Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 5

5: Feel me

Bumangon siya sa pagkakahiga saka naupo. Tulala siyang nakatingin sa kung saan. Tinitigan ko lang ang namumula niyang mga mata, ilong at labi.

Binitiwan ko ang mga payong na hawak-hawak sabay inangat ko ang mga kamay ko at dinampi sa magkabilang pisngi niya saka tiningala sa akin.

"What are you doing?" matamlay niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata.

Hinawakan ko muli ang mukha niya sabay ginawa kong suklay ang mga daliri ko sa basa niyang buhok hanggang sa batok nito. Inilapit ko ang aking sarili sa kaniya at marahan kong binaon ang mukha niya sa aking dibdib. Hindi pa ako masyadong nababasa dahil sa mga halaman ng punong nasisilungan namin ngayon.

Naramdaman ko ang malalim niyang paglanghap sa aking damit at ang mainit niyang paglabas ng hininga, napayakap na ako sa kaniyang ulo at ramdam ko na gumapang na rin ang mga palad niya sa aking likuran sabay mahigpit akong hinagkan. Binaon ko ang baba ko sa ulo niya.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago siya nagkusang humiwalay. Napabuntong-hininga pa siya bago niya ako tingalain.

"I will be your comforter," saad ko.

Namilog ang mga mata niya sa kaniyang narinig. Dinampot ko ang mga payong at inabot ang isa sa kaniya, kinuha naman niya ito. Humakbang na ako palayo sa kaniya nang hawakan niya ang aking kamay.

"Let me be your comforter, too."

Tumungo lang ako sa sinabi niya at saglit kaming nagtitigan. Tumayo na rin siya saka sumilong sa payong ko pero hindi niya pa rin binitawan ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Bumalik kami sa cabin na magkahawak ang mga kamay, napabitiw lang kami ng tiniklop ko na ang payong saka sinandal sa gilid ng pinto.

Umakyat na ako sa kuwarto nang basang-basa.

"Bakit ngayon lang kayo?" Napalingon ako sa narinig na boses.

Nakaupo si Third sa kama at seryoso ang mukha nito. Nakatitig siya sa basa kong katawan, tumutulo pa sa sahig ang tubig sa damit ko.

Tumayo si Third at humakbang palapit sa akin. Bigla akong nakaramdam nang matinding kaba, takot. Bawat hakbang niya'y pagbilis din nang tibok ng puso ko.

Napalunok ako sa aking lalamunan nang huminto siya sa aking harapan saka tinignan ako ng mabuti. Tinaas niya ang kaniyang kamay at ikinawit sa tainga ko ang pakalat-kalat na basang buhok sa aking mukha. Gumapang ang mga kamay niya sa aking mukha hanggang sa leeg.

"Third, nilalamig ako kailangan ko na magpalit ng damit," nakatungo kong sabi.

"You don't need to change, I'll make you warm," he whispered.

Hinatak niya ako papunta sa kama ko, napakapit pa ako sa gilid ng kama pero masyado siyang malakas kaya mabilis niya akong naihiga.

His eyes almost looked soulless and demonic.

Napapikit na lamang ako nang sirain niya ang suot kong damit. He's craving right now and I had nothing to do with it. Just let him feel again and again and again inside me.

Tinalikod niya ako at tinanggal ang underwear ko. Then he start to insert his manhood inside me. I barely close my eyes when I feel the pain. Napakapit ako sa sapin ng kama at madiing ginusot ito. Hindi pa kami parehong nag-iinit ni Third nang manlaki ang mga mata ko sa gulat.

Nakabagsak patagilid ang mukha ko sa kama. Bakit siya pa, pareho kaming natulala sa isa't isa, ngayon ko lang naramdaman ang matinding kahihiyan. Natakot ako sa posibleng mangyari ngayon pero hindi ako gumalaw sa aking posisyon hinayaan ko lang maging busy si Third na magparaos sa akin. Mas binaon pa ni Third ang mukha ko sa kama at mas bumilis pa ang kaniyang kilos kaya napaungol ako ng bahagya.

Hindi naalis ang mga tingin sa akin ni Breyden habang paatras siyang lumalabas sa loob ng kuwarto.

Wala na akong magawa kaya pinaubaya ko na lamang ang sarili ko kay Third hanggang sa magsawa siya.

Nagising ako nang sobrang tamlay at bagsak ang katawan. Nanghihina pa rin ako sa ginawa sa akin ni Third. Wala na siya sa kaniyang higaan, bumangon na ako at pumuntang banyo.

Binuksan ko ang gripo sa shower saka inilapit ang katawan, hinayaan mabagsakan ng maligamgam na tubig mula sa shower head. Napahilamos pa ako bago kumuha ng shampoo at ipahid sa aking buhok. Nagsabon at nagkiskis ng katawan. Kailangan kong maging malinis uli. Maging sobrang linis. Walang bakas ni Third na maiiwan sa aking katawan o sa aking pagkatao.

Bumaba na ako at wala silang lahat sa loob ng cabin. Dumiretso na ako sa kusina at nakita ko ang nakatakip na set meal sa bar counter. May note pa ito na nakasulat ang pangalan ko, "Deina".

Naubos ko ang pagkain, ramdam ko ang sobrang pagkagutom. Hinugasan ko agad ang pinagkainan ko saka ako lumabas ng cabin.

Naglakad-lakad ako sa buong paligid ng cabin pero hindi ko pa rin sila makita. Nagulat ako nang biglang takpan ang bibig ko ng kung sino man. Hinatak niya ako sa gilid ng cabin at napahawak lang ako sa mga kamay niyang nakatakip sa aking mga labi.

Binitiwan niya rin ako nang nasa likod na kami ng cabin, agad ko siyang nilingunan.

"What the fuck is that?" bungad sa akin ni Breyden.

"Tama nga ako, hindi ka niya pinsan." Nakakunot na ang noo ni Breyden pero tahimik lang akong nakatingin sa kaniya.

"Anong totoong relasyon mo kay Third? Bakit hinahayaan mo siyang lumandi kay Amary?" sunod-sunod niyang tanong.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko saka alugin. "Magsalita ka! Hindi ako papayag na lokohin niya si Amary! Anong relasyon niyong dalawa?" galit na saad nito.

Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa aking mga balikat. "Wala kaming relasyon, hindi ko siya kaano-ano," tugon ko.

Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan. "Then explain to me what did I saw last night?"

"Friends with benefits," kalmado kong sabi.

He glared at me. "Stop bullshitting and tell me the truth!" he shouted.

"That's the truth," I said, lazily.

"Your eyes speak the truth when everything else is a fucking lie." Tinitigan niya ako pero iniwasan ko lang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro