Chapter : 3
3: Punishment
Malalim ang aking iniisip habang nakain ng pizza. Pang apat na slice ko na 'to pero hindi pa rin ako nauumay. Paano ko ba mapapatunayan sa lalaking 'yon para matigil na siya sa kalokohan niya.
Habang naghuhugas ako ng plato lumapit sa akin si Breyden at sumandal sa hugasan. Napahalukipkip siya ng kamay habang pinagmamasdan ang paghuhugas ko.
"Oh, ano na naman ang trip mo?" tanong ko habang patuloy sa paghuhugas.
"Wala lang, just want to help you." Humarap siya sa hugasan at dumampot ng pamunas saka pinunasan ang mga platong hinugasan ko.
"Anyway, are you still studying?" he asked, patuloy lang siya sa pagpunas ng plato.
"No," sagot ko, binigay ko sa kaniya ang platong hinugasan.
Kinuha naman niya sa kamay ko. "Why?" he asked.
Hinugasan ko naman ngayon ang mga baso. "I can't afford college, and school makes me feel like a failure."
Kinuha niya sa akin ang nahugasan kong baso. "It's only in your head, your thoughts destroy you. When you hold a negative image of yourself, every mistake or setback can feel like proof that you will fail," paliwanag niya.
"I enjoy failing at life, things didn’t work out the way I wanted but I’m still okay." Napatitig ako sa tubig na umaagos sa gripo.
Napahinto siya sa pagpupunas at lumapit sa akin hanggang sa dumikit ang dibdib niya sa balikat ko. "You're so pathetic," he whispered, inangat niya ang kamay niya saka pinatay ang gripo.
"Then, don't talk to me." Winisik-wisik ko ang mga kamay sa taas ng lababo, sinasadya ko siyang mawisikan.
Napaatras naman siya ng bahagya at nagpunas ng pisngi gamit 'yong pamunas ng plato. "I need proof." Pinatong niya ang pamunas saka umalis sa kusina at umakyat sa second floor.
Sumilip ako sa labas at nakita kong nag-uusap sina Third at Amary, kaya agad akong tumakbo paakyat sa second floor at pumasok sa kuwarto namin ni Third.
Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang aking phone. Nag-tsek muna ako ng mga messages bago isagawa ang aking totoong pakay. After nang ilang minuto natapos na rin ako sa ginawa ko at sumilip muna ako sa bintana, nasa labas pa rin 'yong dalawa kaya nagdali-dali akong lumabas ng kuwarto at nangatok sa kabilang kuwarto.
Hindi na ako naghintay ng sagot galing sa loob pumasok na lang ako agad. Nakita kong natutulog na si Breyden sa kama.
Lumapit ako sa kama at umupo sabay kalabit sa balikat niya. "Breyden."
"Yes babe?" Dumilat ang mga mata niya at bumangon sa kama, humarap pa siya sa akin.
"You want proof 'di ba? Ito na." Inabot ko sa kaniya ang phone ko at bahagya naman siyang nagulat.
Kinuha niya sa akin ang phone at tinignan ang nasa screen. "Si Third 'to a, at ikaw? Cute ka pa rito, anong nangyari sa 'yo ngayon?" he teased. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Naniniwala ka na ba?" tanong ko.
Binalik niya sa akin ang phone ko. "Medyo, pero dahil marunong naman ako tumupad sa usapan, hindi na kita kakausapin gaya ng sabi mo."
"Good," nakangiti kong sabi, tumayo na ako at lumabas ng kuwarto niya.
Pumasok ako sa kuwarto namin ni Third at binalik ko ang phone sa bag saka tinago sa aparador.
Lumabas ako muli ng kuwarto saka bumaba. Isang matinding kaba ang bumalot sa akin nang makita ko sina Breyden at Third na nag-uusap sa sala, bahagya pang napatingin sa akin si Third.
"Deina." Babalik na sana ako sa taas nang tawagin ako ni Third.
Nakita ko na naman ang nakakatakot niyang mukha. "Come here." Sumisenyas pa ang kamay niya para ako'y lumapit.
Lumapit ako at tumungo. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "You failed to obey the rules," ani Third.
Tinignan ko si Breyden, sumilip ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"G-Ginawa ko lang 'yon kasi---"
"Take off your shirt and pants," seryosong sabi ni Third na kinagulat naming lahat.
Namilog ang mga mata ko at napauwang ang aking mga labi sa inutos niya. Nakatulala lang ako sa kaniyang harapan.
"Are you serious?" nalilitong tanong ni Amary.
"Third..." I whispered, while staring at him.
"Do it," mariing tugon ni Third.
Hinawakan ni Breyden ang balikat ni Third. "Dude, iba na lang ipagawa mo sa kaniya, just let her do the laundry for one week." Bahagya pa siyang natawa sa ideya niya.
"If the punishment is so simple as that, then it is easy to disobey the rules," sumbat ni Third at hindi pa rin naalis ang seryoso niyang tingin sa akin.
Malalim ang pinakawalan kong hininga bago ko hawakan ang laylayan ng damit ko at madiing ginusot ito bago ko tuluyang hubarin sa kanilang harapan.
Tulala silang pinagmamasdan ako at nilaglag ko sa sahig ang damit ko saka ko naman hinawakan ang butones ng pantalon ko at in-unbutton ito. Pagkatapos, ang zipper naman ng pantalon ko ang in-unzip ko.
Binaba ko na ang pants ko sabay tinanggal sa pagkakasuot hanggang sa paahan ko. Tinaas ko pa ang pants ko at hinarap kay Third sabay bitiw.
"Happy?" seryoso kong saad kay Third.
Tahimik silang lahat habang nakatingin sa akin. Underwear na lamang ang nagtatakip sa maseselang bahagi ng katawan ko.
"Mag-suot ka na," tipid na tugon ni Third. Umalis si Third sa aking harapan at umakyat na sa second floor.
Nang matapos kong masuot ang damit ay agad akong lumabas ng cabin at naglakad nang mabilis palayo sa cabin. Ramdam ko ang pagkainis at pagkainsultong ginawa nila sa akin.
Kinuyom ko ang mga kamao ko sa inis. Naglalakad ako sa kakahuyan na hindi alam kung saan ako patungo, madilim na at tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbi kong ilaw. Puno nang pagkainis ang nasa utak ko ngayon walang mapaglugaran ang iba pang bagay.
Napa-suntok ako nang malakas sa puno na kinamanhid agad ng kamay ko. May tumulong pulang likido galing sa mga kamay ko pero wala pa rin akong naramdamang hapdi, napahawak ako sa puno habang nakatungo.
"Deina!" Bigla akong hinawakan sa balikat. Nakita ko ang mukha niyang bahagyang nagulat at agad niya kinuha ang nagdurugo kong kamao.
Mabilis niyang pinulupot sa kaniyang laylayan ng damit. Patuloy pa rin ang pagdurugo kaya tinanggal na niya ang damit niya saka binalot ang mga kamay ko.
"Puwede ba huwag kang magpanggap na santo!" Inagaw ko ang kamay ko sa kaniya na nakabalot sa damit niya.
"Hindi ko naman alam na gano'n pala 'yong parusang ipapagawa sa 'yo, seryoso, maniwala ka!" paliwanag ni Breyden.
Tinignan ko siya ng masakit. "I'm sorry, what language are you speaking? It sounds like bullshit!" Tinulak ko ang dibdib niya at muling naglakad palayo sa kaniya.
Hinabol niya ako at humarang sa daanan ko. "Please, listen to me---"
"Pinahamak mo na 'ko, tapos na! The damage has been done! Just row your boat gently the fuck away from me!" bulyaw ko.
Dumaan ako sa harapan niya at sinagi ang kaniyang balikat kaya napatagilid ito ng bahagya. Kasabay no'n ang pagtapon ko ng damit niya sa kaniyang harapan nasalo naman agad ng mga kamay niya.
Napalunok ako sa aking lalamunan. Don't cry, Deina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro