Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Our story will ends here, but not our life.
Our struggle is part of our journey, and everyone of us goes through it. Just keep going and don't give up.
No regrets in life. Just lessons learned. Always remember, God is with us.
I hope you enjoyed and learned something from this story. Thank you for reading!

A/N: If still curious sa antagonist na si Third try to read "Hamartia" my one shot story, Third's family background. Isa iyon sa dahilan bakit naging ganito ka-demonic ang kaniyang character. Char 😆

***

Epilogue:

"This is it."

Nakarating na ako sa sementadong tulay. Ang daming ibong nakapaligid sa akin at ang iba'y nagliliparan sa himpapawid papunta sa mga nagsasayawang puting ulap.

Napakaganda pagmasdan ng kulay asul na kalangitan at ang dilaw na sinag ng araw na nahahaluan ng kulay kahel ay sadyang napakasarap din sa mata.

Sandali akong napahinto sa paglalakad at napapikit ng mga mata. Malamig na hangin ang umihip sa aking mukha at nalanghap ko ang dala-dala nitong tatak ng karagatan at kagubatan.

"The end is near." Wala ako sa sariling napangiti at napamulat ng mga mata.

Ang mukha ni Third ang bumungad sa akin sa hindi kalayuan. Hindi matitinag ang kaniyang pagtitig sa akin.

"Third Caldwell..." I whispered. "Give me my freedom."

"Only death will set you free. You will never have peace of mind until your soul has left your body, Sweet heart," he said.

"I promise to live for him, I want to live for him, Let me go..." sambit ko.

"Then die," madiing sabi nito.

Natulala ako habang papalapit siya sa akin at nakatutok pa rin ang baril sa aking harapan.

"This time, makakapatay na ng tao ang baril na 'to." Wala akong naramdamang kahit anong takot sa kaniyang pagbabanta. Marahil handa na rin akong mawala rito sa mundong puno nang kadiliman, noon pa man ay alam ko na ang aking destinasyon.

At ito na nga ang araw na 'yon. Ang aking kamatayan.

Huminto siya sa paglalakad nang maidikit sa aking dibdib malapit sa puso ang hawak niyang baril.

"Akala ko malaya na ako sa miserable kong buhay nang magtagpo ang ating landas. Sa pang-aabuso ng aking mga kamag-anak. Sa panggagamit nila sa akin upang sila'y mabuhay. Nilinis mo nga ang marumi kong katawan ngunit pinalitan mo naman nang mas marumi ang buong pagkatao ko." Sumilay ang mapaklang ngiti sa aking mga labi. "Kulang pa ba ang sampung taong pagseserbisyo ko sa 'yo bilang sex slave at drug buddy mo? Bayad na ang lahat ng utang na loob ko sa 'yo, Third. Sobra-sobra na! Ang katawan at buhay ko mismo ang naging kabayaran sa pagligtas mo sa aking masalimuot na buhay hanggang sa mga oras na 'to."

"Pero labis akong nagpapasalamat sa 'yo. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ko matatagpuan ang totoong magpapaligaya, magliligtas at magbibigay sa akin ng walang hanggang kamatayang pagmamahal. Si Breyden ang pinaka magandang binigay mo sa akin. Salamat dahil natagpuan ko siya sa 'yo. Salamat at dinala mo ako sa lugar na 'to." Lumuha ang aking mga mata na labis kinasama ng kaniyang mukha. Nakita ko ang panggigigil sa isa niyang nakatikom na kamao at sa nangangatog na baril habang nakatutok sa akin.

"Breyden... Patay na si Breyden! Dahil sa kaniya kung bakit tayo naririto! Dahil sa pesteng sakit niya! Tinulungan ko siyang tumakas sa pamilya niya at maging malaya! Tinulungan ko kayo! At ito pa ang igaganti niyo sa akin? Mga taksil kayo! Taksil ka! Dapat sa akin ka lang! Sa akin lang Deina, at hindi sa gagong si Breyden!" nanggagalaiting sumbat nito. Inangat niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. Palinga-linga sa paligid tila'y nababalisa sa sobrang pagkainis.

"Binigay ko ang lahat-lahat para sa 'yo! Binihisan kita at pinakain. Binigyan ng magandang tirahan kung saan malayo sa mga demoniyong tao sa buhay mo! Pero bakit? Bakit Deina? Tangina mo Deina! Tangina ni Breyden! Tangina niyong lahat! Dapat lang kayong mamatay!" Itinutok niya muli ang baril sa akin na may panggigigil. Ramdam ko ang matinding galit sa kaniyang pagkatao ngunit wala akong pinaramdam sa kaniyang kahit anong emosyon. Tinitigan ko lang siya habang nagwawala sa galit.

"Palayain mo na ako, pihitin mo na ang gatilyo." sambit ko. Nangangatog ang mga labi niya nang mapatitig sa akin at nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Nagsisigaw siya malapit sa aking mukha na halos ikabingi ng aking tainga. Bigla siyang napatawa nang malakas. Nasira na ng tuluyan ang kaniyang pag-iisip. Wala ng pag-asa ang naghihintay para siya'y magbago.

"Do you love me?" nakakagulantang tanong ni Third.

Ang galit na mukha ni Third ay napalitan nang maamong mukha. Nagmamakaawa ang mga mata nito sa akin. "Answer me!" sigaw nito.

Ilang segundo akong natulala. "I love him..."

Pumatak ang luha ni Third sa isa niyang mata kasabay no'n ang isang malakas na putok ng baril. Nagliparan ang mga ibon sa paligid namin.

Napakapit ako sa braso ni Third at agad naman ako nitong sinalo kaya naman ay sabay kaming napaluhod sa lupa. Hindi naalis ang tingin namin sa isa't isa hanggang sa ako'y tuluyan nang mapahiga sa mga bisig niya. Hinawakan niya ang dibdib kong puno ng pulang likido. Sinusubukan pa nitong pigilan ang dugong lumalabas mula sa aking dibdib.

Pumatak ang mga luha niya sa kaniyang pisngi habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib habang patuloy ang paglabas ng dugo.

"You are free," Third whispered.

Tumulo ang mga luha ko habang nakahiga at nakatingin sa kalangitan. Tumahimik na ang buong paligid. Isang mapayapang katahimikan na labis kong kinatuwa. Nilalamig na ako at nagsimula nang mamanhid ang buo kong katawan.

Pilit kong ginalaw ang aking kamay nang maalala ang papel sa aking bulsa.

Deina,

It's you, my lost freedom.

Breyden,

Pumatak ang munting luha sa aking mga mata at marahan kong nilagay sa dibdib ang kapirasong papel na agad kong niyapos nang mahigpit.

Maya-maya'y isang malakas na pagputok ulit ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Winakasan ni Third ang kaniyang buhay. Kasabay nang unti-unting pagbagsak ng aking mga talukap.

Wait for me Breyden, we are finally together again.

I am excited to be with you again, babe.

Let's fly like a bird in the sea.

And let our spirits carry us.

This is my dream. Our dream.

I want to fly until I'm totally free.

That's what I want to feel everyday of my life.

And now...

I genuinely smiled.

This is my true freedom.

The End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro