Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 25

25: Dying Souls

"Deina! Wake up!" Nagising ako sa pagyugyog ni Breyden sa aking balikat.

"Umalis si Amary! Wala na mga damit niya, pati na rin ang kotse ko." Hindi maikukubli ang takot sa kaniyang boses. "Samahan mo akong hanapin siya, please Deina!"

Antok na antok man ako pinilit ko na lang ibangon ang aking sarili sa kama. "Umuwi na sa inyo si Amary, nagpaalam siya sa 'kin kagabi. 'Wag ka na mag-alala," mahinang sambit ko.

Pinaupo ko siya sa kama saka ako yumakap nang mahigpit sa kaniya at sabay pinatong ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"She loves you very much," bulong ko.

Patay na si Amary.

Patay na ang kapatid mo. Gustuhin ko mang sabihin sa 'yo ngunit hindi maaari dahil sa kondisyon mo. Lalo ka lang manghihina at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon, pero wala ka ng dapat pang alalahanin dahil malaya na siya at malayo na sa kapahamakan. Sila ng anak niya'y na sa langit na ngayon at ginagabayan ka.

"She did not even say goodbye to me, I'm still worried about her." Nanlamig at nanlambot ako sa mga sinabi ni Breyden. Pasok sa tainga, labas sa kabilang tainga na lang ang aking ginawa at hindi na umimik pa.

"Let's eat na, gutom na 'ko," pag-iiba ko ng usapan. Tumayo ako at nagtungo saglit sa banyo, konting mumog at hilamos lang ay lumabas na rin ako at sabay na kaming bumaba papuntang kusina.

Habang nakain kaming dalawa sa bar counter hindi ko mapigilang matulala sa harapan ng pagkain. Parang nakikita ko pa rin si Amary na masayang nagluluto rito sa kusina. Minumulto na ba ako ng aking konsensya?

Bumalik lang ako sa aking sarili nang maramdaman ang haplos ng mga kamay sa aking buhok. Sinusuklay pala ni Breyden ang aking buhok.

"Mag-suklay ka naman Deina para kang hindi babae." Saglit pa itong natawa sa kaniyang sinabi.

"Tinatamad ako," matamlay kong sagot sa kaniya.

"Pagsusuklay lang ng buhok kinatatamaran mo pa?" Lalo itong natawa kaya napaismid na lang ako sa tanong niya.

"Nasaan si Amary?" Rinig ko mula sa likod ang seryosong boses ni Third. "Saan siya nagpunta?"

Tumayo ako at humarap sa kaniya. "Umuwi na," sagot ni Breyden. Naunahan niya ako magsalita.

"At bakit? Hindi man lang siya nagsabi sa 'kin," dismayadong sabi ni Third. "Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos." Seryoso pa rin ang mukha nito pero may bahid na ng pag-aalala sa tono ng kaniyang pananalita.

"Hayaan muna natin siyang makapag-isip, hindi makakabuti para sa pagdadalang-tao niya kung ma-iistress siya," nag-aalalang sambit din ni Breyden.

"Pananagutan ko siya."

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa mga salitang lumabas sa mga labi ni Third. Totoo ba 'to? O, isa na naman sa mga pakulo ni Third?

"Bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan huli na ang lahat!" Nagulat ako sa aking mga binitawang salita. Bigla akong naguluhan sa aking sarili, hindi ko na mababawi kung ano ang aking sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ni Third sa akin. Napatingin ako sa dalawang lalaki at nakaukit sa mga mukha nila ang labis na pagtataka sa aking tinuran.

"Umuwi na nga 'di ba? Huwag niyo na hanapin ang wala," madiing sabi ko. Lumakad ako palabas ng cabin at nilakihan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa patungo sa ilog.

Napaupo ako sa tumbang puno at tumingin sa ilog, pumikit at pinakiramdaman ang hanging bumabalot sa aking buong katawan.

"May God have mercy upon my soul."

Ang boses at salitang paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit kailangan kong magdusa sa pagkamatay ni Amary na hindi naman ako ang may kagagawan. Tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nag-blanko na ng tuluyan ang aking isip. Gulong-gulo na ako. Pakiramdam ko'y mababaliw na rin ako. Tuliro akong napatitig sa tubig ng ilog.

Kukunin ko ang katawan ni Amary. Ibabalik ko siya sa cabin. Kailangan silang mabigyan nang maayos na libingan ng kaniyang anak. Gano'n na nga Deina, tama ang naiisip mo para sa gano'y patahimikin na ako ni Amary.

Hinakbang ko ang aking mga paa sa malamig na tubig at patingin-tingin sa ilalim nito. Palayo na ng palayo at palalim na ng palalim ang tubig na aking tinatapakan hanggang sa lumutang na ang aking mga paa sa tubig habang hinahanap ang pinaanod ko na katawan ni Amary. Sumisid na ako sa ilalim ng ilog nang wala pa ring makitang bangkay.

Nasaan ka na Amary! Magpakita ka!

Nagulat ako nang biglang may humatak sa aking baywang pataas. Nagpumiglas ako ngunit hindi ako nito binitawan hanggang sa makaahon kami. Puwersahan ko siyang tinulak palayo sa akin at nagpalutang-lutang kami sa gitna ng ilog.

Lumangoy ako palayo sa kaniya ngunit hinabol ako nito at hinatak ang aking buhok palapit sa kaniya sabay hawak sa aking ulo at ilublob ito sa ilalim ng tubig. Inangat ko ang aking mga kamay upang tanggalin ang mabigat na nakapatong sa aking ulo pero lalo lang nitong diniin ang pagkakahawak sa aking buhok at mas binaon pa ang aking ulo sa ilalim ng tubig. Hindi ko na magawang manlaban pa dahil lalo lang akong nanghihina.

Wala na akong sapat na hangin. Pakiramdam ko'y malalagutan na ako ng hininga. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at hindi na pumalag pa. Binitiwan niya na ako at ramdam ko ang paglubog ng aking katawan sa ilalim ng ilog.

"Deina!"

"Breyden..."

"Deina! Nasaan ka?"

Pinilit kong igalaw ang aking mga kamay at paa. Kailangan kong makaahon, hindi pa ako puwedeng mamatay.

"Hintayin mo 'ko, Breyden. Pabalik na 'ko."

Nang matanaw ko na ang liwanag ay agad kong tinaas ang aking isang kamay hanggang sa tuluyan na akong makaahon at nakahinga ng maluwag.

Lumangoy ako pabalik sa gubat kahit kapos pa ako sa paghinga at hindi ako tumigil hanggang sa marating ko ito. Gumapang ako pahiga sa damuhan at tuluyan nang natumba sa pagod.

Paunti-unti nang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong manghina at mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro