago, para tulungan tayong mapalapit sa Kanya.
"Juniper..." I even named our daughter after her.
I thought I would never be able to move on without her. They say that grief will be forever bound in our hearts when a loved one passes away, they say we'll only grow but the grief will always be there. But looking back with all those years that she's gone, I realized that Juniper's love was always meant for me to find new joy in my life.
With Juniper, the grief was momentarily and was immediately replaced by bliss. Kapag may umaalis, may dumarating. I met all those wonderful people who are all part of the church I built from scratch and what more could I ask for?
"I truly loved you, Juniper," I whispered as I caressed her photo. "I am thankful for your love."
I imagined her in my mind answering back, "I am happy that you moved on, Theo."
*****
Golda's P.O.V.
SUMASAKIT na 'yung likuran at pwet ko sa tagal kong pagkakaupo. Kulang na lang ay lumaklak ako ng efficascent oil at pumapak ng katinko para mawala 'yung sakit ng ulo ko, parang pinupukpok ng sledge hammer.
"Psst... Kapitana, kape gusto mo?" alok sa'kin ng sekretarya kong si Mima sa gilid. Pasimpleng bulong.
"Kuha mo nga 'ko," sagot ko kay bakla. Kahit tanghaling tapat, parang kailangan ko ng matapang na kape. "Next!" sigaw ko matapos magkapirmahan ng kasunduan ang dalawang magkapitbahay na kanina pa nagdadakdakan ng mga hinaing nila sa buhay.
"Salamat, Kapitana," sabi ng ale at sabay silang tumayo ng kumare niya na akala mo'y hindi nag-away. Nagtalo kasi ang dalawa dahil palagi na lang daw umeebak ang aso ng isa sa harapan ng bahay ng isa.
Sa totoo lang, wala naman akong ginawa para makapag-ayos silang dalawa. Hinayaan ko lang silang magsagutan hanggang sa silang dalawa rin ang nag-ayos ng sarili nilang problema. Parang mga ewan lang.
Dumating si Mima at inabot sa'kin ang kape, sabay pumasok naman ang bago na namang complainant.
"Yes, anong problema?" tanong ko sa mamang malaki ang tiyan, pulang-pula ang mukha nito, parang mananapak sa galit.
Padabog na umupo ang complainant. "Ipapa-barangay ko ho 'yung kapitbahay namin kasi ho, Kapitana, pinapatayan kami ng wi-fi."
Muntik ko nang mabuga 'yung iniinom kong kape sa mukha niya. Si Mima ay nagpigil ng tawa.
"P-pinapatayan ka ng wi-fi? Iyon ang reklamo mo?" ulit ko dahil baka nabaraduhan lang ng tutuli 'yung tenga ko.
"Oho, Kapitana, gagong 'yon–nanonood kami ng Netflix 'tapos biglang pinatay ng salot—"
Nag-space out saglti 'yung utak ko para i-proseso 'yung mga naririnig ko.
"Magkasama ba kayo sa bahay?" tanong ko habang tumitibok-tibok 'yung ugat sa noo ko.
"Hindi ho. Kapitbahay namin."
"Nagbabayad ka ba?"
"Hindi—"
"Put—ong masarap." Gusto kong magmura. Tumingin ako kay Mima, alam niya kung anong nasa isip ko. "Hindi ka naman pala nagbabayad ang lakas mong magreklamo, bwakang ina ka. Umuwi ka na nga sa inyo bago kita balibagin!"
Natakot naman ang lalaki kaya dali-dali rin itong umalis.
"Meron pa ba? Utang na loob siguraduhin n'yo namang pasok sa standards 'yang mga reklamo ng mga taong 'yan."
"Ay, pak, stressed na si Madam," sabi ni Mima sabay baling sa phone. "Madam, madami kang likers today. Na-post ko 'yung picture mo kanina, look." Pinakita niya sa'kin 'yung picture na may dalawang ale na nakaupo kanina habang kunwari'y nakikinig ako.
"Talagang madami kang time mag-handle ng social media page?" nakakunot kong tanong.
"Aba, Madam, famous ka kaya, hindi magiging famous ang Barangay Maligaya kung hindi dahil sa'yo."
"Pinagbigyan ko lang sila, isang term lang ako, tapos ayoko na, mga hayop kayo, 'di ko alam ganito pala ka-stressful trabaho ng kapitana," sabi ko sabay hilot sa sentido ko.
"Wow, napilitan ka pa ng alagay na 'yan? Dami mo kayang pa-program? 'Yung wala ka pang isang taon dito pero pang-sampung taon na 'yung mga ginawa mo!"
"Well!" hinawi ko 'yung buhok ko at pumalakpak naman si bakla.
"Oh, pak, ganda! Dahil sa alindog mong 'yan kaya daming dumadagsa rito sa barangay," sabi niya. "Look, Madam! Sa sobrang haba ng hair mo may petition na ang taumbayan na tumakbo kang mayor!"
Halos mapatalon ang tumbong ko sa kinauupuan ko. "Mayor?! Magtigil nga kayo, wala akong alam diyan!" 'Di ko alam kung bakit kinilabutan ako nang malaman 'yon.
Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga ginusto lahat ng 'to, itong nandito ako sa posisyon na 'to. Ni sa panaginip ay hindi ko pinangarap na maging politiko. Pero ewan ko ba at sadyang hindi mo masasabi ang kagustuhan ng Diyos kaya dinala ako rito sa barangay na 'to.
Tinalikuran ko ang buhay ng karangyaan nang bigyan pa ako ng isang pagkakataon para mabuhay pa. Nang magkaroon ng himala sa buhay ko na gumaling mula sa isang malalang karamdaman, tinanong ko 'yung sarili ko kung ano bang purpose ko? Ano nga ba ulit 'yung punyetang Ikigai ko?
Pero hindi ko nasagot sa sarili ko 'yung tanong na 'yon. Imbis na maghanap ng sagot ay kumilos ako. Ang pinakasimpleng paraan para makabawi ay tumulong ako sa iba. Kaya kung saan-saan ako napadpad para tumulong, marami akong mga nakilala at hindi maiwasan na maibahagi ko sa kanila 'yung nangyari sa'kin. Hindi dahil sa gusto kong magyabang, kundi para bigyan sila ng rason na maniwala na mayroong himala, para hindi sila sumuko sa buhay. Ang tanging hindi nila maunawaan ay kung bakit ko sinuko 'yung mga kayamanan na mayroon ako dati, at iyon ang gusto kong ipakita sa kanila sa pamamagitan nang pagtulong na walang hinihintay na kapalit.
Hanggang sa hindi ko namalayan na kumalat ang mga kwento sa kung saan-saan, at nagulat na lang ako isang araw dahil tila isinugo ako ng taumbayan na mamuno sa maliit na barangay dahil para sa kanila isa akong himala. Ang dating si Boss Golda ay si Kapitana Golda na ngayon. Bravo.
"Kapitana Golda, please pray for us—" binatukan ko si Mima nang marinig ko 'yon sa kanya. Gawin ba 'kong santo ng gaga. "Ouch! Madam! Binasa ko lang naman 'yung mga comments nila, eh! Bet ka talaga nila maging mayor!"
"Tigil-tigilan n'yo 'yang kahibangan na 'yan."
"In Kapitana Golda, we trust." Tuloy pa rin si bakla.
"Hoy, lunch na, kain na tayo," yaya ko sa kanya nang mapansing pumatak na ng alas dose ang orasan. Dali-dali naman siyang nag-ayos.
Sabay kaming bumaba ni Mima. Nasa third floor kasi 'yung opisina ko, nadaanan namin sa second floor 'yung daycare. Kasalukuyan silang nagdadasal, uwian na rin kasi, kaya napangiti ako.
Pagbaba namin sa ground floor ay naghihintay doon 'yung mga magulang ng mga estudyante. Nang makita nila ko'y kanya-kanya silang bati.
"Kapitana! Pa-picture!" sabi pa ng isa.
"Ay sige, picture-an ko kayo!" game na game naman si Mima. Hindi ko alam kung barangay captain ba ako rito o artista. Walang kupas kaya ang beauty ko.
Papalabas na kami ni Mima nang may humawak sa'kin. Isang matanda, si Aling Celeste, ang alam ko'y may apo siyang hinihintay. Bigla naman akong nanlambot.
"Kapitana, salamat sa gamot ha." Umiling ako at pinigilan siyang yakapin.
"Ginagawa ko lang ho ang trabaho ko." Paulit-ulit na nagpasalamat ang matanda, kung hindi pa nga ako hinila ni Mima ay wala akong balak gumalaw.
Paglabas namin para maghanap ng karinderya na kakainan ay saka ko lang naisipang silipin 'yung cell phone ko.
Kumabog 'yung dibdib ko nang mabasa 'yung text niya.
'Mahal, kailan ka uuwi?'
Tinitigan ko lang 'yung message mula kay Gil.
"Huy, Madam, anong bet mo, tortang talong? Or biyernes ngayon, mag-monggo na lang tayo." Hindi ko pinansin si Mima at wala sa loob na nagturo lang ako ng ulam.
Sorry, Gil, hindi pa ako makakauwi.
-xxx-
Author's Note: Thank you for reading this first chapter of Where Dead Dreams Go. I'm as excited as you kung paano tatakbo ang kwentong ito at kung paano magkakatagpo ang kanilang mga buhay. Stay tuned!
Glory to God!
#WDDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro